Para Sa'yo ( 54 )

263 3 0
                                    

bakit ba
sabihin mo nga
hindi ba't tapos na
wala na ngang talaga
bakit ba
patuloy pa rin ang mga ala-ala
nakakapangamba ang paggambala
hindi ba't lumipas na
wala ngang talaga
bakit ba
presensya mo't tila nariyan pa
matagal na hindi ba
noong sinabi mong hindi mo na mahal
bakit hanggang ngayon masakit pa
lumuluha pa
nagsisisi pa
nagtatanong pa

Itutula KoWhere stories live. Discover now