Out of Bounds (Ugly Past Seri...

Por Crizababe

16.2K 350 59

UGLY PAST SERIES #2 If your heart gets broken, who will save you? And if you fall again but it's out of bound... Más

Out of Bounds
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18

Chapter 17

361 8 0
Por Crizababe

Chapter 17

Sophie


"Drink this up," sabi ko. Tinabihan ko si Maisie at inalok sa kanya ang kapeng hawak ko. She sniffed while clutching the handkerchief on her hands. There were dark circles around her eyes and it's starting to water again with tears. Kinuha niya ang kape at pilit na ngumiti.

"Ganito rin ba ang naramdaman mo noong namatay ang Papa mo?"

Nakikita ko ang sarili ko kay Maisie. I've been through with this pain when I lost my father years ago. Hindi naging madali sa akin iyon lalo na't si Papa na lang ang natitira kong pamilya.

Napatingin ako sa kabaong na nasa harapan namin. All of these scenarios were familiar to me. Namatayan ng ama si Maisie at hindi ko mapigilan na hindi masaktan. Hindi na ibang tao sa akin ang mga magulang niya kaya naiiyak rin ako sa mga nangyayari sa buhay ng kaibigan ko ngayon. They were nice people to me.

What's worse is she broke up with Kyle when she found out the whole truth that Kyle was just using her to avenge his parents' death. It's already the last day of Mr. David Elizalde's wake but I've never seen Kyle around. Tama lang din naman.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ni Maisie because I know she's not only grieving for her father's death, she's also hurting from her failed marriage with Kyle.

"The pain was unbearable and it took me a long time before I moved on. Sa lahat ng sakit na naranasan ko, ang pagkawala ni Papa ang pinakamasakit," hinawakan ko sa kamay si Maisie at ningitian siya. "Pero alam kong malakas ka Maisie. You may grieve today or for how long you want, but it will eventually heal. Malalampasan mo rin ito. Kahit na wala na kayo Kyle, kahit sabay pang nawala ang dalawang lalaking importante sa buhay mo. Remember, you still have Tita Cecille kaya huwag ka sana panghinaan."

Mahinang tumango si Maisie. I squeezed her hand and gently rubbed her back. Naputol ang usapan namin ni Maisie nang may naghanap sa kanya mula sa mga bisita. Pinuntahan ko na lang si Tita Cecille at sinamahan siya.

Nang lumalim ang gabi ay nagpasya na akong umuwi. Nagpaalam ako kina Maisie at sa ina niya bago tuluyang umalis.

May kailangan pa akong tapusin na mga last minute requirements bago ang finals. Malapit na ang final exam and I need to focus on passing it. Pagkatapos ng finals ay simula na ng internship ko. Maisie decided to have her experience abroad habang ako naman ay maiiwan dito. Sabay sana kami ng kaibigan ko kung hindi lang ako nakapangako kay Derrick.

Speaking of, magkikita kami ni Derrick bukas para sa contract signing ng internship ko sa company nila. He gave me the address of their building a few days ago pagkatapos ng maliit naming alitan sa condo niya.

That was a reckless move to be honest. Gusto kong sabunutan ang sarili ko tuwing naaalala ko ang gabing iyon. Kung hindi lang ba naman ako sensitive at OA, hindi iyon mangyayari. Nakakahiya ang inasal ko sa kanya. I swear hindi na ako uulit.

Ayokong isipin ni Derrick na nanghihimasok ako sa buhay niya. Kasi naman 'di ba, kaibigan lang ako. Hindi ako girlfriend para umasta ng ganoon.


Tinignan ko ang sarili ko sa rear view mirror ng sasakyan, I put on a nude lipstick and puckered my lips. I checked myself for the last time before deciding to go out of my car. I parked my car outside the building. Tiningala ko ang taas ng building nila Derrick. So this is their empire. Halatang hindi basta basta ang negosyo na pinapatakbo ng pamilya nito. Sumisigaw ito ng karangyaan kahit ang labas pa lang ng building ang nakikita ko.

A guard opened the glass door for me when I came in and I directly went to the front desk to confirm my appointment.

"Hi! I'm here to see Mr. Derrick Castillo," I informed the receptionist.

"Do you have a scheduled appointment today Miss?" she gave me an accommodating smile. Hiningian ako ng ID at pinaghintay sandali para ma confirm ang schedule at identity ko.

Habang naghihintay ay inaliw ko ang sarili sa interior design ng lobby. Sa likod ng front desk ay makikita ang malaking pangalan ng kompanya. Castellum International.

"Alright Miss Lim, please proceed to 16th floor, conference room."

Tumango ako sa receptionist at kinuha ang ID ko. Dumeretso na ako sa elevator upang tumungo sa 10th floor. Tinignan ko ulit ang suot ko mula sa salamin ng elevator. I wore a black sleeveless dress and paired it with black pumps. Hindi naman siguro ako overdressed para sa isang contract signing.

The elevator tinged when I arrived on the floor. Sakto naman paglabas ko nang mabunggo ako sa isang tao. Muntik na akong matapilok kung hindi lang ako nalalayan ng taong nabunggo ko.

"Oh, sorry!" Agad kong sabi. I steady myself and looked up to the person.

"Are you okay?" A man in his fifties asked. Naka full corporate suite siya at may kasama siyang dalawang lalake sa likuran na mukhang nabigla rin sa nangyari. The old man looks familiar to me, I think I saw him somewhere but I just can't remember where and when.

I smiled and arranged my dress. "Yes, thanks for the concern. Sorry ulit."

Ngumiti lang ang matandang lalake at tumango sa akin. Akala ko ay makakahanap na naman ako ng gulo. Buti na lang ang mukhang mabait naman siya. Nauna ang isa sa mga kasama niya at lumapit sa pinto ng elevator para pigilan ito sa pagsara.

"Sir, the elevator is ready," ani ng lalakeng malapit sa elevator. Tumango ako ulit sa kanya at dahan dahan ng umalis.

I think those two guys with him are his assistants. Baka isa 'yon sa mga share holders or managers ng kompanya. O kaya isa sa mga investors. Napailing ako. Hindi pa nga ako nakakapirma ng kontrata ganito na agad ang nangyari. Huwag naman sana mag tuloy tuloy ang kamalasan ko. Ayokong magka bad record dito sa kompanya ni Derrick.

When I opened the door to the conference room, ang akala ko'y makikita ko si Derrick. Nadismaya ako na isang may edad ng babae ang sumalubong sa akin at iginiya ako para maupo.

"Good morning, I guess you are Sophie Lim. Am I right?" masayang bati sa akin ng babae. Base on her poise and aura, I bet she holds a high position in this company. Hindi pa naman siya mukhang matanda pero mukhang may anak na.

Ngumiti ako at tumango. "Yes, Ma'am. And you are?"

"Pattie Hidalgo, Senior Trainer. Sir Derrick won't be here with us. Please have a seat," anyaya niya. "You were recommended by the chief operating officer. So far ikaw pa lang ang ka isa isang intern na personal niyang nirekomenda. That was a first. Kaya kaming lahat sa training department nagtataka kung bakit biglang ganoon. How do you know each other?"

Was it really necessary to ask that? Wala pang isang minuto kaming magkausap pero nakutuban ko na agad na mukhang gusto lang may ma ichismis itong senior trainer nila sa kapwa empleyado niya. Ayoko maging laman ng chismis dito sa kompanya kaya mas mabuting huwag na lang patulan pa. Like what I said a while ago, I don't want to have any bad records.

"We're friends," simple kong sagot.

She smiled knowingly like she's trying to dig deeper into those words, trying to see if she can get something more out of it.

"Anyway, it's really nice to meet you Ma'am Pattie. Oh, is that the training contract that I need to sign?" ani ko habang tinitingnan ang folder na hawak niya.

Agad naman siyang tumango at umayos sa pagkakaupo. She averted her eyes to the contract and started discussing the terms and conditions of my training as their intern. Naging professional na ang pakikitungo niya which was better than her first actions.

She discussed that I will be given training allowance during my stay in their company and she briefly gave an orientation about the policies of the company as well.

"We will assign you on the HR department since doon naman in line ang course mo. You will do weekly rotation from recruitment, personnel relations, compensation and benefits, and training. So that means, may mga araw na ako ang makakasama mo dahil sangay rin naman ng HR and training department."

Wala rin pala akong ligtas sa kamay niya. Makakasama ko pa rin siya sa isang team. I need to ride along with her kahit medyo may pagkamakulit itong si Ma'am Pattie.

"Before you formally start your internship next month, I will orient you as early as today about the background of Castellum International," pagpapatuloy niya. Hinayaan ko siyang mainobrehin ang laptop niya at pagkatapos ng ilang segundo ay nag flash sa white screen and presentation niya.

Ma'am Pattie presented the history of the company and how it was established by the Castillo family. This company was operating for almost 30 years already and until now it's still on the top of the shipping line industry.

Napamangha ako sa mga nalamang impormasyon at ipinakita rin sa powerpoint niya ang mga litrato ng iba't-ibang branches ng Castellum International sa buong bansa pati na rin ang mga ports, wharfs, at depot na nagkalat sa buong mundo.

Then she flashed a picture of a man in his late fifties. "This is our current CEO, Sir Tirso Manuel Castillo."

I think he was the man I saw a while ago. Siya 'yong nabangga ko kanina paglabas ko sa elevator. Oh, fuck! Ngayon ay mas nanlumo ako sa sarili ko. Nakakahiya ka talaga Sophie! How could you be so clumsy in front of the CEO? It's the fucking owner and president of this company, you heard?!

Ma'am Pattie continued saying things about the CEO's personal background but I was left with my own thoughts of how reckless I am. Stupid Sophie!

Naibalik lang ang tingin ko sa screen nang nag flash roon ang litrato ni Derrick.

"And for the COO, I believe you're already familiar with him since he's your friend. Hindi na ako masyadong magtatagal sa part na ito dahil alam ko naman na alam mo na ang tungkol sa buhay ni Sir Derrick Hugh Castillo."

On his picture, he was wearing a reserved smile. Sa kuha niyang ito ay nagmukha siyang mas professional and intimidating but oh boy he looks dangerously handsome like he could demand like a king to drop my panties on the floor and I would still say thank you.

Tumikhim ako para iwaksi ang mga naiisip ko. "By the way, nasaan po ba si De- I mean Sir Derrick ngayon, Ma'am Pattie?"

"Nasa meeting siya ngayon. Nasa executive lounge, sa tapat lang ng room natin. Why?" her eyes brightened up like she's very eager to know my reasons. Unti unti ring sumilay ang mapang-asar niyang ngiti sa akin.

"Ah, wala naman po. Just asking," dahan dahan siyang tumango pero nanatili pa rin ang ngiting iyon sa labi niya.

Pumirma ako sa contract pagkatapos niyang mapaliwanag sa akin ang lahat ng nakasaad roon. Pagkatapos ng finals, internship na ang aatupagin ko at magsisimula na ako bago pa man matapos ang buwan na ito.

I was about to stand up to formally shake hands with Ma'am Pattie when she suddenly fired up an unexpected question.

"Sure ka ba talaga na magkaibigan lang kayo ni Sir Derrick?"

Nabigla ako at wala akong naisagot agad. Mahina akong tumawa at napayuko. "I'm not sure what you're trying to say Ma'am Pattie."

"Huwag kang ma o-offend ha pero bagay kayo ni Sir Derrick. Kung kayo magkakatuluyan, for sure magiging maganda ang bunga niyo," nahihiya niya pang sabi sabay tawa.

I think I blushed and I hate to say that I liked her idea.

"Oh my gosh! Ma'am, wala pong namamagitan sa amin. Magkaibigan lang po talaga kami."

Ang kulit niya talaga. Paano ba siya naging senior trainer? Kung makipagkulitan sa isang intern gaya ko ay parang teenager din ang dating niya. At first I was guarding myself from her because I wanted to avoid being the topic of the mob but now that she's talking things like these, biglang nag-iba ang tingin ko sa kanya. I have to admit, she's cool.

Hindi ko maiwasan na hindi matawa sa mga pinagsasabi niya. Napailing na lang ako knowing how silly this is.

"Pero alam mo, may kamukha ka," ani niya ng mahimasmasan siya mula sa pagkakatawa.

"Sino po, Ma'am?"

"Huwag na. I don't want to offend you."

"I can take that," I said challengingly.

Ngumuso siya habang sinasara ang powerpoint sa laptop niya bago ako binalingan. "Hawig mo yung kinakasama ni Sir Tirso, mistress to be exact."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May ibang babae na pala ang ama ni Derrick. Iyon ba ang dahilan kung bakit naghiwalay ang magulang niya? Hindi ito naikwento sa'kin ni Derrick. Ang akala ko ay sadyang naghiwalay lang ang magulang niya sa ilang personal na dahilan. I didn't expect it was because of infidelity.

Naalala ko tuloy si Felicia, 'yong mayordoma ng mga Castillo sa Davao. I remember she told me that I look like someone she knew. So she was referring to Sir Tirso's mistress?

Pilit akong ngumiti kay Ma'am Pattie kahit na medyo nagambala ako sa mga nalaman ko. "But I'm way smarter and more beautiful than her," I jokingly said.

Tumawa siya at tuluyan ng sinara ang laptop. "Of course you are," she winked at me.

Seguir leyendo

También te gustarán

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.5M 34.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
2.5M 100K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
175K 3.3K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...