Sentry

By fbbryant

349K 15.2K 1.7K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
3- Monster
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
15- SA Vs Witches Vs Vampires
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
29- Dinner
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
33- Lull Before the Storm
34- The Storm... Murder
35- The Storm... Regrets
36- The Storm... Courage
37- The Storm... Curse
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

19- Useless

7.2K 321 30
By fbbryant

"Forrest, Gaius, may ipapakilala kami sa inyo," nakangiting bungad ni Juliana Kühn sa dalawang anak na lalaki na nakaupo sa kanilang library.

"What is it, Mother? I am busy," seryosong sagot ni Gaius na nagbabasa ng Almanac. Sa edad na walong taong gulang ay wala itong alam sa mga laruang pambata. Lage itong nagbabasa ng mga libro katulad ng encyclopedia, atlas, almanac, science books at kung anu-ano pang academic literature.

Hindi naman kumibo si Forrest. Busy rin ito sa pag-aaral sa libro ng kanilang maliit na kompanya na bigla na lang nagkaroon ng napakalaking investment.

"Honey, bring her here," sigaw ni Juliana at pumasok nga ng kanilang library si Mr. Damian Kühn at sa kanang kamay nito ay nakakapit ang isang batang babae na halos kaedad lang ni Gaius.

"Meet your new sister, Auberon Wallhoff," nakangiting sabi ni Damian. He was a very good looking man but his children didn't get his  blond hair and blue eyes.

"Come here, sweetie. Meet your new brothers," nakangiting aya ni Juliana sa batang babae na may pulang buhok at green na mga mata.

"Why do we need a new child in this house? I'm already here," seryoso ang mukha ni Gaius saka padabog na isinara ang hawak na almanac.

"C'mon, baby bro, you're not a child. You're a big man in a child's body," sabi ni Forrest. Tumayo ito saka lumapit sa batang babae na agad na nagtago sa likod ni Juliana.

"Sweetie, don't be scared. This is your new older brother, Forrest," Juliana's smile was so big and friendly kaya naman nakampante si Auberon.

"Do you like chocolate?" ani Forrest na nag-squat sa harap ng bata.

Umiling si Auberon. "Lollipop."

"Excellent. Gaius, samahan mo si Auberon sa kitchen. Bigyan mo ng maraming lollipop," utos ni Damian kaya padabog na tumayo si Gaius.

"Ibigay mo na lahat ng lollipop na nandoon, son. Hindi mo naman kinakain ang mga 'yun. You know I bought those for you," ani Juliana.

"Candies will just ruin my teeth so no thank you," straight face na sagot ni Gaius at nauna nang lumabas.

"Ang KJ talaga ng batang 'yun," natatawang komento ni Juliana.

"Well, dear, you trained him to be like that," sagot naman ni Damian at yumakap sa asawa.

"Naiinggit naman ako," ani Forrest.

"Darling, Auberon, sumunod ka na kay Gaius sa kitchen," nakangiting utos ni Juliana sa bata na agad namang tumakbo palabas.

"Come here, son. Mommy needs a hug," malambing na sabi ni Juliana kaya agad namang sumunod si Forrest.

"Forrest likes Mommy hugs," pabibo nitong sabi kaya nagkatawanan sila.

Samantala, sa kusina, parang isang scientist na nasa laboratoryo si Gaius habang matamang tinititigan ang batang si Auberon na kumakain ng dalawang lollipop, isang pula at isang orange. Pareho silang nakaupo sa kani-kanilang silya at nasa gitna nila ang pabilog na mesa sa eat-in area.

"Nasaan ang mommy at daddy mo?" ani Gaius.

Hindi sumagot si Auberon pero natigilan ito at namumula ang mga mata na parang gustong maiyak.

"Hindi ka na ba mahal ng mga magulang mo? Why are my parents adopting you?" pero insensitive ang batang Gaius. "You are not special looking. You look plain. Wala kang front teeth. Sipunin ka pa. So, again, why are my parents adopting you?"

Nagsimula nang maluha si Auberon pero patuloy pa rin ito sa pagkain ng lollipop.

"Your parents don't love you anymore. They abandoned you that's why my parents want to adopt you," nakakrus na ang mga kamay ni Gaius habang nakatingin sa batang babae.

"Patay na ang mommy at daddy ko!" biglang sigaw ni Auberon at pumalahaw ng iyak.

Natigilan naman si Gaius. Hindi ito nakakilos habang nakatingin kay Auberon na puno na ng luha at sipon ang mukha.

Ulila na pala ito kaya ito inampon ng mga magulang ng batang lalaki.

Nakaramdam ng awa si Gaius sa batang kaharap. Hindi pa ito nakakilala ng ulila pero naiintindihan nito sa murang edad na mahirap mawalan ng mga magulang. Kapag nasa malayong lugar ang mga magulang nito para sa trabaho ay nalulungkot ito. Paano pa kaya ang isang ulila?

Bumaba ito mula sa upuan at lumapit kay Auberon.

"I'm sorry," ani Gaius saka niyakap ang umiiyak na batang babae. "Share na lang tayo ng mommy at daddy. At simula ngayon, ako na ang Kuya Gaius mo at bestfriend na rin."

Tumigil sa pag-iyak si Auberon at patagilid na tiningnan si Gaius na nakayakap sa kanya.

That moment, she knew she found a new family. And a loving one at that.

Napatigil sa pagmumuni-muni si Gaius nang marinig ang mahinang ungol ni Rifka bago ito kumilos.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ng kanyang study table saka nilapitan ang dalaga. Hindi niya napigilan ang sariling mapatitig sa inosente nitong mukha. Maliit itong babae kaya pakiramdam niya ay obligasyon niyang protektahan ito.

But once again, he remembered how she fought. Her fighting skills were so advanced.

Nabaling sa nakaawang nitong mga labi ang paningin niya. They looked so pink and luscious. He tasted them two nights ago and they were so sweet.

Napalunok siya. Why was she seducing him? Unconsciously?

Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay isa siyang aso na in heat. Nakakahiya.

Hinila niya nang dahan-dahan ang covers upang ipatong iyun sa katawan ng dalaga ngunit kumilos nanaman ito kaya mukha siyang tanga na nag-freeze sa kanyang posisyon, nakayuko, hawak ang makapal na comforter.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" she suddenly spoke kaya gulat na napatayo ng tuwid si Gaius kaya nahila niya ang covers.

"Ah...gising ka na pala," wala siyang ibang nasabi. Nang tingnan niya ito ay nalaman niyang nanlalaki pala ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya at tutop ang sariling bibig.

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?"

Ang kapal naman ng mukha nito, bulong niya sa sarili.

Kumunot ang noo nito at agad na nanlaki ang mga mata nang makita ang paligid. "Is this your room? Ano'ng ginagawa ko rito?" bigla na lamang itong bumangon at bumaba mula sa kama niya. With her hair flying in all directions. Mukha tuloy itong pinya.

"You can't remember anything?"

Nakita niyang natigilan ito na para bang nag-iisip. At ilang sandali ang lumipas bago ito gulat na napatitig sa kanya.

"Tell me panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi," mahina nitong sabi na nagsimula nang mamula ang mukha.

Umiling siya saka yumuko and made his bed. Napangiti pa siya nang lihim nang ma-realize na dumikit sa kanyang kama ang amoy ng dalaga.

Natigilan siya sa naisip bago umiling. Nababaliw na siya.

"Uhm... K-Kailangan ko nang bumalik sa kwarto ko. S-Salamat sa tulong mo ka...kagabi," anito na natatarantang pinululot ang lumang sapatos nito na tinanggal niya kagabi.

"Next time, don't drink if you can't handle it," aniya na busy pa rin sa pag-aayos ng kanyang kama.

"H-Hindi na mauulit," mahina nitong sagot kaya napalingon siya rito. Did she just agree with him?

Tumikhim siya ng malakas at pilit niyang pinatigas ang kanyang ekspresyon.

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Hindi ako nakatulog buong gabi dahil sakop mo ang buong kama ko. At hindi na ako nakapasok ng morning classes ko dahil ayokong iwanan ang kwarto ko habang may ibang taong natutulog dito. I have to make sure that my belongings are safe," aniya.

Nakita niya ang pag-ismid nito saka humakbang na palapit sa pinto ng kwarto n'ya. Kipkip nito ang mga sapatos at magulo pa rin ang buhok nito.

Lihim siyang napangiti. Matagal na rin mula n'ong may mapagtripan siya ng ganito.

"Salamat. Pakilista na lang kung magkano ang babayaran ko sa perwisyo ko sa'yo. Bye," medyo nakasimangot nitong sabi at lumabas na ng kwarto niya, banging his door loudly.

Napailing na lang si Gaius. Hindi niya pwedeng ipakita na nanlalambot siya sa tuwing nakakausap n'ya ito.

Nakakasira ng image.

The next thing he knew, he was already grinning from ear to ear like a doofus.

---

Naiinis pa rin si Rifka sa tuwing naaalala niya ang mukha ni Gaius. Kung perwisyo siya, bakit siya tinulungan nito kagabi gayung sina Deus naman ang kasama n'yang nagpunta sa club na 'yun? Dapat hindi na ito nakialam sa kanya.

Nag-kiss kami kagabi.

Biglang nag-echo sa pandinig niya ang linyang iyun. She couldn't believe she said those words in front of Malik, Cole and Deus.

Nag-kiss kami kagabi.

"Argh!" ginulo niya ang kanyang buhok saka sumandal sa dingding ng hallway habang nagpipigil ng iyak.

Wala na siyang pakialam sa mga estudyante at professors na dumadaan at napapatingin sa kanya nang may kunot sa noo.

Sinabi n'ya ba talaga 'yun?

Buti na lang at nainis siya kay Gaius kanina kaya hindi niya naisip ang pinagsasabi n'ya kagabi.

Pero paano mamaya sa trabaho? Kaya n'ya bang harapin ito at umaktong parang walang nangyari?

At paano sina Deus, Malik at Cole?

Napangiwi siya at luha na lang ang kulang para magmukha siyang umiiyak sa hallway na 'yun na parang baliw.

Hindi n'ya yata kayang umuwi ng dorm room mamaya. Parang gusto n'yang iwasan ang grupo nina Deus. Nakapagbihis lang naman siya kaninang umaga ng uniform dahil alam niyang wala ang mga ito sa dorm dahil may pasok ang mga ito.

Pero paano mamaya pagkatapos ng mga klase nila?

Napahinga siya ng malalim saka dumungaw sa parapet. Nasa second floor siya ng Akadēmos nang hapong 'yun. Sa kanan niya ay ang dingding at ang kaliwa naman ay parapet kung saan pwedeng dumungaw.

Sa baba ay nakikita niya ang mga paroo't parito na mga estudyante. Nakikita rin niya ang Dormire sa unahan, Emporium sa kanan at Autorité naman sa kaliwa.

Sa dami ng mga estudyante rito, imposible sa kanyang umiwas sa grupo ni Deus.

Wala talagang siyang kawala kundi harapin ang mga ito. Pati si Gaius.

Nakarinig siya ng hagikhikan sa likuran n'ya kaya nilingon n'ya kung sino ang mga 'yun. Mga nasa high school department na estudyante lang pala na ka-share nila ng campus. Kapareho nila ng uniform ang mga ito maliban sa necktie. Sa halip kasi na necktie, ribbon ang sa mga babae at bowtie naman sa mga lalaki.

"Talaga? Lumabas siya mula sa kwarto ni Gaius na magulo ang buhok?" anang babae na siguro ay fifteen pa lang.

"Oo. Kitang-kita ko kaninang umaga. D'on yata nagpalipas ng gabi," sagot naman ng kasama nito at parehong sumulyap sa kanya.

"Tss. Nagbulungan pa kayo," mahina niyang sabi at mukhang narinig ng mga ito kaya nagtakbuhan ang dalawa palayo.

"Pati ba mga bata ay inaaway mo na ngayon?" bigla na lang may tumabi sa kanya sabay akbay kaya gulat siyang napatingala rito.

Si Malik lang pala.

"So, totoo ba? Sa kwarto ni Gaius ikaw nagpalipas ng gabi?" parang tatay nitong sita.

Umiwas siya ng tingin. Ito na nga ba ang sinasabi n'ya.

"Mabilis talaga 'yung si Gaius. Tahimik pero matinik," anitong nakangisi.

"Pinagsasabi mo? Tulog na ako n'ong nakarating kami rito kaya hindi na n'ya ako dinala sa kwarto ko. Hindi na rin niya ako ginising."

"Hmmm... Talaga? Walang nangyari?" tinitigan pa siya nito. Pero hindi siya nag-iwas nang tingin to prove na hindi siya nagsisinungaling.

"Walang nangyari. Gusto mong basahin ang isip ko?"

Umiling ito. "Wala pala si Gaius eh. Kung ako 'yun, hindi ko hahayaang malungkot ang isang magandang babae na nasa loob ng aking kwarto. Paliligayahin ko s'ya."

Isang sapak ang naging sagot niya rito kaya napabitaw ito sa kanya nang tumatawa.

"Wag mo nga akong isasali d'yan sa mga kalokohan mo."

Tumawa lang ito saka muling umakbay sa kanya.

"Joke lang naman."

Napangiti na rin siya. Aaminin niyang kampante na talaga siya kay Malik. Ang gaan kasi ng personality nito. Hindi nakakatakot kahit alam niya kung gaano ito kagaling sa pakikipaglaban at may kapangyarihan pa.

"Saan ka na ngayon?" tanong nito kaya napatingin siya sa malaking orasan sa bell tower.

Malapit nang mag-sunset.

"Maghahanda na ako para sa trabaho," mahina niyang sagot.

"Sama ako sa dorm room mo. Nood akong TV."

Tumango na lamang siya saka sabay na silang naglakad.

"Sigurado ka bang kaya mo nang magtrabaho? Pwede ka naman sigurong mag-absent," nag-aalalang sabi ni Malik habang nakatingin kay Rifka na nagsusuot ng sapatos sa kwarto ng babae.

"Okay lang ako, Malik. Tapos na ang hunting week. No need to worry. Salamat na rin," sincere niyang sabi saka ngumiti.

"No problem. Bayaran mo na lang ako ng isang gabing makeout makeout," anitong nakangisi kaya natawa na lang si Rifka.

"Uyyy, hindi na siya inosente sa makeout makeout oh. Hanggang saan ba umabot ang kiss ninyo ni Gaius?"

Natigilan siya dahil sa tanong nito at agad na nag-init ang kanyang mukha. Ipaalala ba naman 'yun?

And worse, magkikita pa sila mamaya.

Tumawa ng malakas si Malik. "Langyang Gaius talaga 'yun."

"It's not what you're thinking, okay?" aniya saka ipinagpatuloy ang ginagawa. "Nadala lang kami 'coz I shared my blood with him para maka-recover siya agad. Inisip ko kasi na kasalanan ko kung bakit muntik na siyang mamatay."

"Ahhh," tumangu-tango ito. "The intimate sharing of blood between Purebloods. Now I get it. Though, I don't understand why your blood could help him recover faster."

Natigilan nanaman siya. Ang talas talaga ng lalaking 'to.

"Well, we are vampires," sagot naman nito sa sariling confusion. "Blood always helps us. But you must know, Foxglove injuries like what Gaius had, blood won't help a lot. Kumalat na kasi ang lason sa katawan n'ya."

Of course she knew that. Kaya nga hindi na nila nailigtas ang kanyang Uncle Antoninus dahil kumalat na sa katawan nito ang kamandag ng Foxglove.

"But I understand why you wanted to save Gaius. At least may bonus kayong masarap na..."

Sinamaan n'ya ito ng tingin kaya tumawa ito ng malakas.

"Aalis na nga ako. 'Wag mo akong ipahamak ha," aniya saka tumayo na.

"Sure. Say hi to Gaius for me," anito sa mapanuksong tinig saka humalakhak.

Iniwan na lang niya ito bago pa man makabalik sa dorm room nila sina Tiana.

Walang ingay na lumapag si Rifka sa kabilang bahagi ng pader at agad niyang namataan si Gaius na nakasandal d'on habang nakapamulsa. Lage siya nitong hinihintay kapag papuntang trabaho but he would he quiet the whole time. This time should not be an exemption.

Hindi niya alam kung paano ito babatiin pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan nilang dalawa kaya nanahimik na lang siya at tumingin sa ibang direksyon.

Narinig niyang tumikhim ito kaya bahagya siyang sumulyap dito na agad niyang pinagsisihan.

He was checking her out! Desente naman ang suot niyang t-shirt, shorts at sneakers but still. He shouldn't be checking her out. Nakakahiya kasi.

Magsasalita na sana siya nang bigla na lang itong umayos ng tayo at iniwan siya.

"Let's go," anito na nauna nang umalis.

Arrogant buffoon, naisip niya. Pero mas mabuti na rin na mananahimik nanaman ito.

Madali lang naman nilang narating ang bar kaya nakahinga ng maluwag si Rifka. Agad niyang hinarap ang kanyang trabaho nang hindi nililingon si Gaius.

Pero aaminin niya na sa hindi malamang dahilan ay naiinis siya na hindi siya nito pinapansin.

"Hello, tao po. Nandyan ba si Rifka?" nakita na lamang niya si Sierra na pumipitik ng mga daliri nito malapit sa mukha niya at mukhang hindi ito natutuwa.

"I..." napatingin siya sa hawak na tray. Wala na roon ang dalawang baso ng beer kaya napatingin siya sa sahig. To her dismay, nagkalat nga roon ang nabasag na mga baso at nagkalat ang beer sa sahig.

"Absent ka na nga ng isang linggo, ganito pa pagbalik mo. Sana hindi ka na lang bumalik," mataray na sabi ni Sierra saka siya nilampasan at nagsumbong kay Gaius.

Yumuko siya at nagsimulang magpulot ng mga basag na baso. Nagtataka siya kung bakit napaka- clumsy n'ya. Hindi nagtagal ay may isa pang kamay na tumulong sa kanya.

"Are you okay?" tanong ni Gaius na nilalagay sa dustpan ang mga piraso ng baso.

"Y-Yeah," mahina niyang sagot saka huminga ng malalim.

Inagaw nito ang mga napulot niya at ito na ang nagligpit. Pinunasan na rin nito ang sahig.

"You better go to the kitchen and take a break," seryoso nitong sabi saka siya iniwan.

Dahan-dahan siyang tumayo. Palpak na naman siya sa trabaho. Buti na lang at hindi siya pinapagalitan ng manager nila.

Lage na lang sinasalo ni Gaius ang kanyang mga kapalpakan. Rifka was sure that Gaius didn't like her but he was always there for her.

At hindi siya dapat masanay.

Huminga siya ng malalim. Rifka, get yourself together, sabi niya sa sarili.

Naramdaman niyang may mga bagong dating na customers kaya agad siyang ngumiti. Kailangan niyang bumawi para naman hindi puro perwisyo ang maidulot niya sa mga nasa paligid n'ya.

Para naman may silbi siya dahil tumatanggap siya ng sweldo sa lugar na ito.

Lumingon siya sa likuran niya para batiin ang mga bagong dating.

"Welcome to The-," napatigil siya nang mapagsino ang mga bagong dating.

Lagot.

***

immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 542K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
12.2K 678 53
I broke one chain but I didn't know that there's another. Making myself unable to move, escape, and totally imprison. How can I help myself breaking...
790K 32.5K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
14.9M 480K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you.at she has *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na k...