The Boy Next Door (Completed)

By ScribblerMia

84.3M 1M 202K

Now a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © Scrib... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13 Part 1
Character Profile (Karl Jonathan)
Character Profile (Oleya Astrid)
Chapter 13 Part 2
Chapter 14 (Part 1)
Chapter 14 (Part 2)
Chapter 15
Chapter 16 (Part 1)
Chapter 17 (Part 1)
Chapter 17 (Part 2)
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 19 (Part 3)
Chapter 20
Chapter 21 (Part 1)
Chapter 21 (Part 2)
Chapter 22
Chapter 23 (Part 1)
Chapter 23 (Part 2)
Chapter 24
Chapter 25 (Part 1)
Chapter 25 (Part 2)
Chapter 26 (Part 1)
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 27 (Part 1)
Chapter 27 (Part 2)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Part 1)
Chapter 30 (Part 2)
Chapter 30 (Part 3)
Chapter 31 (Part 1)
Chapter 31 (Part 2)
Chapter 32 (Part 1)
Chapter 32 (Part 2)
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Epilogue
ScribblerMia's Awesome Message to Awesome People
TBND Special Chapter 1: Si Kulit at si Pakipot
TBND Special Chapter 2: A Promise of Forever
TBND Soundtrack
TBND Special Chapter 3: The Dispute: Who's the Third Party?
TBND Special Chapter 4: A Series of Unfortunate and OA Events
TBND Special Chapter 5: A Happy Never-Ending Story

Chapter 16 (Part 2)

935K 11.5K 1.4K
By ScribblerMia

Mia's Message: THANK YOU KAY MAKIS. Clap clap! Siya ang nag-isip ng bagong name ng Astrid and Karl loveteam. Siya raw ang number one fan ng love team nila. :))

KASTRID!

--

Copyright © ScribblerMia, 2012

We decided to go today because we still have to shop for clothes. We'll stay in a hotel na lang. Maaga kasi ang flight namin. Just call or text us if you have problems with money and food, baby. We left your allowance in the cabinet. We love you. :)

PS: By the way, we left your things at your Tita Elena's house. They are in the guest room. Tito Ricky will come to the house to check up on you two from time to time.

-Mama and Papa

"No! T-this can't be. How could they!" Naiiling at halos maiyak na bulalas ko.

Itong note na ito ang tumambad sa akin pagpasok ko sa bahay.

Thursday pa lang, bakit ngayon sila umalis?

I went to my bedroom. Dumiretso ako sa cabinet ko at mabilis na binuksan iyon.

Nanlumo ako sa nakita ko. Dinala na nga nila ang ibang gamit ko sa bahay nina Tita Elena. I'm doomed.

Kinuha ko muna ang allowance sa cabinet bago dali-daling lumabas at kinandado ang bahay.

Alam na kaya ni KJ? Malamang. Nakauwi na rin siguro iyon.

Wala akong nagawa kundi dumiretso sa kapitbahay. Since the gate was open, I hurriedly went inside.

Sarado ang pinto nila kaya kumatok ako. "Hoy!" I shouted.

I kept knocking and shouting, but he wasn't answering. Bakit walang sumasagot? Wala ba siya? Hindi ba siya dumiretso sa bahay?

I held the doorknob. Hindi naka-locked? I slowly opened the door.

Nakarinig naman agad ako ng musika na nanggagaling sa taas ng bahay nila.

The song Viva La Vida by Coldplay was playing.

Dumiretso ako sa taas para hanapin siya. "KJ," tawag ko.

Hindi pa rin siya sumasagot.

"Hoy, yabang. Nasaan ka ba?" Saan ba siya nagpunta?

I went to his bedroom. Pagbukas ko ng pinto, wala rin siya sa kwarto niya. Ano ba iyan? Saan nagsuot ang gunggong na iyon?

Isasara ko na sana ang pinto nang biglang may nahagip na bagay ang paningin ko.

I stopped. Nanlaki ang mga mata ko. Sandali, pamilyar sa akin ang mga ito.

Lumapit ako sa mahogany table na may nakapatong na mga picture frames. Tinitigan kong mabuti ang isang picture. Ako at si yabang iyon noong mga sanggol pa kami na magkatabi sa kama. Nakahubad kami parehas.

"Ano ba iyan? Nakakaloka naman at parang Rated SPG pa ang picture na ito," bulong ko.

Tiningnan ko ulit ang isang picture frame na katabi nito. Nakapink akong baby dress at nakablue na baby dress si yabang.

Natawa naman ako bigla. Noong bata kami, binibihisan ng pang babae na damit ni Tita Elena si yabang. Mukha kasi siyang babae noong bata, bukod sa gustong-gustong magkaanak ni Tita Elena ng babae.

I switched my gaze to the other picture frames on the table. Meron doong litrato na magkahawak-kamay kami ni yabang na nakangiti. Maybe we were about four years old? Parehas pa kaming naka-jumper. Tapos may picture din doon na hinalikan ako sa pisngi ni yabang noong anim na taong gulang pa lang kami. Birthday ko noon iyon, e, kasi may lobo pa kaming hawak. May picture din doon na nakauniform kami noong elementary. Grade 6 yata kami rito. Nakangiti si yabang tapos ako naman ay nakasimangot, halatang napipilitan lang magpapicture katabi ang lalaking ito.

I smiled. Those were the days, those crazy days. Hindi ko lubos maisip na ang katulad niyang lalaking-lalaking ay magdidisplay ng mga pictures gaya ng nakikita ko ngayon.

"What the! What are you doing here?" Karl Jonathan suddenly shouted.

Nagulat naman ako at napatingin sa kanya bigla.

I gasped. I covered my eyes. "You stupid psycho!" I screamed.

"What are you doing here?" He repeated. Halatang kagagaling lang nito sa shower dahil basang-basa ang buhok nito. Nakatapis lang ito ng tuwalya.

Wow. What a way to be cliché. I always saw this scene in the movies and read this in the books. I didn't know this would happen to me.

"H-hoy! Ano ba! Bastos ka!" Hindi ako magmakamayaw. Hindi ko malaman kung paano ko tatakpan ang mga mata ko at iiwas ang tingin sa kanya.

"Ano'ng bastos? Ikaw ang bigla diyang pumasok sa kwarto ko tapos ako ang sasabihan mong bastos?" Iritableng sabi nito habang nakapameywang.

"Kanina pa kasi ako tumatawag. Hindi ka sumasagot! Malay ko bang naliligo ka pala!" Sigaw ko sabay tingin kay yabang ng diretso.

Syet. Wrong move. Napatingin ako nang hindi sinasadya sa katawan niya.

"Heaven forbid. This guy is really something," I murmured. Mula sa mukha ay bumaba ang tingin ko sa dibdib niya hanggang sa...may abs pala siya? Bakit ang macho fafa niya?

"Are you done scrutinizing my body?" He smirked.

Awtomatiko namang bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Bigla akong namula sa sinabi niya. "I am not scrutinizing your body. I was just..." I paused. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binaling sa malaking kama niyang kulay asul. "...looking at it," I supplied. Magkaiba ang scrutinize at look 'di ba?

Ngumisi naman ito at lumapit sa akin.

"O-oy. T-teka lang. L-lumayo ka nga sa akin!" Nanginginig kong sabi.

"Why are you stammering, huh?" Lalo pa siyang lumapit. Ilang pulgada na lang ang layo ng katawan niya sa katawan ko. Grabe talaga ang pagka-cliché ng mga pangyayari at nakakadiri na nangyayari sa akin ito ngayon.

"I-im not. Stay away from me." Bigla ko siyang naitulak at dali-daling tumakbo palabas ng kwarto niya.

I heard him laugh aloud.

"The nerve of that guy! " I hissed. Napatigil ako sa living room at naupo sa sofa. Nasapo ko ang ulo ko at dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakakainis naman. Bakit ganoon? Masyado yata akong apektado ng pagkakadikit namin kanina. Masyado kasi siyang malapit habang nakatitig sa akin. Hindi tuloy ako nakagalaw. I was paralyzed for a moment there. Bakit ganoon na lang ang epekto sa akin ng lalaking iyon?

I closed my eyes for a moment. I thought I was going to have a heart attack. I needed to stay calm.

I remained like that for a few minutes. Then, I opened my eyes and regretted that in an instant.

Nakita ko ang mukha ng lalaking nagpabilis ng tibok ng puso ko at ang lapit ng mukha niya sa akin.

Nakakatitig lang siya ng seryoso at hindi na naman ako magalaw. Was there some kind of a magnetic field inside his eyes?

Kumurap siya. Kumurap din ako.

"Why are you here?" He suddenly spoke. Inilayo na niya ang mukha sa akin. Naupo siya sa tabi ko sabay kuha ng magazine sa ilalim ng maliit na lamesa. Binuklat nito ang magazine at nagsimulang magbasa.

Natameme ako. Hindi pa rin ako mapaniwala sa nangyari.

"Hey!" Sabi ni KJ sabay kinulbit ako.

Napapitlag naman ako. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin?

"Alam mo na ba?" I blurted, clearing my throat. I focused my attention on the center table.

He nodded. "Yeah. Mom left me a note."

I sighed giving him a frustrated look. "Ano'ng gagawn natin?" Tumayo ako at nagpapadyak. "Iniwan nila tayo! Can you believe that? They left us! OMG. I just can't believe it. You know, I am so--"

"Can you please shut up? Ang ingay mo. Kahit kailan talaga, parang barena iyang boses mo!" Napakamot si KJ sa ulo niya, halatang naiinis sa akin.

Napatigil ako sa pagpapadyak at napahalukipkip na tumingin sa kanya. "Wala na tayong magagawa kahit magngangawa ka pa diyan. As of now, they're in Manila. Kung gusto mo, sumunod ka," walang ganang sabi nito sabay balik ang atensyon sa magazine na binabasa. Tinaas pa nito ang mga paa sa ibabaw ng center table at prenteng naupo.

"Bakit pacool effect ka pa rin? Aren't you worried?" I shouted.

"Why would I? It's not as if they would be gone for a year. Jeez, chill out, dude," he said, still reading the magazine.

"Nakakainis talaga." Naupo na lang ulit ako sa tabi niya at humalukipkip. Sinandal ko ang ulo ko sa gilid ng sofa.

Bakit ba nangyayari ito? Ang lungkot. Umalis sina Mama at Papa. Ako naman ay naiwan dito...kasama si yabang.

--

The smell of adobo and sinigang woke me up. Nag-inat muna ako at ginala ang paningin sa paligid.

Nakatulog pala ako sa sofa. Biglang nabaling ang atensyon ko sa sofa. Huh? Paano nagkaunan dito? Sa pagkakatanda ko, pinatong ko lang ang ulo ko sa gilid ng sofa.

"Buti naman at gising na ang mahal na Prinsesa," KJ said in a sarcastic tone.

Napatingin naman ako sa kanya. Nakatayo siya malapit sa dining room hawak ang plato.

"Kakain na po, mahal na Prinsesa," nakasimangot na sabi nito.

I looked at my watch. 7:30 pm na pala at tatlong oras akong nakatulog.

Tumayo na ako sa sofa at dumiretso sa dining room. Naupo na ako at tiningnan ang nakahain sa lamesa--adobo nga at sinigang.

"Ikaw ang nagluto?" Sabay tingin ko sa kanya. Nakaupo na rin siya sa katapat kong silya.

Muntik na nitong maibuga ang tubig na iniinom at padabog na nilapag ang baso. "Asa ka naman! Ikaw? Ipagluluto ko? Kapal mo!" Nanlalaki pa ang mga mata na sabi nito habang dinuduro ako ng tinidor.

Nagtanong lang ako, nagsungit agad. "Sabi ko nga." I ignored him and started to eat.

Kumain kami ng tahimik.

Nakakatatlong kuha na rin yata ako ng kanin at patuloy sa paglantak ng mga ulam na nakahain. Ang takaw ko pero hindi naman namin ito bahay.

"Patay-gutom." I heard him mumble.

I ignored his remark and just continued to eat. Pero dahil sa pagmamadali ko ng pagsubo ay bigla akong naubo. Nabulunan ako.

"O! Tubig! Katakawan kasi." Mabilis akong inabutan ni yabang ng tubig.

May puso rin pala siya. Dali-dali ko naman itong kinuha at ininom. Naubos ko ang isang baso ng tubig bago muling nilapag sa mesa.

I cleared my throat. "Thank you." I smiled at him.

Saglit naman itong natigilan. Hindi naman siya sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

Ganoon na rin ang ginawa ko. We ate silently.

--

I decided to walk outside. Kailangan kong pababain ang kinain ko. Baka lumaki ang tiyan ko, e.

Balak ko lang namang pumunta sa plaza malapit sa amin. Hindi na ako nagpaalam kay yabang kasi abala siya sa paghuhugas ng plato. Hindi ko inakala na marunong pala siya ng mga gawaing bahay.

Nag-shorts lang ako ng pambahay na kulay dilaw at tank top na kulay dilaw rin. Pinatungan ko ito ng manipis na itim na cardigan kasi malamig sa Laguna paggabi, lalo na sa labas.

Sinarado ko muna ang gate bago tuluyang lumabas.

Medyo marami-rami pa rin palang tao kahit ganitong oras na. Tiningnan ko ulit ang orasan ko. 8:45 pm nap ala.

Binabati ko naman ang mga taga amin na nakakasalubong ko sa daan. May mga bata pang nakatambay at naglalaro sa kalye. Ang mga matatanda naman ay nagkwekwentuhan at ang iba naman ay nagpapahangin lang.

Iba talaga sa probinsya. Kahit maglakad ka mag-isa, walang mangyayari sa'yong masama. Magkakakilala na rin kasi ang mga tao dito.

"Hi, Astrid," bati sa akin ng tatlong lalaki.

Sina Jace pala at ang barkada niya. Si Jace ay kababata ko rin, three houses away from our house.

"Hello." I smiled back.

"Saan ka pupunta?" Lumapit si Jake kaya napahinto naman ako.

"Diyan lang sa plaza. Maglalakad-lakad. Kayo ba?"

"Ah. Wala lang. Naglalakad-lakad din lang. Wala ka bang kasama? Gusto mo samahan na kita?"

Bago pa ako makasagot ay biglang may humawak sa kamay ko.

"Ang daya mo talaga. Bakit mo ako iniwan? Sabi ko naman sa'yo, malapit na akong matapos magligpit, e. Paglabas ko ng bahay, wala ka na agad," dire-diretsong sabi ng bagong dating.

Napatingin ako rito at napakunot-noo. Ano'ng sinasabi nitong si yabang?

"Uy, Karl. Ikaw pala. Musta, Pare?" Bati ni Jace sabay ngiti.

"Okay lang," sagot naman niya ng seryoso. "Una na kami. Ge."

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jace. Hinila na ako ni KJ palayo. Higit-higit niya ako habang naglalakad.

Napatingin naman ako sa mga kamay naming magkahawak. Then, I looked at him.

Nakangiti siya.

What? E, kanina lang ang seryoso niya noong kausap si Jake, ah.

Hindi ko naman matanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Mukhang good mood siya, e. Hinayaan ko na lang siya na humawak sa kamay ko.

So, there. We walked...hand in hand.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
3.6M 21K 66
Do you believe in "Love at first sight?" :) There's this boy named Ervin, who was about to do suicide. But then this Charlotte girl came to his rescu...
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
22.8M 331K 64
Published under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!