SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER TWO

15.1K 510 35
By Gretisbored

A/N: Dedicated to the first commenter.

**********

Hindi muna ako dumeretso sa omise ni Tita Chayong dahil masama pa ang loob ko. Ayaw pa ring tanggapin ng aking kalooban na tinalo ako ng isang estudyante. Ako, na isang LET passer at top five pa sa board exam ng mga guro ayaw nilang bigyan ng pagkakataon tapos ang Australian na walang tinapos ay sampong kamay nilang tinanggap? English major naman ako, a! 'Asan ang hustisya?

"Pipay!" sigaw ng pamilyar na tinig. Paglingon ko nakita ko si Ate Roselda. Kumakaway-kaway pa ito sa akin. As usual, takaw-pansin na naman ang get-up niya, lalung-lalo na ang maroon niyang Valentino hat at dangling earrings. Pero natuon ang paningin ko sa matandang Hapon na kaabrisyete niya. Mukhang madatung ang lolo!

"Ang saya-saya n'yo yata, Ate Roselda," biro ko. Yumuko naman ako nang bahagya sa kasama niya at kiming bumati ng, "Hajimemashite." na ikinatuwa naman ng lolo.

"Paanong hindi ako sasaya? O!" At tinaas niya ang bitbit na dalawang paper bags na naglalaman ng mamahaling purse. Ang isa ay tatak Chanel at ang isa nama'y Hermes. Siyempre, namilog ang mga mata ko. Napahagalpak naman siya ng tawa.

"Grabe, kakainggit naman kayo, Ate. How to be you, po?"

"Nakows, huwag kang mainggit sa akin. Ito lang ang kaligayahan ko sa matandang ito. Tigang na tigang ako rito, 'no! Hindi na siya tinitigasan kahit anong lapirot ko." Tumawa na naman siya. Napabungisngis naman ako sa sinabi niya. In-imagine ko kasi silang dalawa sa kama. Susko, ang sagwa! Pinilig-pilig ko nga ang ulo para maalis iyon sa isipan ko.

"Baka kasi'y companionship na lang ang habol niya sa iyo."

"Kampanyonshep ka riyan! Ambisyoso ito, ano? Malakas ang payting espirit nito kaso nga lang surender talaga ang batuta niya, Day. Wa na ibuga!"

Nagtakip na ako ng kamay sa bunganga dahil natawa sana ako nang malakas. For a while, nalimutan ko ang kabiguan nang araw na iyon.

"O, ano? Kumusta pala iyong intarbyu mo kanina?"

Nagulat ako. Paano niya nalaman?

"Hay, naku. Alam mo naman si Ate Chayong. Pinagkalat nang magtuturo ka raw ng Ingles sa NOVA. Natanggap ka ba?" kaagad niyang sabi. Nahulaan siguro ang nasa isipan ko.

Si Tita talaga, oo. Tapos kung pigilan ako sa mga pang-aaplay ko, wagas. Nakakainis! Kaya pala nausog ang application ko.

"Hindi po ako natanggap. May kasabayan kasi akong Australian kanina na nag-apply din. Siya po ang kinuha nila," matamlay kong sagot.

Pagkarinig sa Australian, namilog ang mga mata ni Ate Roselda.

"Guwapo ba, Day? Bata? Naku, malaki itits no'n sigurado!"

"Ate Roselda naman." At inginuso ko si Lolo.

"Nakows! Wala namang kaso rito kung maghanap ako ng iba. E sa hindi niya ako napapaligaya, e! Alangan namang magsariling-sikap na lang ako palagi!"

Napailing-iling na lang ako sa kanya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil may dumating na kakilala nila ng lolo at nakipagtsika na sila sa mama. Nagpaalam na lang akong papasok na ng Starbucks na nasa kaliwa ko.

Pagkakuha ko ng order na cafe latte, wala sa sariling naglakad ako sa pang-dalawahang upuan sa dulo. Dahil nakapokus ang atensyon ko sa last remaining table, nagulat ako nang bigla na lang may nabanggang pader, este matigas na dibdib pala.

"Kuso!" sigaw ng lalaki. Nagkalat ang latte ko sa puting long sleeves shirt niya. Nang magtama ang paningin namin kapwa kami nagkagulatan. Ang anak ng kaibigan ni Tita Chayong!

"Ikaw?!" sabay naming naibulalas sa Nihongo. Inasiman niya ako ng mukha. Tinangka ko sanang punasan ng tisyu ang tumutulong kape sa shirt niya, pero tinabig niya ang kamay ko.

"Suplado! Ikaw na nga ang tinutulungan, e."

Hindi sumagot ang kumag. Nagpalinga-linga lang ito at dumeretso na sa nag-iisang bakanteng mesa na siyang pinupuntirya ko rin. Humabol pa sana ako pero naunahan na ako ng mokong.

"Mesa ko ito," sabi ko sa kanya sa salita nila.

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago nilapag doon ang MacBook at naghubad ng long sleeves shirt niya. Pati ang puting panloob no'n ay hinubad din niya. Naeskandalo ako. Bigla akong tumalikod. Bwisit ito, a! Parang hindi Hapon.

May lumapit sa kanyang taga-silbi ng Starbucks at nagmagandang loob na ipalaba sa kalapit na dry cleaner ang namantsahang damit niya. Binigyan pa siya ng tuwalya para pantakip sa dibdib. "Bakit?" pasuplado niyang tanong sa crew. Wala yatang balak kunin ang tuwalya.

Nagpaliwanag ang pobreng lalaki na baka raw may magreklamo sa ginawa niyang paghuhubad.

"Sinong nagrereklamo riyan?" tanong nito. Tumayo pa ang kumag at tiningnan ang mga katabing mesa. Napayuko ang karamihan, mababae man o lalaki.

Shit! In fairness, yummy ang abs ni Kuya. Kaya pala ang lakas ng loob. Hmp! Exhibitionist!

Napakamot-kamot sa ulo niya ang crew. Parang hindi na ito komportable. Naisip siguro na baka gumawa pa ng mas malalang eksena ang lalaki.

Dahil hindi ko nagustuhan ang kahambugan ng damuho, ako ang naglakas-loob na magsalita.

"Sino'ng nagrereklamo 'kamo? Ako!"

Napaupo siya sabay sabi sa akin ng, "Tigilan mo ako. Kasalanan mo ito."

"Sorry kung namantsahan ko ang shirt mo," sabi ko sa kanya sa pinakamahusay na Nihongong alam ko. Napatingin siya sa akin at nangunot ang kanyang noo. "Pero binigyan ka na ng tuwalya. Ba't hindi mo gamitin habang hinihintay ang pina-dry clean mong damit?" sabi ko pa.

Nakita kong nangislap ang singkit niyang mga mata na para bagang may nakakatawa sa sinabi ko. Nag-init naman ang mukha ko. Ni-replay ko sa isipan ang pinagsasabi. Sa tingin ko, okay naman. Pasimple kong binulungan ang crew ng Starbucks at tinanong kung tama ang Nihongo ko. Nag-thumbs up sign naman siya sa akin.

"Starbucks ito, hindi gym. Dito, bawal mag-topless. Akala ko alam mo iyan? Hapon ka naman, di ba?" patuloy ko pa nang inisnab niya kami pareho ng crew. Gusto ko na siyang kutusan dahil imbes na harapin kami, nagbutingting na siya ng MacBook niya. " Hala! Hindi ka taal na taga-rito, ano? Siguro, Intsik ka! O di kaya Koreano!" pang-iinis ko na lang.

Malakas niyang tiniklop ang MacBook at pinaningkitan ako ng mga mata. "Huwag mo akong insultuhin!" sabi niya sa mariing salita.

Inagaw ko ang tuwalya sa kamay ng crew at hinagis ko sa harapan niya. Hindi ko na hinintay pa ang reaksiyon niya. Dali-dali akong lumabas ng Starbucks. Ngumingiti-ngiti na sana ako dahil akala ko nakaganti ako sa pang-iinsulto niya sa akin nang bigla na lang may dumaklot sa braso ko. Napamulagat ako. Sinundan pala ako ng damuho sa labas.

"Sinira mo na nga ang araw ko, ikaw pa ang may ganang mang-insulto sa akin? I don't take rudeness from foreigners in my own country!"

Napalunok ako. Minaliit ko yata ang kaya niyang gawin. Ano ba naman ang pumasok sa kukote ko't hinagis ko pa sa pagmumukha niya ang tuwalya kanina? Sa kabila ng takot, napansin ko pa ang English niya na wala man lang bahid ng Japanese accent. Mahusay!

"Ano'ng kaguluhan ito?" sita sa amin ng mamang pulis. Nakalapit siya sa amin nang hindi namin namalayan. Bigla akong binitawan ng mokong at hinarap niya ang nanita sa amin.

"Wala po. May pinagtatalunan lang kami ng g-girlfriend ko," pagsisinungaling niya.

Aba, aba! Girlfriend?

Pasisinungalingan ko sana ang sinabi niya pero hinarangan niya ko sa mamang pulis. Dahil matangkad siya at may kaha ang katawan, natakpan niya ako nang buong-buo. Itutulak ko sana siya pero pagkadaiti pa lang ng palad ko sa likuran niya para na akong nakuryente. Shit, ang tigas! Pero ang kinis ng bwisit! Nabistahan ko tuloy nang mabuti ang likod niya. Bumaba pati sa pang-upo niya ang mga mata ko. At nakaramdam ako ng excitement. Ang ganda ng puwet! Parang siksik sa laman at muscles. Daig pa si David Beckham.

Narinig kong pinagalitan siya ng pulis sa paghuhubad at dadalhin na sana siya sa presinto nang dumating ang crew ng Starbucks at nagpaliwanag sa nangyari. Mabuti't nakinig ang pulis. Umalis na ito sa harapan namin. Nang wala na ito, hinarap na ako ng lalaki at tinitigan nang matiim sabay sabi ng, "Hindi pa tayo tapos!"

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang bumalik siya sa loob ng AEON Mall kung saan naroon ang Starbucks. Yumuko naman sa akin ang crew na tila hiyang-hiya. Sinabihan ko siyang wala siyang kasalanan. Kung mayroon mang dapat sisihin, ako iyon at ang pagmamaldita ko nang wala sa oras. Ngumiti lang siya sa akin at humabol na sa lalaki.

**********

"Pardon?" nakangising sagot ni Akio. Umeenglis-englis ang hayop sa tuwing gusto akong inisin. Nagsabi kasi ako sa kanya na gusto kong uminom pero ayaw ko sa Izakaya. Boring ang mga serbidor do'n. Gusto ko sa omise ng kaibigan ni Papa.

"Tumawag ka ng taksi. Ayaw kong magkotse ngayon."

Tumalima naman siya agad pero ngingisi-ngisi siya sa akin habang duma-dial ng numero ng taxi company. Binato ko siya ng ballpen. Hindi ko siya natamaan dahil mabilis na nakailag.

"Akala ko ba hindi mo type ang mga babaeng bayaran?" sabi niya pagkababa ng telepono.

Napasandal ako sa swivel chair ko at napapikit. Naalala ko na naman ang maamo niyang mukha. Kahit ano'ng gawin ko hindi siya maalis-alis sa isipan ko. Hindi naman ako hayok sa babae dahil hindi sa pagmamayabang, kahit sinong chick riyan kaya kong ikama. Sa edad kong bente otso anyos, ni minsan ay hindi pa ako nakaranas mabasted. Pero ba't gano'n na lang ang interes ko sa lintek na babaeng iyon? This has to stop! Kailangan ko siyang matikman para matapos na ang kahibangang ito! Alam kong iyan lang ang kasagutan sa problemang ito.

Hinampas ko si Akio nang makita itong parang asiwa pagkapasok namin sa Chayong's sunaku.

"Huwag kang ganyan! They're sensitive people. Madali silang makatunog kung pinandidirihan sila. Tsaka, ba't ka naman mandidiri? Mas madalas pa silang naliligo kaysa sa iyo," asik ko.

"Hindi iyan ang dahilan ko, ulol! Natatakot lang ako na may makakakilala sa akin dito at maisumbong ako kay Hina-chan. Lagot ako sa asawa ko pag nalaman niya."

"Hindi naman tayo maglalabas ng babae. Gusto ko lang ng may makausap na hindi boring."

Tinirik kunwari ni Akio ang mga mata. Alam kong alam niya na palusot ko lang iyon. Ang totoo'y gusto ko lang uli siyang makita. Kahit saglit lang.

"Dito mo ba siya nakita noon?"

Nagtaas ako ng kilay. Nagmaang-maangan.

"Iyong babaeng nagpapagulo sa isipan mo!" singhal niya sa akin.

Tinungga ko muna ang isang mug ng malamig na malamig na San Miguel beer na bigay ni Chayong-san bago ko sinagot si Akio ng, "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

Tumawa ito. Huwag na raw akong magkaila at bistado niya ang likaw ng bituka ko. Nanatiling tikom ang bibig ko.

Naka-apat na bote na kami ng San Miguel beer pero hindi ko pa rin nakikita sa paligid ang babae. Ang alam ko pamangkin siya ni Chayong. Siya nga ang nirereto niya sana sa akin. Pakasalan ko raw ang pamangkin niya nang makakuha ito ng permanent visa sa Japan. Babayaran pa raw nila ako kung gugustuhin ko. No'ng mga panahong iyon, wala akong interes sa bayad o sa pamangkin ng isang kilalang mama-san sa Osaka. Wala lang akong magawa sa buhay no'n kaya pumayag akong makipagkita sa babae. Siguro gusto ko lang inisin si Mama no'n dahil sa hindi niya pagtigil sa pagrehistro sa akin sa mga o-miai o matchmaking companies. Atat na kasi siyang makahanap ako ng mapapangsawa na naaayon daw sa estado namin sa buhay. Hindi n'yo naitatanong, may-ari ang pamilya namin ng pinakamalaking construction company sa Kansai. Unlike other Japanese women, may sarili ring negosyo si Mama. Mayroon itong boutique at beauty salon na nagkalat na hindi lamang sa Osaka kundi maging sa iba't-ibang prefecture ng Japan. Dahil ako lang ang kaisa-isa nilang tagapagmana, pini-pressure nila akong bigyan na sila ng apo sa lalong madaling panahon.

"Ang lalim ng iniisip natin, a. Ganyan ba siya kaganda?" nakangisi uling biro ni Akio. Sinamaan ko siya ng tingin at tumungga na naman ng beer. May naupo na sa tabi naming magandang Pilipina.

"Gusto n'yo ba ng pulutan?" tanong nito sa amin in her broken Japanese.

"Okay na kami rito sa chicharong bigay n'yo," sagot agad ni Akio.

"Ayaw n'yo ba ng sariwang mani?" At kumindat siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. I didn't like her guts. Oo, maganda siya, pero hindi ko type.

"Pakisabi sa kaibigan mo, ang dry niyang kausap," bulong kunwari ng babae kay Akio pero sadya namang pinarinig sa akin. Tatawa-tawa lang si Akio at tumingin sa akin nang makahulugan. Nang hindi ko pa rin pinansin ang babae, umalis na siya sa tabi namin.

Just when I thought I wouldn't see her that night, she appeared on the doorway. Taliwas sa revealing outfit ng mga kababayan niya, nakasuot siya ng turtle neck sweater na pula at tight maong jeans. Napansin ko, maganda ang hugis ng katawan niya lalung-lalo na sa bandang dibdib at pang-upo. Pero sa lugar na iyon, nagmukhang papunta siya ng simbahan dahil ang mga babaeng naroon ay nakasuot ng maikling-maikling palda o di kaya'y shorts na sing-ikli ng panty na tinernuhan ng manipis at spaghetti strap na upper garment.

"Oooh. Iyan pala ang girl. Maganda nga," may himig panunudyo na sabi sa akin ni Akio. Nakatingin din siya sa bandang pintuan. Napakurap-kurap tuloy ako at binalingan na naman ang beer sa harapan namin. Lumagok na naman ako nang lumagok. I hate to admit it, but I've never felt so excited about seeing a girl!

**********

"Mabuti't nandito ka na. Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo. Akala ko na kung napaano ka. Ba't hindi mo man lang sinagot ang mga calls ko?" salubong sa akin ni Tita Chayong.

"Nasa tren ako kanina, Tita, tapos nasa special seat pa. Pag sinagot ko, baka mapagalitan ako ng mga matatandang katabi ko. Natutulog pa naman karamihan sa kanila.

"Sana nag-text ka man lang!" At pinandilatan pa ako. "O siya, estimahin mo muna ang espesyal nating panauhin. Narito na naman si Kaito. Huwag mo siyang bastusin gaya ng ginawa mo no'ng isang buwan. Importante naming customer ang tatay niyan at pinakamayaman ang pamilya nila rito sa Osaka."

Sinundan ko ang inginuso ni Tita Chayong. Shit! Siya na naman?

Tumanggi akong magdala ng order na beer ng sinasabi niyang importanteng customer. Pinitik ni Tita ang sentido ko. Huwag na raw akong mag-inarte at hindi naman niya ako pinapa-table sa guy.

"Here's your order," matabang kong sabi sa lalaki. Tumingala siya sa akin at pinaningkitan pa ako ng mga mata.

"Ikaw na naman?" sabi pa niya na para bagang inis na inis na makita ako roon.

"Huwag kang mag-alala! Pareho tayo ng nararamdaman! Hindi ko rin gustong makita ang pagmumukha mo! Ang kapal nito!" sagot ko, half in Tagalog and half in Japanese.

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng kasama niya. Mukhang nagtataka.

"Pakisabi kay Chayong-san, gusto ko ng ibang serbidora! Iyong kaaya-aya naman ang mukha habang nagsisilbi sa amin. Nakakawalan ka ng gana sa pag-inom!"

"Hoy, hambog! Bago ka mag-iinarte riyan, ayus-ayosin mo rin ang mukha mo! Nakakawalang gana ka ring pagsilbihan! Bwisit na ito!" naiinis ko ring sagot.

Likas naman akong pasensyosa pero hindi ko maintindihan kung bakit munting kibot lang, kumukulo na agad ang dugo ko sa hinayupak. Gusto kong dukutin ang singkit niyang mga mata at gawing pansahog sa pansit. Nakaka-imbyerna! Nakakawala raw ako ng ganang uminom! The nerve!

"Ano na naman ang nagyayari rito?" nagtatakang tanong ni Tita Chayong. Narinig siguro ang pagtaas ng boses ko. Nagsipagtinginan na rin sa amin ang mga Pinay na entertainers at ibang customers na Hapon.

"Itanong n'yo po rito sa kasing laki ng bulate ang itits," naiinis kong sabi at iniwan na sila. Nang nakalayo na ako nang ilang hakbang, saka ko lang naalala na nakakaintindi pala ng Tagalog ang damuho. Shit! Ba't ko nakalimutan iyon? Napatakip ako ng mukha sa hiya. Pero sa isang banda, naisip ko ring hindi naman siguro gano'n kagaling ang comprehension level niya para maintindihan ang Tagalog slang.

Hindi ko nakontrol ang sariling lingunin siya. Nang magtama ang paningin namin nakita kong kumikislap sa tuwa ang singkit niyang mga mata. Naiintindihan ba niya ako? Bwisit! Mukhang naintindihan ako!

Continue Reading

You'll Also Like

176K 997 6
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni C...
23.2K 603 55
REVISING... (2023) con-amore- PUBLISHED: 2013 All Rights Reserved
117K 1.9K 27
I love to be with you, I want to give you a second chance. Pero ikakasal ka na.
313K 5.2K 47
(Falcon series #1) When someone removed you out of your comfort zone, what will you do? Paano kung inaakala mong cheesy romance eh sayo pala mangyari...