A Heart's Antidote (Diamond S...

By pixieblaire

606K 16.3K 1.8K

He doesn't have a heart. A literal heart. Not until one day... fate started doing experiment in their lives... More

A Heart's Antidote
1 - Identity
2 - The Root of Diamond
3 - Mutual Help
4 - Bagong Buhay
6 - Nasaan Na
7 - Kiss of a Guardian
8 - Mission
9 - First Time
10 - Manliligaw
11 - I Love You
12 - Magic Dimension
13 - The Art of Doubt
14 - Accept Me
15 - Heavenly Bodies
16 - Ang Itlog
17 - Acceptance
18 - Love Feels
19 - The Owner
20 - Ang Prinsipe
21 - Darkness
22 - Compromise
23 - I Am
24 - Stone
25 - Final Battle
Epilogue
Announcement
Diamond Series Installment #2

5 - Pangitain

23.9K 607 41
By pixieblaire

Chapter Five
Pangitain

Kinagabihan ay kumain na kami ng hapunan ni Kierre. Batid ko ang pagkauneasy niya dahil paniguradong laging nauutot ang pakiramdam niya. Tawa naman ako nang tawa sa mga reaksyon niya at sa muka niya mismo.

"Ayos ba tiyan natin dyan ha?" sabi kong nang-aasar pa rin.

"Ha? Oo naman. Ayos na ayos. Fwuuuut!" at humagalpak nanaman ako ng tawa.

"Ang baho Kierre! Ano ba naman yan! Ututin ka na ba ngayon ha?" pangbubwisit ko pa.

"Mond, may kinalaman ka dito no? Anong ginawa mo saken!"

"Read my mind then. Hahahahaha!"

"Hindi ako nakakabasa ng isip! Dia naman ibalik mo na sa dati! Dia please!"

"Dia what?"

"Mond! Alisin mo na 'tong.. Fwuuuut!"

"HAHAHAHA."

"Fart spell.. Fwuuut!"

"HAHAHAHA AYOKO NGA. Magdusa ka dyan. Ako pa pinagkatuwaan mo sa pangalan ah. Emerald? Bakit di mo sinabing may Emerald ang bago kong identity ha? Oh yan, ikaw naman pagkakatuwaan ko ngayon."

"Huhuhuhu. Mond. Bagay naman kasi sayo ang may pambabaeng name. Mond ibalik mo na please. Ayoko na nito."

"Sino bang may ginusto ang fart spell? Hahahaha!"

"Huhuhuhuhu. Sorry na Mond. Di na mauulit. Sa next identity mo, pangbarako o machong pangalan na ang ibibigay ko sayo. Huhuhuhu."

And voila. He said the magic word. Yun lang naman ang pagvoid sa spell na yun.

"Hoooo! Thank you! Sumakit ang pwet ko dun ah!"

"Next time talaga na maga-adik adik ka pa, malilintikan ka nanaman sakin."

"Opo bossing. Pero uy, nakarami ka yatang gamit ng spells ngayon? Baka matrace na tayo niyan." Bigla akong natauhan. Hala. Oo nga pala. The more na gumagamit ako ng magic, the more din ang posibilidad na matrace nila kami.

I'm also wondering, yung nangyari kanina, bakit kaya? Bakit kaya sa rooftop ako ng isang school building napunta at si Kierre naman ay doon sa bukana ng Fortress? Bakit hindi dito sa loob ng mansion. Tinanong ko si Kierre kanina, hindi niya rin mapagdugtong ang mga nangyari. Pagkatapos daw ng spell ko kay Franzes sa Circle of Insignia, namulat na lang daw siyang nandoon na siya sa bukana. Hindi naman siya makaalis dahil nastuck nga siya doon sa ugat ng puno ng lagim.

Nakakapagtaka. Nakakapaghinala.

Hindi kaya, isa itong pangitain?

Pero pangitain ng ano?

"Kierre, tara sa silid." Niyaya ko si Kierre doon sa silid ko kung saan nakapaloob ang lahat ng libro, gamit, ornaments, at iba pang related sa wizardry at magic. Syempre, kahit nandito kami sa mundo ng mga tao, kailangan pa ring may alam kami tungkol sa aming lahi.

"Sa tingin ko, malapit na ang pagtutuos. Marami ng senyales ang dumating Dia. Yung predictions ko, yung panaginip mo, at yung nangyari kanina na sa ibang lugar tayo napunta imbis na dito. Isipin mong maiigi kasi ako, ang lakas na ng kutob ko."

"Pero isipin mo ring maiigi Kierre, bakit nila ako ipapapatay gayong immortal naman ako? Pano ako mamatay? Sige nga."

"Eh kasi nga, hindi nila alam na immortal ka. Memory gap lang?"

"Siraulo ka ba? Eh kung alam nilang hindi ako immortal edi sana hindi na nila ako hinahanap ngayon kasi sa malamang ay patay na ako sa panahong ito. Tungaks ka talaga eh no?"

"Tss. Eh pano na nga? Bakit ka pa rin nila tinutugis? Sige nga kung magaling ka talaga." At nagmake-face pa sa akin si Kierre. I was left unspoken. Hindi ko rin alam ang sagot.

"Kita mo na. Speechless ka master. Hay nako, teka makapag-CR nga muna." Sabi ni Kierre at tumalikod na.

"Oopps. Sorry." Nabangga niya kasi yung isang shelf dito. Nahulog yung aking Ringlack at yung Elemental Girdle.

Pupulutin niya na sana pero pinigilan ko dahil may napansin ako.

"TEKA! Wag!" saka ako lumapit.

"Yung girdle, hugis puso." Napalingon naman sa akin si Kierre at nagtawa bigla.

"Ang cheesy mo Dia ah! Pati ba naman yang girdle pinagdiskitahan mo? Ano yan ha, senyales din? Hahahaha! Malala ka na." hindi ko na pinatulan ang pangaalaska niya at lumuhod ako para pulutin ang mga nahulog.

"Ikaw na mismo ang nagsabi, mula sa mga sunod-sunod na pangitain, ngayon pa ba tayo magwawalang-bahala? Kahit ang mga simpleng bagay na ganito ay hindi dapat pinapalampas."

"Okay, so kung senyales din yan. Anong ibig sabihin niyan Dia? Hugis puso. Heart. THAT'S IT!"

"What?"

"Heart Dia! Heart!"

"Oo nga, heart nga. Oh eh anong meron?"

"Ang puso mo Dia!" napasinghap ako kay Kierre.

"Wala akong puso diba?"

"Baka naman meron na? Try mo." Kahit alam kong mabibigo lang ako, sinubukan ko pa rin. Tinignan ko ang loob ng dibdib ko, pero wala pa rin. Walang pusong nakalagay doon. Empty.

"Hmmm. Bakit ganun? Alam mo Dia, nagtataka pa rin ako magpahanggang ngayon. Sa loob ng daang taon, isip isip ko pa rin.. bakit kaya wala kang puso?"

"Because I was cursed." I decided to break the bulk na. Sinabi ko na kay Kierre ang lahat. Inamin ko na sa kanya ang nalaman ko. Gulat na gulat pa siya nung una pero he started wondering again.

"Dia, you're just cursed that you'll die if you love. Pero wala naman sa sumpa na tatanggalan ka nila ng puso. Right?" he's damn right.

"Yes."

Natigilan siya saglit dahil nag-iisip siya. "I am thinking, baka may mga cast outs sa sumpa nila?"

"Cast outs?"

"Sa kahit anong spell o sumpa, hindi naman maiiwasang may tumalsik o kumawalang spirits, elements, o counteracts. Alam mo yan Dia." Oo nga no. Napaisip ako doon.

"So it means..."

"Maaaring meron ka naman talagang puso. Maybe it was just hidden.. or missing."

"At nasa kung saan lang." dagdag ko.

"Sana lang tama tayo Dia. Pero sinasabi ko sayo, don't put your hopes too high. Alam mo naman ang magic, mapanuya." Iyan ang huling sinabi sa akin ni Kierre saka siya lumabas na ng silid.

Heart... Do I really have a heart?

Pinulot ko na ang girdle at yung Ringlack ko at tumayo na.

Ringlack is my ring for defense. This came from my Gemlack Clan. Defense sa masasama. Mayroon din akong galing naman sa Soverthells, ang aking Soverlace na isang kwintas na mahaba na proteksyon ko naman at ang naagpapanatili sa akin sa iba't ibang identity. Kasama ito sa mga ibinilin ng mga magulang k okay Kierre noong itinakas niya ako patungo rito sa mundo ng mga tao.

Ringlack's function is to defend.

Ringlack. Heart shape.

Defense. Elemental Girdle.

Defend. Heart.

Wait! Parang may mensaheng pinaparating. Pagkabit-kabitin natin.

Defend. Heart. Elements.

Defend your heart by all means.

Oh, shoot! That's it!



***

Vonne Western University

Tumambay muna ako dito sa isang puno sa campus. Tanaw-tanaw ang open field. Napaaga kasi ang pasok ko ngayong araw. Kailangan ko na ulit sanayin ang sarili ko sa estudyante scenarios araw-araw.

Napukaw ang atensyon ko ng isang estudyante sa may kanan ng field. Dinidiligan niya yung mga patay ng halaman. Inayos pa niya yung lupa. Natawa pa ako sa kaweirduhan niya dahil parang pinapalapit niya rin ang hangin sa mga halaman. Saka niya ulit diniligan ng maiigi yung mga halaman. Nakakatawa. May pag-asa pa bang mabuhay ang mga halamang naghihingalo na? At mayroon pa rin palang mga taong nag-aabala sa mga ganyang bagay.

Tuluyan na akong naweirduhan sa kanya nang maaninag kong kinakausap niya pala yung mga halaman. Akala ko kumakanta lang siya kanina dahil bumubuka buka yung bibig niya, yun pala.. kinakausap niya. I tried to read her mind, at ang tanging naiisip niya lang ng mga oras na ito ay "Masayang magdilig ng mga halaman." Pambihirang yan. Sinto-sinto kaya itong babaeng 'to?

"Uy, Edmond!" nabigla ako sa epal na tumabi sakin. Ay joke lang. Si Quendrix lang pala.

"Oh, hi!" bati ko sa kanya.

"Patingin ng sched mo." Nilapag niya ang bag niya at nag-indian sit na sa tabi ko. Aww, nawala ang peaceful moment ko. Binigay ko naman sa kanya yung sched ko.

"Kablock nga kita! Nice. May kakilala ka na ba dito bukod sakin?" umiling ako sa kanya at lumingon ulit dun sa tinitignan kong babae kanina.

"Ahh. Siya si Eni. Kaklase din natin yan. Lagi siyang hyper. May pagkaweirdo pa. Tignan mo ngayon, kausap nanaman niya yung mga halaman." Nanaman? So madalas niya pala itong gawin.

Tumango-tango na lang ako kay Quendrix.

"Tara na Ed. Para makilala ka na rin ng klase. Bakit late ka na nagenroll?"

"Ah kaluluwas ko lang kasi dito." Palusot ko at sumunod na sa kanya. Napalingon ulit ako dun sa babae at laking gulat kong nakatingin na rin pala ito sa akin. Maya-maya pa'y ngumiti ito at kinawayan ako. Hala, weirdo nga.

***

Literature class.

Masaya ang klaseng napasukan ko. Lahat ay magiliw na winelcome ako sa block. Hindi pala ako mahihirapang makisama this time. Sa likod ako umupo katabi ni Quendrix.

Habang iniintay namin yung prof, napansin ko naman ang mga babae sa kaliwa ko. Tinitignan nila ako at nagbubulungan. Haaaay. Kahit magpapalit-palit yata ako ng identity, hindi pa rin talaga nawawala ang mga babaeng umaaligid sa akin. Hindi ako assuming, halata naman kasi talaga. Lalo na ang mga babaeng yun, kahit hindi ko basahin ang mga naiisip nila, alam kong kinikilig silang tinitignan ako. Iba na talaga ang appeal ng wizard. Pano pa pala kung yung totoo kong anyo ang gamit ko? Baka hinimatay na sila. Hohoho.

Ang ingay naman kanina ay nadagdagan nang pumasok si.. Eni? Yung babaeng nakita ko kanina. Ang laki agad ng ngiti niya. "Helloooooo goodmorning!"

"Goodmorning rin Eni!" ganting bati ng iba.

Nilapag niya ang bag niya sa bakanteng upuan. Sa harap ko. Umupo ito at humarap sa akin.

"Hi! Bago ka dito no?"

"Ayan na. Ayan na ang bagyong kakulitan ni Eni." Sabi nung ilan naming kaklase.

Tumingin lang ako sa kanya. Wala akong maireact. Pinapakiramdaman ko pa ang babaeng ito.

Inabot naman niya yung kamay niya sakin. "Ako nga pala si Enikka Dara Tagle. Ikaw si?" pangungulit niya sa akin na pilit pang iniaalay yung kamay sa akin para makimagkamay ako. Nakikita-kita ko na, magiging magulo ang pag-aaral ko kapag kasama ko 'tong babaeng 'to.

"Edmond Em.. Edmond Sioson." Muntik ko nang mabanggit yung Emerald. Pesteks.

"Waaaaaaaaaaah!" nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. "Ang ganda ng pangalan mo. Edmond. Edmond. Edmond." Sinabi niya yan with matching tingin sa kaliwa at kanan at with feelings pa. Takte! Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sa kanya. Haaay grabe, Mond ano ba 'tong napasukan mo?

"Friends na tayo ah? Apir?" natanga na lang ako sa galak na galak niyang ichura. Yung totoo? Never pa yatang sumimangot 'to.

Tumaas na lang yung dalawa kong kilay.

"Dali. Apir apir apir! Dali na. Dali na!" ay hala! Sobrang kulit niya. Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko.

"Okay eto na." at nakipag-apir na nga ako para manahimik na siya.

"Yari ka pare. Goodluck sayo! Mabagsik yang si Enikka!" at tumawa pa yung ilan.

"Wag kang maniwala sa kanila MonMon. Mabait ako. Promise, honest 'to!!!" at ngumiti nanaman siya na halos mawala na yung mga mata niya. Nakakaloko. Kierre, palit na lang tayo. Haaay. And ano daw? MonMon? Da eff?

"Oh! Good morning sayo Quendrix! Kumusta ka? Okay na ba si Ming Ming kitty?" nandilat ang mga mata ni Quendrix at nagtawa yung mga kaklase namin.

"May alaga kang pusa pare?" tanong nila.

"Wag kang maingay Eni!" sabi niya kay Enikka na may tonong medyo inis. Hahaha! Ming-ming ang pucha.

Laking pasasalamat ko't dumating na yung prof. I read his mind, I bet the lesson for today is about myths.

"Goodmorning class!"

"GOOD MORNING SIR POGI!" sigaw ni Enikka.

"Ikaw talagang bata ka. So ngayon, I have a question for the class. Who among you believes in fairytales?"

"AKO SIR AKO SIR! Fairies, and pixies, and dwarfs, and giants, and mermaids, and monsters, and witches, and wizards, and.."

"Shhhhhhh." Sabi ko na nagpatawa sa klase. Humarap sakin si Enikka at nag-belat na lang sakin. 3rd year college na isip bata. Oh great.

"Anyone else? Dahil ang pag-uusapan natin ngayon ay about myths. Totoo nga bang may mga kakaibang nilalang bukod sa atin dito?"

"No. Hindi totoo ang mga fairies, wizards na yan. Kaya nga myths eh diba." Sabi nung maangas naming kaklase na pakilala sa akin ni Quendrix ay si Wenjay Arevalo. Ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi ko makakasundo ang taong yan.

"Hindi kaya! Totoo kaya sila. Totoo ang fairies, may pixies at sprites kaya. Meron ding wizards. May mga mababait at masasamang wizards pa nga eh. Hindi ka ba nanonood ng Harry Potter?" parang batang nagpout pa si Enikka.

"Nanood ako. Gusto mo sample-lan kita? Expeliermus!"

"It's Expelliarmus." Pagcorrect ko pero mahina lang.

"Anong sabi mo? Kebago bago.."

"Class quiet! Wag niyong pag-awayan ang mga simpleng bagay." It's not a simple thing. Spells are precious. Kapag namali ka ng chant, maaari pa itong makasama. Saka isa pa, kinorrect ko na nga siya, siya pa ang galit.

"That will be your project by the end of the sem. Gusto kong gumawa kayo ng 50 pages research about myths. You can use fairies, wizards, or any mythical creatures you want. Siguraduhin niyo lang na may sense ang mga pinaglalagay ninyo doon. I'll explain the details later on. For now I'll end the class this early. May meeting ang English professors. Class dismiss."

50 pages? Sus. Maning-mani. Kahit pa sandamakmak na pages, marami akong mailalagay. Wizardry and magic at its finest!



"Abrakadabra bulaga!" This girl. Aish! First day na first day ko dito bakit kinukulit na niya ako ng ganito?

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
5.9K 267 22
You'll never know what kind of secrets everyone's shadow has witnessed. The people in Valteroz who was scared of their own shadow was now in peace be...
466K 17.5K 43
Kingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niy...
1.1M 53.5K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...