Chapter 21

5.3K 90 1
                                    

Chapter 21:

NAGISING siya dahil sa mga naririnig na nababasag sa baba. Iminulat agad niya ang mga mata. Nakita niya ang asawa na nahihimbing pa ng tulog.

Kinuha niya ang bathrobe at isinuot iyon. Agad siyang bumaba.

Iyakan, sigawan at pagkabasag ng mga gamit ang bumungad sa kanya nang nasa gitna na siya ng hagdan.

"Ruano! Ano ba?! Baka magising si Winter!"

Napakunot agad siya ng noo. May plano ba silang itago ito sa kanya?

"Ikaw Summer! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Dahil ba 'to sa trabaho mo?"

Ano bang nangyayari?

"Ruano! 'Wag mong pagbintangan ang bata."

"Papa, I don't know. At walang kinalaman ang trabaho ko rito!"

"'Wag mo ko pagtaasan ng boses! Hindi mo nga masabi-sabi samin 'yang trabaho mo! Nagnanakaw ka na ba?"

"Hindi issue dito ang trabaho ko, pa! Wala akong kinalaman kung bakit na-kidnap si ate Autumn! It's not my fault!"

Nawawala... Wait! Nakidnap daw. Nakidnap si Autumn?! Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at pinuntahan ang pamilya niyang nagtatalo-talo pa rin.

Si Rain, umiiyak habang nakatitig sa cellphone. Si Sky naman ay nakayuko at nakasabunot sa buhok. Ang tatay niya'y nakatayo at namumula sa galit habang ang nanay niya'y hinahawakan ang braso nito para mapigilan ito. Si Summer ay nakatayo at umiiyak na rin.

"Kung gan'on, sinong may kasalanan?" Ani ama niya.

Napapikit siya sa lakas ng boses nito. Mararamdaman mo talaga ang galit, takot at... lungkot nito.

"Si Rain! Niyaya niya agad akong umuwi rito kahit na gusto ko pang hanapin si Ate Autumn!" Sigaw ni Summer.

"Stop! Para kayong mga bata!" Sigaw ni Sky. "Kapag nagsisihan ba kayo, mababalik sa atin si Ate Autumn? No! Tumigil na kayo!"

Nang umangat ang ulo ni Sky, doon niya nakita ang kabuuan ng mukha nito. Basang basa iyon ng luha at namumula pa ang mata. Pati buong mukha nito ay namumula.

"Anong nangyayari?" Aniya.

Napalingon sa kanya ang lahat.

"Si Ate Autumn, nakidnap. Tumawag siya kanina, nanghihingi siya ng tulong sa akin. She's crying. Tinatanong ko kung nasaan siya kaso biglang namatay 'yong tawag. Hindi ko na ulit siya makontak." Sagot ni Rain habang umiiyak.

"What?" Aniya sa maliit na boses.


What happened to Autumn Blaire Montello? Wanna know? Read the "MONTELLO SERIES #2: UNWANTED PLEASURE"

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now