A Love To Eternity

By unsolvedestiny

6.3K 2.3K 2.4K

Credits to the one who made the book cover: @ButiNalangTanga Under editing! ETERNITY SERIES BOOK 1 ••• I beli... More

Prologue
Chapter 1: Summer Vacation
Chapter 2: First Encounter
Chapter 3: Punishment
Chapter 4: First Kiss
Chapter 5: Last Laughter
Chapter 6: Goodbye
Not an Update: Just Meet the Characters
Chapter 7: New Beginning
Chapter 8: Accident
Chapter 9: Someone From My Past
Author's Note
Chapter 10: The Epic Comeback
Chapter 11: Making Out The Dare
Chapter 12: Marriage Proposal (Give Me One More Chance)
Chapter 13: My Little Bonsai
Chapter 14: He Save Me
Chapter 15: Face Off: Ex vs.Ex
Chapter 16: My Only Love, My Everything
Chapter 17: Dinner With My Fiance
Chapter 18: The Truth: I Miss You, Bonsai
Chapter 19: Second Kiss (I'll Be The One)
Chapter 20: The Plan
Chapter 21: Promise
Chapter 22: Unwanted
Chapter 23: Missing Pieces of My Heart
Chapter 24: See You Again
Notice!
Chapter 26: The Unexpected
Chapter 27: Complications & Answer
Chapter 28: Chasing Time
Chapter 29: Broken Vow

Chepter 25: Broken

17 3 5
By unsolvedestiny

Chapter 25: Broken

Andz Leufren

Habang yakap ko si Lora ay nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Ramdam ko ang bigat ng kaniyang dinadala. Nanatili lang akong tahimik at pinakikiramdaman siya. Alam kong malalim ang pinaghuhugutan niya dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Para siyang bata na naghahanap ng kakampi at may gustong isumbong pero walang nakikinig sa kaniya.

Labis na awa ang nararamdaman ko sa kaniya. Nasasaktan akong makita siyang ganito.

Ano ba talaga ang nangyari, Lora?

Gusto ko siyang tanungin pero ayaw ko siyang biglain kaya hinayaan ko lang siya hangang sa maging kalmado. Ilang saglit pa’y nagpaalam muna sina Viv at Jen sa’kin kaya naiwan kami ni Lora sa loob ng kaniyang k’warto.

Nang medyo gumaan na ang pakiramdam niya ay naupo kami sa tabi ng kaniyang kama. Tinignan ko siya nang mata sa mata upang pakinggan lahat ng kaniyang sasabihin.

“Lora, ano ba ang nangyari?” kinakabahang tanong ko sa kaniya, pero bago siya sumagot ay iniwas niya ang kaniyang tingin sa’kin saka yumuko.

“Kasi. . . kasi. . .”

“Ano nga? Alam mo bang nag-alala ako sa pagkawala mo? Halos mabaliw ako sa pag-alis mong walang paalam. Hinanap kita kahit saan, naghintay ako sa tapat ng bahay ninyo.”

“Alam ko.” Muli niya akong tinignan ng mata sa mata. Ako naman itong napakunot-noo sa kaniya.

“A-alam mo? Paano?”

Hindi niya ako sinagot. Nanatili ang ilang minutong walang imikan sa pagitan namin. Tila nagpapakiramdaman kami sa bawat isa at naghihintay ng tamang salita na bibitawan, pero sa huli ay ako pa rin ang bumasag ng katahimikan.

Wala na akong pakialam paano niya nalaman ang mga ginawa ko. Ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang nangyari sa kaniya.

“Lora, ano ba talaga ang nangyari?” mahinahon kong tanong at muli siyang umiwas ng tingin sa akin.

“Ka-kasi. . . patawarin mo ako, Andz. Sorry.” Muli umagos ang sariwan luha sa kaniyang mga mata at nakita kong bahagyang nanginginig ang kaniyang kamay, dahilan para hawakan ko ito.

“Magtiwala ka sa’kin, Lora. Makikinig ako sa’yo, iintindihin kita kahit na ano pa ‘yan,” lakas loob kong sabi kahit pa nararamdaman ko ang matinding kabog ng aking dibdib. Ngunit hindi pa rin siya ngsalita at nakita kong muli ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata.

“So-sorry. . . sorry, Andz. Mahal kita pero—”

“Sshh!” sabi ko sabay punas sa kaniyang mga mata. “Hindi mo na kailangan sabihin, alam ko na. . . si Harry ba?”

Mas lalo siyang umiyak at marahang tumango. “Sorry, Andz.”

Sa puntong iyon ay nakadama ako ng matinding galit sa demonyong si Harry, pero mas nagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang protektahan ang babaeng mahal ko.

Niyakap ko siya habang patuloy ang kaniyang pag-iyak. Hindi niya man sabihin sa’kin ang totoo, alam ko na ang nangyari sa kaniya. Siguro wala siyang lakas ng loob para sabihin sa akin ang bagay na iyon dahil ayaw niya akong masaktan.

“Huwag kang mag-alala, naiintindihan kita, Lora.”

Ito na lang ang bagay na magagawa ko para sa kaniya, ang unawain siya sa ganitong sitwasyon.

•••



Shane Loraise POV

Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Andz ang totoo. Kaya nga ako umalis para sana makalimot dahil hindi ko alam paano siya harapin, hindi ko alam saan ako kukuha ng lakas ng loobpara harapin at sabihin sa kaniya ang nangyari kaya mas minabuti ko ang lumayo para mag-isip. Ngunit tila mas naging mali ang desisyon kong iyon, sa ginawa kong pagtago at paglayo, mas naging malungkot ako.

Hindi ko alam paano mag-let go nang kinikimkim lahat ng sakit at galit. Hindi naman nasolusyunan ang problema ko sa pag-alis ko bagkus ay mas nakulong pa ako sa kalungkutan.

Kanina nang marinig kong nandito si Andz ay hindi ko na alam ang gagawin. Gusto kong lumayo at tumakbo upang hindi niya makita pero may bahagi rin ng puso kong gustung-gusto na siyang makasama, mahawakan at mayakap. Alam kong hindi ko rin naman siya matatakasan habang buhay kaya kailangan ko siyang harapin.

Ngunit ngayong kaharap ko na siya at nagtatanong ay parang hindi ko rin alam tamang salita para sabihin sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin.

Natatakot akong hindi niya ako tanggapin, natatakot akong pandirihan niya ako, natatakot akong hindi niya ako maintindihan, pero nang yakapin niya ako at sabihin lahat iyon pakiramdam ko ay gumaan ang nasa loob ko. Ramdam kong mhaal na mahal niya ako at parang pinangunahan ko ang desisyon niya. Sana lang kapag nasabi ko ang totoo sa kaniya ay maintindihan niya nga ako. Sana hindi niya ako layuan.

“Andz. . .” humihikbi kong bigkas at tinitigan ko siya ng mata sa mata.

Ngumiti lang siya na tila naghihintay ng paliwanag ko.

“Kapag sinabi ko sa’yo, please lang, huwag mo akong husgahan. Pakinggan mo muna ako.”

“Pangako, Lora,” sabi niya sabay taas ng kanang kamay.

Nakikita ko naman sa mga mata niyang sincere ang kaniyang mga sinasabi kaya hindi na ako nagdalawang isip pang magsalita. Hinugot ko lahat ng lakas ng loob meron ako saka bumuntong hininga. Tinitigan ko siya ng mata sa mata saka muling nagsalita.

“Ma-may na-nangyari kasi sa’min ni Harry,” naluluha kong sabi sabay yuko. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan at ang pagpapawis ng aking noo. Maging ang lakas ng kabog ng aking dibdib ay hindi nawala.

Nang muli ko siyang tinignan ng mata sa mata ay hindi ko maipaliwanag ang emosyon na kaniyang nararamdaman. Tahimik lang siya habang nakatitig sa’kin kaya mas lalo akong kinabahan.

Hinawakan ko ang kamay niya at muling napaluha habang nagsasalita, “Andz, hindi ko iyon ginusto. Maniwala ka sa’kin, pinilit niya ako. Wala akong nagawa, masyado siyang malakas. . . sorry. Ikaw ang mahal ko pero nangyari ito, pasensya ka na. Maiintindihan ko kung—”

Nang bigla niya akong hinila at niyakap. Ramdam ko ang higpit niyon at marahan niya ring hinaplos ang aking buhok.

“Tahan na, tumahan ka na, Lora. Ayaw kong nakikita kang malungkot. Ayaw kong nakikita kang umiiyak, ayaw kong nakikita kang nasasaktan, dahil doble noon ang nararamdaman kong sakit sapagkat hindi kita naprotektahan at magawang pasayahin. Please, huwag ka ng umiyak. Ikaw pa rin ang Lora slash pangit na minahal ko, mahal ko at mamahalin ko. Hindi kita titignan base sa nakaraan mo, wala akong pakialam doon. Titignan kita base sa nakikita ko ngayon, dahil ang Lora noon, ngayon at bukas ay iisa lang para sa’kin. Ikaw pa rin ang mahal ko at hinding-hindi magbabago iyon. Tanggap kita maging ano at sino ka pa. Wala akong pakialam kung siya ang nauna.” Bahagya niyang tinaas ang aking baba at tinitigan ng mata sa mata.

Ako naman ay halos hindi makapaniwala sa lahat ng kaniyang sinabi. Hindi ko akalain na ganito ako kamahal ng isang Andz na tinuturing kong bata at walang alam paano ba magmahal. Hindi ko lubos maisip na mauunawaan at hindi niya ako huhusgahan.

“Mahal kita, Lora. Mahal na mahal,” huli niyang sinabi saka ako hinalikan sa labi.

Hindi ko maramdamang may pinagbago ang halik niya sa’kin dati. Parang mas minahal niya pa ako ngayon.

“Alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon?” tanong niya sa’kin.

“Ano?”

“Nasasaktan ako dahil hindi kita naprotektahan, nasasaktan ako dahil malungkot ka. Parang gusto kong bumalik na ng Manila at durugin ang mukha ng hayop na Harry na ‘yan! Gustung-gusto ko siyang saktan sa kahayupang ginawa niya sa’yo!” gigil na gigil niyang sabi habang nakakuyom ang kamao.

Hinawakan ko iyon upang pakalmahin siya.

“Huwag na, please? Ayaw kong masaktan ka pa niya. Gusto ko na lang makalimutan ang lahat.”

Alam kong ipaglalaban ako ni Harry kahit anong mangyari, kaya ayaw ko ng madamay pa siya. Mas masasaktan ako kapag nakita siyang masaktan ng iba.

“Pero—”

“Please? Layuan mo na siya, ayaw kong madamay ka.”

“Pero sinaktan ka niya!” giit niya.

“Kahit na, ako na ang kakausap sa kaniya.”

“Gusto ko nandoon ako!” Napakunot-noo naman ako sa kaniyang sinabi.

“Hindi magandang ideya ‘yan.”

“Gusto ko lang masiguro ang kaligtasan mo!”

“Pero, Andz!”

“Hindi ako makakapayag ng gusto mo, may ginawa na siya sa’yo minsan, ayaw ko nang maulit pa iyon!” galit niyang sabi.

Wala naman akong nagawa kun’di ang pumayag na lang. Tama nga naman siya, mas ligtas akong harapin si Harry na kasama siya.

“Pero kapag hinarap natin siya, huwag mo na siyang saktan. Kahit iyon na lang pakiusap ko sa’yo, please?”

“Okay, sige. Susubukan kong pigilan ang sarili ko para sa’yo.”

“Salamat.”

Napagdesisyunan na lang naming bumalik ng manila matapos ang isang lingo. Dito muna sila sa amin magbabakasyon. Kahit papaano ay gumaan ang aking kalooban sa lahat ng nangyari. Dapat pala hindi ko pinangunahan ang pananaw ni Andz. Dapat pala sinabi ko sa kaniya lahat mula sa simula, pero kahit na sabihin ko iyon, alam kong ipaglalaban pa rin ako ni Harry. At kapag nalaman naman ito nina Mommy at Daddy ay tiyak ipapakasal ako niyon ng sapilitan.

Kahit na tanggap na ako ni Andz, hindi ko pa rin alam ang mga susunod na mangyayari. Hindi ko alam kung hanggang saan ako ipaglalaban ni Harry.








To be continued...
•••

11/23/17
6:25pm

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 49.3K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
616K 25.2K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
1.1M 51.2K 46
"You're my betrothed." "Naliligaw ka, Miss." Inis na isasara ko na sana yung pinto ng humarang sya doon. "I don't think so. You're Terry Alcatraz ri...