BestFriend ko, Mahal ko...(Co...

By MaeWoo31

4K 110 12

Ano na lang ang gagawin mo kung ikaw mismo ay nainlove sa bestfriend mo? Sasabihin mo ba sa kanya na mahal mo... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10-1
Chapter 10 - 2
Chapter 10- 3 Bear with Pain
Chapter 11
Chapter 12 - Confessions
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 2

345 8 2
By MaeWoo31

A/N: Annyeong!!! Vote po please!!! Kamsahamnida!!!

__________________________________________________

Abby's P.O.V.


Nakakahiya! Ano na kaya iniisip ng mga mokong 'kong classmates after ko maibigay kay Gino yung sulat ko!


"UUyyyy, siguro nafa-fall ka na talaga kay Gino no??" - Taylor

"Ano?! Ok ka lang Taylor? Magbestfriend nga lang kami ni Gino di ba?!"

"Eh bakit mo siya binigyan ng sulat?" - Karen


Masama na bang magbigay ng sulat sa bestfriend ngayon?


"Eh kasi po, yung laman nun ay yung tungkol sa pagso-sorry ko sa kanya."

"Sorry? Ano namang kasalanan na ginawa mo?!" - Shiela

"Ahh baka may kabit ka!!!" - Karen


O_o??


"Papano naman ako magkakabit eh hindi nga kami ! Ang kulet ha!"

"Next, last row..."


Ayan na, sina Gino na. Magbibigay din kaya siya sa akin ng sulat? Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya at nagsimula ng maglakad papunta dito sa direksyon namin. Nung malapit na talaga siya eh may bigla namang sumingit.


"For you my Queen..."


Si Steven ba talaga 'to?! Binibigyan niya talaga ako?


"Sigurado ka bang para sa akin talaga yan?"

"Oo naman my queen."


Syempre tinanggap ko yung letter then after nun kinindatan niya ako at umupo na siya. Tapos si Gino naman ang next na lumapit at nag-abot ng sulat.


"Salamat Gino."


Nginitian ko pa siya. Syempre siya din nakangiti pero yung tipong nakakaloko. Siguro tinatawanan niya ako dahil binibigyan ako ni Steven ng sulat. Actually gwapo naman talaga si Steven, sikat nga siya sa mga lower years eh. Kaya lang nakakairita lang talaga kakulitan niya.


"Nakakainggit ka naman Abby eh! Ba't sayo binigay ni papa Gino yung sulat?!" - Taylor


Kasalanan ko ba kung sa akin niya gustong ibigay yun?! Kaloka!


 "OK class, ngayong naibigay niyo na mga letters nyo, yung mga nakatanggap eh you can now read it."

"Abby, unahin mo na yung akin!!!"


Si Steven talaga!!! Hindi naman nya kailangang isigaw ng bonggang-bongga no! Tinukso tuloy kami ng mga classmates namin.


"Ms. Santana,I wanna ask you to please read it out loud here in front."

"Po?!"


No way! Ayoko no. Baka kung ano pang kalokohan ang nakasulat dito! Ayoko mapahiya! Pero si Steven bigla nalang tumayo at lumapit sa akin.


"Ma'am, tutal ako naman po yung nagbigay, pwede po bang ako na lang magbasa?"


^___^ Sige ba!!! Ikaw nalang Steven!


"Oo nga po ma'am para mas exciting!" - classmate 1


Tapos kinuha ni Steven yung letter niya at nagpunta na siya sa harapan. Seryoso namang nakinig yung mga classmates ko. Ako, parang kinakabahan ako sa mga sasabihin niya.



Steven's P.O.V.


Salamat ms. Author! Nagka-P.O.V. na me!!! Thumbs up!

Grabe, sana magustuhan ni Abby ang mga salitang sasabihin ko mula dito sa sulat na ginawa ko for her.


"Ahemm... Classmates, nais 'kong ipaalam sa inyong lahat na ang bawat mga salitang nakasulat at inyong maririnig mula dito sa sulat na aking inaalay kay Abby na aking sinisinta, ay nagmula sa kaibuturan ng aking puso.  Oh Abby, ngayon lang talaga ako magpapaka-makata at maglalakas loob na gawin ito. Sapagka't matagal na talaga akong humahanga sa'yo. Una pa lamang kitang makita, ako'y tinamaan na at ako'y na-love-at-first-sight agad sa'yo. Kahit ako'y minsan mo lang pansinin o kausapin, ayos na basta't alam ko'y ako'y iyong napapansin rin. Sana iyong nagustuhan itong maikling sulat na aking nilikha upang sayo'y maipahatid ang sinisigaw at tinitibok ng aking damdamin. Aanhin ko pa ang pag-ibig, kung hindi ikaw Abby ang siyang aking iibigin. Salamat po!"



 Abby's P.O.V.



Speechless ako sa sinabi ni Steven. Hindi ko alam kung bakit pero parang bumaliktad sikmura ko. Tiningnan ko si Gino at halatang naiiyak na siya sa sobrang tawa. Mga classmates ko naman, panay ang hiyawan. Parang nanalo lang sa lotto teh? Maski nga si ma'am namin, tuwang-tuwa din. Kayo na, kayo na ang masaya! 



"ABBEN! ABBEN ! ABBEN!!! FOREVER NA YAN!!!"



"ABBEN for Abby and STEVEN!!! WOOOHHH!!!"


Parang eleksyon lang?! Kung maka-hiyaw lang?! Eto namang si Steven tuwang-tuwa sa mga naririnig niya. May pa-bow pa siyang nalalaman. Binigay niya ulit sa akin yung sulat. Tsk. Ewan ko sa kanya!


"Ikaw na talaga Abby!" - Shiela


"Oo nga! Haba ng hair mo teh!" - Karen


"Ms. Santana, ano namang masasabi mo sa sulat na ginawa for you ni Steven?"


Ano bang gusto niyong marinig mula sa akin.


"Thank you na lang po siguro."


"Aww... bakit naman?" - classmate 2


Epal! Wag ka ngang magtanong pa! Ako naman yung tinatanong hindi ikaw! Tapos si Steven tumayo nanaman.


"Ma'am may isa pa pong sulat si Abby ko!" - Steven



Gino's P.O.V.


Grabe, hindi ko alam na corny pala 'tong si Steven pagdating kay Abby. Sobrang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Si Abby naman, halatang di maipinta ang mukha. Kulang nalang tumakbo na siya palabas dito sa classroom namin.


"Ma'am may isa pa pong sulat si Abby ko!" - Steven

^___^

.......

-____-

......

#_____#


Naku wag! Akin pa naman galing yung sulat na yun. Tiningnan ko si Abby at naka-evil smile na siya sa akin. Pahamak talaga 'tong si Steven! Ang sarap gulpihin!!!


"Ms. Santana?"


"Opo. Ang pagkakabasa ko po, galing ito kay Gino."


Tinuro niya pa ako eh kung kagatin ko kaya yang daliri mo! grrrr!


 "Mr. Flavio, can you please go here in front and read your letter out loud."


Kainis naman talaga oh! Naghiyawan naman agad yung 'tong mga classmate's ko. Syempre kinuha ko na yung sulat ko kay Abby. Binelatan niya pa ako! Akala niya ha! Mapapahiya din siya!


"Ahemmm....


"Dear Chibi Princess,

                        Hoy! Wag ka ng magtampo diyan! Ang babaw naman kasi ng dahilan mo para magtampo. Para yun lang magtatampo ka na agad. Baka may dalaw ka ngayon kaya ka nagkakaganyan? Don't worry, iintindihin ko naman eh. Ikaw pa!....

Meron akong quote para sayo:

   When the big world lets you down, when the person you trust leaves you behind, andito lag ako.... take my hand. Hwag kang bibitaw dahil libre ang hawak, basta ikaw.... kaya wag ka ng magalit ha chibi bestfriend ko? Smile ka na!"

                                                                                                   Your loving Chibi Bestfriend,

                                                                                                                          GINO.



Abby's P.O.V.



"AWW!!! Ang sweet naman!"


*DUGDUGDUGDUGDUG* (Heartbeat po yan...)


Naku, di pwede 'to. Napahawak ako bigla sa may chest ko.


"Uie ikaw ha!" - Shiela


"Ba't nagba-blush ka diyan?" - Karen


"Teka muna ma'am, unfair naman po ata kung kami lang yung magbabasa. May binigay rin po kasi sa akin si Abby. Dapat ipabasa niyo rin po sa kanya."


GINO!!! Gantihan lang talaga ha?!


"Wag na po ma'am. Mahuhurt po ako. Kasi naman magseselos ako kasi si Gino lang ang binigyan, ako wala!" - Steven


Minsan, nakakatulong talaga 'tong si Steven.


"Hindi! Unfair yun!"


*KRRIIING*


Yes! bell na!


"Sige na, dahil time na, hindi na natin maririnig 'yung sulat ng iba. Next time na lang siguro. Goodbye class."


HAHAHAHAHA!!! Panalo ako. Binelatan ko ulit si Gino. Nagalit pa ata sa akin. Nauna na kasi siyang lumabas, hindi man lang ako hinintay. Recess pa naman. Alam ko na kung sa'n punta nun. Sa may pool area. Oh ha, rich yung school namin, may pool kaya nga mahal binabayad namin dito eh. Anyways, nagmadali na akong pumunta dun. At tama nga ako, nandun siya. Syempre nilapitan ko.


"Uie Gino."


Hindi pa rin siya nagsasalita.


"Ano ba Gino?! 'Wag ka ng magalit diyan. O.A. neto."


"Eh kasi naman, napahiya kaya ako kanina." Ayses, nag-pout pa ang mokong. Ang kyuut tuloy niyang tingnan. Ayy ano ba Abby!


"Hindi lang naman ikaw no, yung salita kaya na ginamit mo kanina?! "


"Eh yun lang!"


"Ano ba naman kasi ang ikinahihiya mo dun? Lilipas din yun no! Kung tutuusin mas nakakahiya nga yung ginawa ni Steven kanina! Hindi naman ako ang nagbasa pero parang ako ang nahiya para sa kanya."


Tumingin na siya sa akin at ngumiti.


"Seryoso?"


"Oo naman. Tsaka salamat dun sa sulat. Nagustuhan ko."


"Eto."


Bigla naman niyang inabot sa akin yung sulat na gawa ko para sa kanya.


"Ano namang gusto mong gawin ko diyan?"


"Basahin mo for me."


"WHAT?! Are you out of your mind?! You want me to read that here ?! Are you serious!!!"


"Ano ka ba! Napaka-overreacting mo naman! Buti nga ako lang makakarinig nung sulat mo para sa akin. Eh yung akin, pati teacher at mga classmates dinig na dinig! Malamang tsinitsismis na nila ako sa iba!"


"Oo na. Mamaya umiyak ka pa ng dugo diyan eh!"


At binasa ko na nga letter ko sa kaniya.


"Dear Chibi mokong bestfriend ko, (Ang haba no? Yaan mo na!)

                                      Saan ba ako magsisimula! Hindi pa naman ako mahilig sa mga cheesy something! Pero para sayo ginagawa ko na ngayon! Pasensya ka na talaga sa ugaling pinakita ko sayo knina. Eh kasi naman, ako nanaman sinisisi ni mommy pag ikaw nalelate. Eh kasalanan mo din naman yun. Kaya Sorry na talaga. Sana ma-forgive mo ako.

                                                                                                                               Your dearest chibi princess,

                                                                                                                                              Abby.


"WOW naman chibi! Ang sweet ha!"


"Anong sweet dun? Tara na, bili na tayo sa canteen. Gutom na mga bituka ko!"


"Eto, pinapabigay sayo ni mama. Tuna sandwich!"


"WOW! Bait talaga ni tita."


YUM YUM YUM! Gustung-gusto ko talaga tuwing recess ang tuna sandwich na gawa ni tita.


"Tara na balik na tayo. Dun mo na ubusin sa classroom yan."


"Sige, tara!"


Nag-akbayan kaming dalawa pabalik sa classroom namin. Syempre walang halong malisya no!


After that, ok na ulit kami. Dating gawi namin. Nung uwian na...


"Bye Gino!"


"Sige!"


"Bye Abby my love!" - Steven


Nginitian ko lang siya.


"Abby tara na!" - Gino


Lumabas na kami ng school. Wala pa si manong driver namin. Bigla namang nag-ring ang phone ni Gino.


"Hello 'ma? Opo... oh sige po. Opo. Bye."


"Ano sabi ni tita?"


"Pinapapunta ka sa bahay. 'Dun ka nalang daw mag-dinner."


"Ha? Pero tawagan ko muna si mommy..."


"No need. Nandun na sa bahay namin mama mo."


"Wala pa si manong driver."


"Sabi ni tita, nasiraan daw kaya, si uncle Tom na magsusundo sa atin."


"Si uncle Tom? oh sige!"


Close din kami ni uncle Tom. Actually, lalake si uncle Tom, kaya nga uncle di ba? Pero ang totoo nyan, vaklush siya. Nag-iisang kapatid ng mommy ni Gino. Ka-vibes namin yun.


After ilang minutes, dumating na si uncle. Syempre dun niya ako pinaupo sa tabi niya sa passenger's seat. Si Gino naman nasa likod namin.



"Oh how are you?"


"Ok lang po. Masaya naman."


"Wala pa ba nanliligaw sa'yo?"


"Naku, ang dami uncle Tom!"


"Anong madami?! Wala nga eh!" - Gino


"Papano nga naman, ikaw kasi lagi mong tinatakot." - ako


"Haay naku, maybe pinoprotektahan ka lang nitong si pamangkin."


"Ganun na nga. Mamaya niyan, iiyak-iyak ka nanaman."


"Che!"


"Eh what about you Gino?"


"Naku, ang dami nga po. Kaya lang choosy naman much po 'tong pamangkin niyo."


"Anong choosy ka diyan!"


"Bakit, totoo naman talaga ha! Halos lahat na nga ng classmates natin na babae lagi na lang nagtatanong sa'kin kung papano daw ba makaka-score sayo."


"Babae na pala nanliligaw ngayon pamangkin?"


"Anong magagawa ko eh wala naman akong gusto ni isa sa kanila no."


"Di pa rin ba nakaka-move on pamangkin?"


Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 76.6K 164
Sml? An epistolary.
221K 14.3K 72
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
63.8K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1M 81.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...