The Graphophiles' Joint | Vol...

By ZenRoxen_Boy

23.7K 1K 224

Isang pagsubok ngang maituturing para sa isang mula sa lower section na si Yoseff Adrian Muñoz na makapasok s... More

The Graphophiles' Joint
VOLUME ONE
I- Yoseff: The Writer Wannabe
II- The Graphophile's Membership
III- Struggles to Write
IV- When Life Screams "Plot Twist!" (Part One)
IV- When Life Screams "Plot Twist!" (Part Two)
V- An Unwelcoming Welcome
VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part Two)
VII- The Judgement Day
VIII- Let's Make a Good Start! (Part One)
VIII- Let's Make a Good Start! (Part Two)
VIII- Let's Make a Good Start! (Part Three)
IX- Freezing Confidence (Part One)
IX- Freezing Confidence (Part Two)
IX- Freezing Confidence (Part Three)
X- Enigmatic Motivations (Volume One Final Chapter)

VI- Write an Article, Cry... Repeat! (Part One)

863 51 10
By ZenRoxen_Boy

YOSEFF ADRIAN MUÑOZ

LUNES, SIMULA na naman ng panibagong linggo at panibagong struggle para mabuhay. Kumusta naman ang ine-edit na article ko? Sa susunod na linggo na ang deadline of submission. Pero hindi ko pa ito nasisimulan. Hay, buhay nga naman.

Sa totoo lang, wala pa akong naititipa sa laptop ko. Napakaaga ko pa namang gumising para lang makapagtipa sa laptop. Base kasi sa nabasa ko sa Facebook, 'yong mga "Psychology says..." na 'yan, mas lumalakas ang stimulation ng mga ideya natin sa mga oras ng madaling-araw. Pero sa kaso ko, walang epekto iyon.

Ilang oras na akong nakatitig sa harap ng MS Word habang nagbi-blink ang cursor. Lutang na nga, nangangapa pa sa dilim dahil wala kang kaalam-alam sa Journalism.

Parang napaka-unreliable ng sources na iyon. Paandar lang siguro ng mga dalubhasa-kunong scientists--placebo effect ba? Iniisip nila na sa ganoong circumstances nagiging effective ang isang bagay, kaya nagiging mabisa nga. Mukhang maniniwala pa ako sa pag-aaral na masama raw sa kalusugan ang pag-inom ng tubig.

"Maganda naman 'yong flow ng pagsulat mo sa Feature article na ipinasa mo. Iyon nga lang, yong ideas mo kasi ay nagkakaroon ng sort-of na contrasts sa isa't isa. Para bang hindi na tumutugma sa main topic."

Sumulpot pa tuloy na parang kabute ang tinig ni Sir Lysandre na patuloy na nag-e-echo sa utak ko. Iyon ang naging komento niya sa entry ko na ipinasa. Noong nakaraang araw pa ito buhat noong kausapin niya ako, pero malakas pa rin ang impact sa akin ng mga sailtang iyon.

"When writing a newspaper article, especially sa Features, you should rely more on factual informations. Magkaiba kasi ang pagsusulat sa Journalism at ang sa Literature."

Mukhang maduguang revision ang marapat kong gawin. Walang makapagsasabing madali o mahirap ito. Pero pinuputakti na ako ng stress (kulang na lang at ingudngod ko na ang pagmumukha ko sa mesa, ora mismo).

Gayumpaman, may na-realize ako habang binabasa ko ulit ito. Ewan ko lang ba at bakit biglang ipinasampal ito sa akin.

Sadyang makapangyarihan pala ang bawat salitang binibitiwan ng isang manunulat. Imagine-in na lang kung hindi naisulat ni Dr. Jose Rizal ang dalawa niyang mga nobela--malamang ay patuloy pa tayong inaalipin ng mga dayuhang mananakop at malamang ay malamlam pa rin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino sa ngayon.

Dahil napaka-maimpluwensiya, maaaring baguhin din ng mga salita ang bawat disposisyon ng tao sa buhay. Maaaring magdulot ito ng galak, ng pighati, ng poot, depende sa gustong iparating ng manunulat.

Kung ano-ano na naman ang kasabawang sumasapi sa akin. Baka dulot lang ito ng gutom, o ano...kahit na sumasagi na rin sa isip ko ang mag-back-out na lang sa Joint.

Oo, seryoso ako sa desisyon ko. Napag-isipan ko na ring bumitiw. Pero iyon nga...papaano na lang ang lahat kung gagawin ko iyon?

---

Vacant dapat ang buong araw kong ito, pero may dapat pala akong attend-an na SJC (Special Journalism Class) na ginagawa linggo-linggo mamayang hapon. Isa itong specialized subject sa SHS na kinukuha ng mga kasali sa school paper organization. Ang bawat attendance sa klase ay pandagdag-puntos na rin para sa grades namin sa Language o Literature-related subjects.

Dahil opisyal (kahit saling ketket lang) na bahagi na ako ng Joint ay required na rin akong maka-attend ng bawat session. Mukhang malaking bagay rin naman ito, kahit papaano. Dahil baka marami naman akong matutunan tungkol sa Journalism kapag um-attend ako.

At isa pa, may laban din ngayon para sa basketball sina Wilbur, at pinilit ako ng mga ilan kong kaklase (kasama na si Lew) para manood. 'Yan tayo, eh. Mas inuuna ang ibang bagay kaysa sa assignments na ipapasa na bukas. Napakagaling.

Kahit wala akong interes sa basketball ay napilit pa rin nila ako; moral support ba para kay Wilbur?

Kaya kahit ang get-up ko ngayon ay pang-civilian--puting t-shirt na nasa ilalim ng dark-blue denim jacket, itim na pants, at puting rubber shoes ay pumasok pa rin ako sa school. Mabuti na lang at hindi kami nasita ng guwardiya. Mukhang alam naman kasi ni Manong Guard ang bawat schedule ng sa SHS.

"Uy, Seff. Bibili lang ako ng snacks sa canteen. Pasabay ka?" tanong sa akin ni Lewis habang tumayo sa aming kinauupuan sa may bleachers--sa may bandang gitna--sa kaliwang banda. Mayamaya pa ang klase niya, kaya heto at siya muna ang kasama kong manood. Paunti-unti na ring dumarami ang mga taong nasa loob, lalo na at isang oras na lang at magsisimula na ang game.

"Ah, sige. Kahit hotdog sandwich na lang at bottled orange juice," sagot ko, at saka ko kinuha ang aking wallet mula sa bag.

"No problemo!"

Inabot ko sa kaniya ang pambili at dali-dali na siyang umalis. Habang ako na iniwan, nakapangalumbaba na. Hindi naman ako makapagsulat dahil madali akong ma-distract sa ingay at sa mga nakapalibot na mga tao. Sino ba namang manunulat ang gustong makapag-isip ng isusulat sa gitna ng mga ganito karaming tao, hindi ba?

USF Red Lions vs. VCF White Falcons

Mukhang bigatin ang makakalaban nina Wil, dahil magmumula sa Villaverde College Foundation ang makakatunggali nila para sa friendly match na ito.

"Ah, Yohan!" Napabalikwas ako nang marinig ang isang tinig. Pag-angat ng aking ulo ay tumambad sa akin ang isang lalaki sa harap ng upuan ni Lewis. In-analyze ko munang maigi kung nagkausap na ba kami noon. Pero sa pamilyar na hitsura pa lang niya, malamang ay nagkita na kami noon. Medyo natawa nga lang ako, dahil hindi naman Yohan ang pangalan ko.

"Uhm, Yoseff po." pagkaklaro ko sa aking pangalan, pagkatapos ay inaayos ko ang pagkakaupo ko.

"Puwede bang makiupo sa katabing seat?"

"Ah, occupied na po ito, Kuya," sagot ko sa lalaking kausap ko ngayon, sabay ngiti-- 'yong medyo pilit na parang ngiting-aso na. "'Yong kasama ko, pero bumili lang 'yon ng merienda."

"Oh, ganoon ba?" malamlam na sagot ni Kuya Aldred, kaya umupo na lang siya sa bandang ilalim ng inuupuan ko na bakante pa.

Aldred Errol Santos--Sports Editor ng The Graphophiles' Joint. Ngayon lang nag-sink-in ang lahat ng impormasyon nang mabasa ko ang pangalang nakalagay sa kaniyang I.D. Hay, hindi talaga ako matandain sa mga tao. Geez! Nakakahiya ang mga pinanggagawa ko.

Sa totoo lang ay ini-i-skip ko lang ang Sports column kapag nagbabasa ng diyaryo, kaya hindi ko masiyadong binasa ang ilan sa articles nila noon. Pero ayon kina Joenell, magaling daw iyang manunulat. At hindi na ako magtataka pa. Halos lahat naman ng bahagi ng Joint ay may angking galing sa paghahabi ng mga balita.

At nagtataka pa rin ako kung bakit may isang Yoseff Adrian Muñoz na nagawi roon.

"Heto 'yong bibigyan ko ng coverage ngayon," ang sabi pa niya, at saka siya lumingon mula sa kinauupuan niya sa bandang ibaba, paharap sa upuan ko.

"Kumusta na pala 'yong article mo?"

"Iyon..." Napaubo tuloy ako sa tanong niya. Parang wala akong mukhang maisagot sa kaniya. "Wala pa ring improvement." Napangiti na lang ako muli.

Medyo natigilan itong si Kuya Aldred. May nasabi ba akong hindi maganda?

"Sus! Matatapos mo rin iyan!" kumento niya sabay kibit-balikat. Mahirap mang basahin ang ekspresiyon niya, ngunit ramdam ko 'yong ano--'yong generosity. Hindi pala lahat ng mga katulad niya ay mga intimidating. Kung titingnan mo ang katayuan niya sa Joint, ay mukhang napaka-down-to-earth nito.

"Ikaw pa?" Pero sa patuloy na pagsasalita niya ay hindi namin namalayang dumating na itong si Lew na medyo hinihingal pa, dala-dala ang isang paper bag sa kanang kamay at akap-akap pa ang dalawang bote ng mga inumin.

"Oh," saad niya, sabay abot ng pagkain sa akin.

"Naku! Thank you," sambit ko naman, at napaupo na siya sa katabing seat na nakareserba sa kaniya.

Habang kumakain ay ipinakilala ko naman si Lewis kay Kuya, na mukhang abala sa pagte-text sa kaniyang cellphone.

"Lew, si Sir Aldred pala, Sports writer ng Joint."

"Uy! Kumusta?" magiliw na bati ni Kuya na nakipagkamay pa sa kaibigan ko.

"Nice meeting you rin po." Nakipagkamay rin si Lewis, na bago pa ginawa iyon ay pinahiran pa ang namantsahang kamay niya ng sauce, gamit ang dalang wipes.

"Siya nga pala, Yohan--I mean, Yoseff, Lewis." Natigilan saglit si Sir Aldred. "Mauuna na ako. Nandito na kasi 'yong girlfriend ko, tapos niyaya akong umupo sa kabila."

"Ah, sige-sige po," pagtango na lamang namin ni Lewis, kaya humayo na siya, at iniwan na kami sa inuupuan namin.

---

Katatapos lang naming mag-lunch sa may sizzling-an pagkatapos ng laro. At medyo yamot pa rin ang hitsura ni Wilbur pagkabalik sa school. Kanina pa kasi siya naglalabas ng sentimiyento sa laro kanina. Lalo na at kataka-takang lumaki nang agaran ang puntos mula sa VCF.

Kung ano ang ikinatabang ng sabaw na sin-erve sa amin kanina, ay iyon naman ang ikinaalat ng bawat ratsada ni Wil. Eh, medyo marumi talaga maglaro kanina ang kabilang koponan. Napakaraming technical foul ang mula sa kabilang team, pero hindi man lang pinansin ng coach. Napaghahalataan tuloy na bias.

Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa sports o sa anuman. Hindi rin ako kasing-athletic ni Wilbur, pero lumabas tuloy nang hindi ko namamalayan ang pagiging Sports writer ko.

Mamayang alas-tres y media pa ang SJC, pero dito na lang ako sa school nagpalipas ng oras. Sa library na lang ako pumunta para i-edit ang article ko sa laptop, dahil mas tahimik nga naman dito; mas makakapag-focus talaga ako, kung ganoon lang.

At isa pa, sarado ang Joint room na pinuntahan ko lang kanina. Mabuti na rin iyon, dahil hindi ko talaga ramdam na parang kabilang na ako sa organization. Maa-out-of-place lang naman ako roon, kaya ayos na lang din.

Umupo ako sa bandang dulo, binuksan ang laptop, at doon na nagsimulang magtipa sa Microsoft Word.

Pero matapos ang ilang minuto, bigla tuloy akong nakaramdam ng antok; sobrang lakas pa ng buga ng centralized air-conditioner sa loob ng aklatan. ilang tipa, at ilang bura na ang nakalilipas, ay introduction pa lang ang nasisimulan ko, pero agad na akong tinamaan ng katamaran at nawalan ng gana. Magaling, Yoseff. Napakasipag mo!

Napakamot na lang ako ng ulo sa yamot, at kaunti na lang at ingudngod ko na ang ulo ko sa keyboard, pero wala pa ring ideyang lumalabas. Nakailang hikab na rin ako, lalo na at devil's hour ngayon--ang oras na magtutukso sa iyo para matulog.

Nakailang basa na rin ako sa mga libro sa Journalism na nasa circulations shelf ng library, pero hindi ko makuha ang bawat impormasyon.

Matapos makipagbuno sa natutuyot na mga ideya at dinudugong tinta, ipinagpamamaya ko na lang ang lahat, isinara ang laptop at isinilid sa bag. At sa labanang iyon, nagwagi ang katamaran ko.

Napagtanto ko na siguro ngayon na pine-pressure ko lang ata ang sarili ko. Kung pinaghirapan ko lang ang sarili ko, baka mas mainam na lang na mag-back-out na lang ako.

Ramdam ko ang intimidation. 'Yong feeling na nanliliit ako sa sarili ko na kabilang ako sa organisasyon ng mga nasa matataas ang pedestal.

Kaya kung ako lang, mas gugustuhin ko nang sumuko patiuna sa giyerang ito, nang sa gayon ay kaunti lang ang danyos na magawa ko. At nang mailigtas ko ang sarili ko sa kahihiyan.

Hay, Yoseff. Paano na ba ito?

"Yoseff! Bakit mag-isa ka lang diyan?" Parang kabuteng sumulpot itong si Cassiopeia sa harapan ko. Muntik na akong mapasigaw, pero napigilan na lang 'yon, dahil naalala kong nasa library pala ako. Phew!

"Eh, sa gusto kong mapag-isa," mahina kong saad, sabay sara ng librong binabasa ko, at itinabi sa may laptop.

Iba ang istilo ng buhok ngayon ni Cassy. Nasanay na kasi ako na naka-ponytail siya lagi, pero nakapusod naman ito sa ngayon.

Biglang nangasim ang pagmumukha ng babaeng ito. Tarayan ba naman ako?

"May klase ba kayo?" tanong ko sa kaniya. Dahil mukhang nabakante ang oras nila.

"Wala, eh. Absent ngayon 'yong instructor namin sa. Kaya medyo vacant tayo ngayon." Napatango na lang ako sa sinabi ni Cassy.

"Kumusta na ang article natin?" tanong niya nang puno ng enerhiya. Malamang noong baby pa lang si Cassy ay mapunta lahat sa kaniya ang lahat ng Vitamin D, marahil kaya parang sinag ng araw ang positivity niya sa buhay.

"Heto..." Napaalog na lang ako ng ulo.

"Naku naman! Mag-iilang linggo na, oh?" Napakunot ang noo ni Cassy na sinabayan ng pagkamot ng ulo ko sa yamot. Hay, wala na talagang mangyayari sa akin.

Pero ora-mismo kong nabaling ang paksa ng pag-uusap namin. Pansin kong dala niya kasi ang kaniyang digi-cam.

"Ah, 'yong construction ng kabilang SHS building. Tapos bukas naman ay pupunta naman kami nina Kuya Luigi at Ate Shai sa Cabalenan para kumuha ulit ng pictures. Doon ba sa City Hall."

"Wow! Hectic pala ang schedule mo."

Pero sa gitna ng pag-uusap ay nakaramdam ako ng panghihina. Bigla tuloy akong nautal, at lumamlam bigla ang atmospera; nagsimula na ring magbutil ang pawis sa mukha ko, at sinimulan ko na ring pagpasa-pasahin sa magkabilang mga kamay ang aking bimpo.

Sabihin ko na kaya kay Cassy na magba-back-out na ako sa The Graphophiles' Joint?

"Uhm..."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago magwika at ilahad ang mga daing ko.

"Napag-isip-isip ko na... Baka mag-back-out na ako."

"Hala! Ano'ng--" Natigilan si Cassy dahil medyo napalakas ang boses niya. At saka siya nagpatuloy sa mahinang tono ng pananalita.

"Anong mamagba-back-out?" Mapwersa ang tanong niya. Para siyang nanay kung makapanermon sa akin.

"Nagbibiro ka ba?" Hindi niya tuloy namalayang naihampas niya ang mesa, kaya kahit sa malayo ay nasermunan kami tuloy ng librarian.

"Parang wala akong lugar sa Joint. Eh, halos lahat ng kasabayan ko, magagaling. Mga matatagal na sa field na ito. Ipinagsisiksikan ko lang ang sarili ko, eh."

"Parang wala namang patutunguhan 'yong pagsusulat ko," matamlay ko pang daing, sabay halumbaba.

"Hindi ba dapat, kapag nasali ka sa Joint, pakiramdam mo dapat ay maging proud ka? Mukhang kabalikaran ang sa akin..."

Totoo nga ang sabi ni Sir Spencer. Ano ba ang magiging silbi ko sa Joint? Palamuti lang? Isa lang ba akong liability sa kanila?

"...para akong nanliliit sa sarili ko. Pakiramdam ko ay hindi ko makakayanan ang pressure at expectations mula sa iba."

At sa oras na iyon, si Cassy naman ang nagbigay ng sentimiyento.

"Naku naman, Yoseff. Huwag mong isipin iyan! Wala sa experience, sa level, at kung gaano ka na katagal sa pagsusulat name-measure ang galing ng isa."

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, habang nakayuko. Mabuti na lang at kakaunti lang kaming nasa loob, dahil may klase ang iba. At nasa kasulukang bahagi naman kami, kaya walang makaririnig sa pag-uusap namin.

"Kung magba-backout ka, parang walang silbi ang lahat ng efforts para maisali ka. 'Di ba?" mapuwersa, ngunit malumanay niyang saad habang nasa harapan ko siya. Habang wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumango.

"Isipin mo na lang ang magiging reaction ni Sir Lysandre sa iyo. Papaano na lang 'yong mga kaklase mong nag-e-expect din sa iyo. Imagine, you are representing them."

Biglang sumagi sa isip ko ang mga kaklase kong proud na proud sa akin--sina Wilbur at Lewis--si Sir Lysandre. Parang hindi maatim ng konsensiya kong biguin sila. Ang hirap makulong sa expectations.

Waring binugbog ako ng bawat pananalitang isinasambit ni Cassy sa akin. Parang gusto akong sampalin ng katotohanang ito.

Hindi ako makasagot--hindi makaimik. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"At saka susukuan mo na lang ba ang giyerang nasimulan mo na? Itatapon mo na lang ba ito right away?"

"Hindi ko na alam, Cassy..."

Parang gusto ko nang sumabog. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa itong lahat. Bahala na nga

---

Mga bandang alas-tres nagsimula ang workshop, na pinangungunahan ni Sir Yuzon. Nandoon din sa harapan namin sina Sir Lysandre at Miss Kendra. Sa office area rin ito kasalukuyang ginaganap, katulad lang noong contract signing at oathtaking ceremony.

Pinilit ko pa ring um-attend, kahit na magba-back-out lang naman pala ako, at hindi na magiging bahagi pa ng Joint.

May naka-set din na projector malapit sa may whiteboard na may scribbled na letters na nakasulat doon, habang nakaupo kami sa mga cubicle ng office area. Mayroon namang nakaupo sa bandang likod--sa mga monobloc chair na naka-set doon.

Habang ako, patuloy na nakapalumbaba sa may dulong bahagi ng Joint room. Baka sa halip na makinig ay kanina pa parang multo na sumusulpot ang entry na dapat na i-e-edit ko na. Patuloy ang pagbagabag nito sa akin na waring 'di-matahimik.

"Sa pagsusulat ng isang balita, lalo na sa isang diyaryo, mahalaga talaga na maging precise at responsable tayo sa mga information na ibinibigay natin," panimula ni Sir Yuzon habang nakatayo sa tabi ng desk, na kung saan nakalagay rin ang projector.

"Our objective is to give accurate information sa iyo mambabasa. Journalism is about spreading the truth. We withstand on the side of verity. Kaya ang bawat salitang binibitiwan natin ay maaaring mag-reflect sa diyaryo as a whole."

"Kaya once na makapagbitiw tayo ng maling impormasyon tungkol sa isang tao, it may ruin his reputation. And he have the power to file a case against the journalist na nagbigay ng false information--that is the mortal sin in Journalism." Kahit na masigla ang tono ng pananalita ni Sir Yuzon, ramdam ko pa rin 'yong anxiety--isabay pa ang pagkuyakoy ng mga paa ko na sumusumpong kapag natutuliro.

Gusto ko nang mag-back-out.

Pero...kung magba-back-out na ako sa Joint, papaano na lang ang magiging tugon ni Sir Lysandre sa akin?

Hindi naman ako nababagay rito.

Pero masasayang lang ang lahat.

Tanggap ko nang talunan ako, kaya ano pa ang silbi no'n?

"Uhm, Yoseff."

"Yes, Sir?" Napagulantang na lang ako nang lumapit si Sir Yuzon at nasampolan sa kaniya. Uh, oh."

"I know your mind is already using Waze app. Because it seems that it's lost and starts to wander around," ang saad ni Sir Yuzon sa akin, kaya napabalikwas tuloy ako nang wala sa oras at inayos ang sarili ko.

Hindi tuloy ako makatingin sa mga kasama ko sa loob. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin. Rinig ko pa nga ang paghalakhak aya parang gusto ko nang magpalamon nang tuluyan sa lupa. Habang si Cassy na katabi ko lang ay mukhang nag-aalala para sa akin. Hay, buhay!

"Sorry po, Sir." Pababa nang pababa ang tono ng boses ko.

Pagkatapos niyaon, para akong damit na katatapos lang na kunin sa sampayan sa pagpapatuloy ng talakayan--nanlalambot na parang ikinula sa fabric conditioner, at parang natiklop at nakaurong ang dila.

Nakita ko rin si Sir Yuzon na pinagmamasdan din ako, mukhang siya ay nag-aalala na rin. Parang gusto ko nang suntukin ang mukha ko sa mga oras na ito.

Kaya...sa buong oras ng discussion, patuloy pa rin ako sa pagpapalumbaba at pagtunganga.

"Until next meeting, and thank you for your cooperation."

---

Sa halip na ituloy ang pagsusulat ko, patuloy pa rin akong binabagabag ng internal struggles kong ito. Para bang naglalamangan ang kung ano na ang mas matimbang. Habang ako ay parang mababaliw na kaiisip.

Mas parang gusto ko nang mag-back-out dahil sa kahiya-hiyang mga pangyayari kanina. Sadyang napakababaw--ngunit ayaw ko nang maulit pa iyon.

Inuna ko na lang ang panonood ng walkthrough videos ng ilang video games sa YouTube, at pag-browse sa Facebook. "Procrastination is life!" ika nga. Nag-message pa nga ang isa kong kaklase sa GC ng section namin, na may babayaran na naman bukas. Kahapon ay may binayaran na kami, tapos heto na naman; wala na atang trabaho ang USF, kung hindi ang maningil nang maningil.

Sa gitna ng pagbabasa ng diskusyon mula sa iba kong mga kaklase, may isa pang nag-message sa akin...

...si Sir Lysandre.

Matatandaan kong in-accept ko pa lang ang friend request niya noong Sabado. Pero nang basahin ko ang message niya, binasa ko ito sa tono na parang may maniningil ng utang na nag-aabiso na magbayad na ang isa sa kaniyang utang:

"Hey, Yoseff!"

Naging kaswal lang ang pagbati ko sa kaniya.

"Hi, Sir."

At...itinanong na nga niya ang katanungang pinipilit kong iwasan, dahil quotang-quota na ako sa ilang beses na itong naitanong sa akin sa araw na ito.

"Kumusta na 'yong article mo? May improvements na ba?"

Kinakabahan ako sa isasagot ko kay Sir Lysandre. Waring may rebolusyong namamayani sa isipan ko ngayon--parang gusto ko nang sumabog anumang oras.

"Kasi po..."

"Ano?"

"Is there any problem?"

"Yoseff?"

"Yoseff."

Mukhang seryoso na ang tono ng pagkaka-type niya sa pangalan ko. Argh! Papaano ko na ito sasabihin? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bahala na!

Lakas-loob kong itinype ang mga salitang iyon sa keyboard ng aking laptop. Pinilit ko nang lunukin ang takot na namumuo sa lalamunan ko; bahala na kung ano man ang mangyayari sa akin.

"Puwede po bang mag-back-out na lang sa Joint? Parang hindi ko po talaga kaya."

Namayani ang katahimikan sa buong kwarto. Parang sa halip na mapanatag, mas gusto ko nang suntukin--sapakin--bugbugin ang sarili ko.

Ang bopols mo talaga, Yoseff!

"Bakit?"

Inilahad ko na hindi ko talaga kayang magigng bahagi ng Joint. Wala na, nasambit ko na ang lahat. Wala nang urungan ito.

"Nasa kontratang pinirmahan mo na if you are quitting..." Hay, may ganoon ba sa kontrata? 'Yan kasi at hindi nagbabasa noon, Yoseff.

"If iniisip mo iyan, isipin mo na lang ang dahilan kung bakit ka nandito.

"I'm willing to help you naman, Yoseff. That's what colleagues are for. Nagtutulungan."

"Aalis na po talaga ako."

"I insist. Hindi kita basta-basta paaalisin sa Joint, even without the permission of Kendra, and even Sir Yuzon."

"Kailangan mong ipakita sa kanila ang worth mo as a writer. Quitting is for sore losers. And you are not like that."

"Hay. Ano po ba ang gagawin ko?"

"Ganito...mag-usap tayo bukas. If you are ready to let go this opportunity, puwede namang pag-usapan iyan."

"Teka. Nakakahiya naman po. " Parang magiging unfair naman 'yon, sa parte ko.

"Don't be embarrassed, Yoseff. Naranasan ko na kasi iyang nararanasan mo before."

"Gusto ko lang kasi na matulungan kang mag-grow. Malaki ang potential mo, and ayaw kong masayang lang lahat ng iyon. And quitting at The Graphophiles' Joint will just makes everything chaotic."

"Don't be hesitant. Don't think twice, Yoseff."

Kakagat na ba ako? Iyon ang katanungang hindi pa mabibigyan ng kasagutan.

Pagkatapos siguro ng pag-uusap na ito, parang wala na akong mukhang maihaharap kay Sir Lysandre. Nagkaroon na ata ako ng hiya sa sarili ko.

"Pag-iisipan ko po."

"Well, see you tomorrow, then? Walang hindi sisipot."

Anong? Hindi pa ako nagdedesisyon, pero may huling salita na si Sir Lysandre.

Napasapo na lang ako ng kamay sa mukha. Seryoso ba talaga siya?

See next page...

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 803 40
Ganon na lang kasikat sa Auburn International School si Zeiden Ace Padilla. Marami humahanga sa kanya dahil sa angkin mga talento niya lalo na sa pag...
4.3K 362 14
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
16.4K 882 44
Highschool Stories #3 | Moments make memories-and entities. *** A novelette. Suffering from continuos distresses after the passing of his friend, Jim...
431 314 6
Midnight Trilogy Book 1 (Ongoing) The desire to have you in the middle of the night. ©aspench