Mysterious Case Of Love [COMP...

By mystshade

71.1K 3.4K 916

Tahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya a... More

Announcement
One:Daydream
Two:Ghost in School(edited)
Three: Handsome ghost problem(edited)
Four: Who's that guy?( edited)
Five: Curiousity(edited)
Six: Revelation(Edited)
Seven: The transferee is a celebrity 1(edited)
Eight: the transferee is a celebrity 2(Edited)
SPECIAL CHAPTER(Edited)
Nine: Flare has a friend? (EDITED)
Ten: Nelorie's new enemy(Edited)
Eleven: He's back
Twelve: The kiss
Thirteen: Hospital
Fourteen: Maniac?
Fifteen : The Make Over and a Date
Sixteen: Newspaper
Seventeen: Scandal
Eighteen: New Subject
Nineteen: She is haunted
Twenty: unexplanable feeling
Twenty one : She sees dead people
Special Chapter : The Queen Bee's life
Twenty two: Class F tutors
Twenty three: JG's House
Twenty-four: Disappear
Twenty-five: Attack
Twenty-six : Kean's Family
Twenty-seven: Royal Rumble
Special Chapter : Joshua's reasons
Twenty-eight: Invitation
Twenty-nine: Nelorie's Birthday Party
Thirty: Kean is Awake
Thirty-one
Thirty-two: New circle of friends
Thirty-three: Team building
Thirty-four : Helping hand
Thirty-six : Paintball Game
Thirty-Seven: Mysterious Guy
Special Chapter: amnesia?
Thirty-eight: KERRY
Thirty-nine: Weird Family
Forty: Another
Fourty-one:
Fourty-two:Kindergarten
Forty-Three: Transfer?
Forty-four: JG points
Forty-five:Bad news
Forty-six: Scottie's past
Forty-seven:
Forty-Eight:Caught
Forty-nine:Choose
Fifty: Final Chapter
Unedited

Thirty-five : Suspicious Nelorie

1K 54 13
By mystshade

Chapter 35: Suspicious Nelorie

Flare's POV

Nasa kasarapan ako ng panaginip ko nang alugin ako ng sobrang bilis. Akala ko may lindol kaya napatayo ako.

"HOY MUSANG GUMISING KA NA!" she shouted.

Kinalikot ko ang tenga ko. Ang lakas kasi ng pagkakasigaw nya. "Ano ba,wag ka namang sumigaw."

"They are all searching for us."

"Bakit daw?"

"If you didn't know, tumakas lang naman tayo sa pagluluto."

Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Oo nga pala! Magluluto daw kami. "Ano'ng oras na?"

Berry pointed at the wall clock. 7:30 pm na!

Pinalayas ko sya sa mini stairs para makababa ako. Patay na ,hindi pa kami nakapagluto!

"What did you do?" tanong ko sa kanya. Well,kung tulog ako dapat sya ang gumawa non hindi ba?

She shrugged her shoulders and smirked. "I lock the door. Nagkulong lang ako rito."

"Walang naghanap sa atin?"

"Actually,hinahanap na nila tayo pero hindi sila makapasok rito." itinaas nya ang dahilan kung bakit hindi sila makapasok. "I have the key." parehas nyang tinaas baba ang mga kilay nya.

I snobbed her and went out of the room. Sumunod sya sa akin.

"Don't leave me,hey!"

Mabilis ang mga hakbang ko na pumunta sa dining place namin. Hinigit ni Berry ang kamay ko.

"Ano ka ba,wag mo kong iwan." maarte nyang sabi.

I rolled my eyes then walk again. Alam ko naman na ako ang ipapambala nya kung sakaling pagalitan kami.

Pagpasok namin,nasa harap na sila ng table at...

May mga pagkain na sa harap.

Napanganga ako nakita ko. I look at them one by one. Sino ang gumawa nito?

"Oh nandito na pala ang magagaling nating cook." Clinton said then they gave us a round of applause.

Nagsalita si Mark. "Kahit pagod sila nagawa parin nilang magluto." tapos palakpak na naman.

Hindi.

Hindi ako ang nagluto para sa kanila. Hindi ko rin alam kung sino.

Baka naman si??

"Maliit na bagay."ngiting-ngiti na sagot ni Berry sabay kurot sa akin. Paano nya naatim na makinabang sa pinaghirapan ng iba?

"Hindi katulad ng iba dyan,na nagoorder lang sa restaurant."pagpaparinig ni Mrs. Arlando sa class A. Napatingin silang lahat pati na si Sir Amerson.

"Umupo ka na." pinaupo ako ni Berry sa tabi nya habang hawak ang kamay ko. Kating-kati na kong magsabi ng totoo pero kada ibubuka ko ang bibig ko,kinukurot nya ako.

Pumasok bigla si Vice pres. Sinundan ko sya ng tingin. Low energy ang aura nya. Naawa tuloy ako sa kanya. Panigurado nagprepare sya para sa amin kaya napagod sya.

"Oh,vice pres. You look so tired." Nelorie greeted him. Vice Pres didn't answer and sat on the chair. Napatingin sya sa weirdo naming president na ngayon ay masama ang tingin sa kanya.

"Who is he?" tanong nya habang nakaturo kay pres. Pres snobbed him.

Bumulong si Vince sa kanya. Nakita ko ang gulat na reaksyon sa mukha nya sabay balik ng tingin kay Pres. Hindi nya nilulubayan si Kean na parang maiiyak na sa kalandian ng student council president. Sinusubuan pa si Kean kahit tumatanggi na ang lalaki. Nanghingi pa sya ng tulong kay vice pres but vice pres can't do anything. Masyado syang malayo sa mga ito.

He glanced at me then raised his left eyebrow. I want to thank him but I can't. Napagod sya dahil sa amin. Ang sabi ko isang beses lang ako magpapatulong pero eto kahit hindi ko sinabi ay ginawa nya.

Nagsimula na kaming kumain. Ganoon parin ang feeling ko,iyong lumalapat sa sikmura ko ang pagkain pero hindi ako nabubusog. Naiinis narin ako sa papuri na hindi naman sa akin. Samantalang si Berry,kering-keri umacting at angkinin ang pinaghirapan ng iba.

Nagparinig na naman ang adviser namin sa class A. Kesyo tamad daw magluto ang mga ito,minsan daw hindi sa lahat ng oras ginagamitan ng talino ang lahat. Sinasaway ko sya pero hindi sya nagpapaawat. May galit talaga sya sa class A.

"Wait lang. Sabi nyo sya nagluto nyan? Eh pag uwi natin diba dumiretso ka sa room at natulog?"

Kinabahan ako, tumingin sa nagtatanong na si Nelorie. Tumayo pa sya para makita kami. Mababa lang ang wall kaya kapag tumayo ka ay matatanaw ka na. And one more thing,magkalapit lang ang class A at class F.
She look at me suspiciously.

"Ah,eh..." hindi ko alam ang isasagot. Napakagat ako sa ibabang labi ko. All of class F stared at me,waiting for my response.

"At ngayon ka lang nagising diba? So how come you managed to cook?" sunod nya uling tanong. Natahimik ang lahat. Kahit ang kumakain,natigilan.

"Aaahh..." ano ba,Flare Joshel. Sumagot ka naman dyan para hindi ka mahuli.

Magsasalita na sana ako pero nauna na si Berry. "Ako ang nagluto nyan. Hindi sya."

Lalong naghinala si Nelorie. "Oh,really? You said before you didn't know how to cook. So how come?"

"Ah. Nag aral ako sa... " tiningnan ko si Berry. Wag ka naman sanang madulas,kundi patay tayong dalawa. "Sa youtube."

Umaliwalas ang tingin ko. Salamat naman at nakahanap din sya ng alibi.

"Hah,." Nelorie gasped. "As far as I know,confiscated ang mga gadgets natin. So saan ka nanood?"

Unti-unti rin nag sink-in sa utak ko ang mali sa alibi nya. Oo nga naman,wala kaming cellphone or laptop. Ano ba yan,patay na talaga kami ngayon.

"Ay mali. Sa cable pala ako nanood! May cable sa room namin." pinagpilitan talaga nya.

Huli na kami.

"You know what Berry the platypus, pinapahamak ka lang ng alibi mo."

"What? Are you saying that I'm a liar?" napatayo narin si Berry. Gusto nya sanang sugurin si Nelorie pero hinila ko ang manggas nya.

"Ow. I didn't say that. Pero kung iyon ang nasa isip mong itawag sa iyo. Okay lang." ngumisi sya. Kahit kailan talaga hindi sya manalu-nalo kay Nelorie. Maraming syang conclusion at hypothesis. Sa tingin ko nga,law ang kukunin ng babaeng yan pagdating ng college.

"Nelorie,shut up. Nasa harap ka ng pagkain." JG interupted. Sa lahat ng students,sya lang ang nagpatuloy sa pagkain. Parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

"I'm just stating my conclusion." She defended.

Huminto si JG habang nginuya ang pagkain. "Enough. Wag mo na silang awayin,kumain na tayo."

Walang nagawa si Nelorie kundi ang magpadyak at umupo.

Walang nangahas na magtanong sa amin ni Berry. Lahat tahimik lang na kumain. Maybe they are waiting for me to tell my side,pero hindi nalang ako umimik. Bakit ko pa ipaglalaban kung alam ko namang mali?

"Buti nga." Berry murmured. Umismid sya.

Bumuntong hininga nalang ako.

After namin kumain,hinanap ko si JG. Nakita ko syang naglalakad papunta sa room nila.

"Vice pres!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya tapos tumingin sa paligid nya.

"Thank you,alam kong ikaw ang nagluto para sa amin.Sorry kung nadamay ka sa---" hindi nya ako pinatapos saka naglakad uli. "Uy teka!"

Hindi na sya lumingon man lang. Galit ba sya sa akin?

"Sabi ko na nga ba."

Nanlaki ang mga mata kong napalingon sa likod ko.

Nakataas kilay sya at ngiting-ngiti.

Pakpak ni Lawiswis! Narinig nya yata ang sinabi ko!

Ngayong wala na akong kawala.

"N-nelorie " I stuttered. Parang napako rin ang mga paa ko sa kung saan ako nakatapak. Ang nakikita ko lang ay ang matagumpay na ngiti sa labi nya.

"Sabi ko na ba,hindi ikaw ang nagluto para sa team mo."

***

•NELORIE'S POV•

Finally, I got the answers to my questions. Ang isda nga naman ,nahuhuli sa sarili nyang bibig. Akalain mong nalaman ko rin ang totoo. Mismong sya pa ang nagbigay sa akin ng sagot.

Matagal sya bago nakasagot sa akin. "Nelorie hayaan mo akong magpaliwanag."

I shook my head. Hindi ko parin maalis ang ngisi sa labi ko. "No need. I already know the truth."

Nakita kong napalunok sya. "Hindi ko naman gusto iyon. Kasi naman hindi talaga ako marunong magluto."
Napayuko sya,ni hindi sya makatingin sa akin.

I sighed. Expected ko naman."Okay na sana kung sinabi mo nalang ang katotohanan. Pero ang idamay sa kabaliwan mo si JG? That's not fair." napakunot noo ako nang maalala si JG. Binigyan na nga namin sya ng time para makapagpahinga pero sya naman binigyan nya pa ng problema. Ang nakakaloka pa roon ni hindi man lang sya mahindian ni JG.
"Alam mo bang hindi namin pinasali si JG sa activities? Dahil pagod sya! Tapos malalaman ko,maghapon syang nagluto para sa inyo!

Wala ka man lang konsiderasyon. Hindi mo ba alam kung saan sya galing huh? Marami syang inasikaso,halos hindi na sya nakakain ng maayos,pressured pa sya dahil sa pang iiwan ni President sa ere. Tapos dadagdag ka pa? Ang kapal mo rin eh no?"

Yumuko nalang sya. Nakita ko na may tumulong luha sa mata nya. "Sorry."

Naningkit ako ng mata. Hindi naman ako ganoon kasama pero hindi rin ako ganon kabuti. Ayoko ng mga namimihasang katulad nya. Atsaka nagsasabi lang ako ng totoo.

"Tapos kung manghamak ang section nyo akala talaga nila gawa mo yon. Pwede ba,an idiot like you can cook? Psh." I murmured.

"Hindi ko naman alam na---"

"Yan. Lagi kang walang alam. Kasi bobo ka!" hindi ko na napigilan ang inis ko. "Iniisip mo lang ang sarili mo! Even if they are in favor of you,you should not do those things. Paano mo naaatim na pakinggan at ngumiti sa mga papuri nila kung hindi naman talaga ikaw ang gumawa. "

"Sasabihin ko naman sa kanila ang totoo eh,natatakot lang akong magsabi na hindi talaga kami ang nagluluto para sa kanila."

Napatingin ako sa likod niya. Nakita ko rin ang paglaki ng mga mata ni Berry. Narinig nila ang confession niya.

"No need. Narinig na ng section nyo ang lahat." unti-unti akong ngumisi.

Marahan syang napalingon sa likod nya. Hindi ko nakita ang reaksyon nya but I'm sure she was shock.

I glared at Berry. Ang babaeng ito,hindi man lang ipagtanggol ang kaibigan nya. Sabagay,may bago ba? Dakilang user naman talaga sya. "Isa ka pa Berry. Ang kapal talaga ng mukha mong magmalaki. "

Matatalim ang mga tingin nya sa akin. "Bakit ba? Hindi naman ako ang may plano non. Sinakyan ko lang si Flare."

Kita mo na. Isinisi pa nya sa iba. I really don't like her attitude. "Pare-parehas kayong losers!"

"TAMA NA!" Flare cried. " I'M SORRY. I'M REALLY SORRY."

Umiiyak na tumakbo palayo si Flare. Poor bitch.

Sinundan ko ng tingin ang umiiyak na si Flare Joshel. Good for her. Hindi ako natuwa sa ginawa nila. Kaya nga namin napagdesisyunan na wag munang isali si Vice pres sa games ay para makapagpahinga sya,pero tingnan mo itong ginawa nya,hindi pala nagpahinga si JG,nagluto lang para sa kanya. Masama ang pakiramdam niya pero mas inisip nya parin tulungan ang idiot na iyon. Bopols talaga. Bakit nya ba kailangan maging concern kay Flare?

"Totoo ba yon?" Mrs. Arlando asked Berry. She can't look at her adviser. Alam nya rin na may pagkakamali sya. "Bakit hindi nyo nalang sinabi sa akin? Edi nag order nalang sana tayo."

I gasped. Kung tutuusin kasalanan din ng adviser nila. Narinig ko na pinipilit nyang magluto ang dalawang late sa grupo. Kahit sinabi na nilang hindi sila marunong ipinilit parin. Tapos kapag may nangyaring ganito,babaliktarin ang kwento.

"Sabi nyo matuto kaming magluto." tangi nalang nasabi ni Berry.

"Oo nga,but If you insist na hindi talaga kayo marunong,edi sana hindi na nangyari ito. I just tried to challenge you."ang adviser nila hindi rin nagpapatalo.

I rolled my eyes heavenwards. Sinabi naman na kasi nila na hindi sila marunong magluto pero pinabayaan lang sila.
"Sa sobrang try nyo po magchallenge,maraming naperwisyo."
Hindi ko na napigilan ang hindi sumabat.

They stared at me shockingly.
"Kung sinabi nyo lang po ng maaga hindi na sana nagkaganito. Wala sanang nadamay. "

Hindi na sana nagsakripisyo pa si JG. Wala sanang nagsinungaling.

At wala sanang artista na um-acting off cam. Hindi ba?

Naguluhan si Mrs. Arlando. "Ano ba,Ms. Buenviaje. Kanino ka ba talaga kampi? Kanina inaaway mo si Garcia tapos ngayon ako naman?"

"Kumakampi lang po ako sa kung ano ang tama." I glared at Berry and stormed out.

Umalis na ako. Nakakaurat ang mga tao rito.

Paano ko nga ba nalaman na hindi sya ang nagluto?

Number 1. Sa gagarampot nyang utak,kahit siguro pagtikim lang kung maalat or matabang ang pagkain,mahirapan na sya.

Number 2. I can see in her eyes that she is not comfortable. Pinupuri na ang gawa nya,parang kinakabahan parin sya. At parang hindi sya natutuwa sa mga papuri.

Number 3. I know... She's sleeping that time.

Flashback

Naiwan ko ang handkerchief ko sa higaan. Gusto ko sanang kunin kaso nang bubuksan ko na ang pinto,

It was lock.

Hinanap ko sa bulsa ang room key namin. Ako ang humawak non dahil ako lang naman ang hindi burara sa kanila but now,the key is missing.

The key is what???

MISSING.

"OH my gosh!" where did I put it?

I knock on the door hoping there is someone inside. Baka naipahiram ko ang susi sa roommate ko. And one more thing,kanina ko pa hindi nakikita si Cranberry.

"Hello?" walang sumagot sa katok ko.

Sumilip ako sa bintana. Kahit nakatakip ang kurtina,meron parin akong naaninag.

May tao sa itaas ng double deck.

May tao naman pala sa loob bakit hindi ako pagbuksan? Tsss...

And I think that's Bitchy witchy. Sya lang naman ang nakapwesto sa itaas,dito sa may bandang bintana.

Kumatok ako sa harap ng room namin which is suppose to be the boy's room. Sa kabilang side kasi is for girls at sa kabila yung boys naman.

Pinagbuksan ako ni Vince. He's ready for our activity. Roommate nya si JG ,Henry ng class A,Mark at Joshua ng class F.

"Yes,Nel?" Vince asked.

"Uhmm. May nakita ka bang pumasok uli sa room namin?"

Umiling si Vince. "Hindi ko napansin eh,why?"

I smiled and shook my head. "Anyway,are you guys ready for the game?"

Napakamot sya ng ulo sabay tingin sa loob ng room. Napakunot noo agad ako. May problema siguro.

"Si John Gervie. He can't make it."

"Why?" hindi ko na sya tinapos pang sumagot,pumasok ako dire-diretso sa loob. Kahit naman nalaman na nyang hindi ko sya talaga gusto,at kung oo man hindi naman din nya ako gusto,concern parin ako sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan,para kasing kilala ko na sya simula pagkabata. Alam mo iyong ganung feeling? Kahit nagkakilala lang kayo ng high school parang kilala mo na sya since elementary? Parang ganon. Basta I can't explain. Parang magkakilala na kami before.

Nakita ko si JG na nakahiga. Ipinantakip nya ang kanyang braso sa mata nya.

"After lunch,ganyan na sya eh."

Inalog ko ang balikat nya. "JG. JG... Malapit nang magstart ang team building. "

"Sorry,I can't join. Masama ang pakiramdam ko. I need to rest."

I sighed. Hindi naman namin sya mapipilit eh.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Ha?" alala kong tanong pero tumalikod lang sya akin.

"I'm okay." walang gana niyang sagot. Itinaas nya ang kamay saka tinaboy kami. "Shoo shoo."

Napasimangot ako. "Sige pagaling ka." kung makabugaw para lang kaming pusa. Adik rin ito eh.

Paglabas namin ni Vince,kinausap nya ako.
"Pabayaan nalang muna natin sya,simula nang nawala si President sya na umako sa lahat."

Napameywang ako. "He's back right? So,bakit hindi sya bumalik sa trabaho nya nang hindi na magkaproblema si JG."

Vince deeply sighed. Inilapit nya ang mukha sa akin at bumulong. "He's not attending class. Usually,pumupunta lang sya sa office. He's acting so weird. "

I look at Vince. Hindi lang pala ako ang nakapansin sa pagbabago ni Scottie Dela Cruz.

What happened to him?

End of flashback.

With confidence akong naglakad sa hallway. I won, the queen bee always win.

Patuloy akong naglalakad nang may marinig akong magsalita.

"FUCKSHIT PERSONALITY OF YOURS! SA LAHAT NG LALABAS BAKIT IKAW PA?!"

Bumalik ang tingin ko sa isang room na nakabukas ng konti ang pinto. The voice came from that room.

Manly ang voice nya at parang laging galit. Who is this guy?

Bumalik ako. Dahan-dahan akong sumilip ako sa loob.

There I saw a guy's back.

Nakahubad sya ng pang itaas. Nakashorts Medyo maputi.

I think I know him but I'm not sure kung sya nga iyon.

Nakita kong pinagpupunit nya ang floral dress na suot ni....

President Scottie.

"I SWEAR TO YOU LUCIA . I WILL KILL YOUR CRUSH JUST FOR YOU. HAHAHHAHA!!!"

Kinilabutan ako sa tawa nya. Gusto ko nang umalis roon. Nakakatakot ang lalaking ito. But my mind keeps on telling me I should stay. I don't need to see his face. I already know him.

Umatras na ako para makalayo na. Pero laking gulat ko nang bigla syang lumingon sa akin.

Hindi na ako nakagalaw. Iba na ang mukha nya ngayon kesa sa mukha nya kanina. Babakla bakla sya kanina but when I look at him right now,walang mababakas sa kilos at mukha nya ang pagiging bakla.

Ibang Scottie na naman ba ito?

He grinned devilishly. Nagtaas ang mga balahibo ko sa katawan. Natatakot ako sa ngising nyang iyan.

"Nelorie Jade Buenviaje. Kanina ka pa ba dyan?" tanong nya sa akin. Parang hindi nga iyon tanong. Feeling ko expected na nya iyon.

"A--aah. H-hindi naman." I must run. Pero hindi ko magawa. Ang tanging naiisip ko ay ang umalis palayo sa kanya.

"Tell me. Ano ang mga narinig mo?" unti-unti syang lumapit sa akin. Umatras ko pero hinawakan nya ang braso ko. Sobrang higpit hindi ako makawala.

Lalo akong natakot sa mga mata nyang malademonyo.

"K-kararating ko lang." tangi kong sagot.

"Oh really? Bakit parang natatakot ka?" he tilt his head right. Hinuhuli nya ako.

Meron akong narinig pero hindi ko pwedeng aminin. Naguguluhan man ako sa narinig ko,hindi ko rin pwedeng iconfirm sa kanya. Sa tingin ko,isang lihim ang natuklasan ko. "A-ano---"

"Ssshhh. Don't say anything." ipinantakip nya ang daliri sa bibig ko. " Ako na ang... Magsasalita para sa'yo."

Napalunok ako. Malademonyo ang mga ngiti nyang iyon. Nakakatakot. Parang anytime kaya nya akong patayin.

"Eavesdropping is a sin. And you'll pay for it!" nakangisi nya akong hinila papasok sa kwarto pero bago pa man ako makapasok,may humawak na sa braso ni Scott at tinapik ito palayo.

"Joshua!" nakilala ko agad sya. Muntik na akong maiyak. Thanks God someone saved me.

"Stay away from her!" Joshua shouted. May galit sa mga mata nya.

Nabigla si Scott pero nakarecover sya agad. Tumawa sya ng nakakaloko. "AHHAHA. Masyado ka naman seloso,Joshua. We're just talking. "

"I don't like it." hinawakan niya ang kamay ko. I just look at it. Wala akong lakas para magtaray pa sa kanya. Ang gusto ko lang makalayo kay Scott. "Pwede ba,ayoko ng may ibang kumakausap sa kanya."

"Okay. Okay. Pasok na ako." mahinahon nyang sabi pero yung ngisi nya naroon parin. Kinilabutan ako nang tumingin sya sa akin. "Kita tayo mamaya."

Hinila ako ni Joshua palayo.

"Aray,aray naman Joshua." mahigpit ang hawak nya sa akin. Pumalag palag ako. Huminto sya pero mas nagulat ako sa ginawa nya.

Binuhat nya ako na parang sako.

"JOSHUA,IBABA MO AKO!!!"

Hindi nya ako pinansin. Hanggang sa makarating kami sa labas ng building.

"WAG KA NGANG MAKIPAG-USAP SA KANYA!" yan agad ang bungad nya sa akin after nya akong ibaba.

"Hindi naman ako---TEKA NGA BAKIT KA NAGAGALIT?" naiinis narin ako sa kanya. Magpapasalamat sana ako but look how he treat me. Sya pa may ganang magalit.

"Basta! Don't talk to him. Delikado sya. Wag kang lalapit o makipag usap man lang." nakapameywang nyang sermon.

"Nagseselos ka ba?" tanong ko. I didn't mean to ask that. Nagulat nga rin sya sa tanong ko. But based on what I've seen,nagseselos sya kay Scott.

He gasped and laugh insultingly. "Huh, wag ka ngang assumera. Ayoko lang na lumalapit ka sa kanya. Nakita mo ba iyong mga tingin nya? Para syang papatay ng tao! Paano kung ano ang gawin nya sa iyo."

"Bakit naman--- napansin mo rin ba?" Napakunot-noo ako. Hindi lang ako ang nakakapansin na may kakaiba kay Pres. Actually, simula nang mag away sila ni Vice pres doon na ako naghinala. Dahil lang iyon sa nangikil si Scott sa dating manager ni Berry.

Simula noon,hindi ko na maiwasan ang hindi mapansin si Scott. Nasaan na ang nerd,shy type na Scottie?

"Ang ano?" maang-maangan pa ang loko.

"Iyong ano!" hindi ko rin masabi sa kanya. Baka may nakakarinig sa amin. At hindi ko rin ma explain kung paano.

"Ano iyong ano nga?"

"Iyong nangyayari kay president."

Natahimik sya bigla. Nakita ko na gusto nyang ibuka ang mga labi nya but he preferred not to open the topic.
"I don't know what you're talking about."

"Eh bakit mo ako pinapalayo?"

He stared at me. "Nagseselos ako bakit ba?!"

"..." ako naman ang hindi nakasagot. Ano daw? Nagseselos? Teka ang gulo na ng kwento.

Namumula ang mga pisngi nya akong iniwan.

"Dyan ka na nga."

Matapos akong pakiligin,iiwan lang din naman ako. Ang sama.

•••••••••

End of chapter

Ow yeah.

Malapit na tayo sa special chapter.

Pasensya na po kung baka humaba ito sa expected kong chapter na matapos. Pero susubukan kong matapos agad. Hahaha.

Please do read,vote,and comment.

Kamsahamnida/thank you/salamat/arigato/tosha/gracias mga readers.

Chat me on fb : mystshade wp

Or if you want a dedication
©mystshade

*********

Continue Reading

You'll Also Like

525K 11.1K 69
Love comes in the most unexpected way... in the most unexpected person... and sometimes in the most unexpected reason... This is the perfect st...
103K 2.6K 24
Limang taon na ang nakakaraan. College na sina Kara at ang mga Guardians niya. Tahimik narin ang lahat! Maayos narin ang buhay nila kahit mayroong m...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...