sa pagdilat mo sa umaga
ako ba'y iyong naaalala?
o tulad pa rin ng dati na wala kang paki
dahil para sa'yo ako'y abala?
sa pagpikit mo ba bago ka matulog
ako ba'y iyong naaalala?
gaano ka-mugto ang mata ko
noong gumuho ang mundo nating dalawa?
sa bawat paghinga mo
ako ba'y iyong naiisip?
o tulad pa rin ng dati na wala kang paki
dahil para sa'yo ako'y walang kwenta?
sa bawat segundong lumilipas
ako ba'y iyong naiisip?
o hindi dahil para sa'yo tayo'y walang saysay
kaya nga't diba, nawalan ka bigla ng gana?