NECROPOLIS (Published - Viva...

By MikMikPaM0re

822K 28.5K 2.3K

#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy B... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
FINAL CHAPTER
Special Chapter Unfold
Epilogue
Author's note
Soon to be Published Under Viva Books
UPDATE

Chapter 8

16.7K 609 33
By MikMikPaM0re

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Takot, kaba, pag-aalala, galit sa pumatay sa kanya, at awa. Napakabata pa niya. Marami pa siyang pwedeng gawin na ninakaw ng pumaslang sa kanya.

Kinakabahan man ay lumapit ako sa kanya. Para kaming magkapatid dahil kamukhang-kamukha ko siya. Magkaiba lang sa pisngi, sa dimples at sa kutis. Sobrang putla niya. Nakatingin rin siya sa akin. Tingin ng curious. Tinangka kong hawakan ang pisngi niya pero lumagos lang ang kamay ko. Hindi ko maintindihan pero may pumatak na butil ng luha sa mata ko.

"Huwag kang umiyak." Sabi ni Monique.

"Ano'ng sinasabi niya?" Tanong ni Inspector.

Nilingon ko siya. Napakunot ang noo ko. "Hindi mo siya naririnig?"

Umiling si Inspector. "No. I can only see them but I can't hear them."

"Ah. Meron palang gano'n."

"Oo naman. May iba na nakakaramdam pero hindi nakakakita."

Kaya pala, parang si Emma. "Ang sabi niya huwag daw akong umiyak."

"Pwede mo bang itanong kung ano ang nangyari sa kanya?"

Bumalik ang tingin ko kay Monique, naghihintay ng sagot niya.

Umiling 'to. "Hindi ko alam kung sino ang may gawa. Basta na lang akong sinakluban ng sako. Paggising ko, kaluluwa na ako."

Nagkatinginan sila ni Inspector. "Ano ang sabi niya?"

"Ang sabi niya, basta na lang daw siya sinakluban ng sako. Paggising niya, kaluluwa na siya." Bumalik ang tingin ko kay Monique. "May nakaaway ka ba, o galit sa'yo?"

"Mayro'n. May natuklasan ako sa school. Katulad mo, may kakayahan din akong makakita ng multo." Lumingon si Monique sa Annex Building. "Nakausap ko ang ilan sa kanila. Nag-imbestiga ako. May ilang nakaalam siguro na may nalaman ako at nakakausap ko sila kaya siguro ako pinatay."

Sinabi ko kay Inspector ang sinabi ni Monique. "Itanong mo kung ano ang nalaman niya."

Bumalik ang tingin ko kay Monique. Magsasalita na sana ito ng may tumawag sa baba. "Inspector?" Boses ng lalake.

"Mag-iingat kayo. Wala dapat makaalam na nakikita n'yo kami. Manganganib kayo." Saka ito naglaho.

Napatingin ako kay Inspector. Kinabahan ako. Makikita ng dumating na pumasok ako dito. "Magtago ka." Bulong ni Inspector.

Nagtago ako sa likod ng bookshelf at sumilip sa pagitan ng mga libro. Si sir Tony ang dumating. Nag-pop sa tabi ko si Monique. Nag-sign ng "ssshhh."

"Yes?" Tanong ni Inspector.

"May nahanap ka na ba?" Nagpalinga-linga si sir Tony sa paligid.

"Wala pa. Hindi pa ako tapos mag-conduct ng inspection." Inilabas ni sir Tony ang hand gloves mula sa sling bag nito. Isinuot ang handgloves saka kinuha ang magnifying glass niya. Tumingin, tingin sa mga upuan.

"W-Wala ka namang iba pang nakita dito?"

"Wala naman. Puro upuan at libro lang ang nandito. Titingin ako ng fingerprints."

"Ah, o sige maiwan na kita." Tumalikod na ito saka bumaba. Inantay ko munang marinig ang tunog ng pintuan sa baba bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Napabuga ako ng hangin.

Lumabas ulit si Monique sa tabi ko. "Gaya ng sinabi ko, mag-iingat kayo. Yung dalawang inspector ay pinatay marahil ay dahil nakakakita rin sila, at may natuklasan sila. Saka na tayo mag-usap ulit." Saka ito naglaho.

"Ano ulit ang sinabi niya?"

"Mag-iingat daw tayo. Wala daw dapat makaalam na nakikita natin sila. Yung dalawang inspector daw ay marahil pinatay dahil katulad natin sila at may natuklasan sila."

"Halika na. Babalik na lang ako ulit. Maganda sana kung makakausap natin siya ng matagal." Kinuha ni Inspector ang kamay ko saka inakay akong bumaba.

Pagbukas ng pinto ay sumilip muna si Inspector sa labas. Nang matiyak na walang tao sa paligid at walang nakatingin ay hinila niya ako agad palabas. Tumakbo kami hanggang sa makarating sa garden.

"Arlene, kailangan pa nating mag-usap, tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan dito."

"S-sige po walang kaso." Kinuha ni Inspector ang number ko at tinawagan ako.

"That's my number. If you need anything, o may nabalitaan ka, sabihan mo ako."

"Sige po."

"Siya nga pala, ano ang sinasabi niyang nakakausap niya sila? May iba pang multo dito?"

"Meron po. Marami. Doon." Itinuro ko ang Annex.

Napadilat si Inspector. "Pwede mo ba akong samahan?"

"Inspector, pwede po. Pero please, huwag nyo pong ipahalata sa kanila na nakikita natin sila? Lalo na ako."

"Bakit naman?"

"Sa totoo lang po, ngayon ko lang inentertain ang multo, dahil hindi ko ginagamit ang kakayahan ko. Naranasan ko na po kasing masundan ng multo nung bata pa ako." Huminga ako ng malalim. "Saka may multo po d'yan na bayolente. Nananakit ng estudyante. May isa pa na nakakatakot."

Parang natakot din si Inspector sa sinabi ko. "Sige, naiintindihan ko. Halika na. Mag-ikot lang tayo sa lahat ng floor."

Pumasok kami sa nag-iisang exit sa likod ng Annex. Nilinga ni Inspector ang mga mata. Wala kaming nakita dito. Inaya ko siya sa 2nd floor. Naglakad sa mahabang pasilyo habang sinisilip ang ibang classroom na nakabukas ang pintuan. Sa pinakagitnang classroom ay bakante. Sumilip si Inspector. Doon ay nakatayo ang babaeng nakita ko sa canteen, na nakita ko ring nasa article online. Naaagnas ang halos kalahati ng mukha. Galit ang mga mata na nakatingin sa amin.

"Halika na, wala namang tao dito." Hinawakan ni Inspector ang braso ko saka niya ako hinila. Nanlalamig ang kamay niya. Dumiretso kami sa pinakadulong hagdan paakyat ng 3rd floor. Nagpalinga-linga ulit kami. Naroon ang ilang multong estudyante na pagala-gala lang habang nakalutang. Puro babae. Hindi lang yata sampu ang narito.

Hindi na naglakad pa si Inspector sa hallway. Bumalik kami ng hagdan paakyat ng 4th floor. Ganun din ang sitwasyon. Ang dami na nila. Pa-ikot-ikot lang sa buong floor ng nakalutang. Nakahalo sa mga estudyanteng nagsisimula ng maglabasan sa isang classroom. Naextend siguro sila. Hanggang 5 lang kasi ang klase dito sa building.

Napahigpit ang kapit ni Inspector sa braso ko. Nasaktan ako pero naiintindihan ko siya. Tiningnan ko ang wrist watch ko, malapit ng 5:30.

"Inspector, tara na. Isasara na nila ang Annex. Bawal na dito." Hinawakan ko ang braso niya na nakakapit sa braso ko saka ko siya hinila-hila. Tila natauhan naman si Inspector kaya sinunod na rin niya ako.

Bumaba kami ng building saka huminto sa ground floor. "Inspector, magsasara na 'tong magkabilang gate ng Annex ng 6pm. Kaya kailangan na nating maghiwalay. Sa dorm ako at lumabas na kayo pa-Main Building."

"Sandali." Pigil nito ang braso ko. "Anong oras ang labas mo bukas? Pwede ba tayong magkita sa labas pagkatapos?"

"Pwede po. 3pm ang labas ko. Sige."

"Susunduin kita." Saka nito binitiwan ang braso ko at umalis na. Lumabas na rin ako ng Annex Building patungo sa dorm namin sa likod.

niyvYJ'

City of Doña Trinidad University
Site Map


To Be Continued...

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Continue Reading

You'll Also Like

51.9K 1.9K 21
Dala-dala ang masakit na nakaraan, lumipat si Xaianah Rue sa Emsterdom High School. She got herself involve in solving a series of crimes with her ne...
3.5K 279 32
As the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna...
7.4M 377K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
6.7M 12.2K 4
May tatlong hiling ang pumayapa niyang lolo. Ang una ay pamahalaan niya ang academy na itinayo nito. Pangalawa, lumipat sa academy bilang isa sa mga...