I'm Not Your Sasaeng Fan (Kai...

Bởi AkoyIsangPagong

145K 4.7K 573

{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya... Xem Thêm

I'm Not Your Sasaeng Fan
'Sasaeng Fan' DEFINITION.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13 (Part 2)
Chapter 14
Group.
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
a.
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Epilogue
Special POVs
Luhan & Jessie's Side Story
KAISTAL
Bringing back KaiStal cos why not?

Chapter 24

2.7K 129 24
Bởi AkoyIsangPagong

One chapter more. Wow, matatapos ko na siya! Pagkatapos nito ay irerevise ko siya. Pero wag magalala, yung Chapter 1-20 lang siguro ang ieedit ko kasi yun yung magulo. Hindi ko alam kasi hindi ko pa siya nababasa lol. Sinubukan kong basahin ang chapter 1 at natawa na lang ako sa kabaduyan niya hehe. Kaya irerevise ko.

Iplay nyo rin ang video sa gilid. Day by Day by Lunafly. Hindi connected sa story ang lyrics pero bagay ang tono sa bonding time na magaganap between EXO members. Yung mga silent readers, lantad kayo kahit sa chapter lang na 'to. Please? Hehe.

Vote

Comment

Hintay tayo sa comeback ng ating labs.

Luhan's POV


Flashback


"Luhan." tawag sa akin Mina. Nang makita ko palang siya sa malayuan, namilog na ang kamay ko at kung hindi lang siguro siya babae, baka sira na ang pagmumukha niya, ngayon palang.

"Anong kailangan mo?" sagot ko lang. Tumawa naman siya pero rinig ko dito ang pagka sarcatic ng tawa niya.

"Wow grabe. Dati lang 'pag lumalapit ako sa inyo halos magningning mga mata niyo at magkandaugaga kayo sa akin. What happened now? Dumating lang siya--"

"Wala siyang kinalaman dito. Ikaw ang gumawa nito. Hindi siya, hindi kami. Kundi ikaw." tumawa ulit siya.

"Anong ginawa ko? Nagmahal lang naman ako! May mali ba doon?"

"Oo, 'yung pagmamahal mo. Mali ang paraan ng pagmamahal mo. Using someone to get someone? Mina, napakamali." nakita ko sa mga mata niya ang pagkaramdam ng sakit. Pero hindi 'yun ang gusto ko makita. I want some sight of guilt.

"Okay. Edi wala na akong gagamitin. Oh wait. Sino bang ginagamit ko? Si Kai? Mind you Luhan, dati ikaw. Dati ka pa. Pero tulad nating lahat, nagbabago din ang nararamdaman ko. I love Kai. Not you. Wala akong ginagamit. At kung yun ang akala ni Janey, nagkamamali siya. Mauna na ako.. kakausapin ko lang 'yang taong mahal mo. Mabuti nang magkaintindihan kami." sa tono ng boses niya, alam kong may mali. At sa pagkakakilala ko sakanya, alam kong ngayon palang, may balak na siya. Kaya bago pa siya makalayo ay hinablot ko na ang braso niya.

"Ano bang gusto mo?" hinarap niya ako at ngumiti.

"Mahal mo si Janey 'di ba?" hindi ako sumagot. Alam ko na at nararamdaman ko na. Akala niya malalason niya ang utak ko. Akala niya ganoon ako kadesperado.

"At syempre, kung mahal mo siya. syempre gusto mong mawala na kung anong meron sila ni Kai diba?" tumigil muna ito at tinignan ang reaksyon ko.

"Tell Kai you have a relationship with Janey. That way, hindi ko na itutuloy ang mga plano kong mawala na kayong EXO. Remember? Ako ang dahilan ng lahat kung bakit nandiyan kayo. Kayo lang... ang walang utang na loob." natawa ako sakanya. Utang na loob? Wow. Its been years ago. Anong klaseng utang na loob ang gusto niya? Panghabambuhay? We treated her nicely. Pero nagbago ang lahat noong naging sila ni Kai. She used Kai to get me. Pero hindi niya nagawa ang gusto niya kaya umalis siya. Tapos ngayong may mga nababalitang may babae si Kai, nagbabalik siya at sinasabing kay Kai na siya interesado. Sinong susunod?

"Paano ka naman nakakasigurado na mawawatak mo kami just because of that?"

Ngumiti muna siya, at ayaw na ayaw ko 'yun. Kung hindi lang talaga siya babae..

"Sinong lalaki ba ang gugustuhing manatili pa kapag malamang ang babaeng mahal niya ay may karelasyon sa matalik niyang kaibigan? Siguro ikaw, Luhan, magagawa mo 'yun. But for Kai? Kilala natin si Kai. Hindi siya katulad mo. I'll know your answer tomorrow. Pagisipan mo. Its now EXO or JANEY? Sino ang mas matimbang?" tumawa ito ng malakas at tsaka umalis.

Sa hindi ko inaakala ay narinig pala lahat ni Sehun ang usapan namin ni Mina.
"Hyung." napatingin ko sakanya.
"Do it." wala akong nasagot at kinunutan lang siya ng noo. Anong ibig sabihin niyang 'do it'? Gawin ko ang kagustuhan ni Mina? At anong mangyayari? Mas magkakagulo lang ang lahat?

"Hyung, 'wag mong isiping gugulo lang ang lahat. Isipin mo.. 'pag gawin mo 'yan ay may matutulungan ka." lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat.

"'Wag kang magalala kay Kai. Alam ko--alam nating lahat na hindi hahayaan ni Janey na masira ang pagkakaibigan nyo ni Kai at Luhan.. tandaan mo, hindi lang kayong tatlo ang lumalaban dito. Nandito pa kaming sampu ng EXO. "

"Protect Janey without thinking of us. Protect her--at si Janey? Kami? Kami na ang bahala kay Kai."

"At si Mina?" tumawa si Sehun at tinapik ulit ako sa balikat ko.

"Ang CEO na ang bahala sakanya. Magigising nalang siya, wala na ang lahat sakanya." dagdag pa niya at iniwan na ako.


End of Flashback


----------------------------------------


Ilang beses kong pinilit si Janey na umamin na kay Kai para malaman na rin nila ang ginawa ko. Pero noong araw na aamin na si Janey, tila alon namang lumalayo si Kai.

Noong araw na aamin na sana siya, mali ang nagawa ko. Tumakbo sa akin si Janey at yumakap. Sa akin niya nilabas ang galit niya, ang sakit na nararamdaman niya.

Habang sa di kalayuan ay nakita kong lumingon muli si Kai.

Sa mga oras na iyon.. alam kong iniisip niyang totoo nga. Totoo ang mga binitawan kong salita.


-------------------------------------------


Ginawa ko na ang isang hindi kasiguraduhang gawain. I took the risk. Hindi ko alam kung gagana ba ang lahat sa planong 'to. Sa paggawa ng bagay na 'to, may dalawa akong hindi kasiguraduhang pwedeng mangyari. Its either i lose Janey.. or lose them both: Kai and Janey. Mulat na ako sa katotohanan. Alam kong wala akong parte sa puso ni Janey.  Alam kong si Kai lang talaga. Pero hindi ito magpapatigil sa pagmamahal ko sakanya. Ang pagmamahal naman, hindi lang natatapos sa pagiging kayo 'di ba? Sa pagmamahal, natatapos 'to sa pagiging masaya niyong dalawa. At sa pagiging masaya, maraming pwedeng dahilan doon. Kay Janey, alam ko kung ano ang kasiyahan niya. I know it involves Kai.. not me. Pero sabi nga nila, masayang makita ang tao mong masaya. Sounds pathetic dahil alam nating sa dulo, may masasaktan pa rin. Pero ano namang masama? Its worth the try. Lalo na kung ang ngiti ng pinakamamahal mo ang nakasalalay doon.
Ito nalang ang magagawa ko para matulungan si Janey. Para mapakita ko kahit sa huli.. ang pagmamahal ko. Dahil ako ang tanga. Ako ang nagmahal ng patago. Ako ang lumantad noong alam kong wala na.

Paano kung nauna ako?
Paano kung hindi ako nagtago?

What ifs. 'Yun ang nangyayari palagi sa mga tulad kong tanga.. tulad kong duwag.

"Naduwag ako." tila nag echo ang boses ni Janey. Naduwag siya. Tulad ko.. sunod niyan ay siya naman. Siya naman ang magpapakatanga. At alam naman nating lahat kung saan hahantong ang pagkaduwag at pagkatanga. Sa pagkaramdam ng sakit. Sa huli, masasaktan din siya. Pero siya si Janey Jung, ako si Luhan, I won't let it happen.

Sa ginawa kong 'to, alam kong maraming magagalit sa akin at pwede pang makasakit ako ng damdamin. Pwedeng dahil dito, magtapos ang lahat ng mayroon kami ni Kai at Janey. At ang lahat ng mayroon si Kai at EXO. Si Kai at Janey.

But again, I won't let it happen. Janey won't let it happen. We won't let it all happen.

----------------------------------------

Isang linggo naman na nang malaman ni Janey ang lahat. Akala ko simula non, magiiba na ang turing niya sa akin pero hindi. Hinayaan niya ang plano ko at nagtiwala siya sa akin. At ginagawa rin naman niya ang lahat para magawang manatili ni Kai at pumirma na ulit ng kontrata kasama kaming EXO. Dahil 'pag mangyari 'yun, tapos na. At mas madali nang maaayos ang lahat.

Bukas na mangyayari ang lahat. Bukas na magkakaalaman kaya naman lahat kami ay nasa sarili naming mundo at nagiisip-isip. Sa isang linggong 'yun din ay parating wala si Kai. Balita nami'y umuuwi siya sa kanila (kahit na wala ang mga magulang nila doon, nasa Pinas) madalas siyang magisa siya doon pero hindi naman namin siya masisisi. Alam naming mahirap ang pinagdadaanan niya. Kailangan niyang magisip. Pero... para sa akin, ang ganyang bagay, hindi na pinagiisipan pa.

Napaka swerte niya. Siya ang sinisigaw ng puso ni Janey. Ang pangalawa sa pangarap ko, nasakanya. Sana magising na siya at 'wag nang magpakamanhid pa. Mahal siya ni Janey, mahal niya si Janey. Kahit na masakit para sa akin, suportado ko sila.

"Kai," nagbabasa lang siya ng magazine nang tawagin ko siya. Natutuwa nga kami't nandito siya ngayon sa kumpanya. Naghahanda na kasi ang lahat para sa pirmahan bukas kahit na hindi kami sigurado sa mangyayari dahil hanggang ngayon, 'yun pa rin ang sagot niya sa tuwing tinatanong namin siya.

"I've made up my mind." pinapahiwatig na bukas nalang magkaalaman.

"Hyung?" napangiti ako nang tawagin niya muli ako niyan. Dahil simula noong kasinungalingang binitawan ko ay nagkaroon ng malaking espasyo sa amin.

"Samahan mo ko sa labas?" Papatayo na siya nang maglabasan ang kamiyembro namin. "Kain tayo sa labas. My treat." sabi ni Suho. Ngayong nagdaang isang linggo ay naging awkward para sa amin dahil sa mga nangyayari pero pinipilit namin na mabalik ang samahan namin. Para na rin maramdaman ni Kai na mahalaga siya sa amin.

Ang EXO ay hindi EXO kung wala ang isa. Lahat kami dumaan sa pagsubok, at lahat ng 'yon ay hinarap naming sama-sama. Sabi nga namin, We are one. Kaya sa pagsubok na 'to kay Kai, hindi siya nagiisa. Magkakasama kaming lahat doon.

Sabay-sabay at sama-sama kaming lahat lumabas ng building at nagulat sa nadatnan namin. Nagkakagulo ang mga fans sa labas. Napatingin ako kay Kai at nakita ko ang pagtingin niya sa sahig, halatang iniiwasan ang mga tingin ng mga fans. Bago pa man ako makapagsabi sa kamiyembro namin na magpa-deliver nalang ng pagkain ay nasa harap na si Suho kasama si Kris ng mga fans. Huminga muna si Suho ng malalim habang si Kris naman ay nakatayo sa gilid nito, "Bukas na ang pirmahan. Sana kahit na ano ang maging resulta o ang mangyari, sana.. sana patuloy niyo pa rin kaming suportahan." iba-iba ang mga naging reaksyon ng mga fans. Karamihan sakanila ay natahimik, may iba namang halatang naiiyak na. May iba rin namang tuluyan nang umiyak.

"Ngayon, magba-bonding kami. Kakain kami sa labas. Pwede ba kaming humingi ng favor sa inyo?" mabilis namang sumagot ang mga fans.

"Lumalamig na at gumagabi na.. umuwi na kayo. Ayaw naming magkasakit kayo. Pwede bang sa araw na 'to, hayaan niyo kaming.. maging kami, yung normal, ordinaryong tao?" bumuntong hininga ang mga fans at dahan-dahang ibinaba ang mga banners nila. Dahan-dahan din, lumakad na sila papalayo.

----------------------------------------

"Saan ba tayo kakain? Kanina pa tayo paikot-ikot!" naiiritang reklamo ni Tao. Pinuntahan naman kaagad siya ni Kris at tsaka lang siya tumahimik at tumigil sa pagrereklamo.

"Hyung, ba't ang tahimik mo diyan?" tinapik ako sa braso ni Sehun. "Ayoko na atang mag bukas." bulong ko lang. Tumawa naman ang isa pang katabi ko, si Kyungsoo. "Imposibleng mawalan ng bukas. Dahil bukas--bukas na magkakaalaman. Diba Kai?"

Tahimik at walang imik naman si Kai. Sa di kalayuan ay natanaw ko na ang isang maliit na tindahang palagi naming kinakain ng EXO noong trainee palang kami.

"Doon nalang tayo." mahinang sabi ni Kai at nauna sa paglalakad. Nang makarating na kami ay umupo na kami sa kanya-kanya naming inuupuan noon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakalimutan ang pwesto namin sa tuwing kumakain kami dito.

"Oh, ang tagal ko na kayong di nakita ah? Sa TV ko nalang kayo nakikita!" lumapit ang taga-luto at manghang-manghang nakita ulit kami.

"Ah, Ahjumma. May CR na ba dito?" Tanong ni Baekhyun. Nagtawanan ang mga kamiyembro ko nang umiling si Manang. Dati palang kasi, pambabaeng CR lang ang mayroon dito. Wala raw silang pampagawa.

"Sa labas may built-in CR na ginawa ang asawa ko doon!" tinapik-tapik ni manang si Baekhyun at mabilis namang tumakbo palabas si Baekhyun.

Baekhyun's POV

Sa di inaasahang panahon ay nakaramdam ako ng weird. Na C-CR yata ako. Pero sa kasamaang palad, wala pa rin palang CR panlalake dito. Kaya kumaripas na ako palabas. Hindi na ako ganoong pamilyar sa lugar kaya matagal pa nang marating ko ang CR.

Pagkatapos naman ay tumakbo na ako pabalik dahil nararamdaman ko na ang lamig pero napatigil ako nang madaanan ko ang isang babaeng hawak-hawak ang maraming fliers. Halatang halata na ang pagkahina niya at kitang-kita sa tayo niya ang pagkahilo.

"Oh, Miss! Okay ka lang?" hinawakan ko siya sa braso niya at sinuportahan ang pagtayo niya. Inayos rin niya ang nagulo niyang buhok at naaninagan ko ang mukha niya.

"M-miss.. O-oy! Sasaeng!" dinilat-dilat niya ang mata niya at nagulat nang makita ako. May binulong siya at tumawid ng tayo kaya binitawan ko na siya. Binigyan pa niya ako ng flier at nakita kong para bukas ito, para kay Kai. Totoo nga ang sabi nila Sehun. Hindi hahayaan ni Janey na mangyari ang kinakatakutan naming lahat. Mukhang tama lang ang ginawa ni Luhan. Nakakaawa lang si Mina (note sarcasm) dahil akala niya nalalason na niya ang isipan nila. Nagkakamali siya.

Papaalis na sana siya pero nakita ko muli ang pagkaka-out of balance niya kaya napahawak ulit ako sa braso niya. Kasabay din nito ay ang pagrinig ko sa mga tawanan ng kamiyembro ko sa loob ng kainan. Nakita kong nandoon rin si Jessie, kausap si Luhan.

"Bakit ka nandito? tsaka ano 'yan?" Effortless na tanong ni Luhan. Katulad ni Janey ay may hawak rin siyang fliers.

"Hindi niyo ba kasama si Janey? Well, tinutulungan ko ang mga kauri ko." Tinago niya kaagad ang fliers nang makita niyang nandoon din pala si Kai.

"Ah, sige mauna na ako." sabi niya at nakita ako. Hindi ko na alam ang susunod na nangyari sakanila sa loob dahil

"A-ano ba. I'm Not Your Sasae--" unti-unti ay bumagsak siya sa mga braso ko.

"OY SASAENG!" Sigaw ko. Napatingin ako sa loob ng kainan at nakita ang pagkagulat nila nang makitang hawak ko ang walang malay na si Janey. Parang ang bagal-bagal ng naging takbo ng oras. Parang slow motion lang ang galaw nila, nakatingin lang sila sa isa't isa at tinignan si Kai. Pati si Luhan ay sakanya nakatingin.

"Oh my God, Janey!"

Pero si Luhan ay kay Kai nakatingin.

"Kai." ang sabi pa ni Luhan.

"Anak ng tipaklong! Mag tititigan lang ba kayo diyan!?" sigaw ni Jessie na nasa tabi ko na at tinatapik ang pisnge ni Janey. Hindi ko na sila hinintay na matapos sa titigan nila sa loob at tinakbo na si Janey sa ospital.

Sabi ng doctor ay hindi naman masama ang lagay ni Janey. Sobrang pagod lang ang dahilan at kulang na rin ng resistensya dahil sa napansin ko nga rin, minsan ay hindi na siya kumakain.

----------------------------------------

Nasa labas lang kami ng kwarto ni Janey dahil hindi ganong kalakihan ang kwarto niya para magkasya kami. Ang tanging nasa loob lang ay ang doctor at ang nurse.

"Kai, saan ka pupunta?" natigilan ang lahat nang makitang nakatayo at papaalis si Kai. Tumayo si Luhan at hinawakan sa braso si Kai.

"Ikaw ang kailangan niya dito." pabulong lang na sabi ni Luhan.

"Bakit hyung? Hindi naman ako ang espesyal na tao dito. Ikaw." napatingin ako sa mga kamao nila at nakita ko ang panggigil ni Luhan. Kahit na kanina ay makikita mong ayos sila, alam ko paring may malaking harang parin sa kanila.

Akmang itataas na sana ni Luhan ang kamao niya pero pinigilan siya ni Jessie. Tinulak niya si Luhan at hinarap si Kai.

"Ang slow slow mo Kim Jongin! ikaw pa naman ang bias ko noon dahil akala ko matalino ka! Pero pwe! Mas matalino pala si Luhan sa'yo! Bakit ang slow mo? Hindi sila ni Janey! IKAW ANG MAHAL NIYA! Ginawa ni Luhan 'yun para sa inyo din! Para tigilan na kayo ni Mina! Ginawa niya 'yun para magising na si Janey! Para umamin na siya sa'yo kaso ikaw tong weak! Sumusuko ka na kaagad! Hindi siya maka-amin ngayon kasi lumalayo ka! Kasi nga slow ka!" Natigilan nalang siya sa pagsigaw si Jessie nang hilahin siya ni Luhan.

Nakatalikod na sila papalabas nang tumigil si Jessie at sumigaw, "Ang slow slow mo! Tama si Luhan! Ang slow mo! Wag mong iniistress si Luhan pwede ba!? Oh? Ano pang ginagawa mo dito? Maghanda ka na sa speech mo para bukas! SASABIHIN MO SA MEDIA, NAGBAGO NA ANG DESISYON MO AT MAG S-STAY KA"

"Tama na, Jessie. Halika na." Hinawakan siya ni Luhan at sabay silang lumabas.

Tahimik ang lahat at nakatingin lang kay Kai. Hindi mo mababasa ang mukha niya. Sa lahat ng tao, siya ang magaling magtago ng nararamdaman. Kahit kami, hindi siya mabasa.

Mas tumahimik pa nang magsalita siya, "I've made my decision." sabi niya at tsaka lumabas.

PINAKAMAHABANG CHAPTER SA IM NOT YOUR SASAENG FAN! Hahahaha palakpakan! Jk.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

10.4K 227 71
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa adhikain ng manunulat na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipi...
103K 2.2K 26
Emma IS A NERD GIRL THEN 1 BOY NAMED ALEXIS NEED HER TO KEEP AWAY FROM HIS EX...... READ THE STORY SO THAT YOU KNOW WHAT HAPPEND NEXT ? Tagalog story
11.4K 662 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
115K 8.7K 165
"Kahit kainisan mo pa ako, sa akin at sakin kalang mapupunta" Hindi mawala sa utak ng binata ang bawat sinabi sa kanya ng dalaga. Isang napakawierdo...