Trapped (Book 1)

Door KnightInBlack

21.2M 769K 272K

TIL Series #1 (Book 1 of 2) Chelsea Vellarde is trapped from a hopeless affection for Blaze Abelard. She wan... Meer

Work of Fiction
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Trapped
BOOK 2

Kabanata 16

427K 15.6K 4.9K
Door KnightInBlack

Kabanata 16: Tell her

Hindi ko alamam kung anong pumasok sa utak ko para masabi ang mga salitang nagpatigil sa kanya. Maybe because I just don't want to be unfair with him. It was not his fault and I don't want him to feel guilty.

Natahimik sila matapos kong sabihin 'yon. Nakaramdam ako ng hiya dahil nakatingin silang lahat sa akin.

What's wrong with what I've said? Hindi ba sila sanay na ganon ako kay Ryde? Siguro, oo. Nakakapanibago na biglang nagbago ang pakikitingo ko sa kanya. Parang kanina lang ay galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa nyang pagsugod. Agh.

"You okay, Chels?" Napatingin ako kay Jean nang haplusin nya ang noo ko. "Nagka-amnesia ka ba nang masugatan?" Tanong pa nya.

Hinawi ko ang kamay nya. Namula ang mukha ko sa hiya. Natapos na rin si Blaze sa paggamot sa sugat ko sa braso. Kahit papaano ay nawala na ang hapdi no'n.

"Mas mabuting umalis ka muna, Ryde." Napatingin ako kay Kuya Led na ipinagtutulakan si Ryde palabas.

Umiwas si Ryde sa kanya. "No. I'll stay here, Led. Hindi mo ba narinig ang pagsusumamo sa boses kanina ni Chelsea na huwag akong umalis? Ayokong masaktan sya." Mayabang na sinabi nito.

Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa sinabi nya. Hindi 'yon ang intensyon ko kaya ko sinabi 'yon. Iba ang dating sa kanya. Ang akala nya ba ay nagmakaawa akong huwag syang umalis?

Napatingin ako kay Blaze na tumayo at lumabas. Sumunod sa kanya ang iba nilang kasama.

Umupo si Ryde sa tabi ko. "Don't worry, Love. I'll stay here." Then he smiled.

Nangilabot ako sa sinabi nya at parang bigla akong nagkaroon ng pagsisisi dahil sa sinabi ko. Mali ang pagkakaintindi nya!

"Lumayo ka nga sa akin!"

Ngumisi ito bago ipinagsiksikan ang sarili nya sa akin. "I'm sorry for that, Love. Kung alam ko lang na masasaktan ka ay hindi ko na pinatulan ang lalaking 'yon."

Tumayo ako at nagtago sa likod ni Kuya Led. Nangingilabot ako sa mga sinasabi ni Ryde. Umakto pa syang susunod sa akin nang hinalain ni Kuya ang laylayan ng tshirt nya.

"Kung hindi galit sa'yo si Chelsea, ako ang magpaparusa sa'yo." Hinila ni Kuya Led si Ryde palabas.

"Don't worry, Chels. Babalik ako."

Napailing na lang ako. Umupo akong muli sa sofa. Tumingin ako kay Jean na kagagaling lang sa kusina. May dala itong isang baso ng tubig at inabot naman nya 'yon sa akin.

"Isang baso ng tubig para sa babaeng tanga sa pag-ibig."

Mabilis na naubos ko ang laman ng basong 'yon. Ipinatong ko ang baso sa lamesa at binalingan ng tingin si Jean na nakangisi habang nakatingin sa akin.

"Oh? Ano na namang iniisip mo?" Dumistansya ako sa kanya dahil baka kung ano na naman ang gawin nya.

Umiling ito bago bahagyang ipit na tumili. "I'm just happy for him." Sabi nya.

Alam ko kung sino ang tinutukoy nya. "Wala syang kasalanan, Jean. Tama lang ang ginawa ko." Pagtatama ko sa iniisip nya.

"I know." Lumapit pa sya sa akin. Bigla syang nagseryoso. "May napansin ka ba kanina?" Tanong nya.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong mapansin sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung ano ang napansin nya.

Muli syang nagsalita nang mapansin nyang wala akong balak sumagot. "Galit na galit si Ryde kay Blaze. Alam kong dati mo pa rin 'yon napapansin pero hindi ka ba nagtataka? Habang tumatagal ay parang mas lumalala?"

Natahimik ako dahil kanina ko pa rin 'yon naisip. Maging ang mga sinabi ni Ryde kay Blaze ay halatang malalim.

"Bakit ba parang napakahirap para sa kanilang kalimutan ang nangyaring 'yon?"

"Hindi na yata tayo dapat manghimasok sa ganon. Sila ang may problema, hindi tayo."

Umayos ito ng upo. "Alam mo bang may nalaman ako kay Ryde?" Halos naging pabulong 'yon na sinabi nya. "Sinabi ko sa'yo na tutulungan kita pero parang ayokong malaman ang mga sagot."

Kinakabahan ako sa sinasabi nya. Tandang-tanda ko pa nung nalaman nya ang tungkol kay Earth at nag ala-detective sya. Sinabi nyang tutulungan nya ako.

"Anong nalaman mo kay Ryde?"

Tumingin itong muli sa akin. Halatang naguguluhan din ito. "K-Kasi mali ang pagkakakilala mo kay Ryde. Mali ang nakikita mo at mali ang mga akala mo."

Umiling ako sa kanya. "Just go straight to the point, Jean. Ano ang nalaman mo tungkol kay Ryde?" Maging ako ay tinatamaan na ang curiosity.

"I knew it!" Bigla syang humalakhak. Napangiwi na lang ako sa sinabi nya. "You're really now starting to get curious about him." She grinned.

I rolled my eyes. "It's natural for us to get curious, Jean. Hindi 'yon maiiwasan at saka nagbukas ka ng topic na mas lalong nakalala sa curiosity ko."

She shook her head while grinning at me. Inayos nito ang buhok nya. "It's for you to find out." Bigla nyang inilapit sa akin ang kanyang bibig. "He is not what you think. There's more than what you see. Actually, mali ang pagkakakilala mo sa kanya."

Tumayo sya matapos sabihin 'yon. "Dyan ka na muna. Ikukuha ko lang ng niluto natin ang asawa ko. Baka gutom na 'yon pagkabalik." Tumatawang pumunta ito sa kusina.

Pagkapasok ni Jean do'n ay si Irene na naman ang lumabas. Ang kaninang masigla nyang mukha ay ngayo'y naging malungkot. Gusto ko sanang magtanong ngunit dumiretso ito sa hagdan at umakyat sa kanyang kwarto.

Iwinaksi ko ang mga sinabi ni Jean. Nainip ako sa kakahintay na bumalik sila kaya tumayo na muna ako. Lumabas ako para hanapin sila pero sina Kuya Led at ang iba lang ang naro'n. Busy sila sa pagkukwentuhan kaya lumihis ako ng daan.

Nakayukong naglakad ako papunta sa likod kung saan mapunong bahagi ng lugar na ito. Natigilan ako nang marinig ang mga tinig nila Blaze do'n.

Nanatili akong nakatayo at nakatago sa likod ng pader.

Narinig ko ang pagtawa ni Blaze. Hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin ng tawa na 'yon.

"Bakit, Ryde? Masakit bang malaman na ako pa rin ang mahal nya?"

"Hindi ka pa rin ba tapos, Blaze?" Dinig kong tanong ni Ryde sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ako nakikinig sa kanila. Ito ang bilin ni mommy na huwag kong gagawin. Huwag makinig sa usapan ng iba. We have to respect other people's privacy because it is their right as a person.

"Akala ko ba ay wala lang sya sa'yo?" Mahinang tumawa si Blaze. "Bakit ganyan ka mag-react?"

Wala akong maintindiham dahil hindi ko naman alam kung ano ang pinag-uusapan. Tatalikod na sana ako para umalis nang marinig ko pa ang huling sinabi ni Ryde.

"Don't worry, Blaze. I am already tired on pretending. Bayad na ako sa utang ko sa'yo. Sorry but I have to make my move now."

Pagkapasok ko ay naabutan kong nagsasagutan sina Kuya Led at Jean. Halata ang inis sa mukha ni Jean habang hawak ang isang bowl. Nanginginig ang kamay nya.

"Why don't you try? It's not that bad."

"I said I don't eat vegetables! Ano ba ang mahirap intindihin do'n?"

Natigilan si Jean. Lumapit ako sa kanya at tinangka kong kunin ang bowl na hawak nya ngunit iniwas nya 'yon. Napaatras ako nang matapon sa kanya ang sabaw dahil sa ginawa nya. Mainit pa 'yon kaya halatang nasaktan sya.

"J-Just try..." Namula ang mata ni Jean.

Hindi na sumagot si Kuya Led. Nakatingin lang ito sa damit ni Jean na basa na.

Nakalimutan kong sabihin na hindi pala kumakain ng gulay si Kuya. Hindi katulad kay Blaze na hindi lang mahilig.

"Jean, stop it. Halika. Magpalit ka muna." Aya din sa kanya ni Irene.

"Led... Pinaghirapan nilang lutuin 'yan." Sabi ni Jude.

Nanatiling hawak ni Jean ang bowl at pilit na inaabot kay Kuya. Kinuha ni Kuya Led ang bowl at naglakad papunta sa trash can. Nanlaki ang mata ko nang itapon nya 'yon doon.

"Hindi ako kumakain ng gulay at kahit na sabihin mong luto mo 'yon ay wala akong pakialam. Magpalit ka na ng damit." Ang mga huling katagang binitawan ni Kuya bago lumabas.

Naiiling na sinenyasan ni Jude na iakyat na muna namin si Jean. Nagtulong kami ni Irene para dalhin si Jean sa kanyang kwarto. Hindi ito nagsasalita habang naglalakad kami.

"Ayaw mong maligo?" Tanong ko kay Jean na nakaupo sa kama at tulala na naman.

Umiling ito sa akin. "Bigyan nyo na lang ako ng towel. Magpupunas na lang ako." Sabi nya habang inaalis ang kanyang blouse.

Pumasok ako sa cr at pinagbanlaw sya ng towel na basa. Pagkalabas ko ay nilatag naman ni Irene ang damit nya sa harapan ni Jean.

"Hindi mo talaga sya mapipilit kung ayaw nya. Jean, kilala mo si Kuya." Pagpapaliwanag ko habang pinapanuod syang magpunas ng katawan.

Hindi ito nagsalita at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko para tumahan sya.

"P-Pero hinawakan nya pa rin 'yong bowl. Okay na ako do'n." Natigilan ako habang pinapanuod syang magpunas. Bumagsak ang luha sa kanyang mata habang nakangiti. "Sinabihan nya pa akong magpalit. Nag-aalala pa rin sya." Tumatawa nyang sinabi sa gitna ng pag-iyak.

Inis na kinuha ko sa kanya ang towel at ako na ang nagpunas sa kanya. "Hindi mo kailangang ipagpilitan ang gusto mo sa kanya. Siya rin ang kawalan. Hindi nya natikman kung gaano kasarap ang luto natin." Sabi ko.

Tinulungan ko syang magpalit.

"Pero hindi naman tamang itapon nya ang pinaghirap---"

"Irene..." Umiling na ako sa kanya para patigilin sya.

Ginagawa ko na nga ang lahat para mapatahan ang babaeng ito, bibigyan nya pa ng rason para umiyak.

"Ano? May gusto ka pa rin kay Kuya?" Pang-aasar ko sa kanya.

Tumango ito. "Hindi naman mawawala 'yon dahil lang sa ginawa nyang 'yon pero oo, masakit lang." Pag-amin nya.

Humanda talaga si Kuya Led pagkabalik namin sa bahay. Hindi man lang nya inisip ang mararamdaman ng babaeng ito. Kahit papaano ay naghirap din kami para gawin 'yon.

Pagkatapos no'n ay bumaba na kaming lahat. Naabutan namin na nagpapaalam na si Blaze. Hindi umalis sa tabi ko si Jean. Napatingin ako kay Kuya Led na busy sa kanyang phone. Nakakunot ang kanyang noo.

"Game ka? Come on, Blaze. Saturday naman 'yon!" Pagpupumilit ni Jude.

Natatawang tumango na lang si Blaze. "I'll try," sabi nya bago tumingin sa akin. "Salamat sa masarap na gulay." Natatawa nyang sinabi sa akin.

"Masarap talaga 'yon! Buti natikman mo. Hindi mo kasi 'yon makikita sa mga restaurant. Nag-iisa lang 'yon!" Pagmamayabang ko.

Mas lalong kumunot ang noo ni Kuya Led habang nakatingin sa kanyang phone.

"Sige na. Mauna na ako." Pagpapaalam nya bago tuluyang umalis.

Napatingin ako kay Ryde. "Gusto mo?" Tanong ko sa kanya dahil parang nagtataka sya kung ano 'yon.

Mabilis na tumango ito.

"Wala na, Chels. Nilagay ko na lahat sa bowl kanina." sabi ni Jean.

Napangiwi na lang ako. Lumukot ang mukha ni Ryde. "Pag nagluto na lang kami ulit ni Jean. Ubos na eh." sabi ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang trato ko sa kanya. Masasanay din ako. Nakokonsensya ako sa mga nasabi ko sa kanya at gusto kong bumawi.

"Let's go," Tumayo si Kuya Led bago naunang lumabas.

Tumingin ako kay Irene. "Thank you." Sabi ko. Tumango na lang ito bago muling tumingin sa kanyang phone.

"Hindi ba nakakabastos na 'pag may kumakausap sa'yo ay sa phone ka nakatingin?" Napatingin kami kay Jude. Masama ang tingin nya kay Irene.

"S-Sorry..." Nahihiyang ibinulsa niya ang phone nya.

"H-Hindi. Okay lang, Jude."

Hindi ko alam kung bakit paiba-iba ang trato nya kay Irene. Parang kanina lang ay inalukan nya ng tulong ito.

"Mauna na ako," Pagpapaalam ko kay Jean. Ngumiti ito sa akin kaya napailing na lang ako. "Huwag mong masyadong isipin si Kuya."

Narinig ko ang busina sa labas kaya mabilis na akong lumabas. Pagkapasok ko sa kotse ni Kuya Led ay mabilis nyang pinaadar 'yon. Ni hindi ko pa nga nailagay ang seatbelt ko.

"Dahan-dahan lang, Kuya Led!"

Napapikit ako nang bigla nyang ipreno dahil nag-pula na ang ilaw. Kung hindi nya agad napreno 'yon ay baka nabangga pa kami sa mga patawid na sasakyan.

"Shit!" He cursed.

"Yeah, right. Kuya. Shit... What you did is shit. That was a shit."

"Stop cursing..."

"Jean is my bestfriend! Kahit na kapatid kita ay hindi ko hahayaang itrato mo sya ng ganon!" Hindi ko na napigilan ang inis.

"Hindi ako kumakain no'n! Ano bang mahirap intindihin do'n?"

Tumahimik na lang ako dahil baka pagnagsalita pa ako ay palabasin na nya ako ng sasakyan. Wala akong dalang pera pang-commute kung sakali.

Tahimik na nagbyahe kami. Pagkatapat ng sasakyan sa gate namin ay mabilis na kinalas ko ang seatbelt ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya. "I'm sorry..." He whispered. Natigilan ako sa paglabas. Napatingin ako sa kanya.


"W-What?"

"I said I am sorry! Bingi ka ba?!"

Natawa ako. "Bakit sa akin ka humihingi ng sorry? Hindi ba dapat kay Jean?"

Inis na binalingan nya ako ng tingin. "Just tell her!" sigaw nya sa akin.

Bahagya akong natigilan. "And just incase na magluto kayo ulit. Let me know." Pumikit ito bago itinuro ang labas. "Now, get out."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko inakalang masasabi nya 'yon. Gusto kong isipin na nagsisisi sya dahil sa ginawa nya.

"I said get out!"

Mabilis na napalabas ako ng sasakyan nya kasabay ng pagharurot nito palayo.

Natawa ako bago umiling. "I am sorry but I won't tell her. Ikaw dapat ang magsabi." bulong ko.

Nakangising pumasok ako sa loob.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

60.1M 1.6M 89
Former title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secr...
39.3M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.6M 4.3K 8
Sabi mo, pinana ni Kupido ang puso mo para sa akin. Sabi mo, aalagaan mo ko. Sabi mo, walang magbabago, best friends pa rin. Sabi mo, "kasi mahal kit...