How To Attract A Playboy

By envieve

412K 8K 707

---------------------------------------- (I revenged on a Playboy BOOK 2) I have fallen inlove in this guy... More

How To Attract A Playboy
Prologue
Chapter 1: Change
Chapter 2: Dollshoes
Chapter 3: Beware of what?
Chapter 4: Bag
Chapter 5: Flirt with Playboy
Chapter 6: Badtrip
Chapter 7: A special shirt
Chapter 8: Phone battery
Chapter 9: Shades
Chapter 10: Hairclip
Chapter 11: The Plan B
Chapter 12: Jealous? Respect?
Chapter 13: What's the payment?
Chapter 14: A night with Playboy
Chapter 15: Master Maboy
Chapter 16: Hard headed
Chapter 17: Tragedy
Chapter 18: Lipstick
Chapter 19: Can't relate
Chapter 21: Bestfriend
Chapter 22: Ants
Chapter 23: Mr. Stranger
Chapter 24: Hanky
Chapter 25: Tears
Chapter 26: A kiss under the rain
Chapter 27: Ice cream
Chapter 28: Cable Car
Chapter 29: Sick
Chapter 30: Will you?
EPILOGUE
Behind the story
We Are ZLovers!

Chapter 20: The pervert and the playboy

11.1K 204 11
By envieve

Chapter 20 

** The Pervert and the Playboy**

"Zai," *poke.poke.poke*

Nagising ako dahil sa may taong tumatawag ng pangalan ko tapos sinusundot-sundot yung pisngi ko. Dumilat ako saglit tapos pumikit ulit.

"Umalis ka nga!" Pagtataboy ko sakanya habang nakapikit.

"Zai, kailangan ko ng tulong mo. Please. Buksan mo nga yang mga mata mo. Gising ka na eh."

Hindi ko nalang sya pinansin. Istorbo naman 'tong Ceejay na 'to. Kitang natutulog ako eh.

"Zai, sige na. Tulungan mo naman ako."

(-___-) zZzZzZzZzZzZz

"Pag hindi ka gumising hahalikan ko 'tong maboy ko."

(O____O)

"Edi dilat na dilat ka ngayon? Kala mo naman tototohanin ko. Tsk."

Sino ba namang hindi mapapadilat sa sinabi nya? Hahalikan daw nya si Zoid? Eww lang!

"Ano ba kasi yun? Istorbo ka, alam mo yun?" I looked at Zoid briefly. Buti pa 'to hindi nagising. Ang himbing pa rin ng tulog eh (==____==)

"Kailangan ko kasi ng tulong mo."

I stared at his face and then noticed a red mark on his right cheek.

"Ano ba yun?" Tanong ko habang hinihimas yung malambot na buhok ni Zoid.

"Ganito kasi yun. Ehem. Naglalakad ako mag-isa nang biglang may babaeng lumapit sa'kin. New transfery daw kasi sya kaya hindi pa daw nya alam ang pasikot-sikot ng university. She asked me kung pwede ko daw syang samahan papunta sa cafeteria. At dahil ako si Ceejay Fuentalez, ang lalaking ubod ng gwapo at napaka-gentleman... ehem... pumayag ako. Tapos habang naglalakad kami papunta dun, bigla syang sumigaw ng aray. Nagpanic naman ako at tinanong kung bakit. Bigla syang nagpuppy eyes at sinabing masakit daw yung leeg nya. Sabi nya sa'kin kung pwede ko daw tignan. Sinunod ko naman sya kasi gwapo nga ako tapos gentleman pa. Wala naman akong nakitang mali tapos maya-maya sumigaw na naman sya. Sabi nya sa'kin may insektong kumakagat sa loob ng blouse nya. She asked for my help kung pwede kong alisin yun kasi nandidiri daw sya sa insects. At nung titignan ko na, bigla nalang may sumabunot sa'kin ng sobrang diin. Pocha lang! Parang tatanggalin na nya yung anit ko sa pagkakasabunot."

"Si Chloe?"

Tumango-tango naman sya, "Kasalan ko bang ipanganak akong saksakan ng gwapo at the same time gentleman?"

Nasampal ko nalang yung noo ko. "Tanga! Mangmang! Hangal! Uto-uto! Sunod-sunuran! At higit sa lahat, MANYAK!" Medyo malakas na pagkakasabi ko kaya yung ibang kapwa estudyante ko na nakatambay din dito sa park napatingin din sa'min

"Aray. Lahat na sinabi mo =____="

"Totoo naman kasi eh. Kahit sinong babae magagalit sa boyfriend o asawa nila kapag nakita nila yung DAPAT na gagawin mo! Didn't you notice it? Nagpapamanyak lang sa'yo yung kung sino mang babaeng yun! Tapos ikaw naman GO lang ng GO! Di ko nga alam kung tanga o nagtatanga-tangahan ka lang eh. Ay, baka naman mapagsamantala ka lang talaga?"

Nako kapag si Zoid ang gumawa nun hindi lang sabunot ang aabutin nya! Teka, hindi na naman nya ko girlfriend eh. Pero I'm his daw. Kanya daw ako.... ng one month :( At dahil lang yun sa deal </3

"Oo na!"

"Bakit namumula yang pisngi mo?"

Bigla naman syang napahawak sa part ng pisngi nya na namumula. "Matapos nya kasi akong sabunutan at batukan ng malakas yung babaeng tinulungan ko, tumakbo na sya paalis. Iniwan ko yung babaeng tinulungan ko para hanapin sya. At alam mo yung pakiramdam na nagdonate ako ng pagod, yung yummy kong katawan napuno na nga pawis at higit sa lahat, hindi ko pinansin lahat ng mga sexyng babaeng bumabati sa'kin dahil busy ako sa paghahanap sakanya tapos makikita ko nalang sya na may kayakap na lalaki? Shet lang, Zai! Kaya ayun, hinigit ko yung lalaking kayakap nya at sinapak. At nung nilingon ko sya, sinalubong nya ko ng malakas at napakalutong na sampal. Tang gala! Ang brutal ng babaeng yun! Shete lang!"

Halata nga eh. Bakat na bakat yung kamay nya.

"Bakit ka daw nya sinampal?"

"Pinsan nya daw kasi yung sinapak kong lalaki.... este... bakla. Oo, bakla. Ano bang malay ko kung bakla nga yun? Nakatalikod eh."

"Tanga talaga." Umiling-iling na sabi ko.

"Zai, naman oh! Pumunta ko dito para humingi ng tulong. Hindi para laitin mo."

"Ang sabihin mo, pumunta ka dito para istorbohin mo ako at bigyan ng konsumisyon!"

"Oo nalang. Basta tulungan mo ko. Matapos kasi akong sampalin ni Conyo nakita kong umiiyak sya tapos tumakbo na naman paalis. Hinabol ko sya hanggang sa cr ng girls. Papasok sana ako kaso pinagsarhan nya ko ng pinto. Tumama pa nga yung ilong ko dun eh. Tsk."

At talagang binalak pa nyang pumasok sa cr ng girls huh?

"She really needs a friend to comfort her right now. Hindi ko kasi mahagilap sila Yat at Sophi kaya pasensya ka na kung naiistorbo kita." Seryosong sabi nya.

Teka! Kinokonsensya ba ko ng lalaking 'to?

Napaisip ako habang nakatingin sa napakagwapong nilalang na natutulog sa lap ko.

Umiiyak daw si Chloe. Hindi ko pa sya nakitang umiyak ni isang beses at sa pagkakakilala ko sakanya, sya yung taong mahilig magtago ng nararamdaman. Kailangan nya nga talaga ko.

"Ako na bahala dyan sa maboy mo."

It took a few seconds bago ko sinabing, "Sige."

Halos tumalon na sya sa tuwa nung pumayag ako. I gently slip off Zoid's head on my lap. Nakaalalay naman si Ceejay hanggang sa sya na ang pumalit sa pwesto ko.

Yup, nakaupo sya at nakaunan sa lap nya si Zoid. Try nyong i-imagine. Baka mandiri kayo.

"Hayaan mong magising ng kusa yan, ah? Ingatan mo yan. Mahal ko yan." Sabi ko sakanya.

"Mahal ko rin naman yung pupuntahan mo eh." Nakangiti nyang sabi.

Napangiti nalang din ako tsaka nagsimulang puntahan si Chloe.

Ceejay's POV

Ang tagal naman magising nitong Zoid na 'to (-.-)

Haaay... napuntahan na kaya ni Zailie si Chloe?

May kasalanan ba talaga ko? Nagpapaka-gentleman lang naman ako ah!

"Hmm... Louise ko." Napatingin ako kay Zoid dahil nagsalita sya habang nakapikit.

Naglakbay yung kamay nya na parang may hinahanap at nung nabunggo nya yung kamay ko na nakapatong sa tyan nya, hinawakan nya yun at inentertwined.

Ano ba naman 'to =___=

Akala nya siguro ako pa rin yung Louise nya.

Dahan-dahan kong inaalis yung kamay ko sa pagkakahawak nya pero lalo nya lang diniinan. Nung tinignan ko yung mukha nya, magkasalubong yung mga kilay nya.

In the end, hinayaan ko nalang na hawakan nya yung kamay ko kahit na tumataas na lahat ng buhok ko sa katawan. Ngayon lang ako nakahawak ng kamay ng lalaki, ah! Baka kasi magising si Zoid kapag inalis ko pa. Tinulungan ako ni Zai so I must've do what she had told me as a return.

Maya-maya, may grupo ng mga babae ang dumaan sa harapan namin. Mga nagtutulakan pa sila habang nagbubulungan at nakatingin sa'kin.

Nginitian ko sila at kinindatan na syang dahilan para magsitilian sila tapos naghahampasan pa. Ang ingay na nila pero hindi pa rin magising si Zoid. Tsk.

"Ang gwapo nya----" napahinto sa pagsasalita yung babaeng nagmukhang kuting dahil sa hairband nya nang makita na hawak ni Zoid yung kamay ko.

Aalisin ko na sana ulit yung kamay ko pero diniinan nya ulit. Di ba 'to makaramdam na kamay ng lalaki ang hawak-hawak nya?

"Bading naman eh. Ano ba yan!" Reklamo ng isa pa.

"Let's go, girls! Maghanap nalang tayo ng ibang handsome dyan. Yung hindi pogay!" Pinandilatan ako ng mata nung isang babae tapos umalis na sila.

Wala na! Nasira na yung reputasyon kong pinagkakaingat-ingatan. Napakagkamalan tuloy akong bading. Tch! Maraming babae ang magluluksa kapag nangyari yun.

Tss (=___=) kasalanan 'to ni Zoid. Sya ang manyak pero bakit ako ang tinatawag na Pervert ni Chloe? Dapat ako ang tawagin nyang babe, matutuwa pa ko nun.

"Louise ko. Kiss me. I love you." Nagsasalita na naman habang nakapikit 'tong si Zoid. Ngumu-nguso nguso pa (-3-)

Sabi sainyo ito ang manyak eh (-.-)

"I am not your Louise. I won't kiss you. And most of all, I don't love you."

Nagising sya bigla at mabilis na bumangon. "No! I love you----- WHAT THE FUCK?" Sinamaan nya ko ng tingin habang nakatingin sa'kin ng may halong pagtataka.

I shrugged, "Wala si Zai eh. Pinuntahan nya si Chloe para i-comfort kaya ako ang pumalit sakanya."

Hindi sya sumagot hanggang sa bumababa ang tingin nya sa magkahawak naming kamay.

He grabbed my collar and blurted out, "BAKIT HAWAK MO YUNG KAMAY KO?"

"Tulog ka pa ata, pare." Tinanggal ko yung kamay nya sa kwelyo ko. "Ikaw kaya 'tong nanghahawak sa kamay ko! May pasabi-sabi ka pa ng 'KISS ME' hahahaha! Dapat pala ni-kiss kita. Para mapatunayan ko sayo na mas masarap akong humalik kaysa sa'yo."

"Ewan ko sa'yo." Sabi nya tapos tumayo at nagsimula ng maglakad.

Masama ata gising nya kasi hindi si Zailie ang naabutan nya! Haha!

"Hoy, san ka pupunta?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad.

"Bye, maboy!" Tinono ko pa ang boses ko na parang babae.

Natawa nalang ako nang lingunin nya ko at pinakyuhan.

Zai's POV

"He's so nakakabanas talaga, Zai! Ang sarap nyang ipakain sa balyena. Ugh!"

Nasa cr pa rin kami. Ayaw pa kasing lumabas ni Chloe. Ayaw nya daw na may makakita sa mata nyang namamaga.

"Kayo na ba ni Ceejay?"

Natigilan sya sa pag-snort sa tissue dahil sa tanong ko.

"Hindi." Nagpout sya at tinalikuran ako para humarap sa salamin.

"Sagutin mo na kasi para hindi na sya mangganun. I-under mo para masaya." Sabi ko habang nakatingin sakanya sa salamin.

"He's not courting me pa nga eh."

"Edi sabihin mo sakanya ligawan ka nya o kaya naman ikaw nalang ang manligaw."

"DUH?! What ya hella think of me? Now way!"

"Okay. Bahala ka. Ikaw rin."

"Talagang bahala na. Let's go get out of this place na nga. I'll go home na lang. Wala na naman akong klase eh."

Lumabas na kami ng cr. Tinatarayan nya lahat ng tumitingin sakanya kasi nga maga yung mata nya. Hinatid ko sya sa parking lot kung saan naka-park yung kotse nya together with her driver then bumalik sa garden para balikan si Zoid.

Pagpunta ko dun, wala na kong Zoid na naabutan sa bench. Si Ceejay nalang na natutulog habang may cap na nakapatong sa mukha nya. Parang nasa bahay lang sya kung makahiga sa bench. Tch. Ma-rape ka nga dyan.

Naglakad-lakad nalang ako hanggang sa....

"ZAI!"

Lumingon ako para malaman kung sino yung tumatawag sa'kin.

"Yat.... Sophi." Tinitigan ko ng maigi si Sophi.

Nginitian nya lang ako nang binati ko sya. Bakit parang wala syang energy ngayon? Hindi hyper eh =__= Baka naman pagod lang.

"Zai, sama ka sa tambayan, puhlease! Tagal mo ng di pumupunta dun eh. Lagi ka nalang na kay Zoid."

Na kay Zoid talaga?

Hindi na nya ko inantay na makasagot, hinila na nya ako pati si Sophi na ang tamlay.

"Sophi, may sakit ka?" Tanong ko sakanya habang hila hila kami ni Yat.

Umiling naman sya.

"May heartache." Bulong sa'kin ni Yat.

Napatingin ulit ako kay Sophi at parang gustong-gusto ko ng tanungin kung anong problema ni Dwayne but it looked like gusto nyang tumahimik muna kaya hindi na ko nagsalita hanggang sa makarating na kami sa tambayan.

"Zai, may papakita ako sa'yo." Nilabas ni Yat yung cellphone nya then kung anu-ano yung pinagkakakalkal. "Here. Tignan mo oh." Natatawang sabi nya tapos hinarap sa'kin yung screen ng cellphone nya.

From -> (-___-) to -> (O___O)

What the eff!

Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa lalaking nasa picture. Pero naiinis ako dyan eh! Alam nyo ba kung sino ang nasa picture?

Si Clyde. Topless sya tapos naka-boxer lang. Nakatali pa sa puno habang natutulog ata? Nakapikit eh. And wait.... ni-zoom ko yung picture para mabasa yung nakasulat sa katawan nya.

Eow phoe! 

Proud pervert here <3

Asdfghjkl! Sabi na eh! Kaya ako todo kung kabahan nung naiwan si Clyde sa pangangalaga ng bestfriend kong hapon. Ganyan kasi yan magtrip. Less effort pa nga yan eh -.-

At ano yung ginamit na pangsulat? Yung lipstick ko po.

Habang tinititigan ko yung picture, tawa pa rin ng tawa si Yat.

"Grabe, Zai! Hahahahaha~ pero infairness! Ang yummy ng katawan nya. Ahahahaha."

Ang daming istorya ni Yat pero hindi naman ako makapagfocus kasi nga inaalala ko si Sophi. Sobrang nakakapanibago lang kasi hindi pala bagay sakanya ang hindi hyper.

"Ayun si Zailie, oh!" Pareho kaming napalingon ni Yat dahil may babaeng bumanggit ng pangalan ko. "Zai!" Sigaw nilang tatlo tapos tumakbo palapit sa pwesto namin.

"Bakla, ngayon ka lang ulit namin nakita. Sama ka sa'min, please! Gagala tayo." Sabi ni Red habang hinihila yung braso ko.

"Oo nga, girl. Puro ka nalang nasa piling ng maboy mo. Sa'min naman kahit ngayon lang." Pink

"Miss na miss ka na namin eh." Vi, tumulong pa talaga sya sa paghila sa braso ko.

Hinila naman ni Yat yung kabila kong braso sabay sabing, "Hindi! Hindi sya sasama sainyo! Dito lang sya, okay?"

"Ate naman eh~ ngayon lang. Miss na miss na namin talaga si Zai." (*v*~)

"Kami din naman, ah! No way!"

Okay. Pinag-aagawan na nila ko. Tatanggalin ba nila sa katawan ko yung braso ko?

Napasulyap na naman ako kay Sophi. Nakahalumbaba sya ngayon at halata mong ang lalim ng iniisip.

"Yow! Wag nyo ngang pag-agawan yung mahal ko." Biglang dating ni Aldrich tapos tinanggal yung kamay nung tatlo sa mga braso ko.

"Tara, mahal kong bestfriend. Tinawagan ako ni Aki, gusto ka daw nya na pumunta ka sa bahay namin."

Yup. Magaling na sa gadgets yang si baby Aki.

"Tara na." Hinawakan nya ko sa wrist at hinila patayo.

"Hoy, Aldrich san mo dadalhin si Zai?" Tanong ni Yat.

"Iuuwi ko. Bakit?" Inakbayan nya ko tapos nagsimula na kaming maglakad.

Hindi na ko nakapagreact pa dahil masyado kong inaalala si Sophi. Err.... gusto ko syang damayan.

"Waaaah~! Me nalang ang iuwi mo, Adrich my loves so sweet!" Boses ni Pink.

Lumingon muna si Aldrich bago sumagot nang, "Next time."

Nahawa na ata kay Zoid at Ceejay (=___=)

Siniko ko yung tagiliran ni Aldrich kaya umarte sya na akala mo nabalian ng buto. Ang arte naman nito (-__-)

"Ikaw, Ostrich ah! Kay Clyde mo pala gagamitin yung lipstick ko."

"Hahahaha! Nakita mo na pala? Hahahahahaha. Bagay sakanya, diba? Sayang nga hindi ko nakuhanan ng video nung kinaumagahan. Binalikan ko sya doon tapos naabutan syang pinagpipiyestahan ng mga bakla! Hahahaha! Laftrip, mahal kong bestfriend!" Inakbayan nya ulit ako tapos nagpatuloy sa paglalakad habang tumatawa sya.

Nakalayo na kami nang biglang kaming napahinto dahil may lalaking matangkad at ubod ng gwapo ang nakatayo sa harapan namin. Sino pa ba?

"Pare!" Aldrich greeted him but he said nothing.

Seryoso lang syang nakatingin sa'kin. Sabi ko nga! Galit na naman yan kasi iniwan ko sya habang natutulog.

Humakbang sya palapit samin tapos inalis yung pagkakaakbay sa'kin ni Aldrich.

"May kailangan kang puntahan, diba pare?" Sabi nya kay Aldrich pero sa'kin nakatingin.

Napayuko nalang tuloy ako.

"Ay, sht! Oo nga pala." I lifted my head to looked at Aldrich who was scratching the back of his head. "Next time nalang kita iuuwi, mahal kong bestfriend." Hinalikan nya ko sa pisngi habang nakangisi kay Zoid. "Bye!" Tinapik nya yung braso ni Zoid bago umalis.

Oh-kay! Kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Bakit mo ko iniwan?" Seryosong sagot nya. Hindi ko alam kung pagalit o ano.

"Kailangan ko kasing puntahan si Chloe." Nakayukong sabi ko. Nakatingin lang ako sa sapatos nya imbes na sa mga mata nya.

"Dapat ginising mo nalang ako."

Nakita kong humakbang ng dalawang beses yung mga paa nya kaya naman napaangat ang tingin ko sakanya.

*GULP*

Bakit ba lalong nagiging hot ang maboy ko kapag seryoso sya?

"Di mo ba alam kung anong ginawa mo, ha?"

"Alam. Nagmukha lang namang kayong bromance ni Ceeja-----" tinakpan ko agad yung bibig ko.

Waaah~ kill me now! Kill me! Joke (^__^)V

Nilapit nya yung mukha nya sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin pero hinawakan nya ko sa chin para iharap sakanya. "Dahil sa ginawa mo, kailangan mong sumama sa'kin." And as always, hindi na nya ko inantay pa na makapagsalita, hinila na nya ko.

Pinauna nya kong makasakay sa loob ng kotse nya sa may passenger's seat. After kong makapasok, sumunod naman sya at sinara yung pinto.

Nilibot ko yung tingin sa loob ng kotse nya. Bagong-bago at modern.

"May bago ka na namang kotse, so bakit kailangan ko pang bayaran yung nasira kong bintana sa isa mo pang kotse?"

"Gusto ko eh."

Medyo tumayo sya at mukhang may kinukuha. Hindi ko naman malaman kung saan at ano yung kinukuha nya kasi sakop ng sexy nyang likod yung bandang harapan ko.

I hugged him from behind. Ang bango nya (@___@)

"Minamanyak mo na naman ako." Sabi nya nang hindi ako nililingon at busy sa kung anong ginagawa nya.

"Hmp. Edi wag!"

Binitawan ko sya tapos tumingin sa bintana na nasa tabi ko.

Maya-maya lang naramdaman kong umupo na ulit sya sa tabi ko.

"Oh,"

Lumipat ang tingin ko dahil may blue box na nakalahad sa harapan ko. I tilted my head to met Zoid's gaze.

"Ano yan?" I asked then looked at the thing he was giving to me.

"Buksan mo kaya."

"Sungit mo." Nag-bleh ako sakanya bago tanggapin yung binibigay nya.

Ang ganda naman ng box. Malamang maganda rin yung loob. Masyado akong excited na malaman kung ano yung nasa loob kaya hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa. Agad ko yung binuksan at tadaaaa...

(^___^)

(~___~)

Naramdaman kong umusog pakaliwa si Zoid hanggang sa nakadikit na sya sa pintuan ng kotse.

"ARGH! BAKIT GANITO!" Lumapit ako sakanya tapos pinaghahahampas sya nung box na binigay nya. Ginagawa naman nyang shield yung braso nya habang tumatawa.

Kaya siguro sya umusog habang binubuksan ko yung binigay nya dahil alam nyang ihahampas ko talaga sakanya yun.

"Bakit ayaw mo ba-aray!" Tumigil ako saglit sa paghampas sakanya para marinig yung kung ano mang saloobin nya para bigyan nya ko ng ganito -.- "Ilang beses ko na kasing nakikita na ganyang design yung pangloob mo. And because of that, I conclude na mahilig ka sa hello kitty na color blue. Tinernohan ko nalang ng pang-ibaba para maganda."

Lalong naningkit yung mga mata ko sa pagkayamot. "ANONG ILANG BESES MO NG NAKIKITA? Pinagnanasahan mo ko, noh? Aminin mo! Siguro nung natulog ako sa condo mo pinagsamantalahan mo ko habang natutulog?! Waaaa~ isusumbong kita kay mommy't daddy! Ipapakulong kita, tandaan mo yaaaaaan~" Pinaghahahampas ko na naman sya. Lalo syang natawa habang iniiwasan yung mga hampas ko sakanya.

Hinawakan nya yung dalawa kong kamay ng madiin para hindi ko na sya mahampas. "Easy ka lang. Ako? Pagnanasahan? Hahahahahahahahahahah Yes." Ngumiti sya ng nakakaloko.

Err >___<

Itinaas ko yung kamay ko para hamapasin sya ulit pero mabilis nya ulit na kinuha para pigilan ako.

"Wag kang mag-alala. Kahit gaano kita pinagnanasahan, mas malaki pa rin ang respeto ko sa'yo." He said softly. "Dalawang beses ko palang naman nakita eh. First, yung pag-ahon mo mula sa pagkakahulog sa swimming pool. Remember that? Yung binato mo pa ko ng sapatos sa ulo, ikaw na nga 'tong niligtas."

"Eh ang manya----" tinakpan nya yung bibig ko. Ang bango ng kamay nya (*0*)

"Second, yung time na nabasa ka dahil binuhusan ka ng tubig ni Clyde."

"Kahit na! Tinitignan mo pa rin---- HUWAAT? SI CLYDE? SI CLYDE ANG NAGBUHOS SA'KIN NG TUBIG? ANG WALANGHIYANG YUN TALAGA. GRR!"

"Ingay =___="

Bumaba yung hawak nya sa wrist ko sa mismong kamay ko.

"Ayaw mo ba ng bigay ko? Akin na. Bibigyan nalang kita ng iba." Binitawan nya yung kamay ko para kunin ang binigay nya sa'kin. Aww. Nagtatampo ang maboy ko hihi!

"Wag na. Ang ganda nga eh. Atsaka, iingatan ko 'to. Galing 'to sa'yo eh." Umiwas sya ng tingin at nakita kong namumula yung pisngi nya. I giggled seeing him blushing.

At kung nagtataka kayo kung ano yung binigay nya, paired of undergarment lang naman. At ang design? Hello kitty na color blue =___= Pambata yung design pero ang kyuuut~

"Talaga? Gusto mo?" he asked finally!

"Gustong-gusto!" Sagot ko na todo ngiti.

"Bakit kung makareact ka kanina parang---"

"Wala lang yun! Ang awkward lang kasi na may lalaking nagbigay sa'kin ng ganito. Sa PERSONAL pa talaga. Kaya ayun..." >___< nahihiya talaga ko. Sino bang hindi mahihiya kapag inabutan ka harap-harapan ng isang lalaki ng undergarment diba? "First time kasing may lalaking nagbigay sa'kin ng ganito."

"Edi maganda. Ako ang firsts mo. Kapag nag-ano tayo.... yung.... nag-love making.... gusto ko ayan ang isusuot mo ah?" Medyo naiilang na tanong nya.

Biglang nag-init yung pisngi ko at naihampas na naman sa ulo nya yung binigay nya.

Bakit naman nya naisip ang bagay na yun? Argh!

Pero totoong nagustuhan ko yung binigay nya. Iingatan ko talaga 'to dahil bigay nya. Ipapa-frame ko sya mamaya pag-uwi. Charuwt lang!

--------

Basahin nyo din po yung new story ko The Possessive Love Curse. Thanks ♥

Continue Reading

You'll Also Like

409K 3.9K 7
Frederico always wonders what it feels like to be a human. Hindi niya maintindihan kung bakit ang mga taong may maigsing buhay ay nagagawang maging m...
625K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
47.9K 2.8K 66
One unexpected encounter. Clyde met Demi. Clyde was like an open book while everything about Demi is a mystery. Join me in reading and falling in lov...
11.6K 904 53
Simula nang mawala ang ina niya ay nasanay na si Cassey sa kakarampot na pagmamahal na pinaparamdam ng kaniyang ama. Namuhay siyang mag isa, natuto s...