Married to a Stranger [R-18]...

Por PsychedelicDistress

1.4M 33.7K 2.7K

HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a drea... Más

Published By Bookware Corporation
Synopsis
1 Estranghero
3 Tinig
4 Pagbasa ng Isip
5 Lunas
6 Kayabangan
7 Tindahan ni Aling Nena
8 Paghalik
9 Rebelasyon
10 Transpormasyon
11 Pagkabunyag
12 Dominic
13 Vernice
14 Magkapatid
15 Inosente
16 Impakta
17 Balloons
18 Hinala
19 Salpukan
20 Althea
21 Chenesan
22 The Man In Her Nightmares
23 Missing Bride
24 Panaginip
25 Kasalan
26 Face Swap
27 Pagpapanggap
28 Muling Pagkikita
29 Warmth
30 Ending (Promises)

2 Casper

72K 1.8K 217
Por PsychedelicDistress

2

Casper

I am lying comfortably on my bed. Ang sarap matulog. Ang lambot ng kama ko, ang lambot ng unan ko. Pakiramdam ko ay para akong natutulog sa ibabaw ng ulap. Pero nabulabog lang ng maingay kong alarm clock ang masarap kong tulog.

     "Kriiiiiiiiiing!" sabi ng sound effect ng alarm clock. Walanghiya namang alarm clock ito, kahit kalian istorbo!

     Tinatamad akong bumangon mula sa kama ko saka ko hinampas ang alarm clock ko sa side table para patayin iyon. May narinig akong nag-crack pero hindi ko nakita kung ano iyon dahil nakapikit pa rin ako. Grabe, inaantok pa ako.

     Ipinunas ko ang likod ng aking kamay sa bibig ko para tingnan kung may natuyo akong laway. Minsan kasi nakakatulog ako nang nakanganga. This time ay wala naman. Bumangon na ako at humarap sa salamin para tingnan kung may muta ako. Kumuha ako ng hairbrush at nagsuklay saka ako sumulyap sa wall clock.

     "Oh, shet!" bulalas ko nang makitang late na ako.

     Ang dami kasi ng nainom ko kagabi. Teka, paano na nga ako nakauwi? Hindi ko na matandaan. Pero ayos na rin iyon, ang mahalaga ay nakauwi ako. Buti na lang panaginip lang ang mababahong zombies, pero iyong hot guy sayang.

     Tsk.

     Mabilis akong naligo. Dahil sa pagmamadali, kaunti lang ang kinain ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at naghanap ng tricycle na masasakyan papuntang school. Madilim ang langit, at medyo umaambon din.

     Pagdating ko sa school ay tinakbo ko agad ang daan papunta sa classroom ko. Nasa pintuan pa lamang ako nang nakita kong nagkakagulo ang mga kaklase ko, ibig sabihin wala kaming teacher. Natanaw ko sa malayo si Reina. Naglalakad pa lamang siya papunta sa classroom, mas late pa pala siya kaysa sa akin.

     Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang wala kaming teacher ngayon. Masu-suspend na kasi ako kapag nakatanggap pa ako ng isa pang late card.

     Inilagay ko na ang bag ko sa upuan ko saka ko tinabihan si Kassie. Abala siya sa pagte-text, ang iba ko namang mga kaibigan ay may iba ring pinagkakaabalahan kaya wala akong makausap. Busy silang lahat kaya ano pa baa ng gagawin ko? Eh, di as usual, tutunganga na naman.

     "'Oy! Si Ma'am paparating," anunsyo ng class president namin. "Ayusin n'yo mga upuan ninyo!"

    Nagsitahimik na ang mga kaklase ko. Lahat sila ay nagsibalik na sa kanilang mga upuan. Pagkaraan ng ilang saglit ay pumasok na sa loob ng classroom ang teacher namin. May kasunod siyang guwapong lalaki na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa amin ng mga kaklase ko.

     Golden brown ang buhok ng lalaki, ang mga mata niya ay kulay asul. Parang pamilyar siya sa akin. Siguro ay nakita ko na siya noon. Sa TV kaya? Siguro nga, mukha kasi siyang artista.

     "Kassie." Kinalabit ko ang best friend ko. "Tingnan mo 'yong guy sa harap, ang hawt."

     Nagtaas ng tingin si Kassie. "Ay friend, ang guwapo nga!" nakangiting wika niya. Tila bituing nagningning ang mga mata ni Kassie, at nakanganga pa siya.

     Sobrang nakakanganga kasi ang kaguwapuhan ni kuya.

     Nakatayo ang teacher sa harap ng klase. "Class, I have an announcement. This is Casper." Itinuro ng guro naming ang lalaking kasama. "He will be your new classmate," anunsyo niya. "Casper, please introduce yourself to your new classmates."

     Bumuka ang bibig ng lalaki at nagsimula siyang magpakilala. "Good morning, everyone," bati niya sa lahat. "My name is Casper Friedrichsen. I'm an exchange student from England. I'm not fluent in speaking your native language. I hope you will help me."

    This guy is so breathtakingly handsome.

    Halos lahat kaming mga babae sa classroom ay nakanganga sa kaguwapuhan niya, as in ngangang-nganga kaming lahat. Sino ba naman ang hindi nganganga kapag may diyos na bumaba mula sa langit? Mukha pa lang ulam na, yummy!

     Nagtama ang tingin namin ni Casper. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Nakanganga pa rin ako habang nakatitig sa guwapo niyang mukha. Na-realize ko lang nang medyo matagal na kaming nagtititigan, na kaya pala siya nakangiti ay dahil nakanganga ako sa kanya. Bigla akong napaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Pero baka naman isipin niyang may malisya ang ginagawa ko kaya ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanya. Ngunit wala na ang ngiti niya at hindi na rin siya sa akin nakatingin. Nakikipag-usap siya sa teacher namin.

    Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko tuloy napaka-echosera ko. Bakit naman ako ngingitian ng guwapong Casper na 'to, eh, hindi naman kami close?

     Psh, napaka-ilusyunada ko na talaga.

    Tinanong si Casper ng guro namin kung saan niya gustong maupo, laking gulat ko nang ang bakanteng upuan sa tabi ko ang pinili niyang puwesto.

    Teka! Wala na akong ibang paglalagyan ng bag kapag dito siya naupo!

     Nagprotesta ang ibang kaklase kong babae. Kanya-kanya sila ng sabi na sa tabi na lang nila umupo si Casper. Ako naman ay tahimik lang, ayaw ko kasing mawalan ako ng lalagyanan ng bag kaya tumunganga na lang ulit ako.

     Kasing-tagal ng pagtunganga ko ang pagtatalo ng mga kaklase ko. Pinagmasdan ko ang black shoes ko na nalagyan ng kaunting polbo. Nagkaroon ng tiny white dots ang black shoes ko.

    Hehe, ang cute.

     Ramdam ko na may umupo sa tabi ko. Nakangiti pa rin ako nang linungin ko kung sino iyon, pero nawala ang ngiti ko nang makita siya.

    "Hi," nakangiting bati ni Casper.

     'Yong lalagyan ko ng bag ko! Tinitigan ko lang ang lalaki, pagkatapos ay nag-iwas ako ng tingin.

     I didn't know what to answer. 'Hi' lang naman ang sinabi niya sa akin, puwede rin naman akong mag-hi sa kanya. Pero masyado naman akong late reaction kung matapos ang ilang minutpp saka pa lang ako sasagot. Sa ibang direksyon siya nakatingin kaya malaya kong napagmasdan ang guwapo niyang mukha. Galing siya sa England. Golden brown ang buhok niya at asul ang kulay ng mga mata. In short, foreigner siya. Bakit ngayon ko lang naisip?

     Nakasimangot siya, pero nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya ay ngumiti siya bago humarap sa akin. Muli ay iniiwas ko ang aking tingin. Binuksan ko ang notebook ko saka ako nagkunwaring nagbabasa ng lecture doon.

     Inilapit ni Casper ang mukha niya sa akin. "Hi," muling nakangiting bati niya.

     "Uhm, h-hi...?" I said nervously that it almost sounded like a question.

     "My name is Casper, may I know yours?"

     "Rica," maikling sagot ko. Ayaw kong patagalin ang usapan namin dahil hindi ako komportable na makipag-usap sa kanya sa English. Baka mapuna pa niya ang maling grammar ko at mapahiya lang ako.

    "I noticed that you're avoiding my eyes, may I know why?"

    Tama siya, talagang iniiwasan ko 'yun. Pakiramdam ko kasi ay nakukuryente ako tuwing nagtatama an gaming mga mata.

     "What's the problem?" muling tanong ni Casper. Am I making you feel uncomfortable?"

     Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Oo, totoong hindi ako komportable. Ayaw ko namang sabihin ang totoo dahil baka kung ano pa ang isipin niya. At saka bago lang siya, dapat mabait ako sa kanya. Di ba?

     Iniling ko ang ulo ko. "No, I'm just—-" Paano na nga ituloy 'to? "I don't know how to explain it," sabi ko na lang.

    "Why, don't you want me to be your seatmate? Sorry, I didn't know that you don't want me to sit next to you. I can move to another place if you want."

     "Ano ba? Ang hirap naman ng buhay ko ngayon, nano-nosebleed na ako," bulong ko sa sarili ko. "Do you know how to speak Tagalog? I don't speak English very well. My nose is already bleeding." Napakamot ako sa ulo ko. "You know, I'm having a nosebleed, runny nose, clogged nose. Please speak Tagalog."

     Tumawa siya nang mahina. "Runny nose and clogged nose?" ulit niya sa sinabi ko.

     "Yeah," muling sagot ko.

    Pakiramdam ko ay napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya, para bang nakita ko na siya noon pa.

                                                               ~

     Uwian na kaya nasa labas na ako at naghihintay sa sundo ko. Makulimlim pa rin ang langit at hindi pa rin tumitigil ang pag-ambon. Bakit kaya ganito? Sabi naman sa radio kanina maaraw. Abnormal talaga 'yong broadcaster.

     Lumapit si Kassie sa akin. "Si Kuya Lito nagtext," aniya bago iabot ang cell phone ko na hiniram niya kanina.

     Binasa ko ang text ng sundo ko. "Nandito na ako sa labas ng gate, 'asan ka na?" Nireplyan ko siya na palabras na ako.

    "Rica, aalis na ako," ani Kassie. Humalik siya sa pisngi ko bago naglakad palayo. "Mag-iingat ka!" pahabol na sabi pa niya bago tuluyang umalis.

     Sumunod na lumapit sa akin si Casper. "Hi, Rica, what are you doing?" tanong niya.

    "I'm texting my boyfriend." Kinuha ko ang bag ko dahil papunta na ako sa gate.

     Paalis na rin sana ako ngunit pinigilan ako ni Casper sa braso

     "You have a boyfriend?" nakakunot ang noong tanong niya.

    "Oh, my God. Mukhang mapapasabak na naman sa gyera ang ilong ko.

     "Hey, you said you have a boyfriend," ulit niya.

     Sasagot na sana ako pero hinila ako ni Casper papunta sa entrance gate ng campus naming. Nakita ko si Kuya Lito na naghihintay. Siya ang kapit-bahay namin na kinausap ng nanay ko na maghatid-sundo sa akin sa school. Matanda na si Kuya Lito, pero mukhang sineryoso ni Casper ang sinabi kong may boyfriend ako, at ipinilagay na si Kuya Lito iyon.

     "He's your boyfriend?!" malakas na tanong ni Casper kaya paniguradong narinig siya ni Kuya Lito. "He looks old. Do you like old guys?" dagdag na tanong niya. "He's not that handsome like me. I wonder what you saw in him."

    Hinila ko siya papunta sa isang lugar kung saan hindi siya maririnig ni Kuya Lito. "Gago ka, Casper. 'wag ka ngang maingay! Naririnig ka kaya ni Kuya Lito kanina!"

     "Do you like him?" seryosong tanong niya.

    "No!" mariing kong sagot.

    "What?! Don't tell me you love that guy!"

    A-ano? Bakit ba ganito 'tong lalaking ito? Hindi ako nakasagot kaagad dahil iniisip ko pa kung ano ang problema ng bugok na 'to.

     Bumakas ang kalungkutan sa mga mata niya. Mukhang nalungkot siya, pero bakit?

    "Of course I don't love him..."

     Biglang nagningning ang mga mata niya. He was back to his self. "Really?"

    "Really, I don't. And he is not my boyfriend, he is just my sundo," paliwanag ko.

     "Sundo?" naguguluhang tanong ni Casper.

     Patay tayo d'yan. Ano na nga ang English ng sundo?

    "Uhm, he is my ano... he is my..." hindi ko maidiretsong sabi. "You know he fetches me in the afternoon. And he... he—-" Ano na nga English ng hatid? Tae, bahala na nga! He delivers me. Yeah! He delivers me here to school every morning."

    "He delivers you?"

    "Yes, like Jollibee delivery?"

    Napabuntong hininga si Casper saka tumango. Then his lips flashed a gorgeous smile. My knees almost turned into jelly. Bakit ba sobrang guwapo nitong lalaking 'to?

    "What are you s-smiling about?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Look, Casper, it's getting late. Ano, I want to go home immediately. I'm hungy, you know. Very, vey hungry..."

    Ang totoo ay kanina pa talaga ako gutom na gutom. Grabe rin ang pagkauhaw ko. Kumain naman ako nang marami kaninang lunch pero gutom na gutom pa rin ako.

    "Oh, yeah. I almost forgot." Kinuha ni Casper ang bag niya sa kanyang likod. Binuksan niya iyon saka inilabas ang isang itim na bote. "Drink this," utos niya. Naglagay siya ng straw sa bote saka ipinahigop ang laman niyon sa akin.

    Sinipsip ko ang laman ng bote, at holy gewgaw, sobrang sarap no'n! Sobrang sarap na para bang ininom ko lang iyon nang isang lagukan. Dahil kulay itim ang bote, hindi ko alam kung ano ang bagay na kakainom ko lang.

     "Casper, I ubos your drink. What is this? It is very yummy."

    "I'm glad that you drank all of it. I'll tell you what it is tomorrow," aniya. "Go home now. We'll talk again tomorrow."

     Ibinalik na niya ang bote sa kanyang bag saka naglakad palayo. Ihinatid ko siya ng tingin. Para bang bigla akong nalungkot nang nawala siya sa tabi ko. Lumingon siya sa direksyon ko, bagay na hindi ko inaasahan. Bumalik siya saka kumuha ng panyo at ipinunas iyon sa bibig ko.

    Nagtataka ako sa ginawa niya kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

    "You have something on your lips," aniyaha habang nakatitig sa mga labi ko.

    Awtomatiko kong ipinunas ang likod ng palad ko sa labi ko. "Wala naman," bulong ko.

     Hindi siya sumagot. Tinitigan lamang niya ang mga labi ko. Mukhang balak niyang halikan ako, o baka imahinasyon ko lang iyon. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

     "Never mind, I'm going." Naglakad na ulit siya palayo.

     Psh. Napaka-echosera ko talaga. Ano ba kasi ang iniisip ko at pinag-iilusyunan ko na hahalikan ako ni Casper? Ano ba ang nangyayari sa akin? Kakakilala ko pa lang kaya sa kaniya.

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀


Seguir leyendo

También te gustarán

1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
1.7K 73 9
Just because of one Dark Web mystery box unboxing, everything in Peighton's life has changed. Raven, her bestfriend died before her own eyes as she f...
310K 5.4K 69
Aya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. What happens when Paolo and Aya's feeling...