The Graphophiles' Joint | Vol...

Por ZenRoxen_Boy

23.7K 1K 224

Isang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok s... Más

The Graphophiles' Joint
VOLUME ONE
I- Yoseff: The Writer Wannabe
III- Struggles to Write
IV- When Life Screams "Plot Twist!" (Part One)
IV- When Life Screams "Plot Twist!" (Part Two)
V- An Unwelcoming Welcome
VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part One)
VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part Two)
VII- The Judgement Day
VIII- Let's Make a Good Start! (Part One)
VIII- Let's Make a Good Start! (Part Two)
VIII- Let's Make a Good Start! (Part Three)
IX- Freezing Confidence (Part One)
IX- Freezing Confidence (Part Two)
IX- Freezing Confidence (Part Three)
X- Enigmatic Motivations (Volume One Final Chapter)

II- The Graphophile's Membership

1.2K 74 25
Por ZenRoxen_Boy

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

GOOD THING at hindi gano'n kahirap pakiusapan ang subject teacher namin na si Ma'am Rico para magpa-excuse upang tumungo sa Audio-Visual Room para sa orientation ng The Graphophiles' Joint. Isa na rin siguro sa advantage nito ay nasa kaparehong building naman ang classroom namin at ang lokasyon ng AVR na nasa ikatlong palapag ng gusali.

Iyon nga lang, may dalawang kaklase akong dapat ay sasama rin sa akin sa orientation. Pero sa isang kisapmata ay nag-iba ang ihip ng hangin at tila nagbago ang isip nila at dali-daling nag-back-out.

"Mukhang hindi ko ata kakayanin ang pumasok sa Joint," ang sabi ng isa kong kaklase kanina sa akin na talagang kinakabahan pa.

"Kung ako sa iyo, Yoseff, mag-back-out ka na rin. Ano ang panangga natin sa mga taga-Star section na iyon? Eh, parang alikabok lang tayo sa kanila," sambit pa ng isa.

Nag-alangan tuloy ako. Hindi ko na noon alam kung itutuloy ko pa ba ang pagpunta sa orientation, o baka ituloy ko na lang ang paghahanap sa bang club na sasalihan? Hay, buhay!

Sa kabila noon, kung ano man ang mangyayari o kung ano man ang kahihinatnan ko roon, itinuloy ko pa rin ang pagpunta sa orientation. Wala naman sigurong mawawala sa 'kin kung iyon ang gagawin ko.

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa AVR. Nawa'y bigyan ako ng lakas at katatagan sa giyerang susuungin ko ngayon.

Pagkapasok sa loob may mga ilan nang nakaupo sa mga desk nila. Naghanap na ako ng puwesto, at umupo ako roon sa may bandang dulo--sa tabi ng bintana.

Wala namang lumalapit para makipag-usap sa akin, kaya medyo ayos lang. At gusto ko naman talaga 'yong tahimik.

Pero sa paglipas ng ilang minuto, habang pinagmamasdan ko ang mga taong nasa loob ay nakararamdam na ako ng urge na gusto ko nang lumabas ng AVR. Masiyadong sopistikado ang galaw ng iba, pati ang paraan ng pagsasalita nila. Naipakikita nga ng mga ito kung saang pedestal ang kinalalagyan nila ngayon, at kung saan ako dapat lulugar.

Ewan ko lang, o talagang nanliliit ako sa sarili ko sa mga oras na ito. Para bang masiyado akong nai-intimidate sa mga taong kasama ko ngayon. Ako lang ata ang taga-lower section sa loob ng AVR; nakaka-out-of-place, sa totoo lang. Feeling ko talaga ay maling room ang napasukan ko. Gah! Parang ang sarap mag-back-out. Gusto ko nang umu--este, bumalik sa classroom namin.

Akmang tatayo na sana ako sa desk na aking inuupuan nang may lumapit na isang babae, kaya napabalik ako tuloy sa aking kinauupuan.

"Hello. Excuse me, puwede bang makiupo sa tabi mo?" tanong ng babae na hinuha ko ay isang STEM student base sa lace ng kaniyang I.D. Naka-ponytail ang dark-brown niyang buhok, may pagka-fair ang skin complexion, at medyo balingkinitan ang pangangatawan nito.

Kahit medyo nahihiya ay sumagot pa rin ako, "O-O... Sige, b-ba?" At napakamot pa ako ng aking ulo sabay yuko. Geez! Hindi talaga ako komportable sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko mapigilang tumiklop at magpalamon na lamang sa lupa.

Pagkaupo ay inilabas niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag at mukhang may ka-chat sa kaniyang Messenger.

Habang ako naman ay nakahalumbaba lang at tuloy ang pagdungaw sa may katabing bintana, at umaasang makahagilap ng Legendary Pokémon na lumilipad sa kalangitan katulad nina Ho-Oh or ni Rayquaza. Pero mga sanga-sanga lang ng puno ang mga nakita kong nakaharang sa asul na langit.

"Cassiopeia Gaile Mendoza." Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo. Bahagya lamang siyang natawa bilang tugon at saka nagwika. "Iyon ang pangalan ko. Pero Cassy na lang, masyadong mouthful kasi kung full name ko."

"Yoseff," pagpapakilala ko naman sabay yuko. Kahihiyan, lamunin mo na ako!

"Transferee pa lang ako rito sa USF kaya ngayon lang ako nakapag-register for the Joint." Patuloy siya sa kaniyang pagsasalita na para bang puwede na niyang isumite sa isang drama anthology show ang kaniyang kuwento.

"Ako rin," sagot ko naman. "First time kong sasabak, actually."

"Oh, nice naman!" Waring nagningning ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. Parang ngayon lang siya nakakita ng katulad niya. "Saan mo gustong ma-assign na category if ever makakapasok ka sa Joint?" untag pa niya.

Nag-isip-isip ako, nag-e-eanie-meanie-miney-mo ng mga random category na puwedeng sumulpot sa isipan ko.

"Sa Features section siguro?" tugon ko sabay angat ng dalawa kong balikat; wala talaga akong kaalam-alam sa anumang isasagot ko. Nanghula na lang kasi ako ng sasabihin. Pero...unang sumagi sa isip ko ang Feature Writing dahil mukhang maganda ang pitak ng pahayagang ito base sa mga nabasa ko na noon.

"Oh, Feature! Trip mo pala ang mapalabok," ang kumento pa niya.

"Ah, palabok? Spaghetti ang gusto ko." Hindi ko alam kung joke ba iyong binitawan ko, o talagang wala akong idea sa sinasabi niya.

"Ha. Ha. Ha," sarkastikong niyang paghalakhak. "Mahilig ka palang mag-joke," patuloy pa niya, pero awkward na ngiti lang ang itinugon ko.

"Ikaw ba?" Ako naman ang nagtanong sa kaniya.

"Sa News or sa Editorial section ulit; pero gusto ko talagang lumipat sa Photojournalism, Editorial writer kasi ako sa school paper namin sa dati kong school," patuloy pa niya at saka niya inilabas sa kaniyang bag ang kaniyang digi-cam.

"Buti ka pa, may nasalihan ka na," paglalahad ko ng aking mga sentimiento.

"Alam mo, it's never too late para sa mga ganito, Yoseff. Minsan nga, mas nahahanap pa natin ang sarili natin sa mga ganitong panahon." Habang ako ay kinakausap ay kinakalikot pa niya ang kaniyang dalang camera. Aba lang, may sariling hugot ang babaeng ito.

"So from HUMSS ka pala, huh?" sabi pa niya. Pero ikinagulat ko nang kunin niya ang aking ID card at tingnan ang larawan ko na para bang picture ng isang nawawalang bata na ipinaskil sa daan.

Pero lumakas tuloy ang kabog ng puso ko nang basahin niya ang HUMSS 11-C na nakalagay sa ilalim ng aking pangalan. Naku naman, Yoseff! Katapusan mo na!

"Uy! From lower section ka pala? Cool!" Nagulat ako sa reaksyon niya. In-expect kong maasiwa siya sa akin pero naging kabaligtaran ang tugon niya.

Sa halip na magsalita ay mas pinili ko na lang na manahimik.

"Alam mo, gusto ko ang ugali mo. You want to break boundaries." Kita ang maliwanag na ngiti sa kaniyang labi. Mahihinuha kong napaka-generous niyang tao.

"Kung passion mo talaga ang pagsusulat, hindi magiging malabo na magiging posible ang lahat ng mga pangarap mo mula sa iyong imahinasyon. Tiwala lang, matatanggap ka sa Joint." Napaka-genuine ng mga salitang bininibitwan niya. Ang akala ko ay katulad siya ng ibang mula sa star section na may attitude problems.

"Lalo na at haluan pa ito ng kaunting swerte o katiting na kismet, pero bibihira lamang ang nabibigyan ng ganito. Laban lang!" pagpapatuloy pa.

"Hindi naman sigurado kung masasama talaga ako. Pinilit lang ako ng mga kaibigan ko. Pero wala namang masama kung susubok ako. Hindi ko na iisipin kung makukuha ako o hindi." Pagkatapos magsalita ay nagbitaw ako ng isang buntong-hininga.

"Huwag ka ngang nega, Yoseff. Matatanggap ka!"

"Ewan ko lang. Pero salamat, ah?" sagot ko saka ngumiti. Feeling ko ay nagkaroon ako ng motivation sa mga sinabi niyang iyon sa akin. Hindi ko sukat-akalaing may mga taong tulad niya na willing tumulong sa iba.

Napakadaldal ni Cassy, sobra. Pero, nakakagulat nga lang na hindi naman gaanong nakaiirita ang kaniyang boses.

Mga ilang minuto pa bago magsimula ang orientation. At mayroon nang mga ilang lalaking estudyante na nag-aayos na ng mga speaker at projector sa harap para sa presentation. Habang ako, heto at nao-OP sa pag-uusap ng isa pa naming kasama at ni Cassy kaya patuloy na lang akong nakatunganga at sumusulyap sa bintana ng AVR kahit na nakararamdam na ako ng urge na gusto ko nang mag-back-out dahil nakaka-conscious na ang pagiging naririto ko.

Mga dalawampung minuto ang lumipas nang magsimula na ang orientation. Bago noon ay may ipinasa sa aming isang piraso ng papel. Attendance pala iyon na siyang finill-up-an namin.

"Good day." Isang lalaking guro ang pumasok sa loob at tumayo sa harap namin. Tantiya kong nasa mid-twenties na ang edad nito, matangkad, medyo moreno at may pagka-slim ang pangangatawan.

"Kumpleto na ba ang lahat? Shall we start right now?"

Pero bago pa man kami sumagot ay may kumatok pa sa may pinto. Binuksan iyon ng guro at isang lalaking nakasuot ng salamin ang hingal na hingal na nasa labas.

"Excuse me po. Sorry po kung late ako," sabi nito. At hinuhuli pa ang paghinga sa bawat pagsasalita niya.

Naka-unbutton ang navy blue vest ng lalaki. Itim ang kaniyang buhok na may pa-side na bangs, at nakasuot ng kanyang salamin. Gulo-gulo rin ang kaniyang buhok na mukhang kagagaling lang sa giyera; sa katunayan ay para bang nagmukha itong pugad ng ibon.

"Klayton!" panimulang bati ni Sir sa lalaking pinupunasan pa ang salamin. "Mabuti na lang at hindi pa tayo nagsisimula sa orientation natin. Puwede ka nang pumasok." Pagkasabi ni Sir Yuzon ay dumiretso na banda sa amin ang lalaking ito na-late. Umupo siya sa bandang harapan ko dahil iilan na lang ang mga bakante.

"Hay naku! Akala namin ay kung ano na ang nangyari sa iyo. Bakit ba ang tagal mo, ha?" panermon ni Cassy sa lalaki habang inaayos nito ang kaniyang buhok.

"Ikaw kayang magbigay ng excuse kay Ma'am Dizon, ano?" tugon ni Klayton na may pagmamaktol. Halos sermunan na rin siya ng katabi niya sa kadaldalan nito.

"Alam mo naman 'yon, marami pang sinabi kaysa sinabi kong excuse sa kaniya, kaya ako natagalan. Shucks! Ang lagkit ko na tuloy!" patuloy pa niya sa paglilitanya sabay punas ng tuwalya sa mukha dahil medyo pinagpawisan na siya kahit napakalamig na ang hangin na ibinubuga ng air-conditioner.

"Hay! Buti at natagalan ka ng terror na iyon," medyo natatawa pang wika ni Cassy. Tapos, heto ako at nakikinig lang sa usapan nila.

Pagkatapos ay ipinakilala ako ni Cassy sa kaklase niya. "Klayton, siya nga pala, si Yoseff. Aspirant din sa Joint."

"Nice to meet you, Yoseff." Nakangiti niyang pagpapakilala.

"Science Feature writer iyan noong Junior High, dito rin sa USF. Pero sasali na siya sa Joint this time," sabi naman ni Cassy. Napatango na lang ako. Pero bigla akong nakaramdam ng panliliit. Ano ba ang binatbat ko sa kanila na matagal na sa Journalism? Eh, mukha lang ata akong pipitsuging napag-utusang bumili ng toyo sa tindahan.

"Good luck sa iyo. Sana matanggap ka, Yoseff," saad pa ni Klayton na may kaaliwalasan ang mukha.

Na-flatter tuloy ako, kahit na hindi naman ako sigurado na makasasali sa Joint. Napakaba talaga ng posibilidad.

Akmang magsasalita pa si Klayton nang biglang magsalita muli si Sir Yuzon sa aming harapan.

"Okay, listen," sabi niya, saka siya naubo.

"Narito kayo ngayon, aspiring graphophiles para sa isang orientation," panimula ni Sir Yuzon. "Sa pagtitipong ito, we are all giving you a brief background and glimpse of what's happening when you join our school paper organization, The Graphophiles' Joint."

"Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, Sir Walden Yuzon, the Joint's school paper adviser." Pagkapakilala ay inilipat n'ya ang next slide at ipinakita sa PowerPoint ang kaniyang pangalan.

Mga ilang beses ko nang nakakasalubong sa campus si Sir Yuzon. Pero hindi namin siya naging teacher sa mga subject namin, dahil ibang section ang hinahawakan niya para sa Literature subject especially ang mga Star section. At balita ko, alumnus din siya ng USF at nakapagtapos bilang magna cum laude.

"Ang guwapo talaga ni Sir, ano?" pa-side comment naman nitong katabi ko.

Aaminin kong may hitsura si Sir Yuzon. Puwede sana siyang mag-artista or model pero mukhang iba ang naging karera niya.

"Makinig ka na lang kaya?" pabulong kong sermon sa kaniya upang mabawas-bawasan ang pagfa-fangirl niya.

"Ano nga ba sa tingin n'yo ang layunin ng Joint?" Nagsimula na siyang magpalakad-lakad palibot sa amin habang nagdi-discuss.

"Ikaw, Cassy." Tinawag niya ang babaeng katabi ko saka ito tumayo.

Tumayo si Cassy at saka siya sumagot. "The Joint's purpose is to hone the literary skills of the students. Its mission is not just to share our talents and skills in writing, at para rin matuto pa kami lalo sa pagsusulat."

"Bullseye! you got the point there, miss," pagpuring tugon ni Sir Yuzon at saka umupo na muli si Cassy.

"Hindi lang upang mahasa ang literary skills at sa pagsulat ang layunin ng Joint," pag-e-explain pa ni Sir Yuzon. "Gusto rin naming mahasa ang grammatical, rhetorical at vocabulary ng writers, both in English and Filipino. Hindi naman por que bihasa ka na sa English grammar, hindi ka na magpopokus sa Filipino. Diyan bumabagsak ang iilan sa atin." I totally agree sa sinabi niyang iyon.

Nakalulungkot kasi, lalo na sa social media, nagsilipana ang batalyon ng Grammar Nazis at mga kunwaring bihasa sa English grammar na walang ibang ginawa kung hindi tuldukan ang kakulangan at kamalian ng iba sa gano'ng wika, ngunit hindi naman maiayos nang maigi ang sa sariling wikang Filipino. Pilipino pa naman sila kung maituturing.

"Lagi n'yong tatandaan na hindi dapat tayo magpokus sa pag-aaral at pag-improve sa iisang wika. It is best to study more than one language, especially our native language," ani Sir Yuzon. Masasabi kong maganda ang hangarin ng TGJ.

Pagkatapos ng intro ni Sir Yuzon, isa-isa nang nagpakilala na ang mga editorial staff ng Joint. Made-distinguish mo ang mga nasa posisyon dahil sa gray na blazer na suot nila.

"My name is Kendra Marie Castillo, ang EIC ng Literary section," pagpapakilala ng isang babaeng tantiya ko ay halos kaedaran ko lang, at estudyante mula sa ABM na strand base sa lace ng kaniyang ID.

Pero ikinabigla ko ang lalaking kasama ni Kendra sa harapan. Teka, siya ba 'yong lalaki sa bookstore kahapon?

"Lysandre Greyson Beltran, ang EIC naman ng News." Hindi maaari! Para bang dumaloy ang dagitab sa aking katawan at nagtindigan ang aking balahibo; goosebumps ba? Basta, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.

Kaya habang patuloy na nagsi-sink-in ang lahat, nagsalita muli si Kendra habang inilipat ang slide.

"Kaya ipinaghiwalay ang Literary at News department ay upang ma-expand pa ang writing prowess ng writers namin. At upang hindi lang namin nais na ma-inform kayo, kung hindi, gusto rin namin kayong ma-entertain as readers."

"Pero puwede namang mag-contribute ang isang staff both on news and literary. Because we want to practice the art of being the Jack-of-all-trades; ang gusto naming matuto na maging multipurpose through thick and thin ang mga writer kahit na mayroon na silang specialization or assigned category," pagpapatuloy niya.

Pagkatapos ay nagsalita muli si Lysandre habang inaayos ang kaniyang salamin.

"Layunin namin na madaanan ng mga writers namin ang lahat ng categories, except sa Cartooning depende kung may artistic inclination ang isa, so we are also conducting Special Journalism Class every week para pag-aralan ang lahat ng areas ng Campus Journalism."

"Sila naman ang associate editors at ang circulations manager, sina Janella Manabat, Mitzi Inocencio at Timmy Baluyut." Pinakilala naman ni Timmy ang mga ibang katuwang nila upang maging maayos ang daloy mula sa planning ng mga articles hanggang sa distribution ng copies.

Kahit papaano ay may natututuhan na ako kung ano ang takbo ng Joint dito sa orientation. Tahimik lang din na nakikinig sina Cassy.

"Here's Spencer Vaughn Villarde, ang editor ng Editorial department."

Sadyang napakalamig ng ekspresyon ni Spencer Vaughn Villarde. Ang akala ko ay sa anime at novels na nabababasa ko lang nag-e-exist ang mga tulad nila. Pero mayro'n pala talagang ganoon. Hindi ko pa siya nakakausap pero kwento sa akin ng iba kong mga kaklase na medyo moody at masungit ang lalaking ito.

"Magaling talaga ang Spencer na iyan," bulong sa amin ni Klayton habang nakikinig. "Biruin ninyong kinuha na siya agad ng Joint pagtuntong niya ngayon ng Grade 11, then may position na siya agad."

Napanganga kami ni Cassy sa mga na-achieve na ni Spencer. Mukhang malayo talaga ang mararating niya, biruin n'yo nga namang isa siya sa outstanding students sa kanilang section. Aside sa pagiging writer ng Joint, marami na siyang nasalihang competition na umabot pa ng National level. Naks! Ang dami kong alam.

After ng introduction blues, isa-isa kaming nag-fill-up ng another form at isinulat din namin doon ang gusto naming category na mapabilang.

Binigyan na rin kami ng topic sa bawat category na naka-flash na mismo sa slide ng PowerPoint presentation. Pagkakita sa topic na gagawin para sa Features, nagkaroon ng magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko.

"Ipo-post na lang namin ang schedule para sa submission period at sa interview. Kaya sa mga nag-fill-up, aasahan namin kayo. So let's call it a day then?" sambit pa sa amin ni Sir Yuzon bago kami idinismiss.

---

Pakiramdam ko tuloy sa loob ay para bang nasa iba akong mundo. Nakahinga rin ako nang maluwag pagkalabas sa AVR. Masiyado ata akong kinain ng intimidation sa mga estudyante ng Star section. Ibang-iba talaga ang galaw at paraan ng pagsasalita nila kumpara sa mga katulad naming nasa nakabababang section; nakaka-culture shock, sa katunayan. Pero hindi ko talaga alam kung anong nakain ko at nagkaroon ako ng kakaibang lakas ng loob para makayanan ang mahigit-kumulang n isang oras na orientation.

"O siya, mauuna na ako. May next class pa kami," sabi ni Cassy. Saka nagpaalam na siya kasama si Klayton bago kami lumabas sa pintuan, saka na sila nauna.

Pero sa totoo lang, hindi naman pala lahat ay mahirap pakisamahan at mahirap abutin, katulad ng mga nagiging stereotype ng iba sa mga taga-higher section.

May naiisip na rin akong idea para sa article na isusulat ko. Nagkakaroon na ng pagtatalo ang mga ideya sa utak ko. Pero kung alam ko namang wala naman akong pag-asa, eh, bakit ko pa ito itutuloy? Sinasaktan mo lang ang sarili mo, Yoseff.

Pero habang naglalakad patungo sa may library ay may biglang tumawag ng aking atensiyon.

"Hey! How is it going?" si Lysandre pala iyon.

"Kayo po pala," mahina kong tugon.

"So, sasali ka pala sa Joint? I'm looking forward to read your article," kita ang kaunting excitment sa kaniyang mukha na para bang tuwang-tuwa na sasali nga ako sa Joint. Pero patawarin kung ibu-burst ko ang kaniyang bubble. Hindi naman ako magpapasa, eh. Saka ano pa ang silbi no'n? Eh, 100% naman ang posibilidad na hindi ako masasali.

"Ah...eh... sige po, mauuna na po ako." Iyon na lang ang sinagot ko, saka umalis. Alam ko namang wala akong babatbatin sa kanila. Marami pa sigurong pinto ng oportunidad na magbubukas para sa akin.

-30-

Seguir leyendo

También te gustarán

9.1K 784 32
I promise to myself na hinding hindi na ako magtatrabaho na ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself th...
4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
12.8K 1.5K 200
Ang kanyang kalooban ay matigas at hindi normal katulad ng sa iba. Gayunpaman, dahil ipinanganak siya sa isang maliit na sangay ng pamilya, ang kany...
11.7K 803 40
Ganon na lang kasikat sa Auburn International School si Zeiden Ace Padilla. Marami humahanga sa kanya dahil sa angkin mga talento niya lalo na sa pag...