My Girlfriend is a PROMDI

By flagellin

24.5K 555 117

Si ANYANG ay isang ignorante pero astig na PROBINSYANA na lumuwas ng Maynila para makapag-aral ngunit sa isan... More

Prologue
MGIAP-2 *MVP*
MGIAP-3 *LABANDERA*
MGIAP-4 *CONDO*
MGIAP-5 *CONDO + FOODS*
MGIAP-6 *OFFICIAL*
MGIAP-7 *MAKE-OVER*
MGIAP-8 *BIGLAAN*
MGIAP-9 *BABY KO*

MGIAP-1 *ANG PROBINSYANA*

3.1K 62 11
By flagellin

Anyang's POV

" Anyang! Ano ba?! Kay kupad mong bata ka. Hindi ba't babyahe ka pa?" sigaw ni Nanay Maria.

Ang aga aga. Binubulyawan agad ako ni Nanay. Hala siya sige, eto na nga magmamadali na ako. Sabi ko nga eh!

" Oho Nanay!" sigaw ko pabalik.

Ayy. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Patawarin niyo ako.

Ako pala si Althea Melody Suarez, oh sosyal ganyan ang pangalan ko. Hindi ko rin alam kung saang dagat pasipiko napulot ni Nanay yan. Eh hindi naman bagay sa kin dahil simple lang ako. Sa madaling salita mukha akong saging.

Saging, kasi may puso ako. Choss. Eh kasi ang dumi ko daw tignan. Kasi nga diba yung balat ng saging may itim itim. Hahahaha. Tawa kayo please. =____=

Si Nanay Maria, hindi ko siya totoong Nanay. Sinabi niya sa akin yun ng nasa elementarya pa lang ako. Ayaw niya daw kasi maglihim sa akin. Oh diba? Ang taray ng Nanay ko. Ang drama ng buhay. Hahaha.

Anyang ang tawag niya sa akin. Kasi nga katulad ng sinabi ko kanina, hindi bagay ang pangalan ko dito sa probinsya. Kaya ayun, Althea Melody naging ANYANG.

Ayos na yun atleast may pangalan. Pupunta pala ako ngayon sa Maynila. First honor kasi ako dito sa amin, kaya binigyan ako ng pagkakataon ng kakilala ng Nanay ko na mag-aral doon sa sikat na paaralan sa Maynila. Doon ko daw ipagpatuloy ang 4th year H.S ko. Sigurado daw kasi siya na magiging matagumpay ako kapag nag-aral ako doon. Matalino daw kasi ako.

Oh wag kayong maiinggit. XD

Eh syempre, ako naman tong si excited. Maynila yun te? Aarte pa ba ako?

Tsaka isa pa, matutulungan ko si Nanay at si Tito Gabo dito sa bukid. Para naman makaahon kami sa hirap. Gusto ko kasi na makatikim naman sila ng maginhawang buhay. Nakakaawa kasi silang tignan na nagbabanat ng buto para lang makapag-aral ako.

Penge nga akong tissue.

Echos =_=

Tapos na akong mag-impake. Dala-dala ko na lahat ng kailangan ko ngayon.

Panloob- Check

Damit- Check

Sipilyo- Check

Sapatos- Check

Gamit panligo- Check

Lahat- Check

Ayos ! Lalarga na ako! Keri na 'to! Wahahahaha. Ayos!

Wag masyadong excited Anyang, baka mamaya may buwaya na pumasok dito tapos sakmalin ka. Hindi ka pa matuloy sa Maynila.

Okay. Hindi na =_=

Naglakad na ako paalis ng kwarto ko. Pero habang naglalakad ako, pakiramdam ko may kulang sa akin.

Ano nga ba?

Ting!

Oo nga pala. Yung picture.

Tumakbo naman ako agad agad pabalik sa kwarto ko. Hindi pwedeng makalimutan ko yung picture. Kasama ko yung Nanay ko. Totoong Nanay ko. Kaso putol naman. Hahaha. Hindi kita yung itsura ng Nanay ko. Wala din silbi.

Pero sabi ni Nanay Maria, itago ko pa rin daw tapos dalhin saan man ako paparoon kasi ito lang daw ang natitirang alaala sa akin ng totong Nanay ko. Sinabi rin sa akin ni Nanay nung tinanong ko yung totoong Tatay ko, patay na daw siya.

Sabi ni Nanay dahil daw sa sunog nung bata pa ako. Hindi daw nakaligtas si Tatay, si Nanay naman. Hindi na alam kung nasaan.

Napakabait ng Nanay Maria ko. Walang inilihin na kahit anong sikreto sa akin. Sobra ang pasasalamat ko dahil sila ang kinalakihan kong pamilya.

Samantalang ngayon, aalis na ako. Mawawalay ako sa kanila ng matagal na panahon. Sana lang kayanin ko. Iisipin ko na lang na para sa kanila naman ang gagawin ko.

Pagkatapos kong makuha yung picture, nakita ko yung wallet ko sa sahig. Alam ko na, alam ko na ang importanteng muntik ko ng hindi madala =_=

Muntik pa akong mawalan ng kwarta.

Lumabas na muli ako ng kwarto ko. Sinalubong naman ako ng Nanay at Tito ko. Halata sa mga mukha nila na malungkot sila sa pag-alis ko.

" Nay. Tito, aalis na po ako. Pakaingatan niyo po ang mga sarili niyo ah. Nanay, yung mga gamot ah" paalala ko.

Niyakap naman ako ni Nanay, umiiyak na siya, ayan tuloy pati ako naiiyak na.

" Aalis ka na nga, yung gamot ko pa rin ang bukambibig mong bata ka. Mag-ingat ka ha. Galingan mo"

" Naman Nay! Ako pa! Si Incredible Hulk ata ako!" pagmamalaki ko.

" Incredible Hulk?" sabay nilang tanong ni Tito.

" Opo. Yung kulay green na macho!"

" Sino yun?" tanong pa nila.

Haaays. Tama bang pag-usapan to. Aalis na nga ako eh. Epal ka incredible hulk. Ginulo mo kami!

" Tama na Nay. Hayaan niyo na yun. Tito! Ingat kayo ah! Mahal na mahal ko po kayo! Pag-uwi ko dito. Isa na akong matagumpay na Althea Melody" sabi ko.

" Siguraduhin mo ha. Nandito lang kami. Susuportahan ka namin" sabi ni Tito.

Sa mga huling sandali ay niyakap naman nila ako ng mahigpit na mahigpit. Nararamdaman ko talaga ang pagmamahal nila sa akin.

Naglakad na ako palabas ng bahay.

" Mamimiss ko talaga sila" sabi ko sa sarili ko.

" Anyang!"

" Ay pusang malaki ang pwet!" Yikes. Ang bastos ko XD

" Para sayo oh!" Inabot naman sa akin ni Pen yung bracelet. Gawa sa kahoy yung bracelet. Ang dami ring iba't ibang kulay.

" Gawa mo?"

" Ay hindi baka gawa mo?"

At namimilosopo pa to ah? ><

" Che. Sige na. Mahuhuli na ako. Ingatan mo sila Nanay at Tito ah"

" Oo ba. Ingat ka rin"

" Sige. Mamimiss kita Pen"

" Ako rin Anyang" sabi niya at niyakap ako. Haay mamimiss ko talaga tong bestfriend ko. Kahit papano ang dami na naming napagsamahan. Siya si Pen, Stephen Valdez. Bestfriend ko.

Pagkatapos nun sumakay na ako ng jeep papuntang pier. Haaay. Mamimiss ko talaga ang pamilya ko.

Sisiguraduhin ko na pagbalik ko dito, matagumpay na ako..

*******

Nasa daungan na ako ngayon, hinahanap ko si Sir Jim, yung nag offer sa akin na mag-aral ako dito.

Grabe yung barko kanina. Woah. Sobrang laki! Ang dami pang mga gamit. Ang dami ring iba't ibang kulay ng mga ilaw. Ang ganda talaga PROMISE.

Maya maya nakita ko si Sir Jim na papalapit na sa akin.

" Sir Jim!"

" Althea, kumusta ang byahe?"

" Ayos po! Grabe yung mga pagkain doon, puro karne tapos ano meron pa silang cabinet na malamig!"

Oo. Yung nilalagyan ng tubig tapos mga pagkain para lumamig. Grabe. Ang galing talaga non!

" Cabinet?"

" Opo "

" Baka Refrigerator?"

" Ah opo! Yun nga! Yun nga! Narinig ko kanina. " sabi ko habang tumatalon at nakangiti ng malaki.

Refrigerator pala ang tawag doon? Hindi ko alam eh. Pasensya na =_=

Malay ko ba?

" We'll have to go now, Ihahatid na kita kay Tita Sally mo"

Oo nga pala, kay Tita Sally ako makikitira ng pansamantala. Si Tita Sally yung kapatid ni Nanay Maria. Sabi ni Nanay, mabait naman daw yun kaya wala daw akong dapat ipag-alala.

" Teka lang po. Naiihi po kasi ako, nasaan po ba ang CR dito?"

" Diretsuhin mo lang tapos pumasok ka doon" saba turo niya sa may puting pintuan.

" Sigurado kayo?" Nagtataka kong tanong.

" Ha? Oo naman. Bakit?"

" Ang laki naman po nyan! Parang bahay na yan ah"

" CR yan hija"

" We? Hindi nga po?" pagpupumilit ko

" Oo nga. Hala sige. Dalian mo na"

" Ah sige po"

Dumiretso naman ako doon sa CR na tinuro ni Sir Jim. Grabe talaga. Hindi ako makapaniwalang ganito ang mga banyo dito. Parang bahay na to ah? Tapos ang laki pa ng salamin.

Syempre sa LADIES AKO PUMASOK. ALAM KO NA IBIG SABIHIN NUN =_=

Pumasok na ako sa loob. Haaays. Salamat. Akala ko maiihi ako sa daan eh. Baka sumabog 'tong buong lugar kung sumabog tong pantog ko. Biro lang =_=

Nung natapos na ako, hinanap ko naman yung tabo?

Teka bat walang tabo?

Ang babastos naman ng mga tao dito? Hindi ba sila nagbubuhos?

Huy ah. Kahit naman galing ako sa probinsya marunong ako maglinis ng dumi na galing sa akin.

Lumabas muna ako para magtanong kung nasaan ang tabo.

Nakakita naman ako ng isang babaeng nagsasalamin.

Wow ang ganda niya. May make-up siya. Ang ganda niya talaga. Maputi, makinis, matangkad. Kumpleto. Nakakahiya naman lumapit sa babaeng to.

" Ahm. Miss? Nasaan po yung tabo?"

" Tabo?"

" Opo"

Ano to 'te? Maganda ka nga. Tanga naman. Paulit ulit?

" Walang tabo dito "

" Po? Eh paano niyo binubuhusan yung ano--- yung alam mo na.."

" With the use of Flush"

" Flush?"

" Oo. Wait, I'll show you"

Wow. Ang bait

Pumasok naman siya sa loob ng pinag-ihian ko.

Wahahaha. Nakakatawa naman to? Hindi siya maarte ah? Galing. Akala ko kasi yung mga taga-Maynila mga mapangmata. Yun kasi ang mga pananaw ng mga kababayan ko sa probinsya namin. Kaya yun din ang natatak sa isip ko..

" Nakikita mo ba to?" sabi niya sabay hawak doon sa bakal na nakadikit sa may inidoro " Itulak mo lang 'to" sabi niya.

Eh si ako naman, tinulak ko. Syempre excited. Hindi ko naman kung ano yun.

" Woah" sabi ko. Nakakagulat kasi eh. Biglang may mga lumabas na tubig

" Hahaha. Nakakatuwa ka naman. Sige una na ako ah" sabi niya at naglakad na paalis.

" Salamat ah" sabi ko.

Wow. Grabe, kakaiba talaga dito. Sana maranasan rin ito nila Nanay. Haaay. Iniisip ko pa lang na ako na lang ang mag-isa dito. Naluluha ako.

Pero kailangan ko tong gawin para sa kanila.

Lumabas na ako ng CR.

Tumakbo na ako papunta kay Sir Jim.

* BLAAAG *

=_____= Malas may nakabangga pa ako. Tinignan ko naman yung nakabangga ko.

Oyy Te. Joke lang, Hihihihi. Jackpot ako! Ang gwapo. Matangkad. Maputi. Mukhang mayaman. Woooow. Hahahaha.

Hoy Althea! Wag ka ngang lumandi dyan. Baka mamatay ka ng hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.

" Ayy kuya! Pasensya na ah. Nagmamadali kasi ako eh"

" Tsk. Be careful. Tignan mo ang dinadaanan mo. Waste of Time" sabi niya at umalis na.

Aba?! Ang yabang. Akala mo kung sino. Nabangga lang akala mo naman, nadapuan ng malalang sakit nung nakabangga ako.

Tsk Tsk ka pa diyan. Haaay makakarma ka din.

Dumiretso na ako kay Sir Jim, kinuha niya yung mga dala ko at isinakay sa kotse niya. Ako din sumakay na.

Wow Sir Jim. May sariling kotse! Yaman ah!

Makalipas ang kalahating oras, ibinaba niya ako sa isang bahay.

Wow. Maganda din ang bahay. Nukkkssss ^_____^

" Dito ka muna titira pansamantala" sabi ni Sir Jim.

" Eto po ba yung bahay ni Tita Sally?"

" Oo "

Pagkatapos noon, bumaba na kami at inihatid na ako ni Sir Jim sa loob ng bahay.

* Tok tok tok *

" Magandang Gabi po " pagbati ko.

Wow. Ang ganda pala ni Tita Sally. Tanaw ko rin mula rito yung mga anak niya. Okay? Mukhang mataray yung isa ah. Pag ako naasar tutusukin ko yan ng lapis ko dito.

" Ikaw na ba yan Althea?"

" Opo "

" Aalis na ako. Susunduin kita dito ng 7:00 am Althea. Pupunta na tayo sa Southville Academy " sabi ni Sir Jim.

" Okay po. Salamat po "

" Sige " sagot ni Sir Jim

Pinapasok na ako ni Tita Sally sa loob, napansin ko naman na todo titig sa akin yung isa niyang anak.

Hala sige? Titigan mo pa ako. Susunugin kita dyan.

" Ang laki mo na. Balita ko first honor ka ah?"

" Opo "

" Eto nga pala si Nathalie tapos si Tera "

" Ah Hello " bati ko.

Pero inirapan lang ako nung Nathalie. Hala? Sasapakin ko to pag nabanas ako.

" Teka. Saan ka ng uli mag-aaral?"

" Southville po "

" Wow. Oh sige, kumain ka na tapos magpahinga. Maaga ka pa bukas" paalala ni Tita Sally.

" Sige po "

Kumain na ako, pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko. Marunong naman akong mahiya no.

Iniakyat ko na ang gamit ko sa taas. Tinuro na ni Tita yung magiging kwarto ko.

Bigla ko namang nakasalubong si Nathalie.

" Feel na feel mo na ang bahay namin ah?" sabi niya.

" Hindi naman. Hehehe" sagot ko. Hahahaha. Asarin ko nga to.

" Psh. Sa Southville ka mag-aaral?"

" Narinig mo naman diba?" sabat ko habang nakangiti pa rin.

" Psh. Hoy assumera! Wag kang mangarap hindi ka bagay doon"

" Oh tapos?"

" Hindi mo ba nagegets? Mga mayayaman lang at magaganda ang nag-aaral doon"

" Okay lang yun. Matalino naman ako eh" sabi ko. Hahahaha. Hayaan niyo na ako minsan lang naman ako magyabang.

" Sinusubukan mo ba ako ha?" halatang napipikon na siya.

" Bakit? Mukha ba? Ay nako teng. Itulog mo na yan. Inaantok ka lang"

" Psh! Babalikan kita!" pagbabanta niya.

" Sige. Antayin kita" sabi ko habang humihikab.

" Ugggghhhh" sigaw niya habang nagdadabog pababa ng hagdan.

Hahahahaha. Ang dali namang mapikon nung babaeng yon.

Pumasok na ako sa kwarto ko..

Waaaahhh *O*

Ang laki ng kama. Malambot pa. Sarap ng tulog ko nito ! ^____^

Nahiga na ako.

Napaisip din tuloy ako.

Kinakabahan ako. Ano kayang mangyayari pagpasok ko sa Southville bukas?

Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko. Bagong mundo ang papasukin ko. Maraming mata ang manliliit at mang-aalipusta sa akin.

Wow. Ang drama XD

Basta. Bahala sila. Hindi naman sila ang ipinunta ko dito eh. Ang gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral.

Continue Reading

You'll Also Like

494K 14.3K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
194K 9.4K 55
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
36.6K 2.6K 22
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
924K 82.3K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...