Death Trap Pandemonium (COMPL...

By SonjaSylvester

9.5K 691 651

Everything is fun and games until a group of college theatre kids find themselves in a dangerous and bloody s... More

ACT I
THE CAST
Overture
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Intermission
PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

Chapter Twenty-Six

186 5 10
By SonjaSylvester

CHAPTER TWENTY-SIX

A Hunt for Answers

November 3, 2015; Wednesday
Municipality of Santa Filomena

The man with pink hair grinned when the telephone began to ring. For a few moments, he let the sound of ringing fill the empty room before relenting and leaned forward to answer it. Mayroong malapad na ngisi sa kanyang labi nang inilapit niya ang telepono sa kanyang tenga.

"Santa Filomena's resident nuisance eliminator, who are we killing today?" he asked cheerfully.

"Kailangan mo na ng bagong tagline," sabi ng boses sa kabilang linya.

The man let out a high-pitched laugh. "Cut me some slack, I'm working on it," he replied. "Now, what can I do for my favorite little murderer?"

"How about we start with keeping us out of the police's radar and out of jail?" came the reply. "Matapos mo kaming pabayaan buong linggo, baka gusto mo namang maging aktibo na ngayon?"

He leaned back on his chair, grin growing wider. Alam niya base sa tono nito na maikli ang pasensya ng kausap sa oras na iyon. But he was himself and he couldn't resist the urge to 'poke the sleeping dragon,' so to speak.

"Kailangan niyo ang tulong ko?" pagmamaang-maangan niya. "Why? Can the great Grim's acting skills not pull this one off?"

Ilang sandaling tumahimik ang boses sa kabilang linya. Habang hinihintay niya itong muling magsalita, pinagmasdan niya ang mga newspaper clipping at pictures na naka-frame sa dingding. Hindi niya maiwasang mapangiti. Mukhang may madadagdagan na naman sa koleksyong ito.

Maybe I should open up a gory museum for this, he thought with a laugh. After several more moments, when it became clear that Grim won't speak again, he decided to break the silence.

"What's the matter?" he asked in a condescending tone. "Are you not up for the task? Did I put my confidence in someone-"

"I'm not Chaos. That's gonna work on me. Pero wala akong panahon ngayon para sa mind games mo." Mahinahon man, mababakas ang tensyon sa boses ng kausap. "Ilang araw nang bad mood si Apollo dahil sa pagkaka-bulilyaso ng plano. You set this up so it's your responsibility to ensure we succeed. Now, are you gonna do something or not?"

The man dramatically heaved a deep sigh, hiding the impressed grin that was still on his face. Hindi man niya aminin, hindi niya maiwasang bumilib na nagawa nila ang mga kailangan nilang gawin nang hindi halos humihingi ng anumang tulong sa kanya. He was more than impressed. And he was quite sure his predecessors would be as well.

I definitely chose well. Not that they need to know that right now, he thought. Three cheers for me, though!

Tumikhim siya bago muling magsalita. "Alright, I'll see what I can do. Hang on tight there. Don't let anyone else die-oops, too soon?"

Tanging click na lang ng pagkaputol ng tawag ang narinig niya. He has definitely ruffled the dragon's scales but what else would they expect from him? All harm, all foul was his motto in life. There's beauty in the havoc he wreaks, they will just have to see it the way he does soon enough.

"Still, a promise is a promise," he murmured as he began to dial the telephone.

May katotohanan naman ang tinuran ni Grim; may responsibilidad siyang kailangang akuin. Bagamat sa tingin niya'y iyon ang pinakanakakabagot na parte ng mga plano nila, someone had to do it. At nasisiguro din niyang malamang may kaunting galit si Grim sa kanya, kahit na hindi nito sinasabi, dahil sa pagkamatay ng mga kasamahan nila. Doing this was but a small favor that would benefit him in the long run.

Ilang sandaling nag-ring ang telepono bago mayroong sumagot ng kabilang linya.

"Watchword, please," came the monotonous response.

He almost rolled his eyes. "Sit back, relax, and enjoy the bloodshed. Seriously, hindi ba naka-save ang number ko diyan sa inyo?" Natatawa niyang tanong.

"Sorry, Sir. Security protocol lang," sagot naman nito. "How can we be of service?"

Muling napangiti ang lalaki nang dumako ang kanyang paningin sa nakasabit na newspaper clipping ukol sa pagsasara ng isang kasong halos isang dekadang pinaglaanan ng oras at resources ng buong probinsya.

"Hmm...how does an infiltration job sound to you?"

***

November 5, 2015; Friday
Azulan City Police Station

Despite their rescue and current safety, Shem did not sleep a wink for the past few days. He did not even want to close his eyes for too long, fearing that he would once again see Gregg's lifeless eyes staring at him or Ailee's blood smearing his hands in his dreams. Sa loob ng apat na araw, nahati ang atensyon niya sa pagsama sa kanyang Tito sa police station ng Azulan at pagbisita kay Ailee at sa mga kaibigan niya sa ospital.

Sariwa pa sa alaala niya ang mga palahaw ni Kevin nang sa wakas magkamalay ito.

"Nurse! Nurse, Doc, tulungan niyo ang anak ko!" Mula sa hallway, rinig na rinig na nina Shem ang sigaw ng ina ni Kevin.

Dali-daling pumasok ang mga nurse at doktor sa kwarto at bahagyang nakita ni Shem ang mga nangyayari sa loob bago tuluyang sumara ang pinto.

"Markus! Markus! Hindi, dalhin niyo ako sa kanya!" Ilang staff din ang kinailangan upang mapigilan siyang bumangon. "Asan si Champ?! Traydor siya! Kasabwat siya nila-"

That was how they found out about Champ's involvement with the killers. Hindi alam ni Shem kung anong mararamdaman niya matapos itong masiwalat. Sa isang banda, hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Champ sa kanila. Ngunit nang maalala niya ang identidad ng mga salarin, tila hindi na rin siya dapat magulat. It would seem that betrayal came too easily to other people.

Nasapo na lamang ni Shem ang kanyang noo. He wished he could just wake up from this nightmare. But no, this was his reality now and there was no escaping it.

Shem wished that Ailee was sitting there with him. He really needed her Russian stoicism at that moment. Lalo pa't pakiramdam niya anumang oras, tuluyan na siyang lalamunin ng bigat mga pinagdaanan nila at ng mga impormasyong hindi niya pa maaaring ipaalam sa iba. Ngunit kailangan niya munang harapin ang lahat ng ito nang mag-isa dahil nasa ICU pa rin si Ailee sa kabila ng matagumpay nitong surgery.

Sitting outside of Ailee's hospital room for the past few days had made Shem acquainted with her twin sister.

Shem was caught off guard the first time Shalee walked up to him and striked conversation. Tulad ni JC, sandali siyang natigilan nang makita niya nang malapitan ang dalaga. Hindi niya mapigilang mapatitig dito at kilatisin ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Bagamat walang klarong pagkakaiba na kapansin-pansin, hindi maalis ni Shem ang pakiramdam na iba talaga ang dalawa. Hindi ang kapatid niya ang nasa harap niya dahil nag-aagaw-buhay pa rin ito sa ICU.

If anything, seeing Shalee without a scratch on her whilst knowing that Ailee was in the exact opposite situation only made his heart ache more.

"Hi. You're Shem, right?"

Sandali siyang napakurap bago niya mapagtantong siya ang kausap ng dalaga. Dahan-dahang tumango si Shem at sinubukang ngumiti. Bago pa siya makapagsalita, nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng kambal ni Ailee.

"Gracias. For keeping my sister safe when I could not," Shalee said, voice shaking. "Thank you for being there for her through all these years."

It took Shem a moment to get over his surprise before awkwardly patting her on the back.

"I-It's nothing," he said, clearing his throat. Unti-unti na namang namumuo ang luha niya. "Para ko na ring kapatid si Ailee. Gagawin ko ang lahat para masigurong maayos siya."

Nang bitawan siya nang dalaga, akala ni Shem magagalit ito dahil sa pagbanggit niya kay Ailee bilang kapatid niya. Sariwa pa sa alaala niya ang ekspresyon ni Giovanni noon-though it probably didn't helped that he punched Ailee's legal brother right after saying that. But instead, Shalee took his hands and smiled at him.

"You're a good man, Shem Mercado. My sister is lucky to have you as her brother."

Mabilis na pinahid ni Shem ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mata nang biglang bumukas ang pinto ng office ng Hepe ng Azulan. Mas matangkad ito ng kaunti sa kanyang Tito at sa pagkakaalam niya, mas matagal ito sa posisyong iyon. Bukod pa roon, maganda rin ang track record nito. Kaya kung mayroon man siyang ibang pagkakatiwalaan bukod sa kanyang Tito upang malutas ang kanilang kaso, si Chief Topacio iyon.

Which was why Shem really strained to hear any part of the conversation going on inside the office.

"Sigurado po bang hindi natin pwedeng buksan ang kaso ni Cristina Marquez?" tanong ng isang boses na hindi kilala ni Shem. "The only witness in the case...Kasama sa mga naging target sa Blue Bay. At ayon din sa ilang nakalap nating testimonya, binanggit siya ng isa sa mga suspect."

Narinig niyang bumuntong-hininga ang kanyang Tito. "Sa ngayon, mukhang malabo pang magawa natin 'yan. Kulang pa tayo sa probable cause at kino-kontra ni Mayor Illan-"

A deeper voice scoffed before laughing. "Kinokontra? Walang kapangyarihan dito si Mayor Illan. I'm doing him a courtesy by letting Santa Filomena police into our investigation."

Nakunot ang noo ni Shem. Bakit kinokontra ni Mayor Illan ang pagbubukas ng imbestigasyon kay Yna? Ayaw niya bang mabigyan ng hustisya ang kapatid niya?

Shem could just imagine his uncle rubbing his forehead as he answered. "Gusto niya lang maging priority muna ang pagbibigay ng hustisya sa kapatid niya at sa ibang bata. Of course, it's up to Azulan kung paano nila iha-handle ito. Pero hindi tayo makakaasang magiging madali kapag pinili nating buksan ang sarado nang kaso kasabay nito."

"'Wag kang mag-alala, Ronaldo. Naka-trabaho ko na iyang si Manuel noong hepe pa lang siya ng Santa Filomena," sabi ni Chief Topacio. "Matigas din ang bungo ng isang 'yon. Kaya sa ngayon, ida-direct na muna natin ang atensyon natin sa ibang anggulo ng imbestigasyon."

Dahan-dahang umurong si Shem sa kanyang kinauupuan upang mas marinig ang usapan ng mga pulis. Bagamat kasama siya ng Tito niya, minabuti pa rin ni Shem na hindi mahalata ng mga ito na masyado siyang interesado sa imbestigasyon. Pumayag nga lang si Chief Mercado na sumama siya dahil magbibigay siya ng statement.

"Sa ngayon, ifo-focus muna natin ang mga tao natin sa retreat house mimso," pagpapatuloy ni Chief Topacio. "No rock will be left unturned. Siguradong may mga naiwang bakas ang mga suspect na magpapalinaw ng lahat ng ito. Ano palang balak mo doon sa tao mo...what's the name? Boris ba?"

Sandaling tumikhim si Chief Mercado. "Sinuspende muna si SPO2 Boris habang iniimbestigahan pa kung paano napunta sa pamangkin niya ang service gun niya," sagot nito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Shem nang marinig ito. It was news to him where Gregg got that gun from since he always thought he'd bought it illegally. But it did make sense. Gregg had always been sure of himself during fights, not only because of his strength but due to his connections to the police force as well.

"Mukhang kailangan ng mas matinding disiplina ang mga tao mo, Ronaldo." Matalim man ang mga salita ng hepe, walang halong pang-uuyam ang tono nito. "Don't let Manuel's irresponsible influence continue under your leadership. Take it from me, magkakaroon ka lang ng problemang mas malala pa rito in the long run."

Umayos ng upo si Shem nang dumaan sa tabi niya ang isang pulis na dali-daling pumasok sa opisina ni Chief Topacio.

"Chief! Nasa labas po ang mga Petrov. Gusto po kayong makausap. Pati na raw po si Chief Mercado," sabi nito. Unti-unting humina ang boses nito kaya medjo nahirapan si Shem na marinig ang sunod niyang sinabi. "May dala silang mga briefcase."

Shem could not help but relate to the Chief's aggravated groan as they went out to meet Isabela's family. Sandaling pinagdebatihan ni Shem kung dapat niya bang sundan ang mga ito o kung magagawa niya ito nang hindi nila siya napapansin. Eavesdropping on the police's conversations was not exactly gonna be met by smiles.

But Shem soon discovered that he did not even need to eavesdrop. He could see all of the officers working in the station perk up when Mrs. Petrov's voice rose.

"My little girl is dead. She's just as much of a victim here as the other kids," she was saying. "So swallow your goddamned pride, Arsenio, and accept our donation for the investigation!"

"With all due respect, Mrs. Petrov-" Chief Mercado had begun to say.

Ngunit nangibabaw ang boses ni Chief Topacio. "Ariella, there's really no other way to say this, pero natagpuan ang anak mong suot ang roba at maskarang tulad ng dalawa pang suspect sa kasong ito. Nagma-match ang fingerprint niya sa baseball bat na ginamit sa mga biktima. May dugo sa damit niya na hindi kanya. Last but not the least, dalawa sa mga bodyguard niya ang natagpuang tumatakas ng crime suot ang parehong mga damit at nakipagbarilan sa mga tauhan ko."

"There has been a mistake! There is no way that my daughter-" Mrs. Petrov shrieked.

"Ariella, sinusubukan kong sabihin ito nang maayos dahil sister-in-law ka ng pinsan ko," matigas na sabi ni Chief Topacio. "Pero isa ang anak mo sa mga prime suspect. So the least of your concerns is making sure that our investigation has enough funds."

Mrs. Petrov's indignant and nearly hysterical insistence that her daughter is innocent was drowned out by Shem's mind putting the pieces together. So tama nga ang kutob ko na si Isabela yung killer na napatay ni Chloe. Kasabawat siya nina Gregg at Jean. Siguradong siya ang nagbigay ng pera panggastos sa mga plano nila. Pero anong motibo niya?

Kulang pa rin ang impormasyong mayroon si Shem kaya sinubukan niyang makinig ulit sa usapang bumalik na sa opisina ng hepe ng Azulan. Base sa mga naririnig ni Shem, mukhang fina-finalize nila ang isasagawang pagkuha ng testimonya sa iba pang survivors pati na kung paano iaaddress ang press tungkol sa nangyaring massacre.

Shem felt weird thinking about it, putting a label on what happened to them. But with the media no doubt getting wind of this soon, he guessed he would have to come to terms with it. Wala siyang ibang magawa kundi ipagdasal na hindi ito lalong makaapekto sa pinagdaraanan ng mga kaibigan niya.

"Chief, tumawag pala kanina ang secretary ni Mayor," sabi ng isa pang pulis. "Gusto raw ni Mayor Navarra na maging handa na tayo para sa press briefing in a week's time."

"Paano niya ine-expect na gawin natin yan kung hanggang ngayon wala pa ngang malay ang ibang survivor para makapagbigay ng testimonya?" litanya ng sisenta anyos na hepe. "Anong gusto niya? Maglabas ako ng suspect list mula sa ere?"

Sandaling natahimik ang mga kasamahan niya bago magsalita ang Tito ni Shem. "Chief Topacio, alam kong pressured na kayo sa oras pero...baka sakaling magawan ng paraan na magkaroon ng professional psychiatrist habang kinakausap niyo yung mga biktima? The kids have been through a lot. Physically and mentally."

"Your nephew seemed to talk to us just fine without one. Pero, sige, sasabihan ko ang mga tao ko na tumawag sa Provincial Psychiatric Facility para diyan," sabi ni Chief Topacio. "Anything else?"

"Alam kong sabi mo kailangan niyo pang makuha ang testimonya ng mga bata...pero gusto ko lang itanong kung may lead na sa iba pang posibleng kasabwat ng mga suspect?" tanong ni Chief Mercado. "Parang imposibleng kaya 'tong gawin ng iilang bata sa kolehiyo at masyadong malinis ang pagkaka-trabaho."

Shem risked a glance into the office and saw the older man waving away in his uncle's direction. The crowded room was filled with heaps of files on the Chief's desk and couch while there was a wall filled with his awards.

"It's too soon to tell. Sa ngayon, marami pa tayong hindi alam sa mga nangyari sa retreat house na iyon," nakangiwing sambit ng hepe. "Kung hindi nito pinapahirap lalo ang trabaho ko, I would find it commendable na bukod sa bangkay nila, wala halos iniwang bakas ang mga suspect."

Natuon ang pansin ni Shem sa isang batang pulis na tila ilang taon lang ang tanda sa kanya. Kanina pa ito hindi mapakali at animo'y isang estudyanteng nahihiyang magtanong sa kanyang paboritong guro.

"C-Chief?" Bahagya pa itong pumiyok. "H-Hindi ba may ganito rin kalinis na krimen sa probinsya noon? Posible kayang totoo yung kinukwento ng mga-"

Napatalon si Shem nang biglang hampasin ng hepe ang kanyang mesa. "Loberes! Paano ka nakapasok sa pulisya kung naniniwala ka sa mga kwento ng matatanda na panakot sa mga bata?" asik nito bago tumawa. "Sumasakit ang ulo ko sa 'yo. Kuhaan mo nga ako ng kape."

"S-Sorry, Chief," nauutal na sabi nito bago lumabas ng opisina.

Nang mapadaan ito sa kanyang kinauupuan, agad na umiwas ng tingin si Shem at nagkunwaring nagsusulat sa kanyang journal. Kwento ng matatandang kinokonekta sa imbestigasyon...

"Sa tingin mo may merit ang sinasabi ni Loberes?" Narinig niyang tanong ng kanyang Tito.

Lalong tumawa si Chief Topacio. "Ano ka ba, Ronaldo? Ilang dekada na ako sa serbisyo. Hindi ko nalutas ang napakaraming kaso dahil sa paniniwala sa mga conspiracy theories at urban legends. Besides. Kung ako sa 'yo, mas po-problemahin ko ang mga nawawalang tao sa Santa Filomena. Ano nang balita doon?"

Muling bumuntong-hininga ang kanyang Tito. "Wala pa ring lead sa mga anak ng mga Carasig at Almeda. Nagtanan daw pero dahil miyembro sila ng org ng mga survivor, gustong paimbestigahan ng mga magulang nila," aniya. "Hindi pa rin nahahanap yung professor na kasama dapat ng mga bata sa retreat house at hindi rin ma-contact yung dean na nagpadala sa kanila doon."

Chief Topacio crossed his arms across his chest and regarded Chief Mercado with question-filled eyes. "Ano yun? Naglaho na lang bigla na parang bula ang mga tao sa bayan niyo?"

Umiling naman si Chief Mercado. "Sa ngayon, iniimbestigahan pa namin kung biktima din sila sa nangyaring patayan. Pero paano kung sangkot pala sila sa mga suspect sa kaso niyo?" tanong nito.

Chief Topacio leaned forward on his desk and smiled humorlessly. Sa mga oras na iyon, lalong napahanga si Shem sa determinasyong nakita niya sa mukha ng hepe, indikasyon ng matagal na nitong karanasan.

"Kung kasabwat man sila...pwes magsimula na silang magdasal na hindi ko sila kailanman mahanap."

Inalis ni Shem ang kanyang tingin mula sa mga ito nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Sandali siyang nagtaka kung bakit parang ibang number ang gamit ni JC bago niya maalalang bago na pala ang cellphone nito.

P're, JC 'to. Pumunta kang ospital.

Hindi pa natatapos si Shem basahin ang mensahe ng kaibigan nang makatanggap siya ng isa pang text. Kunot-noo niya itong binuksan dahil hindi niya kilala ang numero.

From: Unknown Number

Hello, Shem. It's Shalee. I just thought you'd want to come to the hospital right now. Our sister is awake.

Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang araw, sumilay ang isang ngiti sa labi ni Shem.

Translation

Spanish
Gracias - Thank you

END OF CHAPTER TWENTY-SIX

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 177 28
In order for the survival of mankind, the world leaders decided to unite. It is after the global economic loss due to the pandemic. Vivid Letecia, a...
10.5K 975 47
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
20.1K 486 52
When you came back for the guy you had crush on for years, but then he's already promised to someone else. Will it stay platonic? Or maybe you'll fin...
2K 168 20
Stand-alone Story | She met her variant, and apparently he's a he. *** A novel. After losing their parents at a young age, Astra with her brother, El...