A/N: At dahil maganda ang mood ko dahil napanood ko na yung Diary ng Panget The Movie, naisipan kong mag-update na. Grabe, sobrang gandang movie, panoorin niyo po di po kayo magsisisi. Sobrang ganda po (LOL, nag promote XD)
Click external link to see baby Kaylee's cute gif :)))
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
<VIOLET>
“What did you just say tito Vince?”, Kyle asked
Napatingin naman ako kay daddy at nakatingin din siya sa akin.
No dad… please don’t say it…
Nagsusumamo naman akong nakatingin kay dad.
Gosh. Why is this happening to me…?
Huminga naman si dad at humarap ulit kay Kyle.
“She’s your daughter, Kyle. Kaylee is your daughter and you need to help her now. Kailangan niyang masalinan ng dugo at kayong dalawa ng anak mo ang magkaparehas ng blood type. You’ve got to help her Kyle or we’ll lose her.”, dad said
Tumingin naman sa akin si Kyle at wala kang makikitang emosyong sa mga mata niya. He’s just emotionless as he stared at me at hindi ko nakayanan ang ganung klaseng tingin niya kaya napayuko ako.
“I’ll help her. I’ll save my daughter.”, I heard him say. He even emphasized the words ‘my daughter’.
Hindi na ako nagtaas pa ng tingin. Nanatiling nakayuko lang ako hanggang sa narinig ko ang mga yabag nila paalis sa room ni Kaylee.
“Tama naman ang dad mo Vi, your daughter needs Kyle's help…”, Hazel said
“Pero paano kung pagkatapos ng lahat ng ito, kukunin na niya sa akin ang anak ko Haze… Ayokong mawala sa akin ang anak ko… Hindi ko kakayanin yun.”
“Walang kukuha sa anak mo Vi or maglalayo sa kanya sa’yo at alam kong hindi hahayaan ni baby Kaylee na ilayo siya sa momma niya…”, Lauren
“Basta ang importante ngayon, mailigtas ang buhay ng inaanak namin…”, Hazel
Tama si Hazel, what’s important for now is for my daughter to wake up.
I’ll just deal with everything pag magaling na ang anak ko…
<KYLE>
Agad naman akong kinuhanan ng mga nurses ng dugo. Kailangan na kasing maisalin ang dugo ko sa anak ko…
Anak ko…
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Mix emotion ika nga nila.
I feel surprised dahil hindi ko alam na may anak pala kami ni Violet.
I feel angry dahil after all this years, tinago sa akin ni Violet ang tungkol sa anak namin. Kung di pa ako pinapunta rito ni Brian, hinding-hindi ko malalaman na may anak pala kami. Yeah, Brian confessed that he found about my daughter’s existence nang minsan pumasyal sila sa mall nina Lauren.
But most of all, I am happy dahil nalaman kong may anak pala kami ni Violet…
I need to save my daughter… She needs to wake…. I want to meet her.
You need to wake up soon baby girl, I want to meet you.
Daddy wants to meet you.
<VIOLET>
I feel relieved na hindi nagtangka si Kyle na lumapit sa akin. Hindi ko pa siya kayang harapin now that he knows about my daughter’s existence…
Gusto ko lang na magising na ang anak ko.
It’s been three days already pero hindi pa rin siya gumigising.
“Baby, wake up na… Di ba sabi mo, you will never leave momma? Kaya baby, gising ka na… Nasasaktan na kasi si momma e… miss na miss ka na niya…” Umiiyak ko namang paki-usap sa anak ko habang hawak-hawak ko ang kamay niya…
Ito ba ang kabayaran sa pagtatago ko sa anak ko sa ama niya?
Pero bakit ganun? Bakit yung anak ko ang kailangan masaktan? Bakit siya ang kailangang maparusahan? Bakit kailangang siya pa…?
“Anak…gising na please…”
Please wake up baby ko…
Wake up ka na…
“M-momma…” Napatingala naman ako nang marinig ko ang maliit na boses na tumawag sa akin. Napalapit din ang mga kasama ko rito ngayon sa kwarto.
Napa-iyak naman ako nang makita kong nakamulat na ang anak ko…
She’s awake.
“Oh my gosh! Baby… baby… Oh god I missed you so much.”, pinaghahalikan ko naman ang kamay niyang hawak hawak ko.
“M-momma, why are you crying again…?”, baby Kaye
“Wala anak… Momma is just happy kasi gising ka na…”
“I love you momma…”, baby Kaye
“I love you too baby…”
Thank you Lord. Thank you so much… I promise, hinding-hindi ko na iiwan pa ang anak ko…
After 3 days…
“Momma, when can I leave the hospital? I don’t want here na… I want to go home na…”, my baby said
“Don’t worry baby, lalabas ka na bukas.”, sabi ko naman sa kanya
Halos magaling na din kasi ang anak ko maliban na lang sa ibang mga sugat sa kamay niya pero other than those, she’s fine now…
Si mommy naman, ayos na din siya. Nakalabas na siya sa hospital at naroroon siya sa bahay nagpapahinga. Si daddy ang nagbabantay sa kanya.
Napatingin naman kami ng anak ko sa pintuan nang marinig naming may kumatok roon. Pumasok naman sina Brian, Lauren, Hazel, Lucas…
At Kyle.
“Tito Brian! Tita Lauren!”, Kaylee
“Nakuuuu, kumusta na ang pinakamagandang inaanak ko?”, nanggigigil namang pinisil pisil ni Lauren ang pisngi niya
“I’m fine na po. Bryner is not with you po?”, she asked
“Wala siya e baby Kaye, he has school kasi but don’t worry you’ll see him soon again.”, Brian answered
Napatingin naman ang anak ko sa iba pang naririto ngayon sa room niya.
“Momma, who are they po?” Tukoy niya kina Hazel, Lucas, at… Kyle
Sina Lauren at Brian lang kasi ang kilala niya at hindi ko pa nagawang ipakilala sina Hazel nung past few days.
“Baby, mga friends din sila ni momma. This is your tita Hazel; she’s my best friend and that’s her husband… your tito Lucas.” Pagpapakilala ko naman kina Hazel at Lucas na agad siyang nilapitan at pinanggigilan ang pisngi din. Natuwa naman siya nang makita niya ang dalang cake nina Hazel. Favorite niya ang cake e.
“Grabe, ang ganda mo baby. You look like a doll. You’re very very pretty just like your momma.”, Hazel said
“Thank you po tita Hazel.”, Kaylee said smiling
“Kakainggit, gusto ko na tuloy ng anak na girl para may mini me na din ako. At gusto ko kasing ganda ni baby Kaylee…” Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Hazel
“Nagpaparinig ka ba sweetheart? Don’t worry, we’ll work on that tonight.” Napatawa naman kami sa sinabing iyon ni Lucas na nag wink pa sa namumulang si Hazel. Adik ng mga toh.
“And who is he naman po momma? He’s very handsome…” Nakatingin naman ang anak ko kay Kyle habang sinasabi iyon
Nakita ko namang napangiti ito dahil siguro sa sinabi ng anak ko na sobrang gwapo niya. Psh, ang bata pa ng anak ko pero alam na niya ang salitang gwapo…
“He’s…uhm…He’s…”, hindi ko naman matuloy-tuloy ang gusto kong sabihin. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko ipapakilala si Kyle kay Kaylee.
“I’m your daddy, baby…”, Kyle said
Kitang-kita ko naman ang panlalaki ng mata ng anak ko. “Really? You’re my dad?”
“Yes baby, I’m your dad.”, Kyle
Napatingin naman sa akin ang anak ko. “Is he my dad, momma?” Tanong naman niya sa akin. Napahinga naman ako ng malalim saka napatingin sa anak ko na parang hinihintay ang sagot ko.
“Yes baby… He’s your dad.”
Nilapitan naman ni Kyle si Kaylee at niyakap. Yumakap din ang anak ko sa kanya at kakikitaan ng sobrang saya ang mukha nito. Parang may humaplos naman sa puso ko sa nakikita kong kasiyahan sa mukha ng anak ko. Hindi man ako kinukulit ng anak ko tungkol sa daddy but I know she always wanted to know him and meet him…
“I love you baby…”, Kyle said
“I love you too daddy…”, my daughter said
And for the first time, nakita ko ulit ang ngiti ni Kyle. Ang kanyang totoong ngiti. Yung ngiti na abot sa mata niya…
And the smile that made me fall for him.
Hope you can support my story :))
Don't forget to VOTE
Feel free to COMMENT
-xoxo
(c)MoonLightPurpleStory