Wrong Seduction(MontelloSerie...

By manangdenden

165K 3.1K 96

Montello series #1: Winter Kaye Montello is a successful woman. She has a kind and loving bestfriend, Faymine... More

INTRO
Manang's Note:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
EPILOGUE
MANANG'S NOTE:

Chapter 20

5.7K 113 1
By manangdenden

Chapter 20:

HINDI niya maialis ang mata sa asawa na ngayon ay manghang-mangha sa nakikitang magandang paligid. Kakarating lang nila ng Zambales.

Halos dalawang oras ang naging byahe nila. Saktong alas onse ng umaga nang nakarating sila rito.

"Ganito pala kaganda ang hometown mo?"

Ngumiti siya at tumango. Pinisil niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya kanina pa. Habang nasa byahe pa lang ay hinahawakan na nito ang kamay niya. Nakasalikop ang mga daliri nila na animo'y ginawa talaga ang mga daliri nila para sa isa't isa. Fit na fit ang maliit at payat niyang mga daliri sa malalaking daliri ng asawa.

"Ang ganda talaga dito. Dapat dito nagpakasal!"

Napatawa siya. "Remember, hindi tayo okay n'ong kinasal tayo kaya wala na tayong time para makapag-isip pa ng magandang place." Aniya.

Sinamaan siya ng tingin ni Ace. "'Wag mo na ipaalala pa, love." Tinuro nito ang kaliwang dibdib. "Masakit dito, o."

Natawa ulit siya at hinampas ito sa braso. "Ang dami mong alam!"

"Oo, marami akong alam. Nag-aral kasi ako... Pero alam mo ba kung ano 'yong bagay na hindi ko kinailangang pag-aralan?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano?"

"Ang mahalin ka..."

Napahagalpak siya ng tawa. Napaka-baduy ng pick-up line na 'yon! Halatang inagnas na. Kung noon, kinakikiligan. Ngayon? Tinatawanan na lang.

Kalauna'y sumasabay na rin si Ace sa pagtawa sa kanya. Maluha-luha na siya kakatawa.

"Stop laughing, love. Baka sumakit na 'yang panga mo."

She rolled her eyes. "Stop being OA, honey! Hindi masamang tumawa."

"I know but I'm just worried about you."

Hindi niya napigilang pamulahan sa sinabi ng asawa niya. Masyado itong nag-aalala sa kanya. Nakakakilig lang...

She suddenly smirked. "Ready ka na bang mahabol ng palakol?"

Nakita niya ang ginawang paglunok ng asawa. Lalo siyang napatawa.

"Mabait naman siguro si Papa, 'diba? He won't do that to me, right?"

Hinampas niya ito sa braso. "I'm just kidding, honey. Mabait si Papa."

"Tara na?" Anito.

Tumango siya at muling sumakay ng kotse. Tinuro niya ang daan sa asawa papunta ng farm nila.

Hindi maalis sa mata ng asawa niya ang pagkamangha sa magandang tanawin na nakikita.

Naabutan nila ang mga magulang niya na nagtutulungan sa pagtanim ng halaman.

Bumaba agad siya ng sasakyan.

"Ma! Pa!"

Agad na bumaling sa kanya ang mga magulang niya. Lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap siya.

"Okay ka na, 'nak?" Tanong ng mama niya.

"Opo, ma! I'm happy."

"That's good." Tumango pa ito.

Nang maramdaman niya ang paglapit ni Ace sa kanila, agad na nalipat ang mga mata ng mga magulang niya rito.

"Magandang umaga po."

"Magandang umaga rin, hijo." Hinarap siya ng ina. "Ito na ba? Aba! Ke-gwapong bata naman pala."

She rolled her eyes. Napuri na naman ang asawa niya. Paniguradong ipagyayabang nito ito mamaya sa kanya.

Hindi umimik ang tatay niya. Nanatili lang itong nakatingin sa asawa niya. Nabigla siya nang hawakan siya ng asawa niya sa kamay. Malamig ito. Hindi niya napigilang mapangiti. Kinakabahan ito!

"Salamat po, ma."

Mama? Really? Hindi man lang nahiya.

Napatingin ulit siya sa tatay niya. Sinusuri ng mga mata nito si Ace na kinakabahan na ngayon. Parang naghahanap ito ng kalait-lait sa lalaking nasa tabi niya. Napatakip siya ng bibig at doon tumawa ng mahina.

"Pa! 'Wag mo siyang takutin!" Aniya.

Napabaling sa kanya ang ama at ngumiti. "Hindi ko siya tinatakot, 'nak. Parang... parang nakita ko na siya dati." Binalingan nito ang katabi niyang asawa. "Anong apelyedo mo, hijo?"

"Versoza po."

"Kaanu-ano mo si Faymine? Itong kaibigan ng anak ko?" Ani ina niya.

"Kapatid po." Nakangiting sagot ng asawa niya.

"O, ikaw si Ace?" Ani papa niya.

"Kilala mo?" Tanong ng ina niya sa asawa nito.

"Oo! Siya 'yong batang lalaki na sumalubong satin n'ong binisita natin si Winny sa Maynila." Hinarap nito ang asawa niya. "Hindi ko akalain na ikaw pala makakatuluyan ng anak kong 'to!"

Sabay na tumawa ang mga magulang niya. Napangiti na lang siya. Naaalala pa pala ng mga ito.

Talagang hindi kapani-paniwala na sila ang magkasama ngayon. Sila ang magkahawak-kamay. At sila ang nagmamahalan ngayon. Kahit sino'y magugulat.

Hinarap niya si Ace. Saktong nakatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito. Ngumiti rin ito pabalik sa kanya. Napapikit na lang siya nang hinalikan siya sa noo nito.

Pakiramdam niya buong-buo na ang pagkatao niya. Ang saya niya. Sobra... Hindi niya inaakala na ganito pala ang pakiramdam. Sana noon pa niya ito pinatawad. Sana noon pa niya pinairal ang pagmamahal rito. Sana hindi niya hinayaang malamon siya ng galit. E 'di sana noon pa siya naging ganito kasaya. Sana noon pa...

Inilapag nila ang mga gamit nila sa kwarto niya. Nagpahinga lang sila saglit.

Naabutan nilang magkatabi ang mga magulang niya sa long sofa. Nanonood ang mga ito ng TV. Nakaakbay ang tatay niya sa ina niya. Nakahilig naman sa balikat ng tatay niya ang ina.

Napangiti siya. Lalo pang lumaki ang ngiti niya nang inakbayan siya ng asawa niya. Hinimas niya ang braso nito. Nilingon niya ito at nginitian.

"Ma, lalabas lang kami saglit."

Bumaling sa kanya ng mga magulang. Kapwa ito nakangiti. "Bumalik kayo bago magtanghalian, a?"

"Opo." Aniya.

Magkahawak-kamay silang lumabas bahay. Nilakad lang nila. Dinala niya ang asawa niya sa ilog kung saan nakausap niya ang matandang nakatulong sa kanya sa pagdedesisyon.

"Ang ganda dito..."

Binalingan niya ang asawa. "Alam mo kung bakit kita dinala dito?"

Nilingon siya ng asawa. Hinigit pa siya nito palapit lalo sa kanya. "Bakit?"

"Dito ako pumunta n'ong mga panahon na nag-iisip-isip ako. May nakita akong matandang mag-asawa. Nilapitan ako n'ong babae."

"Tapos?" Anito habang ginagaya siya paupo sa isa sa mga bench.

"Sabi niya... 'Hindi mo siya tunay na mahal kung hindi ka magpapatawad. Sa pag-ibig, hindi tayo nagbibilangan ng mga mabuting nagawa sa mahal natin. Hindi tayo nagbibilangan ng kasalanan. Hindi tayo nagbibilangan ng pagkakamali. Hindi tayo nagbibilangan ng nasasakripisyo. At lalong hindi sinusukat ang pagmamahal. If you really love someone, you will forgive, give, trust and make him happy.' Tumatak lahat sa isip ko 'yan."

"Dapat ko palang pasalamatan ang babaeng 'yon. Siya ang naging susi kaya ka bumalik sakin."

"Yeah... Laking pasasalamat ko rin sa kanya. Siya ang tumulong sa akin."

Niyakap siya ng asawa. "Mahal mo naman ako, love, 'diba?"

"Oo naman. Bakit?"

"Payag ka bang magpakasal ulit sakin?"

Napanganga siya sa narinig.

"This time, sa simbahan na talaga. Dito. Dito sa hometown mo. Magsisimula ulit tayo. Hindi na ako magloloko, promise. Hindi na kita papaiyakin. Pangako ko, aalagaan kita, si baby at ang magiging anak pa natin. Payag ka bang magpakasal ulit sakin?"

Nangilid ang mga luha sa mata niya. Naiiyak siya dahil sa sobrang kasayahan. Naiiyak siya sa lahat. Natutop niya ang bibig kasabay ng pagbagsak ng mga luha niya.

"Please say yes, love."

Hindi siya makaimik. Tango na lamang ang isinagot niya.

"Talaga?" Tumango muli siya. "Yes! Yes! Yes!"

Napatawa siya dahil sa reaksyon ng asawa.

"Thank you very much. Thank you... Thank you so much. I love you. I really love you."

Ngumiti siya. Hinalikan siya nito sa labi. Napapikit na lang siya. Tinutugon ang mga halik nito kahit na naglalandas sa pisngi niya ang mga luha.

Nagtagal pa sila doon. Magkayakap lang sila at nakatitig sa malinis na ilog. Nagkukwentuhan at nagkukulitan.

Nang malapit ng magtanghalian, niyaya na siya nitong umuwi. Pumayag siya.

Magkahawak-kamay muli nilang tinungo ang daan pauwi...







"KAMUSTA naman ang pamamasyal nyo kanina, 'nak? Nag-enjoy ba itong si Ace?" Tanong ng ama niya.

"Sa ilong ng La Bierre lang po, 'pa."

"O, dyaan lang pala. Ang ganda d'on. Buti d'on niyo naisipang gumala."

Tumango siya at nagpatuloy na sa pagkain. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan. Kumpleto sila, tanging si Autumn lang talaga ang wala.

Kaninang pag-uwi nila, kumain lang sila ng tanghalian pagkatapos ay natulog sila. Ginising lang sila ni Rain nang maghahapunan na.

"Ma, bakit wala pa rin si Autumn? Nasaan ba talaga 'yon?"

Umiling ang mama niya. "Hindi ko rin alam. Mukhang nagpapakasubsob sa trabaho 'yong batang 'yon. Alam mo naman, idol ka n'on."

Napatawa na lang siya. "Sana sa kasal namin, kumpleto na talaga tayo."

"Ikakasal kayo?!" Ani Rain.

Napatingin siya sa mga kapatid. Si Rain ay napanganga. Si Summer naman ay nanlalaki ang mata. Si Sky ay nakangisi lang at sinasabing 'as expected'. Ang mga magulang naman niya ay kapwa nakangiti sa direksyon nilang dalawa.

"Yeah. Sana po kumpleto kayo n'on, 'pa." Ani asawa niya.

"Oo naman, anak. Pupunta kami sa kasal niyo ni Winny namin. Sisiguraduhin naming kumpleto kami."

Napangiti pa siya lalo. Excited na siya para sa kasal nila.

Nang matapos kumain, umakyat na silang dalawa papunta ng kwarto niya. Agad na dumiretso si Ace da banyo. Lagaslas ng tubig ang sunod niyang narinig.

Umupo siya sa kama ng nakangiti. Hindi na niya mapigilan ang sayang nararamdaman. Ang saya-saya niya. Kontentong-komtento na siya sa buhay niya.

Tunog ng cellphone niya ang  nakapagpabalik sa kanya sa katinuan. Kinuha niya ang sariling telepono at tinignan. Tumatawag sa skype si Jocko sa kanya. Sinagot niya ang tawag.

"Hi, Winter! How are you?"

Ngumiti siya. "I'm fine. Totally fine. Ikaw? Hindi ka na nagpaparamdam, a?" Aniya.

"I'm sorry. Busy ako. Nasa Europe ako ngayon! Malapit na rin matapos 'yong kasong inaasikaso ko rito."

"Wow! Sigurado akong sobrang yaman mo na n'yan."

He laughed. "No, I'm not. May gusto ka bang pasalubong? Bibilhan kita."

Umiling siya. "Hindi pasalubong ang gusto ko..."

"Ano pala? You want my kiss?" Anito at ngumuso pa.

Napatawa siya dahil sa sinabi nito. Maloko din talaga ang lalaking 'to. Hindi talaga ito pumapalyang mapatawa siya.

"Sira! I just want your presence on my wedding!" Aniyang nakangiti.

Nabura ang ngiti ni Jocko. Sumeryoso ang mukha nito. "Ikakasal ka?"

"Yes! Here..." Ipinakita niya rito ang singsing na bigay ni Ace sa kanya.

"Sino?"

"Huh? Anong sino?"

"I mean... Kanino?"

"Of course, kay Ace!"

Napaawang ang labi ni Jocko. Then, it hit her! Jocko is inlove with her. Napaka-insensitive niya! Hindi niya man lang naisip iyon o sumagi man lang sa isip niya. Nakalimutan niya!

Biglang nabura ang ngiti niya. Seryoso niya itong tinignan. "I'm sorry."

Umiling ito at ngumiti ng bahagya. "No. I'm sorry..."

"I'm really sorry, Jocko."

Umiling ulit ito. "Mahal mo naman siya, 'diba?"

Tumango siya. Hindi makatingin sa mata nito kahit sa screen lang.

"Masaya ka sa kanya?"

"Yes, I am."

Tumango si Jocko. "Good. At least, hindi ka na umiiyak. Don't worry, pupunta ako sa kasal niyo. Just send me the invitation."

Tumango siya. "I'm really sorry. Jocko, mabait ka, gwapo at mayaman. Marami ka pang mahahanap na iba. Buksan mo ulit 'yang puso mo. 'Wag mo akong ikulong sa loob hanggang sa mabulok na lang ako diyan."

Tumango si Jocko. Nakita niya ang pagtulo ng luha galing sa mata nito. Lalo siyang nalungkot.

"Promise me, hahayaan mong mainlove ka ulit."

"Promise! Pero hindi pa sa ngayon..."

Tumango siya. "I understand."

"Bye, Winter! I need to go."

Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa banyo ng kwarto niya. Hindi niya ito nilingon.

"Bye. Take care..."

"Yeah, you too. Winter..."

"Hmm?"

"Hindi ako nagsising nainlove ako sayo. Wala akong pinagsisihan sa lahat. Hope we'll still be friends."

"Sure."

And the callended.

"Si Jocko?"

Nilingon niya ang asawa at tinanguan. "Anong sabi?"

"Nangangamusta lang. At ininvite ko siya sa kasal natin."

Tumango lang ang asawa niya. Inabutan siya nito ng towel.

"Maglinis ka na ng katawan mo. Matulog na tayo..."

"Oo."

Bago pa siya makarating sa pinto ng banyo, niyakap na siya ng asawa.

"Nagseselos ako pero may tiwala ko sayo. Alam kong ako lang. At dapat talaga ako lang..."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
163K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.7M 170K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...