She's Mine

Da WhenIsayHans

2.4K 90 2

She's Mine By: WhenIsayHans Paano mo malalaman kung siya na nga ang naka Tadhana na makakasama mo? Paano mo m... Altro

Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter thirteen

Chapter Nine

116 7 0
Da WhenIsayHans


BRIX'S P.O.V

12:30 AM na. Hindi parin ako makatulog. Iniisip ko parin si Shantal. Ang hirap pala talagang mag move on lalo na kung First Love mo. Bata palang kami gustong gusto ko na sya. Ang kaso lang, Hindi ako ang gusto nya. Sa totoo lang, umpisa pa lang naman sinabi at pinararamdam na sakin ni Shantal na hanggang kaibigan lang talaga ang level ko sa buhay nya. Ako lang talaga ang makulit.

Hay, Puso. Ba't di ka nalang mag mahal ng iba? Yung kayang mahalin ka rin pabalik.

Siguro, kailangan ko na talaga umpisahang mag move on. Pati si Sky dinamay ko dahil lang sa sya ang gusto ni shantal at hindi ako.

Biglang nag ring ang phone ko.

Si Shantal.

Sasagutin ko ba? Ano ba kasing pinag gagawa ko.

Pero wala rin akong nagawa, sinagot ko rin.

"H-hello?"

"Hello, Brix?"

Pinilit kong kausapin sya ng maayos. Na parang walang nangyari.

"Oh, Shantal. Napatawag ka? Na miss mo ko no? Hahaha"

Sumagot ka ng Oo, Please.

"Brix naman eh."

Awww. :'(

"Biro lang. Pero bakit ka nga napatawag?"

"Sorry. Alam kong nasaktan kita kanina."

Di lang nasaktan. Na durog pa.

"Di mo kailangan mag sorry. Nag sabi ka lang naman ng totoo sakin. Ako lang naman tong' makulit."

Oo. Pinipilit ko sarili ko sayo. Bobo ko lang.

"Sorry talaga, Brix."

"Ano ka ba. Di ako sanay na ganito tayo ka seryoso mag-usap. Awkward! Hahaha."

"Hahaha. Oo nga. Kaibigan talaga kita. Akala ko hindi mo na ako kakausapin ulit."

Ouch! Heto nanaman tayo sa 'kaibigan' moment.

"Hindi ah. Matitiis ba kita?"

"Salamat, Brix. Salamat."

"Sige na. Mag pahinga ka na. Bye, Shantal."

Binaba nya na ang telepeno.

Masakit parin. Masakit parin tangapin ang katotohanan na kahit kailan hindi mapapa sayo yung taong matagal mo ng gusto.

Napa-hinga na lang ako ng malalim. Bakit parang pakiramdam ko ang unfair ng tadhana saakin? Hays.


                          ***


SKY'S P.O.V
Hawak ko ngayon ang isang I.D at sa tingin ko, kay 'Supergirl' to. Nahulog nya siguro habang paalis sya. Bakit kasi sya madaling madali. Baka late narin siguro sya.

So, Cleigh Lopez pala ang pangalan nya. Napangiti nalang ako habang tinitignan ang Picture sa I.D nya. Yung ngiti nyang nakakahawa.

Binaliktad ko ang I.D at may nakita akong cellphone number nya. Baka kanina parin nya ito hinahanap.

Tinext ko yung number.

"Hi. Is this Cleigh Lopez?"

Hindi nag tagal, nag reply din sya agad.

"Yes. Who's this?"

"Ako kasi yung nakapulot ng I.D mo. Baka kasi kanina mo pa hinahanap." -Sky

"Thank God! Salamat. Kailan ka free? Para makuha ko na din yung I.D."-Cleigh

"1 pm?"-Sky

"Awww. Hindi ka ba pwede ng 8:00 AM? Kailangan ko kasing pumasok sa trabaho."-Cleigh

"Oh, Sure. Sige, around 8:00 am sa Crafts cafe."-Sky

"Sige. Salamat! Salamat talaga."-Cleigh

Hindi ko alam kung bakit may excitement akong nararamdaman ngayon. Ang weird lang. Pag nakikipag usap naman ako sa ibang Fans, hindi ganto yung nararamdaman ko. Ewan ko ba. Baka antok lang to'

~

7:00 Am nag ring na yung alarm clock ko. Pero First time ko na mauna magising sa Alarm na sinet ko.

Bumangon agad ako at nag asikaso. mamayang 3 pm pa naman ang photoshoot ko.

7:45 na ako natapos mag asikaso. Ilang minutes lang naman ang i-dadrive ko papunta sa cafe. Malapit lang naman kasi yun sa condo ko.

Pagdating ko sa cafe saktong nag text si Cleigh.

"I'm already here. Nasaan ka na? Anong kulay ng suot mo?"

Natawa ako sa sarili ko. Para akong isang High school student na makikipag meet sa katext-mate nya. Haha

Iginala ko ang mata ko sa loob ng cafe. Nakita ko na sya. Tinitignan nya ang bawat pumapasok sa loob ng cafe. Wala syang idea na ako ang nakapulot ng I.D nya.

Nireplyan ko sya.

"Gray Hoodie."

Pag tapos nyang ma-received ang text ko, pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kinauupuan nya.

"Cleigh Lopez?"

Agad naman syang ngumiti at sumagot.

"Ahmm. Ikaw po ba yung naka pulot ng I.D ko?"

Tinanggal ko ang Shades ko at tumingin sa kanya.

"Yes. Heto na yung I.D mo."

Nang makilala nya ako, bigla nyang tinakpan ang bibig nya na tila nagulat. Talagang nilapit nya ang mukha nya para lang masiguradong totoo ako at hindi panaginip.

Ang cute lang.

"S-sky?! Ikaw nakapulot ng I.D ko?"

"Hahaha. Oo, nalaglag mo sa tent ko kahapon."

Napakamot sya sa ulo.

"Ang burara ko talaga. Pasensya na ha. Naabala nanaman kita. Nakakahiya."

"It's Okay. Wala rin naman akong gagawin ngayon. Tsaka hindi ka makakapasok sa work kung hindi ko ibibigay sayo, diba?"

Tumango sya bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.

"Salamat talaga. Pero dahil dyan, ililibre kita ng kape."

Bago pa ako makatangi, tumayo na sya at dumiretso sa counter para umorder.

Pagtapos ng ilang minuto bumalik na rin sya sa upuan.

"Nakalagay sa I.D mo na nag wo-work ka sa VS?"

"Ah. Oo, 3 months palang ako sa VS."

"I see."

Ilang minuto lang, dumating na yung coffee.

"Ah.. Sky."

"Yes?"

"Salamat ulit."

Ngumiti sya sa akin.

"Thank you din."

Tumingin sya sa akin na may halong pag tataka.

"Para saan?"

"Para sa kape."

"Hahaha. Wala yun."

Tumingin sya sa wristwatch nya at bigla nyang inayos ang bag nya.

"Ah sky. Kailangan ko ng umalis. Malilate na ako eh."

"Ganun ba? Hatid na kita."

"Hindi na. Malapit lang naman yung office dito. Sige na, Salamat! Bye."

Nag wave muna sya saakin sabay labas ng cafe.

Continua a leggere

Ti piacerร  anche

1M 33.7K 60
๐’๐“๐€๐‘๐†๐ˆ๐‘๐‹ โ”€โ”€โ”€โ”€ โi just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!โž ๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ jude bellingham finally manages to shoot...
1M 18.4K 43
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...
145K 5.3K 88
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
92.5K 5.1K 35
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ค ๐ข'๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ ๐ฎ๐ฉ ๐š ๐Ÿ๐ซ๐ž๐ž ๐ญ๐ซ๐ข๐ฉ ๐ญ๐จ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ๐ฒ? ๐ข ๐ฅ๐ข๐ญ๐ž๐ซ๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ค๐ž๐ž๐ฉ ๐ฆ๐ฒ ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ข๐ง ๐ฆ๐ฒ ๏ฟฝ...