Avah Maldita (Aarte pa?) - Bo...

By simplychummy

39.5M 929K 227K

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita. More

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!
MALDITA TIPS 101
MALDITA 1
MALDITA 2
MALDITA 3
MALDITA 4
MALDITA 5
MALDITA 6
MALDITA 7
MALDITA 8
MALDITA 9
MALDITA 10
MALDITA 11
MALDITA 12
MALDITA 13
MALDITA 14
MALDITA 15
MALDITA 16
MALDITA 17
MALDITA 19
MALDITA 20
MALDITA 21
MALDITA 22
MALDITA 23
MALDITA 24
MALDITA 25
MALDITA 26
MALDITA 27
MALDITA 28
MALDITA 29
MALDITA 30
MALDITA 31
MALDITA 32
MALDITA 33
FINAL WAVE
Thank You Note

MALDITA 18

965K 21.8K 4.5K
By simplychummy

Maldita 18

Minions started singing Banana song in my entire bedroom. I grunted as I reached for my phone on my bedside table.I pressed the accept button with one eye open and took a glance at my wall clock before answering. It's 8:05 a.m. Hindi ba alam ng istorbong 'to na hell week is over at nagbabawi ako ng tulog?

"Oh?" Inis kong sagot.

"Where are you?" Tanong ni Mikee sa kabilang linya.

"On my bed. Sinira mo lang naman ang tulog ko."

"What!? Hindi ka pa nag-aayos? Anong oras na!"

"Oras na para matulog ulit ako. Bye." I was about to end the call when he screamed my name.

"Avah!"

"Shit, my ears. Punyeta!" Inis akong bumangon sa pagkakahiga at hinilamos ko ang mukha ko sa inis.

"So, wala ka talagang balak umattend ng baccalaureate mass mo?"

Natahimik ako sandali. Graduation ko na nga pala in twodays. Lahat sila busy sa mga graduation rituals and everything. Ako busy sa pagtulog. Naipasa ko na ang mga dapat kong ipasa for my finals, nakapag-final exam na ako, nakapagpa-evaluate na din ako, I'm done with my thesis, of course, I passed. I'm just waiting for my diploma. Kaya ito, I'm enjoying the rest of my school year in my comfy king size bed.

"Napag-usapan na natin 'yan 'di ba? Hindi ako pupunta dyan at hindi din ako magma-march."

"But Avah, 'yon ang pinaka-importanteng araw na hinihintay ng lahat ng estudyante."

"Ayoko, mapapagod lang ako. Sige na." Before he could protest, I pressed the end button.

Gusto kong grumaduate at makakuha ng diploma pero ayokong magmarch. Ayokong umupo ng matagal suot ang toga ko, umakyat sa stage para tanggapin ang nirolyong bond paper na kunyaring diploma ko, palakpakan ng mga estudyante, mga Professors at bisita dahil required silang pumalakpak at lalong ayokong bumaba ng stage na walang sasalubong sa akin at babati ng congratulations.

Ayokong maging malungkot sa araw na dapat masaya ako. Ayokong mag-isa sa araw na dapat may kasama ako. Ayokong mag-selfie suot ang toga ko; gamit ang sarili kong phone at hindi ako nakangiti para lang may remembrance ako. And besides, I failed to be a Suma Cumlaude, Magna Cumlaude or Cumlaude at the least. I just passed.

Ilang ulit ko mang sabihing I am not doing this to impress my parents pero hindi ko maiwasang hindi isipin ang sasabihin nila kapag nalaman nilang I failed to be a graduate with honors. Another dissapoinment na naman 'yon. Baka nga sabihin pa nila, pag-aaral na nga lang ng mabuti, hindi ko pa nagawa. Ngayon ko lang naramdaman na ang hirap palang maging Chen.

Ilang sandali lang ay kumanta na naman ang mga minions senyales na may tumatawag na naman. Nakita ko ang pangalan ni Mikee. Ang kulit talaga nya! Hinayaan ko na lang tumunog 'yon at sinabayan ko pa ang Banana song to distract myself from thinking too much.

-

I'm enjoying my lunch when Nerdy showed up. Binitawan ko agad ang hawak kong spoon and fork and I eye her from head to toe. Napangiti naman ako noong suot-suot nya ang damit na ibinili ko sa kanya. Naka-contact lens na din sya. Simpleng dress at flats lang ang suot nya pero mas ok na 'yon kesa sa outfit nya dati. Napansin ko din na hindi na magulo ang kulot nyang buhok.

"Bagong rebound?" Tanong ko.

"Hindi, shinampoo ko lang 'yan." Sagot nya at hinawi pa ang buhok. Natawa naman ako dahil sa pang-gagaya nya sa isang shampoo commercial.

"Bakit ka pala nandito?"

"Ikaw, bakit ka nandito? Hindi ka nagpunta sa mass."

"Gusto mo bang maging abo ako? Sa sobrang maldita ko, baka nasa labas pa lang ng simbahan umuusok na ako."

"Grabe ka naman. Pero, sabagay. Buti na lang nag-stay ka dito 'no?"

Hinampas ko naman ng mahina ang braso nya saka kami tumawa. Kahit na kaibigan ko sya, ayokong sabihin sa kanya ang totoong dahilan. Ang ironic lang kung magse-self-pity ako sa harapan nya samantalang noong sya ang nagse-self-pity pinalakas ko ang loob nya.

Nagpakwento na lang ako sa kanya kung anong mga nangyari sa baccalaureate mass habang kumakain kami ng lunch. Masaya syang nagkwe-kwento, ako naman lumilipad ang isip. Mabuti na lang at madaldal sya, hindi nya napapansin na hindi ako masyadong nakikinig sa kanya.

I am thinking of what will happened next? Ano ng mangyayari sa akin pagkatapos ng graduation? Saan na ako pupulutin after that? Where would I getsome money? For sure, ititigil na ni Daddy ang pagpapadala sa akin ng allowance since nakatapos na ako. Kung magtratrabaho man ako, gusto ko sa sarili kong School. Mahal na mahal ko ang School ko aside from the fact na sa akin nakapangalan 'yon. Kaya lang, payagan kaya ako ni Daddy?

"Hindi ka naman nakikinig eh." Rinig kong sabi ni Nerdy. Tinignan ko sya, nakakunot ang noo nya at halatang iritado.

"Akala mo lang 'yon. Anyway, do you have any other plans today?" Tanong ko at umiling na sya.

"Good. Hintayin mo ako, magbibihis lang ako. Aalis tayo." Sagot ko at saka tumayo.

"Saan tayo pupunta?"

"We're going to flaunt your new look."

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. I texted my best friends to meet us on Aira's Bar. I need to be surrounded by people before I go crazy. This passed few weeks pakiramdam ko mag-isa na naman ako at nakakaramdam na naman ako ng awa para sa sarili ko. Lalo pa ngayon na alam ko na walang balak umuwi ang mga magulang ko para sa graduation ko. And that's sucks.

-

Papasok pa lang kami sa loob ng Bar ni Aira when Frances jumped over me. Literally. Ok, not so literal pero muntik na akong matumba dahil sa biglang pagyakap nya sa akin. Pinulupot pa nya sa leeg ko ang mga braso nya. Saka sya sumigaw, "I miss you!" And my initial reaction? Itinulak ko sya.

"Anong ginagawa ng koala bear dito?" Tanong ko. And there she goes with her famous pout. Seriously? Kailangan ko ng gumawa ng 'pout meter' para mabilang kung gaano sya kadalas mag-pout sa isang araw.

"You're so mean naman. Ikaw na nga 'yong na-miss."

"Ang OA mo kasi." Sagot ko sa kanya.

"Oh. Look who's here." Sabi ni Aira habang nakatingin kay Hannah. Ok, I will call Nerdy by her name starting today but only in my head. Mahirap na, baka matuwa.

"What a transformation! Fantastic! Brilliant. You're so pretty na. Oh my Gee, I wanna pinch your cheeks na." I rolled my eyes at Frances reaction.

"Wala ka na bang mas-i-o-OA pa?" Tanong ko sa kanya. Nag-make face lang sya kaya natawa kaming lahat.

"What's up with her? Sobrang hyper?" Kahit si Hannah nagtataka sa sobrang pagka-hyper ni Frances.

"Pinayagan na kasi syang mag-shift ng course ni Tito Frank. Kaya ayan, akala mo nakawala sa hawla." Kwento ni Dhonna. Abot tenga naman ang ngiti ni Frances. Kaya naman pala ganoon na lang sya kasaya.

"Wow. Good for you. Kaya lang, sayang naman 'yong three years mo sa past course mo. Back to zero ka na naman." Sabi ko.

"Ok lang, kesa naman I waste my whole life doing what I don't want to do 'di ba? Sabi nga sa nabasa ko somewhere 'Don't follow your dreams, chase it.' Oh 'di ba bongga!" Tuwang-tuwa si Frances sa pagkwe-kwento kung paano nya napapayag ang Daddy nya habang naglalakad kami papasok sa loob ng bar.

Mabuti pa sya, alam nya kung anong gusto nya at kaya nyang ipaglaban kung anong gusto nya. Frances has been a spoiled brat since nag-iisang anak lang sya kaya bigay ang lahat ng luho nya. And can you believe that she's still have a Yaya? Well, I do have one pero malayo naman sa'kin at hindi na ako inaalagaan. I'm not talking about Miranda, ok? I'm talking about my Yaya Sally which unfortunately Miranda's older sister.

-

Nakangiti ako habang nagmamaneho pauwi. I had a good time with my best friends. Wala kaming ginawa buong gabi kung hindi ang tumawa over silly things. Iba talaga 'yong pakiramdam kapag gusto mo ang mga kasama mo, kahit simpleng kwentuhan lang, nagiging masaya at memorable. I'm lucky to have them around. Napuno din ng congratulations para sa nalalapit na graduation namin ni Hannah. I didn't say much about the said event, mabuti na lang at napunta ang atensyon nilang lahat sa new look ni Hannah. Naisipan pa nina Aira at Dhonna na hanapan sya ng date. Kahit sandali lang naramdaman ko na naman na hindi ako nag-iisa.

Hanggang sa pagpasok ko ng bahay, hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Papa-akyat na ako papunta sa kwarto ko noong marinig kong may tumikhim sa likod ko at naramdamdaman kong may nakatingin sa akin. Natigilan ako noong marinig ko ang boses ng tao sa likod ko.

"Where have you been?"

Nagtayuan ang mga balahibo ko pagkarinig ko ng boses nya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkabigla pero mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko ngayon. Parang napako ang mga paa ko at hindi ko magawang lumingon. Dalawang taon kong hindi narinig ang boses nya. Ang boses ng nag-iisang lalaking kinatatakutan ko. Ang strikto at seryosong boses ni Daddy.

Am I hearing things?

Nilakasan ko ang loob ko na lumingon para mapatunayan kung nagha-hallucinate lang ako at epekto lang ng alcohol ang mga naririnig ko.

Kunot noong nakatingin sa akin ang isang matandang lalaki na may hawak na tungkod sa kanang kamay nya na sumusuporta sa pagtayo nya. Katulad noon, hindi sya nakangiti sa akin. Pinasadahan nya lang ako ng tingin magmula ulo hanggang paa. Gusto kong umiyak dahil nagfla-flash back sa akin ang mga nangyari noon habang pinagmamasdan sya pero pinigilan ko. Huminga ako nang malalim at tinignan sya sa mga mata para sagutin ang tanong nya noong biglang naglakad papalapit si Avy.

"Ngayon ka lang umuwi? Gabi na ahh." Sabi pa nya.

"Actually paalis pa lang ako." Sarcastic kong sagot sa kanya.

"How disrestpectful." Inirapan ko lang sya sa sinabi nya.

"Enough!" Nag-echo sa buong bahay ang boses ni Daddy.

"Anong nangyayari dito? Gabi na, nagsisigawan pa kayo." Napatingin kaming lahat kay Mommy na galing sa kusina. How I missed her sweet voice.

Wow. Ano 'to? Family reunion? Bakit hindi ata ako na-inform? Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Avy. Ito pala ang plano nya? Bumalik sya ng China para sunduin ang parents namin at iharap sa akin? Ibang klase talaga, nagtawag pa ng back-up.

Napatigil si Mommy noong makita ako. Tulad ni Daddy, tinignan nya din ako mula ulo hanggang paa.

"Avah...you look different." Sabi pa nya.

Compliment ba 'yon? Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi. Pero hindi ko inaasahan ang sunod nyang sinabi.

"How are you?"

Is this for real? After two years, nagawa nya akong kamustahin. I smile bitterly.

"Good." Tipid na sagot ko. Ngumiti sya sa'kin saka hinimas ang braso ni Daddy, tinignan sya nito at tumango. Sa totoo lang, hindi ko naintindihan kung anong ibig sabihin ng kilos na ginawa nila.

"Hindi mo man lang ba sila i-we-welcome, kakamustahin o babatiin man lang?" Epal ni Avy. Kahit kailan talaga, papansin sya.

"Edi welcome home." Sagot ko, saka ko sila tinalikuran.

Habang papa-akyat ako, narinig ko pang nagsabi si Avy ng 'See how rude she is?' pinabayaan ko na lang sya. Dyan lang naman sya magaling. Ang manira.

-

Pagkapasok ko sa kwarto ko, kusang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko napag-handaan ang pag-uwi nila at mas lalong hindi ko 'yon inaasahan. Ilang ulit nag-flash back sa utak ko 'yong mga nangyari noon. Kung paano nila ako hinusgahan, ang mga sigawan namin, ang paka-ospital ni Daddy, hanggang sa pag-iwan nila sa akin. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa din 'yong sakit at malinaw pa din sa akin ang lahat.

Bakit kung kailan nasasanay na akong mag-isa saka sila babalik? Para ano? Balewalain at iparamdam sa akin na hindi ako nag-e-exist? Para ipamukha nila sa akin na mas mahal nila si Avy? Mahal ko din naman sila ahh.

Kahit may galit ako sa kanila, mahal ko pa din sila dahil bali-baliktarin ko man ang mundo, magulang ko sila. Utang ko pa rin ang buhay ko sa kanila at wala ako kung wala sila. Masama bang hilingin ko din na kahit konti lang maramdaman ko namang mahal din nila ako?

Maya-maya lang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Nakatalikod ako sa pinto kaya naman hindi ko alam kung sino ang pumasok.

"Sinong nagbigay ng permiso sa'yo para pumasok sa kwarto ko ng walang paalam?" Mataray kong tanong.

"Ay, sorry. Hindi na pala ako welcome sa kwarto ng alaga ko."

Pagkarinig ko noon, napalingon ako. Bumungad sa akin ang nakangiting si Yaya Sally, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya nang mahigpit.

"Yaya." Saka ako umiyak. Hinaplos nya ang buhok ko habang yakap ako.

"Kamusta ka na?"

"Na-miss kita."

"Mukha nga." Natatawa pa nyang sabi. Habang ako, patuloy lang sa pag-iyak.

Sa mga oras na 'yon, pakiramdam ko bumalik ulit ako sa pagkabata. Ang sarap sa pakiramdam na may nag-aalaga sa'yo. Siguro mas masarap sa pakiramdam kung sina Mommy at Daddy ang nakayakap ng mahigpit sa akin at humahaplos ng buhok ko.

"Tahan na." Pero imbis na tumahan, mas lalo pa akong umiyak. Ilang minuto din akong umiyak habang yakap sya at hinahaplos ang buhok ko.

"Sana ikaw na lang naging Mommy ko." Bigla kong sabi.

Kung pwede lang sanang pumili ng magulang si Yaya Sally ang pipiliin kong maging Mommy. Magmula pagkabata ko sya na ang nag-alaga sakin. Sya ang pumupunta sa mga School meetings ko, sya din ang nag-aasikaso sakin bago ako pumasok at sya ang naghahatid at sumusundo sakin sa School.

"Hindi naman sa ayaw kitang maging anak pero huwag mo na ulit sasabihin 'yon ha? Kapag narinig ng Mommy mo 'yon, masasaktan 'yon. Baka isipin nya na hindi sya naging mabuting Mommy sa'yo."

"Totoo naman eh."I said bitterly at humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Avah! Mahal ka ng Mommy mo, maniwala ka. Mahal ka nila."

"Kung mahal nila ako bakit nila ako iniwan dito mag-isa?" Hindi sya nakasagot sa tanong ko at nag-iwas lang ng tingin. Ang dami-dami ko pang gustong itanong sa kanya pero alam kong hindi naman nya kayang sagutin kaya iniiyak ko na lang ang lahat.

Maya-maya lang nagsalita ulit sya.

"Nabalitaan ko 'yong ginawa mo kay Avy noong umuwi sya dito."

"Ano namang klase nang pagsusumbong ang ginawa nya? Nagpa-awa na naman ba sya sa harapan nina Daddy? Pinalabas na naman ba nya akong masama? Gumawa na naman ba sya ng kwento? Sabagay, doon naman sya magaling eh, ang umarte. Hindi na nakapagtataka kung galit na naman sa akin sina Daddy ngayon. Hindi nya kasi matanggap 'yong ginawa ko sa kanya, kaya ayan nagtawag ng kakampi. I'm sure tuwang-tuwa 'yon ngayon dahil sya na naman ang bida." Inis na inis kong sabi. Narinig ko pa ang pagbuntong hiningang ginawa ni Yaya Sally.

"Anong plano mo ngayon? Gagantihan mo ulit sya?" Malumanay nyang tanong.

"Of course. Hindi naman ako magpapatalo sa kanya. Kung noon, hindi ko nagawang lumaban, ngayon hinding-hindi ako papayag na matalo sa kanya."

"Hindi ka ba nagsasawa?"

Natigilan naman ako sa tanong nya. Kunot noo ko syang tinignan.

"Walang katapusang gantihan na lang ang nangyayari sa inyong dalawa. Wala ding gustong magpatalo o magpaubaya. Pareho kayong naghihilahan pababa. Avah, tama na. Pabayaan mo na lang si Avy." Napakalas ako bigla sa pagkakayakap sa kanya.

"Pabayaan? Pati ba naman kayo Yayakampi na sa kanya? Dalawang taon nyo lang syang inalagaan at ngayon mas pabor ka na sa kanya. Pati ba ikaw nauto na din nya? Hindi ko pwedeng hayaan na lang syang gawin ang mga gusto nya at pagmukhain akong masama! Sobra na sya. Ayoko, hindi."

"Huwag mo sanang hayaang lamunin ka ng galit mo. Mabuti kang tao Avah, hindi kaya ng Ate mo ang ibaba ang sarili n—"

"At ako ang inaasahan nyong gagawa noon para sa kanya? Ako na lang palagi ang iintindi sa kanya? Ako na lang palagi ang uunawa sa kanya? Bakit? Dahil panganay sya? Dahil sya ang mas mahal? Mas paborito? At ako ano? Taga-salo lang ng mga kasalanan nya?"

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ako palagi ang mag-adjust para sa kanya. Hindi ba dapat sya ang umintindi sa akin dahil ako 'yong bunso? Minsan tuloy naiisip ko na kaya lang nila ako sinasabihan na mabait para pangatawanan ko 'yon at pumayag lang sa mga ipapagawa nila.

"Hangga't maaari sana, umiwas ka na lang."

"Kung iiwas ako nang iiwas, paano ko mapapatunayan na mali ang iniisip nila sakin at paano ko maipagtatanggol ang sarili ko? Pinapunta ba kayo nina Mommy at Daddy dito para sabihin ang lahat ng 'yan sakin?"

"Hindi. Sinasabi ko 'to dahil naawa na ako sayo." Natahimik ako sa sinabi nya. Naawa sya sakin? Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa sinabi nya o matutuwa ako. For the past two years, I tried to be strong and I guess I did a pretty good job on that. Hindi ako dapat kinaaawaan, hindi.

"Tama na Avah, dalawang taon ka ng nabubuhay sa nakaraan, dalawang taon na 'yang galit sa puso mo at dalawang taon mo nang napatunayan na wala kang kasalanan. Kung bubuksan mo lang sana ulit 'yang puso mo at hindi na lang puro pagganti kay Avyang nasa utak mo, baka noon mo pa nalaman at naramdaman na mahal na mahal ka ng mga magulang mo."

"Tama na Yaya. Ayoko ng makinig sa mga sasabihin mo. Alam ko sinasabi mo lang 'yan dahil naawa ka sa akin at gusto mong gumaan ang pakiramdam ko. But please, don't give me false hopes." Tumayo pa ako at nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto ko. Umiling-iling pa ako dahil hindi ko na gusto pang marinig ang sasabihin nya.

"Hindi sila umuwi dito tulad ng iniisip mo." Sabi pa nya bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.

"Sana nga." Bulong ko at napaupo na lang ako sa kama ko.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3.8M 132K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
58.8M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...
6M 264K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...