parang tayo pero walang tayo
walang kasiguraduhan ...
siguro at oo
dalawang salitang pilit pinaguugnay
kahit ang kahuluga'y di magkapantay
dahil ang oo ay buo
at ang siguro ay hindi ka kayang mabuo
dahil inuulit ko magkaiba ang oo sa siguro
mas masaya ang oo sa siguro
mas buo ang oo sa siguro
at mas sigurado ka sa oo
pero wala pa 'ring papantay sa katagang " oo ,sigurado ako "
dahil doble kang mabubuo
at pinapasaya
at sa huli doble ang kasiguraduhan...