Married to a Stranger [R-18]...

By PsychedelicDistress

1.4M 33.7K 2.7K

HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a drea... More

Published By Bookware Corporation
Synopsis
2 Casper
3 Tinig
4 Pagbasa ng Isip
5 Lunas
6 Kayabangan
7 Tindahan ni Aling Nena
8 Paghalik
9 Rebelasyon
10 Transpormasyon
11 Pagkabunyag
12 Dominic
13 Vernice
14 Magkapatid
15 Inosente
16 Impakta
17 Balloons
18 Hinala
19 Salpukan
20 Althea
21 Chenesan
22 The Man In Her Nightmares
23 Missing Bride
24 Panaginip
25 Kasalan
26 Face Swap
27 Pagpapanggap
28 Muling Pagkikita
29 Warmth
30 Ending (Promises)

1 Estranghero

206K 2.5K 342
By PsychedelicDistress

1

Estranghero

May munting party-party na nagaganap sa bahay ng kaibigan kong si Kassie dahil kaarawan niya ngayon. Marami na akong nainom at umiikot na rin ang paningin ko dahil mababa lang ang level ng alcohol tolerance ko. Mabibigat na ang talukap ng mga mata ko dahil inaantok na. Siguro nga ay lasing na ako.

     Napasulyap ako sa orasan sa dingding, alas onse na pala. Gabi na, kailangan ko nang umuwi dahil baka kanina pa nag-aalala sa akin ang mommy ko.

     "Kassie, aalis na ako, ah. Gabi na kasi," pagpapaalam ko. Nagpaalam na rin ako sa iba kong mga kaibigan na naroon.

     "Sige, ingat ka," ani Kassie na nakipagbeso-beso pa sa akin bago ako inihatid sa labas ng gate ng kanilang bahay.

     Hindi ako sumakay sa tricycle dahil nga gabi na. Marami nang siraulo sa panahon nating ngayon, baka mamaya ma-rape pa ako.

     Nilakad ko ang daan papunta sa amin dahil ilang kilometro lang naman ang layo ng bahay na tinitirhan ko sa bahay ni Kassie. Malayu-layo iyon, pero puwede namang lakarin kaya lalakarin ko na lang. Madilim na ang daan dahil nakapatay na ang mga ilaw sa labas, may mangilan-ngilan na lang akong nakikitang nakasindi. Malamig din ang ihip ng hangin. Iniyakap ko ang mga braso ko sa aking katawan para mabawasan ang nararamdaman kong lamig kahit papaano.

     Walang katao-tao sa paligid. Papatawid na ako ng kabilang kalsada nang makarinig ako ng isang malakas na tahol ng aso. Muli ako nitong tinahulan nang sunud-sunod. Natakot ako kaya mabilis akong naglakad papunta sa ibang direksyon, ngunit tinakbo ako ng aso at hinabol.

     Nakatayo ang buntot nito at nakalabas din ang matatalim na pangil. Mabilis akong napatakbo palayo dahil sa takot kong makagat. Takbo lang ako nang takbo. Sumulyap ako sa likod habang kasalukuyan pa ring tumatakbo nang medyo nakalayo na ako. Pero hinahabol pa rin ako ng aso. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang madilim na lugar, isang lugar na hindi pamilyar sa akin.

     Tumigil na ako sa pagtakbo nang hindi ko na malaman kung nasaan ako. Nilingon ko ang aking likuran, wala na ang aso. Siguro naligaw habang hinahabol ako, buti naman wala na. Pero mukhang masama pa ang nangyari dahil mukhang pati ako ay naligaw. Nasaan na ba ako?

     Luminga-linga ako sa paligid para suriin kung saan ako napadpad. Walang mga bahay at mga ilaw sa paligid, tanging ang ilaw lamang mula sa buwan ang nagbibigay ng liwanag sa aking paningin. Nagpalakad-lakad ako para subuking hanapin ang daan pabalik sa pinanggalingan ko. Sa aking paglalakad, may nadaanan akong isang maliit na simbahan na may mataas na gate sa harap. Bumalik ako sa dinaanan ko kanina, mukha kasing mas lalo pa akong nalalayo. Pero wala rin palang kuwenta ang pagbalik kong iyon dahil muling sa harap ng simbahan ako dinala ng mga paa ko.

     Pabalik na naman dapat ako sa aking pinanggalingan nang makaramdam ako ng pagkaihi. Ano ba naman 'yan?! Kung kailan walang banyo saka pa ako nakaramdam ng pagkaihi. Asar, saan ba ako puwedeng umihi ngayon? Sa damuhan? Yuck naman kung do'n ako iihi, baka mamaya may kumagat pang langgam sa ano ko.

     Bago pa man tumakbo ang mga kaululang ideyang pmapasok sa isip ko, naghanap na ako ng puwestong maaari kong ihian. Nilapitan ko ang mataas na gate ng simbahan, bukas iyon kaya pumasok ako. Pagpasok ko ay takot agad ang naramdaman ko dahil madilim. Paano kung may mumu? Paano kung kapre pala 'yong puno, tapos bigla akong kalabitin kapag umihi ako sa ilalim niya. Pero naiihi na talaga ako. Kailangan kong maging matapang dahil baka sa salawal pa ako maihi, mas nakakadiri 'yon. Saka wala naman sigurong masamang nilalang dito. Simbahan naman at hindi horror house. Syempre si God ang nandito, hindi si Shomba.

     Dumaan ako papunta sa harap ng simbahan. Papasok sana ako ngunit sarado ang pinto at hindi ko mabuksan. Ihing-ihi na ako kaya mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng simbahan. Pagkarating ko roon ay nakakita ako ng maraming puntod.

     Oh my God! Impyerno!

     Nangilabot ako, pero hindi ko pa rin pinansin iyon dahil mas nangingilabot akong maihi sa salawal ko.

     Lalabas na talaga ang ihi ko kaya binalewala ko na ang takot na nararamdaman. Kumaripas na ako ng takbo papunta sa ilalim ng isang puno at nagmamadali kong hinubad ang pants ko. Nakahinga ako nang maluwag nang mailabas ko na ang kanina ko pang pinipigilang wiwi. Buti na lang walang langgam na kumagat sa akin. Ehehe.

     Tumayo na ako at isinara ko na ang zipper ng pantalon ko.

     Maliwanag ang paligid ng simbahan dahil sa ilaw na nagmumula sa bilog na buwan. Mas malaking tingnan ang buwan ngayon kumpara sa normal, siguro ay mas malapit ito ngayon sa Earth. Umihip na naman ang malakas na hangin.

     Ang lameeeeg.

     Muli ay iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Napakaraming puntod, may sementeryo pala rito sa likod ng simbahan.

      Holo! Baka may multo rito. Oh my God, kailangan ko nang lumayas dito bago pa ako makakita ng mga nilalang na nakakatakot!

     Nagtungo ako sa gate para umalis, ngunit pagbalik  ko roon ay nakasara na iyon. Ginapangan ako ng matinding kilabot. Kanina lamang ay maluwag ang pagkakabukas niyon, pero ngayon ay nakasara na at may kadena pang nakalagay sa bukasan. Sa gitna ay may malaking padlock na nakasabit.

     T-teka, bakit nakasarado na ito ngayon? May nagsara ba? H-huwag mong sabihing may ibang tao rito. Saka bakit ito nakasara? Ano ang gagawin niya, bakit niya ito isinara? Napuno na ng mga kakaibang ideya ang isip ko. Kalma lang, Rica, masyado kang praning.

     Kinuha ko ang cell phone ko sa aking bulsa. Idinayal ko ang number ng mommy ko. Hinintay kong sumagot siya mula sa kabilang linya pero hindi maka-connect ang tawag. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin.

     Shit naman, bakit ngayon pa walang signal?!

     Itinapat ko ang cell phone sa tenga ko at nagpanggap na kausap ang mommy ko.

     "Hello, Mommy, hindi kita matanaw. Nasaan ka na ba?" Inisip ko na baka kapag narinig ng taong lumalapit sa akin na kausap ko lang ang mommy ko sa phone at nasa labas lang ng simbahan at naghihintay, ay hindi na ito magtatangka pang gumawa sa akin ng masama.

     Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, naging mahamog na. Binalot ng makapal na hamog ang buong lugar kaya kahit mismong harapan ko ay hindi ko na makita nang malinaw. Sa paglinga-linga ko sa gitna ng makapal na hamog, nakakita ako ng itim na imahe ng lalaking mukhang papalapit sa akin. Hindi pa rin ba siya titigil sa paglapit sa akin? Hinintay ko na lamang na lumabas sa hamog ang kung sino mang lumalapit na iyon. Siguro mabait naman ang taong ito, baka masyado lang akong nagiging praning.

     Habang papalapit siya ay may nalalanghap akong napakabahong amoy. Parang patay na daga, imburnal, panis na pagkain... basta sobrang baho!

     Nasa harapan ko na siya at lumabas na rin sa makapal na hamog kaya nasilayan ko na-ang imahe ng lalaki na isang buhay na bangkay! Bulok na ang balat, ang isang mata ay kinakain ng mga uod at sa kabila naman ay walang mata. Nangingitim na ito, patay na rin ang lahat ng kuko. Tapos medyo natutuklap pa ang balat sa mukha kaya nakikita ko ang laman!

     Napasigaw ako sa takot. "Waaah! Sombi, sombi! May sombi!" Kumaripas ako ng takbo papunta sa kahit saan. Hindi ko na tiningnan kung saan ako dumaraan, basta takbo lang ako nang takbo. Dahil sa makapal na hamog, hindi ko makita ang dinaraanan ko kaya nabunggo ulit ako sa isa pang zombie.

     "Saan ka pupunta?" tanong nito sa nakakatakot at napakalaking boses.

     Napatili ako nang malakas dahil sa pagkagulat. Dali-daling dumampot ako ng stick. "'Wag kang lalapit!" Idinuro ko ang napulot kong stick dito.

     "Uy, may stick siya. takut ako..." sarcastic na sabi ng walanghiyang zombie.

     Mamaya pa ay dumating na rin ang zombie na una kong nakita kanina. Nagbulungan ang mga ito saka ako tinawanan ng malakas.

     "Huwag kayong lalapit! Hahampasin ko kayo!" banta ko sa mga ito.

      "Wow, takot na takot kami d'yan sa patpat mo," anang lokong zombie. "Tara na nga, kuhanin na natin siya," yaya nito sa kasama.

     Marahang naglakad ang mga ito papalapit sa akin.

     "Waaaaah! Sabi ko 'wag kayong lalapit!" Iwinasiwas ko ang hawak kong patpat sa harap nila. "Sige kayo!"

     Mula sa marahang paglalakad ay biglang tumakbo ang isa nang mabilis papunta sa direksyon ko. "Bwahaha! Nand'yan na kame!"

    Napakaripas ako ng takbo. Hindi ko makita ang dinaraanan ko dahil sa makapal na hamog sa paligid kaya nabangga ako sa isang puntod. Nabuwal ako at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Nakadama ako ng pagkahilo. Ang mga sumusunod pang pangyayari ay hindi ko na alam.

                                                               ~

     Nagmulat ako ng mga mata. Sobrang bigat ng ulo ko, hilung-hilo ako. Sapo ko ang noo ko habang bumabangon sa aking kinahihigaan. Sinalat ko ang parte ng ulo ko na pinakamasakit. Namamaga iyon.

     Jusko po, nagkabukol pa 'ata ako. Tapos may umaalingasaw na mabahong amoy. Ano ba 'yon?! Amoy tae!

     "Gising na siya," dinig kong bulong ng kung sino.

     Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses para makita kung sino ang nagsalita. Ang zombie pala kanina. Iyong sombi! Nakatayo ito sa gilid ko at may kasa-kasama itong mga kapwa zombie. Kaya pala amoy bulok. Inilahad nito ang isang palad sa akin. Hindi ko iyon tinanggap kasi kadiri, tapos mabaho pa. Yuck kaya.

     Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa loob ako ng isang madilim na kuwarto na nasisinagan lamang ng buwan, tanging ang laman lang ng silid ay ang maliit na kamang hinigaan ko kanina. May malaki ring salamin sa gilid. Hinarap ko iyon para tingnan ang sarili ko. Nabigla ako nang makita kong hindi na striped shirt at pantalon ang suot ko, Nakasuot na ako ng isang elegant white wedding dress. Mukha akong prinsesa sa repleksyon ko sa salamin.

     "W-wait! Sino ang nagpalit ng damit ko?! tanong ko sa lahat ng buhay na bangkay sa loob ng kuwarto. "'Wag ninyong sabihing kayo ang naghubad sa akin habang natutulog ako kanina! Idedemanda ko kayo!"

     Ngumiti nang malaswa ang zombie sa harap ko. Nakakadiri, parang sirang bakod ang ngipin nito tapos bulok pa.

     Akmang hahawakan ako nito sa braso kaya lumayo ako. "'Wag mo akong hahawakan! Nakakadiri ka, ang baho mo! Oh, my God."

     Naging galit ang ekspresyon ng mukha ng lahat ng zombies, siguro ay nasaktan ko ang damdamin nila dahil totoong mabaho sila. Unti-unti silang lumapit sa akin kaya napatili ako sa takot.

     Biglang bumukas ang pinto. Mula sa pinto ay naglakad papalapit sa akin ang isang mukhang aristokratang babae. "Binibini, huwag kang matakot sa kanila dahil hindi ka nila sasaktan," aniya.

     Maganda ang babae. Nakasuot siya ng corset dress at nakaayos din ang kulot niyang buhok kaya nasabi kong mukha siyang aristokrata. Hindi siya mukhang bangkay na nabuhay katulad ng mga zombies na kasama ko. Wala rin siyang amoy. Tila ba normal na tao lang siya.

     "'Oy, sure ka d'yan, ah. Baka mamaya bigla akong lapangin nitong mga 'to," kinakabahang tugon ko. Tinabihan ko ang babae saka ako nagtago sa likod niya bumulong. "Hindi ba talaga nila ako sasaktan." Tingnan mo nga, o! 'Ayang sombi na 'yan kanina pa ako binu-bully!" Itinuro ko sa babae ang walanghiyang zombie na kanina pa nanloloko sa akin.

     Tiningnan ng babae nang masama ang itinuro ko. "'Wa kang mag-alala, Binibini, paniguradong nakikipagbiruan lamang ito sa iyo. Sumama ka na sa akin bago pa magbago ang isip nila at tuluyan kang kainin." Hinawakan niya ang braso ko saka ako hinila palabas ng kuwarto.

     Narinig ko ang pagtunog ng mga kampana. Kakaiba ang kutob ko sa babaeng ito kaya marahas kong binawi ang kamay ko mula sa kaniya saka ako nagtungo sa pinakamaapit na bintanang nakita ko at doon lumabas. Pagkatapak ko sa labas ay nakakita ako ng maraming tao. Lahat sila ay nakasuot ng pormal na damit. Napaisip tuloy ako kung may Halloween Party. Siguro nga may Halloween Party lang kaya may zombies. Pero imposible iyon, August pa lang ngayon at saka troobloo kaya ang kabahuan ng mga zombies kanina. Wala na rin ang makapal na hamog na kanina lamang ay bumabalot sa buong paligid. Malinaw ko nang nakikita ang lahat. Maliwanag dahil sa mga naggagandahang ilaw, tila ba may salu-salong nagaganap.

     Nakita kong dumadaan din ang kaninang babae sa bintana. Hirap siyang makalabas dahil sa laki ng kaniyang petticoat. Mayamaya ay tumatapak na ang paa niya sa lupa kaya tumakbo na ako para magtago. Palihim akong nagpunta papunta sa gate, nagtatago ako sa mga tao sa paligid. Nasa may gate na ako, mabilis akong lumabas dito. Yes! Malaya na ako! Wuh!

     Napalitan ng pagkadismaya ang kasiyahan ko nang makita kong nandoon din pala ang babae. T-teka? Bakit ang bilis niya? Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at kinaladkad pabalik sa loob ng simbahan. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin na halos mabali na ang buto ko. Pagpasok namin sa loob ng simbahan, may mga nakaupong mapuputlang nilalang na nakadamit nang pormal sa hilera ng mga upuan.

     May itim na carpet sa aisle. Sa dulo niyon ay may puting wooden arch na napapalibutan ng mga lantang halaman. Lahat ng tao ay tahimik lang na nakatitig sa akin, walang ekpresyon ang mga mukha. Tila ba lahat sila ay walang buhay.

     "A-ano ba ito?" nanginginig ang boses na tanong ko sa babae. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagaganap sa oras na ito, pero alam kong hindi ito maganda. Natatakot ako, gusto kong umalis dito. Gustong kong tumakbo palayo.

     The woman gave me an apologetic smile. "Binibini, patawarin mo ako. Napag-utusan lamang ako," wika niya bago ako hinila papunta sa harapan kung saan may nakatayong patay na pari at isang lalaking nakatalikod sa akin.

     Hindi ko alam kung ano ang inihingi ng tawad na babae, pero dama ko talaga na may mangyayaring hindi maganda. 

     Natatakot ako. "B-Bitawan mo ako! Aalis ako rito!" naginginig ang boses kong sigaw.

     Marahas kong binawi ang kamay ko mula sa babae ngunit ang patay na pari naman ang humawak sa akin. Napatili ako nang sobrang lakas dahil sa takot at pandidiri. Marahas akong hinila ng pari papunta sa tabi ng nakatalikod na lalaki. Patuloy ako sa pagsigaw ngunit balewala lang iyon sa mga naroon sa loob ng simahaban, tahimik lang silang nakamasid.

     Sa sobrang takot ay nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko. Nanginginig din ang mga tuhod ko, pakiramdam ko ay mabubuwal ako anumang oras. Nang mapansin ng pari na hindi na ako pumapalag ay binitawan na niya ako. Sumenyas siya at mula sa kung saan ay nagsimulang tumugtog ang orkestra ng nakakatakot na musikang pangkasal.

     Nakipag-usap ang pari sa lalaki kaya nawala ang atensyon niya sa akin. Susubukan ko sana muling tumakbo pero natigil ako nang lingunin ako ng lalaking kanina pa nakatalikod. Nagsitayuan ang lahat ng tao at sabay-sabay na yumuko upang magbigay-galang sa lalaki.

     Tinitigan ko ang mukha ng lalaki.

     He's beautiful...

     Ramdam kong nalaglag ang panga ko habang tinititigan ko ang mukha niya.

     Napakaguwapo ng lalaking ito. 

     Iyong tipong sobrang guwapo niya na makukuha mo pang matulala habang may patay na pari sa harapan mo. Matangkad siya, nakaayos din ang kaniyang buhok. May mangilan-ngilang hibla niyon na nahuhulog sa pisngi niya na lalo pang nagpaguwapo sa kaniya. Asul ang mga mata niya. Ang mga iyon ang pumupukaw ng atensyon ko sa kabila ng lahat ng takot na nadarama ko kanina lang.

     "Hawak ko na siya," aniya sa pari.

     Hawak na niya ako?

     Pero hindi pa nga dumadampi ang balat niya sa akin kahit katitinging. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan.

     Tumango ang pari sa sinabi ng lalaki. Ako naman ay nakatulala at nakapako pa rin ang mga paa sa aking kinatatayuan. Napakaperpekto ng anyo ng lalaki sa harap ko. Ang feature ng mukha niya ay tamang-tama lang. Tulala pa rin akong nakatingin sa asul na mga mata ng estranghero. Napakaganda ng mga mata niya, pakiramdam ko hindi ko na gugustuhin pang alisin ang tingin ko sa kanya. Inabot niya ang aking kamay saka iyon bahagyang pinisil. Tinitigan niya ako sa mga mata. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko magawa. Para bang may nagsasabi sa isip ko na hayaan ko lamang ang lahat ng nangyayari. Pero hindi ko gusto ito, ayaw kong gawin ang idinidikta ng isip ko.

     "Huwag kang lumaban," bulong ng isang tinig sa isip ko. Saan nanggaling ang tinig na iyon?

     Sinubukan kong sumigaw. "Bitiwan mo ako." Ngunit sa halip na sigaw ay isang mahinang bulong lamang ang lumabas mula sa aking bibig.

     "Hindi maaari, akin ka at ako naman ay sa iyo. Ipinapangako kong papasayahin kita," may diing wika ng lalaki.

     "Manahimik ka!" malakas na sigaw ko. Biglang napalakas ang boses ko kaya muntikan ko nang mayanig ang simbahan.

     Muli ay nakarinig na naman ako ng tinig sa isip ko. "Huwag kang magtaas ng boses, mahal ko. Huwag mong ipahiya ang sarili mo," nanunuksong sabi ng tinig. May nakapaskil na ngisi sa mga labi ng lalaki sa harapn ko.

     Hindi kaya... siya ang lalaking nagsasalita sa isip ko?

     Bahagyang pinisil niya ang mga kamay ko, trying to give me comfort.

     Tumiklop ang libro ng pari. "Maari mo na siyang halikan," anunsyo nito.

     A-ano?

    Iniyakap sa akin ng lalaki ang mga braso niya, saka hinapit ang baywang ko para hilahin ako papalapit.

     Yumuko siya.

     Hinalikan niya ako sa labi. He was gently kissing me pagktapos ay hinigpitan ang yakap sa akin saka isiniksik ang ulo sa leeg ko.

     "Magiging masakit ito mahal ko. Patawarin mo ako," sabi niya sa magaang tono.

     Naramdaman ko na lang na may matulis na pangil na bumabaon sa leeg ko.

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀

Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.9K 59
[He's My Cousin Book 2] They say time heals all the wounds. But what comes after healed wounds? A chance for a new beginning? Finally a happy ever af...
95.4K 3.8K 30
Hindi sinasadya ay nakita ni Marisel 'Isel' Francisco ang totoong hitsura ni Mr. Hired Killer. At pinapili siya! Ang patayin siya o paglingkuran siya...
8.9K 404 34
Every Flower Crown owner has its own love stories to tell. •Photo not mine
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...