Sentry

By fbbryant

349K 15.2K 1.7K

Nang mamatay ang kinikilalang ama ni Rifka ay napilitan siyang umalis sa bayan kung saan siya lumaki ayun na... More

Foreword
1- Rifka
2- Safe Walls
3- Monster
4- Blood Sword
5- The Last of the Clan
6- SeBiAe (1)
7-SeBiAe (2)
8- Troublemaker Gaius Kühn
9- She's Found
10- Evening Activities
11- Gaius' Payment
12- The Visitors
13- Hunting Week
14- Silver Eyes
16- Blood and Pleasure
17- The Past Is Back
18- Party
19- Useless
20- Shoulders To Cry On
21- Friends
22- The Third Party
23- Cratus
24- Blood Moon Child
25- Rifka on Rampage
26- Villains
27- Change of Heart
28- Second Chance
29- Dinner
30- Two Poisons
31- Broken Heart and Soul
32- Bulletproof Heart
33- Lull Before the Storm
34- The Storm... Murder
35- The Storm... Regrets
36- The Storm... Courage
37- The Storm... Curse
38- Out for Blood
39- Bittersweet Victory
Epilogue
Note

15- SA Vs Witches Vs Vampires

7.5K 369 16
By fbbryant

Nakayuko lang si Rifka habang naghihintay ng sagot mula kina Deus, Malik at Cole. Ipinakita na rin niya ang note ng Triad para sa kanya. Sinabi ng sulat na siya lang ang magpunta but she really couldn't risk going there alone.

Mao-awkward na sana siya dahil ang tahimik ng tatlong lalaki na in-ambush lamang niya sa may library kung hindi lang sana tumawa ng malakas si Malik. Masamang tingin tuloy ang natanggap nila mula sa ibang mga estudyante.

"Akala ko pa naman galit ka sa amin kaya hindi mo kami pinansin," sabi nito na parang relieved na relieved.

She told them she did not hear Malik kaya hindi siya lumingon. Lie. A big fat lie. Hopefully, Malik couldn't get in in her thoughts.

"Are you sure you want to meet this Triad?" seryosong tanong ni Deus. Nag-aalala ito lalo na at sinabi niyang grupo ito ng evil witches.

"Gusto kong malaman kung ano ang kailangan nila sa akin," determinado niyang sagot.

"Why don't we just capture them and bring them here to be interrogated?" suggest naman ni Cole. He didn't care really. He just wanted to say something. Anuman ang desisyon ni Deus ay tiyak na susunod ito.

"That sounds easy but we don't know what this Triad can do. Paano kung malakas pala sila kaysa sa atin?" sagot naman ni Malik.

"One of the most important things to remember before going to a war, do not ever, and I mean ever, underestimate your opponent," lecture ni Deus sa nakababatang kapatid na sumaludo naman.

"You think this will be a war?" ani Rifka.

"Going to meet people who sent you a threatening note is always a war, Rifka," ani Deus.

"Tutulungan n'yo ba ako?"

"You're still gonna go even if we don't help you, aren't you?" taas-kilay na tanong ni Deus at tumango naman siya kaya napabuntung-hininga ito.

"We will go with you then," si Malik na ang tumapos sa kanilang usapan.

"Salamat. Salamat talaga."

Kinagabihan nga ay tatlong anino na nakasuot ng garb ang maaaninag sa may kanang bahagi ng main gate ng academy. Iniiwasan ng mga ito ang mapansin lalo na ng naka-duty na mga guards.

Sa may kaliwa naman ay isang anino ang kampanteng nakaupo sa sanga sa isang malaking punong-kahoy. Nakasuot din ito ng garb katulad ng mga naunang anino.

Huminga si Rifka ng malalim bago humakbang palapit sa main gate. Kailangan niyang dumaan doon upang sa kanya matuon ang atensyon ng Triad at 'wag mapansin ang kanyang mga backup.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pwedeng lumabas ng campus," mabagsik na sabi sa kanya ng babaeng Sentry na siyang guard nang gabing 'yun. May tatlo pang lalaki itong kasama.

"May kailangan lang po akong kausapin. Importante. Hindi sila Faiga vampires. Promise," sagot niya.

Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito pero mukhang desidido yata ang mag guards na 'wag siyang palabasin kaya medyo nataranta na siya. Naaninag niya sa labas, sa may di kalayuan, ang tatlong anino at 'yung isa ay may kung anong sombrero pa. Fedora yata.

"Pasensya na, Ms. Strauss, order po kasi sa amin na 'wag kayong palabasin kung mag-isa lang kayo," umiiling na sabi ng babae.

Hindi pwedeng hindi siya makipagkita sa Triad dahil tiyak na may gagawing masama ang mga ito sa academy. They threatened to burn the campus down kung hindi siya sisipot.

"But she's not alone," sabay-sabay silang napalingon sa biglang nagsalita sa may likuran. Sa likod nito ay nakaparada ang isang kulay puti na mamahaling sportscar.

"Dr. Erick, kayo pala," bati ng mga Sentry.

"Isasama ko si Ms. Strauss ngayon," anito saka humakbang palapit sa kanya habang nakapamulsa. She was speechless while looking at the young doctor who was lying for her now. She could see why Tiana could go to the extent of stalking him. Hindi naman kasi ito basta gwapo lang kundi gwapung-gwapo. Matangkad din ito at maganda ang pangangatawan. Napakalinis pang manamit. Doctor na doctor ang dating.

"Gan'on po ba? Pasensya na po. Hindi kasi sinabi ni Ms. Strauss na isasama n'yo s'ya sa pag-uwi n'yo ngayon," anang babaeng Sentry. Ito lang yata ang nagsasalita sa grupo ng mga ito.

"No problem. Let's go, Rifka," ani Dr. Erick saka bumalik na sa kotse nito kaya nagmadali naman siya sa pagsunod dito.

"Salamat, Dr. Erick," sabi niya habang nagkakabit ng seatbelt.

"Hindi ko alam kung saan ang lakad mo. Gabi pa. Are you sure you'll be safe?" tanong nito saka pinaandar na ang sasakyan.

Sumaludo pa ang mga gwardiya nang daanan nila ang mga ito sa gate.

"H-Hindi ako sure pero kailangan kong puntahan eh," sagot niya.

Hindi ito sumagot pero napansin niya ang pagtiim-bagang nito.

"A-Akala ko sa Dormire ka nakatira," pag-iiba niya ng usapan.

"I have a room there but I prefer to stay at my condo in the city. Mas malapit kasi sa kabihasnan," sagot niya.

Tama nga naman. Kapag sa downtown nakatira at balak nitong magsaya sa bar o club, mas madali para rito.

"D-Dito na lang ako," sabi niya nang marating ang spot kung saan niya namataan ang tatlong anino kanina. May hinala siya na dito gustong makipagkita ng Triad.

"Ms. Strauss..." may pag-aalinlangan sa boses ni Dr. Erick pero itinabi naman nito ang sasakyan. Sumilip pa ito sa labas bago ini-unlock ang pinto sa side niya.

"I will be okay," sabi niya kahit na hindi siya sigurado kung ano ang naghihintay sa kanya. Isa pa, kailangan niyang magtiwala sa apat na lalaki na nasa tabi-tabi lang at nagbabantay sa kanya.

Huminga ito ng malalim bago tumango. "Be careful."

"Salamat, Dr. Erick," aniya saka mabilis nang bumaba ng sasakyan nito. Agad din naman itong nag-drive paalis kaya napabuntung-hininga siya upang pagaanin ang kanyang dibdib na binalot na yata ng kaba.

Tumingin siya sa paligid upang hanapin ang mga anino na nakita n'ya kanina pero wala siyang makita na sinuman.

"I'm here. Alone. Tulad ng sabi n'yo. Kung sinuman kayo, magpakilala na kayo," lakas-loob niyang sabi habang panay ang tingin sa paligid.

Wala siyang natanggap na sagot.

"Wag ninyong sayangin ang oras ko, Triad," mas nilakasan pa niya ang kanyang boses.

Nang wala pa rin siyang natanggap na sagot ay tumalikod na siya upang bumalik sa loob ng academy. Ngunit napatigil siya sa kanyang pangatlong hakbang nang makarinig ng kaluskos mula sa likuran niya. Mabilis siyang lumingon doon at nakita niya ang tatlong anino na dahan-dahang lumabas mula sa dilim.

"K-Kayo?" aniya nang mamukhaan ang tatlo. Ito iyung mga customers n'ya sana sa bar na bigla na lang umalis pagkatapos kausapin ni Gaius.

So, this was what he meant when he said na mag-ingat siya. Hindi sila bastang witches lang. They were the Triad.

"Pasensya na. Kailangan naming makasiguro na mag-isa ka lang. I am Santino, a direct descendant of Callista," nakangiting sabi n'ong lalaki na nasa gitna. He was wearing a red fedora, red suit without a necktie and red dress shoes. He looked liked a walking red chilli pepper.

Itinuro ni Santino ang babaeng nasa kanan nito. She was wearing a green leather jacket, white tight tank top, tight leather pants and green ankle boots.

"Ito naman ang aking second in command, si Sloan."

Napaisip si Rifka. Kailangan n'ya ba talagang malaman ang mga pangalan nila?

"And this is Zabdiel, Sloan's younger brother," turo naman ni Santino sa lalaking nasa kaliwa nito. He was wearing a yellow shirt na may mababang neckline, white tight pants and white dress shoes. He looked too... bright.

"Step-brother," pagtatama ni Zabdiel.

"Oh c'mon," nakangising sagot ni Santino. "You two are from the bloodline of Calliope. You are technically relatives kahit malayo na."

So, two are from the line of Calliope and one from Callista. Ibig sabihin, walang descendant si Liviana sa Triad. They really are not balanced. Calliope was pure evil. At kahit neutral ang line ni Callista, nadadala sila sa mas dominant na bloodline. In this case, mas dominant ang masamang bloodline, naisip ni Rifka.

"I believe you're a Faiga vampire, am I right?" ani Santino.

Tumango si Rifka. "I-I'm Rifka Strauss. Ano'ng kailangan n'yo sa akin?"

Tumawa si Santino, a very evil laugh. "We want...hmmm...you."

Tila nakuryente si Rifka sa narinig. Nanigas siya sa kinatatayuan. Did they know who she really was by any chance?

"B-Bakit? Ano'ng gagawin n'yo sa akin?"

"That's for us to know and you to find out," nakangisi pa ring sabi ni Santino.

Kinabahan na si Rifka kaya bahagya na siyang napaatras. Naging alerto rin siya bigla at nakiramdam kung nasaan na ang backup n'ya.

"Now!" malakas na sabi ni Santino at laking gulat ni Rifka nang makitang pinalibutan na siya ng tatlo at may pulang kuryente na nakakonekta sa mga ito kaya nasa gitna siya ng isang hugis triangle na pulang ilaw.

"What the...?" 

Nagsimula nang mag-chant ang Triad at naramdaman niya ang epekto n'on sa kanyang katawan. Tila nanghihina siya.

Pawang nakapikit ang witches na nakapalibot sa kanya at nagko-concentrate sa ginagawa ng mga ito.

"Yahhh!" isang anino ang bigla na lamang lumipad papasok ng triangle ngunit agad naman itong tumilapon sa may di kalayuan na para bang may invisible na harang ang triangle.

"Tiana!" gulat siyang napasigaw nang makita ang kanyang roommate na nasaktan. Pero hindi nito pinansin ang gasgas sa tuhod na agad na naghilom at tanging dugo na lamang ang natira.

Tiana hissed. Lumabas ang matatalim nitong mga pangil at naging pula ang mga mata.

Ano'ng ginagawa ng kanyang roommate dito?

"Rifka, okay ka lang?" narinig niya ang boses ni Malik kaya nilingon niya ito. Kakalapag lang nito bitbit ang replica ng isang Zayin.

"O-Oo," aniya.

Mas lumakas ang pagcha-chant ng Triad at tila mas lumakas ang energy ng pulang kuryente na nakapalibot sa kanya.

"What the hell is happening here?" inis na tanong ni Tiana pero walang sumagot sa kanya. Bigla na lang dumoble ang pagiging alerto nila. Maging si Rifka ay nakaramdam ng ibang presensya sa paligid. Mas malaking panganib.

"Watch out!" sigaw ni Deus at sabay-sabay silang apat na tumalon palayo. Nakita ni Rifka ang apat na matutulis na wooden stake na nakatusok sa lupa na kung saan nakatayo ang mga kasama n'ya kanina.

"Vampires," ani Cole at kasabay n'on ay ang paglabas ng napakaraming bampira mula sa dilim at iisa lang ang napansin nila mula sa ito.

Silver-gray hair.

Ugh! Ngayon pa talaga nila naisip na bumalik, natampal ng dalaga ang kanyang noo.

Nakita niya ang pag-atake ng kanyang mga kababayan sa grupo nina Deus. Gamit ang kanilang vampire speed at strength ay napakabilis nilang kumilos habang naglalaban.

Binalingan ni Rifka ang Triad na patuloy sa pagcha-chant at nakapikit lang ang mga mata. Hindi tuloy siya sigurado kung aware ang mga ito sa nangyayari sa paligid. Hindi siya papayag na makuha siya ng mga ito. Kailangan niyang maghanap ng paraan upang masira ang triangle ng mga ito.

Hinawakan niya ang hilt ng kanyang espada saka iyun binaklas mula sa loob ng lalagyan nito na napaikot sa kanyang kanang hita. At ang tila lubid na bagay ay naging espada.

Kung hindi pwedeng pasukan ang triangle, pwedeng naman siyang lumabas. Isang mabilis na pagwasiwas ng kanyang espada ang ginawa niya at gan'on na lang ang gulat ng Triad nang biglang tumilapon si Zabdiel at nasira ang triangle. Ang lalaki ang pinuntirya n'ya dahil base sa kanyang obserbasyon, ito ang pinakamahina sa tatlo.

"Zabdiel, bumalik ka rito! Dali!" sigaw ni Sloan ngunit nakalabas na si Rifka at isa pang anino ang dumating. Napanganga na lang ang dalaga nang makilala ito.

Dr. Erick! Ilang beses nitong sinisipa sa sikmura si Zabdiel na hindi pa nagagawang tumayo mula sa atake ng dalaga.

"Ano'ng ginagawa nito rito?" naitanong ni Rifka sa sarili.

"Rifka!" halos sabay-sabay na sigaw ang narinig n'ya at hindi na niya alam kung sinu-sino ang mga 'yun. Naramdaman na lamang niya na may yumakap sa kanya buhat sa likod at nasa ere na sila. Saka lang niya napansin na may kulay pulang kuryente sanang tatama sa kanya mula sa mga kamay ni Santino. Kung hindi lang siya sinagip ng taong nasa likuran niya.

Lumapag sila sa may di kalayuan at saka lang niya nilingon ang tagapagligtas n'ya.

"G-Gaius," mahina niyang sambit nang makita ang bored na mukha ng lalaki.

"Don't let your guards down. You should know better," seryoso nitong sambit bago nawala sa paningin niya. Hinanap n'ya ito sa paligid pero hindi niya ito makita. Nagpakita lang ito para sagipin s'ya at ngayon ay nawala nanaman ito sa dilim.

"Okay ka lang?" hindi n'ya napansin ang paglapit ni Deus. Her guards were really down dahil maging ito ay hindi niya napansin.

Ipinilig niya ang ulo para makapag-focus saka ngumiti sa lalaki. "Yeah."

"Rifka, umuwi ka na sa atin," narinig niya ang sigaw ng isang Faiga vampire. Malaking babae ito, may maikling buhok at may hawak na malaking espada. Kilala niya ito. Isa ito sa mga brutal na general ni Yitzhak Achselrod.

"Para ano? Patayin s'ya?" si Deus ang sumagot na itinago pa siya sa likod niya.

"Tumakas siya. Kailangan niyang managot sa batas namin."

"Yan lang ba talaga ang dahilan kung bakit pursigido kayong lumusob dito?" si Deus pa rin ang nakikipag-usap dito at nakalapit na rin ang iba nilang mga kasama sa kanila at pinoprotektahan siya.

"Nagdala pa kayo ng witches dito," sabi naman ni Tiana.

Napatingin si Rifka sa Triad. Tinutulungan ng dalawa ang bugbog-sarado na si Zabdiel. Mukhang hindi talaga ito tinantanan ni Dr. Erick hanggang sa halos nawalan na ito ng malay.

"Witches? Hindi namin kilala ang mga 'yan," sagot ng general. Nasa tabi na rin nito ang maraming mga kasama.

Tatlong grupo ang magkakaharap ngayon at lahat ay handa para umatake.

"Mga istubro," biglang sabad ni Santino. Mukhang galit na ito at nakatanggap na ng ilang bugbog mula sa kung sino pero hindi pa rin natatanggal ang suot nitong fedora.

Biglang tumayo ang witch at itinuon ang dalawang mga palad sa grupo ng mga Faiga vampires sabay chant ng kung anong spell at hindi nagtagal ay pinalibutan ang mga ito ng apoy.

Sumigaw ang mga bampira na biglang nagliyab at lumayo naman ang iba.

"Isang Faiga vampire lang ang kailangan naming patayin pero nakikialam kayo," dagdag pa ni Santino at mas nilakasan ang apoy na tumutupok sa mga kababayan ni Rifka.

So, papatayin nga nila ako, naisip ng dalaga. Humakbang siya at umalis sa pagkakatago mula sa likuran nina Deus kaya agad siyang hinila ng mga ito para muli siyang itago pero tinabig n'ya ang mga kamay ng mga kasama n'ya.

"Tumabi kayo. Kaya ko 'to," sabi niya kaya nagkatinginan ang mga kasama n'ya.

"We are not underestimating you, Rifka, pero may kapangyarihan ang mga 'yan. Kami na ang bahala sa kanila," ani Malik na pinatunog pa ang knuckles.

Ngunit itinaas ni Rifka ang kanyang kanang kamay upang pigilan ang mga kasama.

"Laban ko 'to. 'Wag kayong makialam. Mali na idinamay ko kayo rito. I'm sorry," aniya saka humakbang na palapit sa mga kalaban.

"Rifka!" tawag ni Cole at akmang susunod na pero pinigilan ito ni Deus.

"Let her," seryosong sabi ni Deus.

"But she's so weak to face them," ani Tiana.

"She's not stupid to fight them if she doesn't have anything up her sleeve," si Dr. Erick naman ang sumagot kaya natahimik si Tiana.

"Ako ang kailangan n'yo 'di ba? Then, face me," nanghahamon na sigaw niya sa witches kaya natuon sa kanya ang atensyon ng lahat.

Ngunit hindi lang ang witches ang biglang umatake sa kanya. Maging ang mga naiwang Faiga vampires na hindi nilamon ng apoy ay sumugod din sa pangunguna ng babaeng general.

Dalawang malalaking kulay pula na tila kuryente ang papunta sa direksyon n'ya mula kina Santino at Sloan pero mabilis siyang nakaiwas. Umikot siya sa ere at hinawakan ang dalawang kuryente na mukhang spear at naglaho ang mga iyun. Nang makalapag siya sa lupa ay siya naman ang naglabas ng kaparehong kuryente at pinabulusok ang mga iyun sa direksyon ng witches na agad ding napatalon para umilag.

Natigilan ang lahat sa nakita.

Walang kapangyarihan ang Faiga vampires. Pero gulat at nalilito ang lahat kung paano niya nagawa 'yun.

"Hindi pala kayo malakas. Mahirap akong hulihin," sabi niya at may nabubuo nanamang pulang kuryente sa kanyang kanang palad.

---

Hindi nakakilos si Deus dahil sa nasaksihan. Maging ang mga kasama niya ay mukhang nahipnotismo.

May kapangyarihan si Rifka. At mag-isa nitong nilalabanan ang Triad at ang Faiga vampires pero mukhang hindi man lang ito nahihirapan.

"A-Ano'ng nangyayari?" litong tanong ni Malik.

Walang nakasagot. Hindi nila alam ang sagot.

Isang tumbling ang ginawa ni Rifka at hawak nanaman nito ang espada nito na nahulog kanina nang sagipin ito ni Gaius. Nalaman ni Deus na nakatago pala sa ilalim ng palda ang espada nito.

Napakagaling nitong gumamit ng espada habang sinasangga ang weapons ng mga kababayan nito. Napakabilis din nitong kumilos at bawat ikot at tumbling nito ay nakikita ni Deus ang scabbard na nakapalibot sa kanang hita nito. Nakasuot ito ng puting shorts sa ilalim ng palda kaya malaya itong nakakakilos.

"S-Si Rifka ba talaga 'yan?" namamanghang tanong ni Cole.

Blangko ang ekspresyon ng mukha ng dalaga at naka-focus lang ito sa pakikipaglaban. Nawala ang inosente nitong aura. Nawala ang mahiyaing mga ngiti.

"Rifka!" sigaw ni Malik nang muntik na itong tamaan ng isang pana ngunit biglang lumitaw si Gaius mula sa kung saan at ito ang tinamaan sa may likod.

"Gaius!" ani Dr. Erick.

Na- distract din si Rifka kaya tinamaan ito ng malakas na sipa sa gilid ng ulo.

"Pwede na tayong makialam," ani Deus at agad na silang tumakbo at tumulong sa pakikipaglaban.

Naglalaban din ang witches at Faiga vampires. Nakatayo na rin 'yung nabugbog na witch kanina.

"Alam mo bang nakatanggap na ng parusa ang mga pamilyang tumulong sa'yong makatakas?" malakas na sigaw ng general. Mukhang iniinis nito si Rifka.

At nainis nga ito dahil biglang nagliwanag ng kulay pula ang hawak nitong espada.

"Ano'ng ginawa n'yo sa kanila!?" galit ang tanging makikita sa mga mata ng dalaga habang inaatake ang babaeng general. Parehong malakas ang dalawa ngunit mas lamang ang lakas at bilis ni Rifka kaya ilang beses na ring nasugatan ang kalaban.

Isang Faiga vampire ang umatake kay Gaius kaya itinuon niya ang kanang kamay sa direksyon nito. Dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang palad saka itinaas iyun. Kitang-kita niya kung paano lumutang sa ere ang kalaban at narinig niya ang tila pagkakabali ng mga buto nito sa loob ng katawan habang mas kinukuyom niya ang kanyang kamao.

He got his father's ability of psychokinesis. Kaya n'yang kumontrol ng mga bagay without using physical contact as long as nasa harapan niya iyun. Tanging isip lang at nagagawa niya kung anuman ang gusto niyang mangyari.

Napansin ni Deus na nahihirapang kumilos si Gaius kaya lumuhod siya sa tabi nito.

"D-Don't move," aniya saka binali ang pana. Hinugot niya ang isang bahagi mula sa likod at ang isa pa sa harap.

"Argh!" ani Gaius.

In-expect ni Deus na tatayo na ang lalaki pero hindi ito gumalaw. Nakahiga pa rin ito patagilid at tila may iniindang sakit.

"Gaius..." niyugyog niya ito. Napatingin siya sa paligid. Kokonti na lang ang Faiga vampires at palayo nang palayo ang witches.

Muli niyang tinignan si Gaius at nakapikit na ang mga mata nito.

"Why aren't you healing?" tanong niya pero wala siyang natanggap na sagot.

Sinilip niya ang likod nito at gan'on na lang ang gulat niya nang makitang kulay itim ang sugat nito na dahan-dahan nang sumara.

Tinignan niya ang pointed na bahagi ng pana na binalibag n'ya kanina.

Ilang mura ang pinakawalan niya nang ma-realize kung ano ang meron d'on sa pana saka kinarga si Gaius na parang sako ng patatas. Kahit na malaki ang away nila ng dating bestfriend, he still cared for him. Hinding-hindi mawawala 'yun. At hindi siya makakapayag na mawala ito.

"Erick! Kailangan ko ang tulong mo! Mamamatay na yata itong si Gaius"

---

immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 81.5K 42
✓ | (That Nerd Is A Vampire - The New Version) Lucy thought she'd live all her life surrounded with humans that's supposedly to be their food. She di...
21.1M 542K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
56.4K 1.4K 22
THEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decide...