February 5, 2009
[Anya’s POV]
“Diba siya yung mapapangasawa ni Kevin Jung?”
“Oo… yan nga yon…”
“Ang suwerte naman niya… siguro mahal na mahal siya ni Kevin Jung…”
Lahat sila ayun ang iniisip…
Nakakatuwa…
Hindi nila alam…
Wala silang alam…
“Kev!!!” tawag ko kay Kevin.
Tumakbo ako papunta sa kanya at hinawakan yung braso niya.
“Kev gusto mong mamasyal sa mall??? How about dinner at a resto tonight???” sabi ko habang naglalakad kami hawak yung braso niya.
Nakita ko si Chloe… papalapit sa amin…
Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko kay Kevin…
“Mag mall na lang tayo then dinner today at a resto ok?” sabi ko na may ngiti habang nakatingin kay Kevin.
Gusto nang tumulo ng luha ko pero Ayoko kaya pinipigilan ko…
Si Kevin…
Kevin’s eyes were just for Chloe’s…
Ginagawa ko ang lahat para makuha yung tingin na yon…
Bata pa lang kami… I always try my best to be the right girl for him…
I always do my best para magustuhan niya ako…
I always dream… dream that someday he’ll say he loved me and willing to marry me…
Pero bakit ganon??
Am I not deserving for his heart?
Bakit yung Chloe na yon? Bakit siya??
Hindi naman niya ganon kilala yung babaeng yon pero ganon na agad yung tingin niya para don???
Tumigil ako sa paglalakad… binitawan ko yung braso ni Kevin…
Patuloy parin siya sa paglalakad…
“Kev…” sobrang hina ng boses ko…
Hindi ko magawang patigilin siya sa paglalakad… gusto ko nang umiyak… gustong ko nang sumuko…
“Oy Chloe may free ticket ako oh… nuod tayong movie mamaya?” boses ni Mark yon.
“So, totoo palang nagde-date na kayong dalawa…” sabi ko habang papalapit kay Mark at Chloe.
“Ah… oo totoo…” sabi ni Mark.
Alam kong nadidinig ni Kevin yung pinaguusapan namin…
“Kayo na?” sabi ko.
Nilakasan ko yung boses ko para matamaan si Kevin…
Hindi umiimik si Mark at Chloe…
“Kayo na nga! OMG! Congrats Mark! Seryoso ka na ngayon sa babae ah! Wag mong papaiyakin yang si Chloe--”
Biglang may humawak sa kamay ko…
Si Kevin… hawak niya yung kamay ko…
Matutuwa ba ako??? Malulungkot ba ako??? Maiinis ba ako???
Kitang-kita sa mukha ni Kevin na nagseselos siya at ayaw niyang magsalita pa ako tungkol kay Mark at Chloe…
“Tama na…” sabi Kevin sabay higpit ng pagkakahawak sa kamay ko.
Hinila niya ako papalayo kay Mark at Chloe…
Gusto ko na talagang umiyak…
Hindi ko nga lang alam kung papano… ang hirap…
Kung iiyak ako… ibigsabihin sumusuko na ako…
“Mukhang nag away sila ni Kevin…”
“Oo nga… mukhang galit na galit si Kevin oh…”
“Ang alam ko… may mga sinabi si Anya tungkol dun kay Chloe at Mark…”
“Oo nga pala nagde-date yung dalawa yun… eh ano naman kinalaman nila dun sa dalawa???”
“Hindi ko nga rin alam eh… pero bakit parang apektadong-apektado etong si Kevin kay Mark at Chloe?”
“Oo nga no… alam mo… parang hindi naman gusto nitong si Kevin yang si Anya eh…”
“Oo nga… hindi nga pinapansin ni Kevin kapag nagpapapansin…”
“Napilitan lang yata yang si Kevin eh…”
Habang hila ako ni Kevin… pinag-uusapan kami ng mga tao sa paligid…
Tama na…
Please… tama na…
Lahat ginawa ko…
Nag aral akong mag salita ng tagalog… hindi ako sumuko…
Pati ang culture ng bansang toh inalam ko din…
Nagaral ako dito para kay Kevin…
Nagpapaganda ako para sa kanya… nag aayos…
Pilit akong ngumingiti sa harap niya…
Lahat toh…
Lahat-lahat…
Lahat para kay Kevin…
At gagawin ko parin ang lahat…
Mapansin lang ako ni Kevin… lahat gagawin ko…
Nakita ko si Chloe mag-isa sa may ilalim ng puno…
“Chloe… puwede ba tayong mag-usap???”