Way Back Into Love (GirlxGirl...

By FrivolousWriter

656K 18.5K 1.8K

[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE College professor si Ariella sa Colegio de San Luis. Kilala si... More

Way Back Into Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 21

15.6K 478 6
By FrivolousWriter

Alexandra's POV:

"Nasaan si Ariella, Alice? Hindi ba't magkasama kayo kanina?" tanong ni Clover kay Alice habang nakaupo kami sa may dalampasigan. Maglalaro kasi kami ng beach volleyball at hinihintay na lang namin si Ariella.

"Huh? Hindi ko ba kasunod? Sabay kaming lumabas ng cottage, eh," kunot ang noong sabi naman ni Alice.

Kumunot na rin ang noo ko saka lumingon sa cottage na inookupa namin ni Ariella. "Babalikan ko lang siya. Baka may inaasikaso lang," sabi ko naman saka tumayo na. Malapit na ako sa cottage nang makita ko si Ariella di kalayuan doon. At may kausap siyang babae na sa tantiya ko ay halos kaedad lang ni mommy. At mukhang hindi maganda ang tinatakbo ng usapan ng dalawa. Halatang nag-aaway sila. Kita ko rin ang galit na nakabalot sa ekspresyon niya.

Natigil ako sa paglakad papalapit sa kanila nang mapatingin sa direksyon ko si Ariella. Ang kaninang galit sa kanyang mga mata ay unti-unting nawala. All there's left was...sadness.

Muli niyang nilingon ang babaeng kausap. May mga sinasabi siya sa babae na hindi ko naman maintindihan. Nagsimula na uli akong maglakad papalapit sa kanila. Pero sakto naman na papalapit naman sa akin si Ariella. Her expression is unreadable.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.

Tumango lang siya saka nilampasan ako. Sinundan ko naman siya hanggang sa makarating kami sa cottage. Humiga siya sa kama saka nagtalukbong ng kumot.

"Tell the guys I'm sorry. Wala na ako sa mood maglaro," bulong niya na sapat lang para marinig ko.

Isinara ko naman ng maayos ang pinto saka ni-lock iyon bago ko siya nilapitan at niyakap sa likod.

"You can always tell me anything," bulong ko sa kanya.

"Not now, Alex. Please. I... I need some time alone."

Kahit labag sa loob ay nirespeto ko ang gusto niya. Ramdam ko na kilala ni Ariella ang babae base sa pag-aargumento nila kanina. Saka ko na lang aalamin kapag handa na siyang maghopen sa akin. For now, I'll give her some time alone.

"Okay. Nandoon lang ako sa labas kapag may kailangan ka," bulong ko naman saka hinalikan siya sa sentido. Nang makalabas ako ng cottage ay sakto namang nandoon sina Alice, Crimson, Clover, at Alexis. Base sa ekspresyon sa mga mukha nila, nakita din nila ang nangyari.

"She needs some time alone. Hindi na siya makakasali sa laro," sabi ko sa kanila bago pa man sila makapagtanong.

Ipinagkibit na lang nila iyon ng balikat saka bumalik na sa dati naming pinagpuwestuhan kanina. Ang naglaro na lang ay ang magkapatid samantalang nagchi-cheer lang sa isang tabi sina Alice at Alexis. Ako naman ay maya't-maya napapalingon sa cottage kung nasaan si Ariella. At hindi ko maiwasang mag-alala.

Simula noon naging tahimik at iwas na si Areilla sa amin. Ilang beses akong bumisita sa bahay niya pero lagi na lang siyang wala. Sinubukan ko namang tawagan siya pero hindi naman sumasagot. Nagsisimula na akong balutan ng takot. Hindi ko alam pero masama talaga ang kutob ko.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong bumuntong-hininga habang sinusubukan kong kontakin siya. I miss my girl so much. Halos isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam sa akin kaya nag-aalala na ako masyado.

"Answer me, please. Answer the call," bulong ko habang pinapakinggan ang pag-ring sa kabilang linya. Kanina pa iyon pero hindi niya sinasagot hanggang sa tuluyan na iyong naputol. "Buwisit!" bulalas ko saka ibinato sa kama ang cellphone. Nasabunutan ko na lang ang sarili saka padabog na umupo sa kama.

"Ate? Ate Alex?"

Napatingin ako sa pinto nang sunud-sunod na kumatok doon si Alexis habang tinatawag ang pangalan ko. Padabog na tumayo ako mula sa kama at pabalag na binuksan ang pinto.

"What—?!"

Natigil ako sa tangkang pagsinghal nang bigla akong salubungin ng pamilyar na yakap. May ilang segundo pa akong nakatulala lang hanggang sa tuluyan nang nag-sink in sa akin kung sino itong yumakap sa akin.

"I'm sorry," bulong niya habang nakasiksik siya sa dibdib ko.

Napabuntong-hininga naman ako saka mahigpit siyang niyakap. "I missed you, love." Tumingin ako kay Alexis. Tumango naman siya na parang naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig at naglakad na palayo. Hinila ko naman si Ariella papasok ng kuwarto ko at inalalayan siya paupo sa kama. "Where have you been? You made me so worried," bulong ko nang muli siyang yumakap sa akin.

"I'm sorry. May mga inasikaso lang ako nitong mga nakaraang araw. I'm sorry if I made you worry much," sagot naman niya.

Bumuntong-hininga naman ako saka inaya siya pahiga sa kama. "I've been contacting you. Pero hindi ka sumasagot."

"Nawawala kasi ang cellphone ko. Hindi ko na maalala kung saan ko huling inilagay. Hinanap ko na sa buong bahay at kotse pero wala. Baka sa bus ko naiwala noong bumiyahe ako papuntang Calamba," sagot niya.

Kunot ang noong nilingon ko siya. "Ano ang ginawa mo sa Calamba? Bakit hindi ka man lang nagpasabi na pupunta ka doon?" tanong ko.

"Emergency iyon kasi may nagnanakaw sa mga kinikita ng bistro na pag-aari namin nina Jemimah. Pasensya na kung hindi na kita nasabihan kasi kailangan talaga ako doon. Ganoon din si Eunice. Iyon ang dahilan kung bakit ako nawala ng mahigit isang linggo."

Kaya naman pala. "Nahuli niyo na ba ang magnanakaw?"

Umiling naman siya. "Natunugan niya kami kaya mabilis siyang nakatakas. Hanggang ngayon ay inaasikaso pa ni Jemimah ang kaso."

Niyakap ko naman siya ng mahigpit saka hinalikan siya sa ulo. "Mahuhuli niyo rin kung sino man siya. Karma has it's way," ang nasabi ko na lang.

"Hmm," bulong naman niya saka mas lalo pang sumiksik sa akin. "I missed you."

Napangiti no saka hinawakan siya sa baba para makatingin siya sa akin. "I missed you more," sabi ko naman saka hinalikan siya sa labi, na mabilis naman niyang tinugunan.

I sigh in contentment when our lips parted. I stared at her lovingly while caressing her lower lip. "I love you," I whispered.

She just smiled at me tenderly then planted a kiss on the tip of my nose before she claimed my lips. Bahagya pa akong nagulat kasi ngayon lang nangyari na siya ang nag-initiate ng halik. Pero masaya ako kasi nagiging open na siya pagdating sa ganitong bagay.

I pushed her onto the bed then hovered on top of her. My kiss went down to her chin up to her cheek then down to her neck, making me earn a soft moan from her. And God, that was totally sexy!

Itinaas ko ang shirt niya hanggang sa na-expose na ang kanyang flat na tiyan. Wala sa sariling ibinaba ko ang halik papunta doon. Ang sarap haplusin ng balat niya. Makinis at malambot. Itinaas ko pa lalo ang damit niya hanggang sa makita ko na ang itim niyang bra. Mabilis naman na sumunod ang labi ko kung saan papunta ang mga kamay ko.

"A-Alex, sandali," habol ang hiningang pigil sa akin ni Ariella dahilan para mapatingin ako sa kanya. Her cheeks are turning a deep red. "May kumakatok sa pinto."

At iyon na nga. Noon ko lang napansin ang mga sunud-sunod na pagkatok sa pinto. Mabuti na lang at ni-lock ko iyon.

"Alex, anak? Dinner is ready. Bumaba na kayo ni Ariella," tawag ni mommy mula sa kabilang bahagi ng pinto.

"Sige po, Mom. Susunod na kami," sabi ko naman. Wala na akong narinig mula sa kanya. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag na papalayo sa kinaroroonan namin. Napabuga naman ako ng hangin saka dumantay sa exposed pa rin na tiyan ni Ariella. I can still feel her fast heartbeats pero halatang bumalik na sa normal ang paghinga niya. Sinulyapan ko siya saka nginisihan siya. "That was close," biro ko saka ibinaba na ang damit niya. Baka hindi ako makapagpigil at siya ang gawin kong hapunan.

Tumawa naman siya ng mahina saka hinila ako papunta sa kanya saka mahigpit akong niyakap. Nasa ganoon lang kaming posisyon hanggang sa pareho na kaming kumalma. Maya-maya pa ay pareho na kaming tumayo mula sa kama at nag-ayos ng sarili. Nang masiguro naming ayos na ay sabay na kaming bumaba papunta sa dining hall. My mother gave us a knowing look but didn't said anything. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magsalita siya.

"Babalik na kami ng daddy niyo pabalik ng Valenzuela. Our stay here is taking too long than we have expected. Kayong magkapatid na ang bahala dito, okay?" bilin niya habang pareho kaming pinasadahan ng tingin ni Alexis.

"Yes, Mom," magkapanabay na sabi namin ng kapatid ko kaya napatawa na lang kami.

Napuno naman ng kuwentuhan ang hapunan. At masaya ako kasi nakikisakay si Ariella sa kawirduhan ng pamilya ko. But at least she can see and feel that she's more than welcome in the family. No awkward moments. Just pure fun.

"Well, I better go. Salamat po sa hapunan," paalam niya sa amin nang magtipon kami sa sala.

Napanguso naman ako. "Why don't you stay here just for tonight? Isang linggo kitang hindi nakita, eh," parang bata na reklamo ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Napapatagal na masyado ang pag-stay ko dito. Tsaka napadaan lang talaga ako dito para bisitahin ka. Hindi rin naman kasi kita makokontak kasi nawawala ang cellphone ko. Kailangan ko rin na gumising ng maaga bukas kasi kailangan kong bumalik sa San Luis dahil may mga estudyante na kailangan ako," sabi niya.

"Pero—"

"Ariella, anak. Masyado nang malalim ang gabi. Delikado na sa daan kahit may gamit kang sasakyan. Dito ka na muna magpalipas ng gabi. You can use the other guestroom," putol ni mommy sa sasabihin ko.

"Mom! Why the guestroom? We can share my room," nakangusong sabi ko kay mommy.

Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay. "Alexandra, enough. Madaming gagawin si Ariella kinabukasan. And only God knows what you're going to do with her when you two are alone. Pagpahingahin mo muna ang girlfriend mo. Halatang galing pa siya sa mahabang biyahe," concerned na sabi naman ni mommy saka binalingan si Ariella na namumula ang pisngi.

I let out a sigh then give up. "Fine. The guestroom she'll stay," pagsuko ko. "But most of her clothes are in my room. Hindi ba talaga puwedeng—"

"Alexandra, I'm warning you," sabi ni mommy sa nagbabantang boses.

Napasimangot naman ako. "Okay," labas sa ilong na sabi ko.

Kanina pa ako pabaling-baling sa kama ko pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Paano ba naman ako makakatulog kung kumapit na sa unan at bedsheet ang natural na bango ni Ariella? Nakakainis lang. Nasa kabilang kuwarto lang siya pero pakiramdam ko sobrang layo niya. At bago pa ako tuluyang masiraan ng ulo, tumayo na ako mula sa kama at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Bahala na kung pagalitan ako ng husay ng nanay ko dahil hindi ko sinunod ang utos niya. Hindi lang talaga ako mapapakali kapag wala si Ariella sa tabi ko.

Dim lang ang liwanag sa hallway pagkalabas ko, sapat na para makita ko ang dinadaanan ko. Dahan-dahan at ingat pa rin ako sa paglalakad kahit na carpeted ang sahig. Nang makarating ako sa kuwartong inookupa ni Ariella ay dahan-dahan akong sumilip sa loob. And there she is. The love of my life, sleeping peacefully under the dim light of an open lamp. Pumasok ako sa loob saka dahan-dahang isinara ang pinto para hindi ako makalikha ng ingay. Kapagkuwan ay lumapit ako sa kinahihigaan ni Ariella at dahan-dahang tumabi sa kanya.

I felt satisfied when I smelled her natural scent and when I felt her warmth. With a satisfied grin plastered on my face, soon enough I fell asleep.

———————————————

Continue Reading

You'll Also Like

114K 4.5K 34
Laureen Gabrielle Dominguez.
679K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
90.3K 2.1K 23
COMPLETE || Reforos Series #1 Maria Julieta Amadora is a princess, the eldest daughter of the king and queen of Isla Amadora, and the next in line to...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...