The Despicable Guy Book 2

By shirlengtearjerky

11M 110K 18.7K

Published under Pop Fiction (2014) More

Author's Note
Special Chapter // 1
Special Chapter // 2
Special Chapter // 3
Special Chapter // 4
Special Chapter // 5
Special Chapter // 5.5
TDG Special Chapter // 6
Special Chapter #7
TDG Side Story: Atom & Mara
The Despicable Guy Book 2
TDG Book 2 - Chapter 1
TDG Book 2 - Chapter 2
TDG Book 2 - Chapter 3
TDG Book 2 - Chapter 4
TDG Book 2 - Chapter 5
TDG Book 2 - Chapter 6
TDG Book 2 - Chapter 7
TDG Book 2 - Chapter 8
TDG Book 2 - Chapter 9
TDG Book 2 - Chapter 10
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 12
TDG Book 2 - Chapter 13
TDG Book 2 - Chapter 14
TDG Book 2 - Chapter 15
TDG Book 2 - Chapter 16
TDG Book 2 - Chapter 17
TDG Book 2 - Chapter 18
TDG Book 2 - Chapter 19
TDG Book 2 - Chapter 20
TDG Book 2 - Chapter 21
TDG Book 2 - Chapter 22
TDB Book 2 - Chapter 23
TDG Book 2 - Chapter 24
TDG Book 2 - Chapter 25 <3
TDG Book 2 - Chapter 26
TDG Book 2 - Chapter 27
TDG Book 2 - Chapter 28
TDG Book 2 - Chapter 29
TDG Book 2 - Chapter 30
TDG Book 2 - Chapter 31
TDG Book 2 - Chapter 32
TDG Book 2 - Chapter 33
TDG Book 2 - Chapter 34
TDG Book 2 - Chapter 35
TDG Book 2 - Chapter 36
TDG Book 2 - Chapter 37
TDG BOOK 2 VALENTINES SPECIAL! ♥
TDG Book 2 - Chapter 38
TDG Book 2 - Chapter 39
TDG Book 2 - Chapter 40
TDG Book 2 - Chapter 41
TDG Book 2 - Chapter 42
TDG Book 2 - Chapter 43
TDG Book 2 - Chapter 44
TDG Book 2 - Chapter 45
TDG Book 2 - Chapter 46
TDG Book 2 - Chapter 47
TDG Book 2 - Chapter 48
TDG Book 2 - Chapter 49
TDG Book 2 - Chapter 50
TDG Book 2 - Chapter 51
TDG Book 2 - Chapter 52
TDG Book 2 - Chapter 53
TDG Book 2 - Chapter 54
TDG Book 2 - Chapter 55
[EXTRA CHAPTER] The Secret Society Interview!
TDG Book 2 - Chapter 56
TDG Book 2 - Chapter 57
TDG Book 2 - Chapter 58 [Wedding Part 1]
TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]
TDG Book 2 - Chapter 60
Author's Note | Announcements
ALWAYS AND FOREVER
ANNOUNCEMENT! ;D
After Afterall

Epilogue

150K 1.9K 233
By shirlengtearjerky

EPILOGUE

Paano mo ba malalaman kung ang taong kasama mo ay panghabang buhay na?

Ikaw ba yung tipo na susubukan sa trial and error?

O nakadepende ka sa signs?

O di naman kaya.. alam nyo yun.. it just hit you. Biglaan ba.

Iba't iba tayo ng paraan o diskarte para malaman kung sila na ba talaga ang THE ONE.

Sila kaya, anong isasagot nila?

--------------

ONE YEAR LATER

KEVIN'S POV

Sabi nila may mga panaginip daw na nakakalimutan natin. Siguro nagkaron na kayo ng panaginip na ganito, yung detailed masyado tapos habang tulog kayo sinasabi nyo sa sarili nyo na "Ay ikukwento ko 'to pagkagising ko! Para di ko makalimutan!"

Kaso minsan badtrip, nakakalimutan naman natin pagkagising natin. Snippets na lang ang naaalala natin.

Pero may mga panaginip naman na kahit anong tagal na, tandang-tanda mo pa rin yung panaginip mo.

As if it really happened.

Natatandaan nyo pa ba yung panaginip ko nung college? Yung inakala ni Keith na binabangungot ako?

Akala ko hindi na mauulit yun eh.

Pero, sorry kayo.

Kasi...

yung panaginip na yun?

Araw-araw kong nararanasan.

Yes, I am more than lucky to have that in my life.

-

Mukha ba akong tanga kung sasabihin kong araw-araw kong gustong bumangon ng late para mas mauna sya sakin na magising? Tapos hahayaan ko syang kulitin ako, hilahin para bumangon.. syempre ako 'tong loko-loko, yayakapin ko sya ng mahigpit para sabay kaming matulog ulit. HAHAHA! Parang tanga lang.

Pero may mga umaga na katulad nito.

Na akala ko gising na sya, pero yun pala nagtutulug-tulugan din sya. Naghihintayan kami kung sinong unang matitinag saming dalawa. Naku eto ang ayaw ko saming dalawa, parehas matigas ang mga ulo namin, ayaw paawat. Usually one hour kaming ganito. Pero...

"Kevin bangon na dyan."

One year na kaming kasal pero minsan nagugulat pa rin ako sa pagkashowy ni Jersey. Ewan, siguro sa 10 years naming magkasama, nasanay ako na palagi syang nananapak, naninigaw.. mga ganun! Brutalan ba! Minsan nga pag nasa supermarket kami, biglang yayakapin ako sa likod. Nakakagulat lang talaga!

"Ayaw," usual kong sagot. Tumagilid pa ako. "10 minutes.."

Umupo sya sa kama, medyo naaasar na ata sakin. Araw-araw ba namang ganito eh!

"Kevin.."

*poke poke*

"Uyy.. gutom nako. Ikaw naman magluto!"

*poke poke*

Humarap na rin ako sa kanya at medyo binuksan ang mga mata ko. Wala lang, trip ko lang syang titigan. Dati inaaasar-asar ko lang 'to, tapos last month lang, nagcelebrate kami ng one year anniversary namin sa Japan.

Ang swerte lang talaga!

"Mamaya ka na kumain. Lunch na lang."

(=___=) "AYOKO!!!" pinalo nya ko sa hita. "Gumising ka na kasi! Sabi mo magjojogging tayo!"

"9:30 na kaya, di na pwede magjogging!" napahikab pa ako. Kainis.

"NAKAKAINIS KA!!!"

"Alam ko na," umupo na rin ako at hinigit sya palapit sakin. "Wag na jogging. May alam akong ibang exercise."

....

*paaaak!*

"HINDI KA NA NAPAGOD!!!!! NAKAKAINIS!!!!" pinagpapalo nya ako ng unan.

"Ano na namang masama dun sa sinabi ko? Eh exercise naman talaga yun ah? Diba sabi sa SOSC--"

Nanlaki na naman mga mata nya. "Wag mo kong sisimula, Mr. Santos. Kauma-umaga sisirain mo araw ko!"

"Suuus," asar ko sa kanya.. "Pero pag nandun na, ang saya mo naman."

(O/////o) "EWAN KO SA'YO!!!"

Inakbayan ko na lang sya, baka kung ano pa gawin sakin nito mamatay pako ng di oras. "Remember, Mrs. Santos, I can always get what I want."

"Wow, confident."

"Totoo naman diba? See, I got you."

*insert Jersey's nandidiri-ako-sayo-face* "Sigurado ka bang di ako napilitan na pakasalan ka?"

"Affirmative."

"Bakit affirmative? Sige nga!"

"Two words: wrapping paper."

Namula na naman si Jersey. HAHAHAHAHAH! Ang sama ko talaga! Kinurot na naman nya ako sa tagiliran. "BUMANGON KA NA LANG DYAN!" Bumaba na sya sa kama.

Tss. "Oo na po Ma'am. Babangon na po."

Hinila nya ang kamay ko. Kaso.. akala ko lalabas kami ng kwarto.

"Hoy," nagtataka kong tanong. "Bakit tayo papunta sa CR? Eto na kitchen natin?"

"Basta," sabi nya, hindi man lang lumingon sakin.

"Bakit nga?"

Humigpit na lang ang hawak nya sa kamay ko at binuksan nya ang bathroom door namin. Pinauna nya ako sa loob at sya naman ang nagsara ng pinto.

"O-kay.. anong meron?" wala talaga akong clue kung anong sapak nito.

"I was wondering about that exercise," she said playfully.

Grabe talaga, araw-araw na lang may bago. Nakajackpot talaga ako.

"Baliw ka talaga, Mrs. Santos," natatawa kong sabi sa kanya.

"I know."

At.. alam na.

---

BLANCHE'S POV

"KANINA KA PA!!! MAS GUSTO KO KASI TO!!!"

"EH HINDI NGA BAGAY SAYO ANG KULAY NYAN!!! MAGMUMUKHA KANG BANGKAY!!! ETONG RED ANG KUNIN MO!!"

"HINDI NAMAN KASI IKAW ANG MAGSUSUOT!! NANGINGIALAM KA!!!"

"MALAMANG MAKIKIALAM AKO!!! AYOKO NGANG PAGTINGINAN TAYO NG MGA TAO PAG MAGKASAMA TAYO!! PARA AKONG MAY KASAMANG BANGKAY!!!"

"AKALA MO KUNG SINO KANG GWAPO!"

"NAGSALITA ANG FEELING MAGANDA!"

Hello ladies and gentlemen! Welcome!

Oh, meet my girlfriend, Jicker Herrera.

Joke lang, boyfriend po, hindi girlfriend.

Ugh. One year na since nung nagkausap kami, one year na rin kami. Kaso.. araw-araw? Ganyan kami magkausap.

I know, hindi naman kasi madali yung set-up naming dalawa. Magsama ba naman kaming may topak eh! Araw-araw kaming nag-aaway, araw-araw din kaming nagkakaayos. Mas malala pa raw kami kesa sa set-up nina Kevin and Jersey dati, sabi nina Sath. Wow lang ah.

May tendency pa rin si Jicker na magtaray, kagaya ngayon. Nasa Rustans kami ngayon, at kasama ko sya sa pagsshopping. Ayokong kasama 'to pag namimili ako! Nangingialam eh! (>,<)

"Basta," inis nyang sabi sakin. "Wag kang kukuha ng kahit anong color white."

"Ano bang pake mo kung anong gusto kong kulay, Jick? Hindi naman kasi ik--"

"Etong purple! Bagay sayo!!!" inabot nya sakin yung purple na mini-dress.

(O_____O) "WOW THANK YOU HA. THANK YOU. This is about two sizes too small and makes me look like I actually have boobs."

Tuluy-tuloy lang sya sa paghahanap ng damit sa rack. "You do have boobs. Very nice ones. Perfect, actually."

(O/////////////////////////O) AYAN ANG UNEXPECTED KAY JICKER. Kahit ang taray-taray nya sakin may moments talaga na bigla syang magiging ganyan, kahit medyo shrek ang sinasabi, kinikilig ako.

"SHUT UP!!!" tinapakan ko yung bibig nya kasi napalingon yung saleslady sa kabilang side.

"Eh totoo naman eh!" tinignan nya ako, tapos nagsmirk sya.

"BASTOS KA!!!"

Hindi na lang sya umimik. Inabutan na lang nya ako ng nakapakarami pang damit! Ang plano ko lang namang bilhin eh 3 tops tapos shorts.. tapos sya may nalalaman pang dress! Halos lagpas sampung racks ng damit ang dinaanan namin, at bawat rack may kinukuha syang damit. Pero sya naman nagbibitbit.

"O ayan," inabot nya sakin yung basket. "Try them on."

(-_____-)" "Lahat 'to?"

Tinaasan nya ako ng kilay. "Malamang! Alangang ako magsusukat nyan? E di nasira yan."

"Ginagawa mo naman akong Barbie eh!"

Inayos nya ang bangs ko. "Okay lang. I like to spoil my girlfriend. Masama ba yun?"

Oh come on, ayoko na magblush please? "Fine I'll try them on." Pumunta na ako sa may fitting room, tapos sya naman naghintay sa may entrance.

ANO BA NAMAN TONG PINAPASUKAT NYA SAKIN!?!? Magaganda nga pero.. aaayy nako nakakainis! Medyo revealing! Yung iba naman okay lang, kaso etong purple mini-dress.. what in the world lang.

"Jicker!" I called him. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko 'to bibi--

"What?"

Bigla na lang nyang binuksan yung curtain.

(O.O)

He slowly checked me out, from head to toe. "What?" he said with a sly smile.

Naconscious naman ako bigla. Di kasi ako sanay na ganyan sya. "Ang sikip."

"Tara luluwagan natin."

PUMASOK SYA SA LOOB NG CUBICLE AT SINARA YUNG CURTAIN!

"H-hey," I stepped back. "What are you doing?"

Pinaharap nya ako sa salamin tapos unti-unti nyang binaba yung zipper sa likod. "Luluwagan nga."

"Jicker.. not here."

Nasa kalahati na ang bukas ng dress nang...

"Ma'am Sir! Bawal po dalawa dyan sa loob!"

(-______-) Sinara na ni Jicker yung zipper at pinaharap ako sa kanya. GRABE NAKAKAHIYA LAAAAAANG!!!

"Miss sorry," binuksan na ni Jicker yung curtain, nastuck lang yung zipper, naipit yung balat ng girlfriend ko."

Eto namang si Ate natunaw naman sa tingin nitong epal na 'to. Kung alam mo lang ate na isa rin yang teh dati! "Ahh.. ganun po ba? S-sorry po.." hiyang-hiya nyang sabi at umalis na.

"BALIW KA!!!" I hissed at him, sabay palo sa balikat.

"Dalian mo na dyan. Gutom nako." Ayun nagtaray na naman. Moody!

Hindi pa rin ako makamoveon sa ginawa ng mokong na yun kanina. Hanggang sa cashier namumula pa rin ako.

Napansin nya na kanina pa ako tahimik. He reached out for my hand, "Sorry naman sa kanina."

"Ewan ko sayo. That was so embarrassing!"

"Pasalamat ka dumating kaagad si Ate, kundi.. natupad na yung fantasy ko."

O.O "SHUT UP!!!" Umiwas na lang ako ng tingin.

Tumigil kami sa paglalakad. "Blanche, look at me."

Tumingin naman ako. "W--"

At bigla na lang nya akong hinalikan sa lips.

Oh, did I mention na nasa part na kami na marami ang tao? (O.O)

Kinikilig talaga ako ngayon. Seriously!!! Sabayan mo pa yan ng ngiti nyang.. WAAAAAAAHHHH WAHHHHH!!!

"Para san yon?" I whispered nung nakarecover na ako.

"Wala lang. My way of saying I'm sorry and I love you. Okay ba?"

Hinigit ko na lang sya papalayo dun sa mga tao, kanina pa kasi kami tinitignan eh! Awkward...

Nang makalayo na kami... "More than okay," sabi ko sa kanya.

Ano yung tanong? Paano mo malalaman kung pang-forever na yung tao?

I can't really give a concrete explanation for that. Basta malalaman mo rin yon in your own way.

---

JERSEY'S POV

ANO, UMABOT KAMI NG ONE YEAR!!

Sa mga eps dyan na nagsabing di makakatagal sakin si Kevin.. ahem ahemm... BEAT THAT! XD

One year. Wow lang, ang bilis ng oras talaga! Last year lang pala kami kinasal.. last year lang pala yung sa wrapping paper... HAHAHAH! Ano ba guys wag na nating ungaktin yon, okay? Pumunta nga kami ng Japan para icelebrate ang aming anniversary. Wag kayong mag-expect ng another AH chapter, kasi.. secret na naming dalawa yon XD

ONE YEAR.

I still can't believe it.

Pero wag kayo, may humahabol! May humahabol samin! Hulaan nyo kung sino?

Si Paolo lang naman!

Last year si Kat ang nakasalo ng bouquet. So.. alam na, dapat sila na ang kasunod.

Gusto na sana ni Paolo na magpakasal na sila last year kaso sinabi ni Kat na wag muna, career muna. Paolo respected her decision kaya nakiramdam muna sya. Eh this year mukhang may green light na from Kat kaya eto.. humingi sya ng tulong sa barkada para sa proposal party. Nice naman!

Kami ni Kevin ang nakatoka sa food so nandito kami sa supermarket ngayon. Humiwalay ako sa kanya para bumili ng meat products nang..

"Hi miss!"

*lingon lingon*

May dalawang lalaki na nakatingin sakin. O-kayy..

"Yes?" syempre polite naman ako.

"Uhh.. sorry.. are you a model?"

Anakngteteng tagal ko na di nagmomodel ah. Pick-up line mo dude ayusin mo naman! "Uhmm no."

"Are you serious?" kunwaring nagulat yung isa. "You really look like one!"

"Gusto mo ba magmodel? May kilala kasi kaming photographer..." Wow kuya hello you're talking to a photographer. Bogus ka! Nasan na ba si Kevin?

"...so can we invite you for snacks?" hopeful pa si Kuya.

Nginitian ko na lang sila. Dumb@ss. "Sorry, but I'm with my husband."

(O.O) (O.O)

"Y-you're married?" nautal silang pareho.

Sasagot na sana ako nang..

"Excuse me."

Dumaan si Kevin sa gitna nung dalawa, at nilagay sa cart yung mga kinuha nya. "Di ko mahanap yung sinasabi mo, ang daming brand don. Samahan mo na lang ako," sabi nya, kalmado. Wow, himala!

"Sure!" binalingan ko naman yung dalawa. "Excuse us."

Nganga na lang sina Kuya nang palayo na kami ni Kevin sa kanila. Pasimple pa akong inakbayan ni Kevin. Beat that guys!

"Kevin.."

Nakangisi pala ang loko. "What?"

"Bakit..."

"Hmmm?"

"Bakit may hawak kang upo?"

Tumigil kami sa paglalakad. "Ha? Eto ba?" gnawa nyang parang baseball bat yung upo. "Wala lang. Trip ko lang."

"Hoy wala naman tayong lulutuin na may upo ah! Siguro papaluin mo yung dalawang lalaking yon noh?!!?" GRABE TALAGA 'TO!

"Eh kanina ka pa nilalapitan eh! Naghanap ako ng pangresbak."

Inagaw ko sa kanya yung upo at pinatong ko dun sa ibang gulay. "Baliw."

"Kapal ng mukha nila para magpacute sa'yo. Di nila napansin yang wedding ring mo, ang laki na nga ng bato."

Napunta naman ang atensyon ko sa wedding ring namin. Secret lang natin 'to ah, kinikilig ako pag suot nya yung kanya. Wala lang, feel na feel ko kasi na kasal kami. SUBUKAN LANG NYANG TANGGALIN YAN!!!

"Kinausap ko lang sila," sabi ko. Ako na nagtulak ng cart.

"Anong sinabi mo?" May pagtatampo sa boses nya. Arte.

"I told them that I'm with my husband."

Mahina syang tumawa sa may tabi ko. "My wife's really really smart. Totoo, kasi pinakasalan nya ko."

(-__-) LAKAS NG AIRCON DITO!! WOOOHOOO NORTH POLE SA LAMIG! "Kapal. Natanga lang ako dun."

"Tss. Ewan ko sayo."

"Kevin?"

"Hmm?"

"Sinabi ko na ba sayo na ang gwapo mo today?"

At.. nagblush sya. Bihira ko lang syang mahuling magblush pero WAAAHHHH!!! Dun sya pinakasupergwapo, pag nagbublush sya.

"B-baliw ka Jersey. Minamanyak mo ata ako eh! Kanina lang dun sa CR tapos..."

Ay wag na sumagot, kiss na lang. Aarte pa eh.

---

NORMAL POV

Kahit ang karamihan sa kanila ay may sari-sarili nang pamilya, di pa rin natitinag ang samahan ng barkada nila.

Sa Tagaytay ang venue para sa secret-kay-Kat-ang-proposal-party. Para hindi halata, sinama ng mga mag-asawa ang mga anak nito. Nga pala, may second baby na sina Sath and Jerro, lalaki na naman. Tyler ang pangalan. 3years old na kasi si Nathan kaya nagdecide sila na sundan na ito.

"O kayo naman," usisa ni Jerro kina Amae at Keith. "Kelan nyo susundan si Jecai?"

Nagkatinginan sina Amae at Keith, tapos natawa. "3 years pa," sabay nilang sagot.

"E di nabore yang si Jecai sa bahay nyo! Walang kalaro!" exclaimed Sath.

"Palagi naman kaming pumunta sa inyo eh, nandun si Nathan! Okay na yun!" sagot ni Amae. Nakaramdam ito na may nanahimik sa gilid. "Bakit ba kami kinukulit nyo ah? Yung iba naman!" sabay nguso kina Kevin.

Yes, wala pa ring anak sina Kevin ngayon. No, hindi sila baog.

Tumawa na lang si Jersey. "Dadating din tayo dyan, diba?" tingin sya kay Kevin.

"Pinaghahandaan pa namin. Pero ewan ko ba dito kay Jersey, ako ready na. Sya..." pinalo sya ng asawa. "Joke lang. Soon."

"Dapat Math genius yan! O di kaya maganda!" singit ni Blanche. Nagsisi sya na sumingit pa sya kasi sila naman ni Jicker ang napagbuntunan ng asar.

"Suuuuus! Eh kayong dalawa? Kelan?" asar ni Jersey.

Kung namumula na si Blanche, si Jicker naman chill lang na umiinom sa tabi ng girlfriend. "Like what you said, dadating din kami don."

"Hoy Jicker parang awa, malapit ka na mag-30! Ewww lang!"

"Wala sa edad yan! Diba, Blanche?" sabay kindat.

*insert Blanche's eeww face* "Funny."

Tumigil naman ang lahat nang makareceive si Jerro ng text galing kay Paolo. "Guys malapit na raw sila dito. Act normal!

Minutes later, dumating na nga ang hinihintay nilang couple. Ang alam ni Kat, simpleng get together lang ito ng barkada. Ganun nga ang nangyari nung una, asaran, kainan.. kwentuhan.. the usual ba.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan, niyaya ni Paolo na umalis saglit si Kat. Hindi alam ng barkada kung anong pakulo nito para sa proposal nya. Sa sobrang di makatiis ang barkada, sinundan nila ito. Napunta sila sa isang resthouse, mukhang resthouse ng family ni Paolo. Para silang namboboso.

"Okay Pao, what's this?" tanong ni Kat na medyo kinakabahan sa kinikilos ni Paolo.

"Wait lang." Piniringan nya si Kat.

Habang sa pwesto naman nina Jersey, busy sila sa pagkuha ng video at picture.

"Paolo! NASAN KA BA!?!?! HOY!!!" nagwawala na si Kat. Iwan ka ba naman na mag-isa tapos nakapiring!

Maya-maya.. tinanggal na ni Paolo yung piring.

(O.O)

"A-ano yan?" nagulat si Kat sa nakita.

Si Paolo, nakasuot ng pang-prince na costume. Tapos sa likuran nito ay may carriage, halos katulad ng carriage na sinakyan nina Prince William at Kate Middleton nung kinasal sila.

"Look, Kathleen. Sorry kung sa tingin mo baduy 'tong gimmick ko. Pero.. eto lang naisip ko eh. Hindi man ako tulad ni Jerro na sa Wrestlemania nagpropose, o tulad ni Keith na may bahay agad, o ni Kevin na may sintas pang nalalaman.. sana matanggap mo 'to.

Ayoko na ikwento yung nangyari satin way back, alam mo na yun eh. But let me remind you about one thing.

Kathleen Beltran, I really really do love you. And it would be an honor for me to have you as my Queen, for good."

Lumuhod pa si Paolo sa harapan nya.

"Will you marry me?"

Todo iyak na ang girls na nagtatago sa mga halaman, tapos sina Jerro naman pinipigil ang tawa dahil sa sobrang cheesy ni Paolo.

Si Kat naman, todo iyak na, with uhog and all.

"Na-nakakainis ka naman kasi eh.. b-bakit kinareer mo masyado ang pagiging Prince William? NAKAKAINIS KA TALAGA!"

"Minsan lang ako maging ganito, wag mo nang palagpasin."

Bumaba na rin si Kat para magkalevel na sila ni Paolo.

"Okay lang kahit hindi Queen, OA yon. Ako na lang si Kat, yung pang-forever mo. Okay na yun."

"Gulo ng sagot mo, Kat. Diretsuhin mo na kasi ako!"

She sighed. "Yes, I will marry you. Scrap that Grand Wedding. Hindi tayo mayaman for that."

Sinuot na ni Paolo sa ring finger ni Kat ang engagement ring at binuhat ang fiancee nito. "YEHHEEEEEEEEEEEYYYY! BEAT THAT GUYS!! BEAT THAT!?!?"

Sa sobrang tuwa lumabas na rin yung mga nagtatago sa bushes. Nagtatalon sila na parang engot.

Nagulat naman si Kat. "KASABWAT MO SILA DITO?!?!" tanong nya kay Paolo.

"Yep, Secret Society style yon!" sabi ni Amae.

Nagtawanan lang silang lahat dun, picturan sa carriage. Nang...

"Oh," nakapamewang pa si Jersey na nakatingin kina Jicker at Blanche. "Pressure's on you, guys."

Ang dalawa naman, natawa na lang. "FYI, we're not pressured."

Nachallenge naman si Jersey sa dalawa. "We'll see."

---

 

**

A MONTH LATER...

JUNE

KEVIN'S POV

Kakalipat lang namin ni Jersey last week dito sa bahay namin sa Alabang. Dun kasi kami tumira sa condo ko for a year since sobrang daming aayusin dito sa bahay na 'to. Pasensya na, maarte asawa ko.

Saturday, 3pm nang pauwi na ako galing sa isang meeting sa Makati. Actually dapat mga 2pm nasa bahay nako kaso si Jersey nagpabili pa ng take-out. Sya kasi yung nag-aayos ng mga gamit namin sa bahay. Nanibago nga ako eh, ngayon lang sya naging OC sa mga gamit. Tipong lahat dapat uniform ang kulay at size. Dati naman basta kahit anong cute bibilhin non. Hay weird.

Tawagan ko na nga!

*ring ring ring*

Tss. Walang sumasagot.

Minutes later nasa bahay na ako. Baka nakatulog na si Jersey sa sobrang pagod. Ayaw talaga nyang tigilan ang pag-aayos eh! Ako na rin ang nagbukas ng gate. Wow lang (-___-)

"Jersey?" sigaw ko pagpasok ko ng bahay. Kaming dalawa lang dito kaya sure akong mag-eecho 'to. "Eto na take out mo!"

*kruuu kruuu*

"Jersey?"

.....

"KEVIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIN!!!" bigla syang sumigaw. Galing sa kwarto namin yon.

Sa sobrang taranta ko nabitawan ko na yung plastic ng take out at umakyat ako sa kwarto namin. Anong nangyari?!? Bakit sya sumigaw ng ganon?

Nandun sya, nakaupo sa kama namin.

"W-what happened?!?!" natataranta kong tanong. Adrenaline rush.

She just stared at me. Ganun lang. Halata sa mukha nya na gulat na gulat sya.

"Jersey?" nilapitan ko sya.

At dun ko lang napansin. May hawak syang..

pregnancy test.

 

 

 

MAY AUTHOR'S NOTE PA AKO! Pakibasa na lang for announcements XD

Continue Reading

You'll Also Like

41.5M 828K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
35.7K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
5.2K 473 60
Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masa...
2.7M 11 1
Nagsimula lahat sa dyipni. Dun din nagtapos. Parang yung nararamdaman ko para sayo - humihinto, bumibilis, nasisiraan pero patuloy na tumatakbo. Gust...