The Despicable Guy Book 2

By shirlengtearjerky

11M 110K 18.7K

Published under Pop Fiction (2014) More

Author's Note
Special Chapter // 1
Special Chapter // 2
Special Chapter // 3
Special Chapter // 4
Special Chapter // 5
Special Chapter // 5.5
TDG Special Chapter // 6
Special Chapter #7
TDG Side Story: Atom & Mara
The Despicable Guy Book 2
TDG Book 2 - Chapter 1
TDG Book 2 - Chapter 2
TDG Book 2 - Chapter 3
TDG Book 2 - Chapter 4
TDG Book 2 - Chapter 5
TDG Book 2 - Chapter 6
TDG Book 2 - Chapter 7
TDG Book 2 - Chapter 8
TDG Book 2 - Chapter 9
TDG Book 2 - Chapter 10
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 12
TDG Book 2 - Chapter 13
TDG Book 2 - Chapter 14
TDG Book 2 - Chapter 15
TDG Book 2 - Chapter 16
TDG Book 2 - Chapter 17
TDG Book 2 - Chapter 18
TDG Book 2 - Chapter 19
TDG Book 2 - Chapter 20
TDG Book 2 - Chapter 21
TDG Book 2 - Chapter 22
TDB Book 2 - Chapter 23
TDG Book 2 - Chapter 24
TDG Book 2 - Chapter 25 <3
TDG Book 2 - Chapter 26
TDG Book 2 - Chapter 27
TDG Book 2 - Chapter 28
TDG Book 2 - Chapter 29
TDG Book 2 - Chapter 30
TDG Book 2 - Chapter 31
TDG Book 2 - Chapter 32
TDG Book 2 - Chapter 33
TDG Book 2 - Chapter 34
TDG Book 2 - Chapter 35
TDG Book 2 - Chapter 36
TDG Book 2 - Chapter 37
TDG BOOK 2 VALENTINES SPECIAL! ♥
TDG Book 2 - Chapter 38
TDG Book 2 - Chapter 39
TDG Book 2 - Chapter 40
TDG Book 2 - Chapter 41
TDG Book 2 - Chapter 42
TDG Book 2 - Chapter 43
TDG Book 2 - Chapter 44
TDG Book 2 - Chapter 45
TDG Book 2 - Chapter 46
TDG Book 2 - Chapter 47
TDG Book 2 - Chapter 48
TDG Book 2 - Chapter 49
TDG Book 2 - Chapter 50
TDG Book 2 - Chapter 51
TDG Book 2 - Chapter 52
TDG Book 2 - Chapter 53
TDG Book 2 - Chapter 54
TDG Book 2 - Chapter 55
[EXTRA CHAPTER] The Secret Society Interview!
TDG Book 2 - Chapter 56
TDG Book 2 - Chapter 58 [Wedding Part 1]
TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]
TDG Book 2 - Chapter 60
Epilogue
Author's Note | Announcements
ALWAYS AND FOREVER
ANNOUNCEMENT! ;D
After Afterall

TDG Book 2 - Chapter 57

121K 1.4K 329
By shirlengtearjerky

TDG Book 2 - Chapter 57

INVITED PO KAYO SA APRIL 30! Santos-Santiago Nuptials po ;)

I'm afraid na hindi ko po maaaccommodate ang requests nyong lahat na isama kayo sa Wedding Chapters (that would be Chapters 58 & 59). Sana po walang sumama ang loob! Invited naman eh ;)

Again, comment and vote kung nagustuhan! Medyo mahaba ata 'to XD

***

JICKER'S POV

Kung sino man ang makakabasa nito, pakisabi po sa nanay ko na ito na ang aking huling habilin. Pakisabi na rin na mahal na mahal ko sila ni Dad, at kay Mom na lang ang make-up na nakatago sa cabinet sa condo ko. Wag lang nya pakialaman yung mga moisturizer don, kasi isasama yun pag iki-cremate. Yung mga camera ko pakibigay na lang sa kung sinong photography enthusiast, at may guarantee yun na hindi ako magmumulto.

HUHUHUHUHUHUHUHUHU LORD PLEASE AYOKO PA PONG MAMATAY

HUHUHUHUHUHUHUHUHU I REPENT!!! HUHUHUHUHU

"ISA KA PANG BWISEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEETTTT!!!!!!"

Galit na galit talaga si Jersey. Nakakatakot. Parang nameet ko na rin si Santanas sa sobrang takot ko sa babaeng 'to. Shet ayoko na talaga!!! HUHUHUHU!!!

So.. 5 hours ago, nagkaron ng anaphylactic shock si Paolo dahil sa nakainom sya ng strawberry-flavored drink. Aba, malay ba ko ba na allergic yun sa strawberry? Well.. duh, strawberry allergy? Eww. Sarap kaya ng strawberry! Tapos wala pang dala si Paolo na epi-pen, edi kung meron edi sana hindi na namin sya sinu---

"ANO JICKERSON HINDI KA BA MAGPAPALIWANAG!?!?!?!?"

UHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHU DEVIL WOMAN MODE!!! Sa sobrang inis ni Kat samin, tinawagan nya agad si Jersey. Ayun, hindi na sya pumunta sa hospital kasi nilabas din naman agad si Paolo. Nakareceive na lang kami ni Kevin ng ganitong text habang nasa biyahe.

CONDO. NOW. YOU'RE FCKING SCREWED.

Siguro ilang gallon din ng laway ang nilunok namin ni Kevin dahil dyan. AT ANG MADAYA PA NAKATAKAS SINA KEITH AT JERRO KASI BAHALA NA RAW ANG MGA ASAWA NILA NA PAGALITAN SILA. Huhuhuhuh so love triangle na kami ng KevJe ngayon? HUHUHUHUHUH

Kanina pa sya palakad-lakad sa sala nya tapos kami ni Kevin... nakalunod sa floor. Tanda ko tuloy nung bata ako, tapos pag nagbabakasyon ako sa Negros at may kalokohan akong ginawa, pinapaluhod ako ng lola ko sa munggo tapos may nakapatong sa mga braso ko na Encyclopedia Britannica. T@ngina siguro reincarnation si Jersey ng lola ko (-____-)

"ANO HINDI KAYO MAGSASALITA?!?!??!" binato nya kami ng throwpillow. Walang iwas-iwas, baka mas matigas pa ang ibato samin eh.

"J-jersey.. Mag-eexp--" hindi na naman natapos si Kevin sa sinasabi nya kasi binato ulit sya ni Jersey. Damn, namumula na si teh! Ngayon ko lang sya nakitang ganyan (O___O)

"Anong ieexplain mo ah??!?! NA NAGPAKIDNAP KA PA PARA MAKAPUNTA DYAN SA PESTENG STAG PARTY MO!?!?!? ANO KA, ANAK NG PRESIDENTE!?!!? DAMMIT!!!!"

"Eh teh wa--"

"AT ISA KA PA!!!! IKAW ANG PASIMUNO NG LAHAT NG TO!!!! DIBA SABI KO SA'YO WALANG MANGYAYARING PARTY CHENELYN NA YAN!!! IKAW TONG TUWANG-TUWA!!!! UUUUUUUUUGHHHHHHHHHHHH!!!!!" masama 'to, sinasabunutan na nya ang sarili nya.

Tameme kami ni Kevin dito. Oo, kasalanan naman talaga namin 'to. Kaso ang hindi ko lang magets, bakit ayaw nyang magkaron ng stag party si Kevin? Well I understand her reason kung bakit ayaw nya magkaron ng bridal shower, pero duh, may choice naman si Kevin para sa sarili nya, diba?

"YUNG DALAWANG MAY ASAWA SINAMA NYO PA!!! DI NA KAYO NAHIYA!!!! NAKAKAINIS!! TAPOS SI PAOLO INATAKE PA NG ALLERGY!!! SECOND TIME PA LANG YAN!!! TAPOS NAG-AKSAYA PA KAYO NG PERA PARA SA PARTY!?!?! WTF IS THAT!!!"

"Kasi nung first time kasalanan mo?" sabi ni Kevin.

Mas tumalim ang tingin ni Jersey. Shet scary! "HINDI KITA KINAKAUSAP!!!"

"Eh kung hindi mo kami kinakausap ano pang sense ng pagpapaluhod mo samin dito?" extra ko. Unti-unti nang nawawala ang takot ko. Mas naiinis nako sa drama nito.

"WAG MO KONG SAGU--"

"E D|I WAG KANG SUMIGAW DYAN!!!! T@NGINA PROBLEMA MO?!?!?!" tumayo nako. Well this is bullsh*t. Alam kong galit sya pero wala syang karapatan para umacting ng ganyan! ASAR!!!!

"IKAW NA NGA MAY KASALANAN DITO TAPOS GANYAN KA PA!!!!"

"LET US EXPLAIN!!! OH WAIT, YOU'RE ON YOUR DEVIL WOMAN MODE!!!!"

Binato nya ulit ako ng case ng DVD, but this time umilag nako. "Hindi mo ako madadaan sa Devil Woman mode mo dyan!" Si Kevin naman binalingan ko. "AT IKAW NAMAN MAGSALITA KA DYAN!!!! ANG TAHIMIK MO KASI!!! PAGTANGGOL MO SARILI MO!!! MAY DAHILAN NAMAN TALAGA TAYO, DIBA?!?! HAYNAKO EWAN KO SA INYONG DALAWA!!! NAKAKAINIS KAYO!!!!"

"AT AKO PA ANG NAKAKAINIS NGAYON!!!! BADTRIP KA!!!" ayaw paawat ng babaeng 'to ah!

Hinga muna, Jicker. Don't lose your cool. Subukan mo nalang na intindihin si Jersey ngayon, disappointed lang talaga sya. Hinga lang, Jicker. Hinga lang. Hinga lang. Hinga lang... "Look Jersey.. I am so sorry. Alam kong disappointed ka pero may dahilan naman kasi kami eh. Yung nanay ni Kevin.. sya yung sumagot ng stag party. Gusto nya kasing maexperience ni Kevin yung ganun, I really don't know why."

.....

Nagkatinginan na lang kami ni Kevin. Haayy.. Ayan nag-explain nako! Ano pang gusto nyang gawin namin? Sumirko dito? Magpaka-engeng? Hello kapagod lang maygad! Kailangan kong matulog kasi may aasikasuhin pa ako bukas.

Siniko ko si Kevin. "Hoy. Kilos-kilos naman dre. Bahala ka na dito."

*blag*

(O.O) (O.O)

At nagkulong pa sya sa kwarto!!! Feel na feel ang drama? Napahiga na lang tuloy si Kevin sa carpet. "Sht. Pano na 'to."

"Wag kang mag-aalala. Hindi nya icacancel yang wedding. Maraming magbabanta sa buhay nya pag ginawa nya yun."

"Sana nga."

Pinalo ko sya sa ulo. "Alam mo naman yang si Jersey, sadyang madrama talaga. Mamaya okay na rin yan, kakausapin ka na. Gamitan mo ng charms mo."

(=___=) "Sorry Jick. Nadamay pa kayo dito. Si Mama kasi eh."

"Sus ang cool nga ng nanay mo eh! Yung akin nga.. basta, wag na natin puntahan yon." Kinuha ko na yung bag ko. "Hala, aalis na ako. May aayusin pa ako para sa wedding of the year! Nakakastress kayong dalawa. Sana pag kinasal na kayo mabawasan yan ah?"

"Ako na bahala dito," tumayo na rin sya.

Dumaan muna ako sa tapat ng kwarto ni Jersey. "Teh, wag na magdrama, di bagay sayo! 25 ka na, hindi cute yang ginagawa mo. Baka mapikot ng iba si Kevin sige ka! K alis na ko! Yung gowns mamaya natin pupuntahan, umayos ka kundi susunugin kita. Bye!"

(=_____=) <- itsura na naman ni Kevin. "Di mo sya matatakot sa ganyan."

"We'll see."

Iniwan ko na dun si Kevin. Goodluck na lang sa kanila! Talagang hindi mawawalan ng problema bago ang kasal noh? Drama at its best (-_-)

**

NORMAL POV

Simula nang makaalis si Jicker sa condo ni Jersey, kanina pa kumakatok si Kevin sa pintuan ng kwarto nito.

"Jersey.. labas na dyan. Let's talk."

"GO AWAY!!!"

"Wag na matigas ang ulo.. Je.. come on Kausapin mo naman ako oh."

"I SAID I DON'T WANT TO TALK NOW. GO AWAY!!!"

"Hindi ako aalis dito!!!"

"BAHALA KA!!! HINDI NAMAN AKO LALABAS DITO!!!"

Pinipilit ni Kevin na pigilin ang inis nya. "Jersey.. umayos ka kundi sisirain ko 'tong pinto."

"Kung sisirain mo yan parang di mo na rin ako nirespeto, dumb@ss."

"Jersey hindi natin pwede ipagpabukas 'to. Ang dami nating gagawin! Sa Monday na kasal natin o!"

"SANA INISIP MO YAN BAGO KA PUMAYAG SA STAG PARTY NA YUN!!!"

Huminga ulit sya ng malalim. "Si Mama nga ang may gusto nun. Hindi lang ako makatang--"

"Fine, mama mo na ang may gusto. Bakit hindi mo sinabi sakin!?!"

"Magagalit ka kasi!"

"Kung sinabi mo yan, maiintindihan ko. Hindi ako galit dahil sa stag party.. nagalit ako kasi hindi mo sinabi sakin na.. may mas maayos na rason pa kung bakit mo gusto magganyan. May kidnap kidnap ka pang nalalaman!!!"

Umupo si Kevin sa tapat ng kwarto at sumandal sa pinto. "Yun nga ang mali ko. I'm sorry. I admit that. Kahit alam kong magagalit ka tinuloy ko pa rin. Gusto ko lang naman ma-relish ang single days ko, kahit papano. Oo na, ang g@go lang ng dahilan ko. Inaamin ko na hindi ko inisip ang magiging feelings mo tungkol dito, nadala ako sa excitement. Pero nung sinasayawan na a--"

"WHAT THE FCK!?!?!? LAP DANCE!?!?!? OH MAN YOU ARE SO SCREWED!!!" Nakarinig si Kevin ng isang thud sa pinto, baka nagbato ulit si Jersey ng unan.

"Oo, lapdance. I'm not gonna hide that. I really felt bad when that happened. Mali ko rin na pumayag ako sa gusto ni Mama. Ewan, medyo tradition ata samin na may ganung rite of passage."

"Oh yeah? Ano pang traditions ng Santos family ang kailangan kong malaman?!? May mas malala pa ba dun?"

"Wala na. Look... I'm sorry, okay? Sana pala hindi ko na lang sinuggest kay Jicker yun. Ako na selfish."

Sa loob-loob ni Jersey gusto na nyang lumabas at magsorry din kay Kevin kaso.. alam nyo naman sya, madaling uminit ang ulo. Kanina pa nya pinipigilan ang Devil Woman instincts nya, baka lumabas na naman ang impulsiveness nya, kung ano pa masabi nya kay Kevin.

"Jersey. Dali na, usap na tayo."

Hindi naman sya umiiyak. Ayaw nya iyakan ang bagay na yun. Baka masira pa lalo ang mood nya pag umiyak sya. Katulad ni Kevin, pumunta sya sa harap ng pinto, umupo at sumandal din dito.

"Nakakainis ka kasi," yan lang nasabi nya. Nakarinig sya ng isang mahinang thud, baka ulo ni Kevin na naumpog lang sa pinto.

"I'm sorry. Please buksan mo na yung pinto? Usap na tayo."

"Bukas na lang. I need to clear my head."

"Please?"

"Kevin wag na makulit."

....

Ay, umalis na nga? Tss.

Babalik na sana si Jersey sa kama nang..

may narinig syang tunog ng gitara sa labas. Lumapit sya ulit dito.

You don't need to live 

It seems a bit naive 

No need to disagree  

Or seek my history

You're staring at my soul 

My sanity you stole 

But then I knew all along 

That anything could go wrong

Though I cansee you 

I can feel you 

I'm so glad you opened the door

When I get near 

All my fears disappear 

And I won't be alone anymore..

Binuksan na nya yung pinto.

Nakatayo dun si Kevin, hawak-hawak ang gitara nya.

"Okay," nakapamewang na si Jersey. "Anong konek nung kanta?"

"Wala lang.. random song. Joke. I was actually looking for a song with "open the door" sa lyrics.. at yan lang ang alam ko."

Umiwas sya sa tingin ni Kevin, syempre pakipot muna ang onti. "Funny."

"Huy. Bati na tayo. Please?"

"No." At bumalik ulit si Jersey sa kwarto.

2 HOURS LATER

Hindi namalayan ni Jersey na nakatulog na pala sya. 6am na pala. And feeling nya umalis na nga si Kevin. Ts--

OH. Hindi pa pala.

Gulat na gulat sya nang makita si Kevin na tulog sa harap ng pintuan nya. Ni hindi ito gumamit ng unan at yakap pa ang gitara. Hay nako, pasaway! Humiga na lang sya sa tabi nito at niyakap.

"Kevin.. bangon dyan."

"Hmmm.." niyakap naman ni Kevin si Jersey nang mahigpit.

"Kevin gising na.. Sasakit likod mo dito eh."

Nakapikit pa rin ang mga mata nya. "Ayaw.."

No choice si Jersey. Kinurot nya si Kevin sa may tiyan na syang kinagising nito. "Aray!!!"

"Dun ka na matulog sa loob. Wag ka dyan."

"Ayaw." Niyakap nya ulit si Jersey.

"Isa."

"Bati na tayo." At dun lang nya minulat ang mga mata.

Nagkatitigan lang silang dalawa dun for seconds... then natawa sila.

"Fine," bumigay na rin si Jersey. "I'm sorry about earlier. Yung sa pagbabato and everything. I forgive you."

"I'm sorry.. bati na tayo ah?" hinalikan nya sa noo si Jersey.

"One thing: about that lap dan--"

"Isang beses lang yon. I won't risk a lifetime's worth of your lap dance for that one night thing."

(O_______________________________O) "ANONG LAP DANCE KO!?!?!?!? EXCUSE ME!?!"

"Hey, I am entitled for that one, right?"

"PERVERT!!!! KAKAAYOS LANG NATIN TAPOS KUNG ANU-ANO NA SINASABI MO!!!"

"Suggestion lang!" (^^.)

"Goodness amoy bar ka nga. Yuck." Bumitaw si Jersey sa yakap ni Kevin at umupo.

"Ayaw mo na sakin?" At nagpout pa ang loko.

(--.) "Muntimang."

"Wag na tayong mag-away, okay? 6 days left before the wedding.. gusto ko good vibes lang tayong dalawa, okay?" seryosong sabi ni Kevin.

"Pasalamat ka at hindi rage blackout yung kanina!!!"

(.__.) "Hindi pa ba rage blackout yun? Umulan ng unan?"

"Gusto mo gitara ang umulan ngayon sayo?"

"Heheheh joke lang po Debs! Peace."

"Tell me, bakit ba kita papakasalan?" sumeryoso si Jersey.

"Well miss, I can enumerate reasons why you should marry me," Kevin answered cockily.

"And I can enumerate reasons why I should not marry you," sinimulan na ni Jersey ang pagbibilang. "First, you're an @ss. Second, bully ka. Third, you can't even cook a decent meal. What if nagkasakit ako, take-out lang ang ipapakain mo sakin? Fourth, ang hangin mo. Fifth, y--"

"Not fair! Bakit bad points ko ang sinasabi mo dyan?"

"Kaya nga why I should NOT marry you eh. Fifth, may pagkat@nga ka."

"Salamat ah."

"There are a lot of reasons why I should not marry you, mainly because of the things that happened to us, the traumatic drama and everything. But if you ask me why should I marry you... there's only one reason. And that's because I--"

"You love me. Yeah, I know."

Hinampas nya si Kevin. "Badtrip, inunahan mo na naman ako!"

"Eh.. given na kasi yon. Tsaka duh, magaling ata ako sa fill in the blanks."

"Baliw," tuluyan nang tumayo si Jersey. "Matulog ka dun sa loob. I'll cook breakfast."

Tumayo na rin si Kevin at niyakap si Jersey. "Tulog na lang tayo.. tapos kain na lang tayo sa McDo mamaya."

"Wow, great. Magandang exercise yan for a future father."

"Oh. You mentioned kids... so can w--" Bago pa sya matapos sa sasabihin nya. nasuntok na sya ni Jersey sa tiyan. "O..kay. Not now."

Pinagkatulakan ni Jersey ang fiancee papunta sa kwarto nito. "Matulog ka na lang! Gigisingin na lang kita pag ready na."

"Pwedeng request?" sabi ni Kevin bago nya isara ang pinto. "Pag kinasal na tayo pwedeng pakibawasan yang rage blackouts and panununtok mo?"

"You're marrying me, the one you branded as Devil Woman. Package na yun!"

"Exception? Please?"

"I'll try. Tulog ka na lang."

**

3 DAYS BEFORE THE WEDDING

Busy ang lahat sa pag-aayos ng kasal nina Jersey. Dumating na ulit sina Ken (with his wife, Marianne) at Jill para sa wedding. Haggard kung haggard ang pag-aayos ng wedding pero enjoy naman nilang barkada. Si Ara nga, excited kasi sya ang Little Bride! Para mas mafeel ni Ara ang pagiging Little Bride nito, nagpagawa si Jersey ng gown na kagaya ng wedding gown nya na kasya kay Ara.. na color light brown (favorite color ni Ara).

Si Jicker ang kasama ni Ara habang sinusukat ang gown. Kanina pa naiirita ang bantay kasi reklamo nang reklamo ang bata.

"Tito Jick, this is itchy!!!"

Pilit na ngumiti si Jick (ganyan na talaga ngayon). "Wala tayong magagawa dyan, yan ang gusto ni Jersey."

"AYOKO NITO!! Bawal ba palitan ng tela?"

"Hindi na pwede Ara. 3 days na lang before the wedding!"

"Ugh I hate this!!!"

"Hoy, hindi ka na 5 years old para magdrama ng ganyan ah! Gusto mo bang upakan kita?"

"Tsss," umupo na lang si Ara sa sofa. "Kaya ka hindi binabalikan ni Blanche eh."

Di nakatakas yun sa bionic ears ni Jick. "May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko kelan ka ikakasal, malapit ka na mag-30 years old. Like eew."

"Hindi pa yun matanda."

"Kahit na. Pang-DOM na yun. Or DOBi or something."

"Kutong-lupa."

"Tearts!!!"

Bago pa nya masaktan si Ara.. "JERSEY!!! DALIAN MO NGA DYAN!!!!"

Sinusukat ulit ni Jersey ang gown nya. Kakapa-adjust lang nya ulit nito nung isang araw, pumayat kasi ulit sya. "Saglit lang!!!"

"DALIAN MO BAGO AKO MAKATIRIS NG KUTO DITO!!!!"

"Funny," sarcastic na sabi ni Ara. Konti na lang!!!

Moments later lumabas si Jersey sa fitting room suot-suot ang wedding gown na sya mismo ang nagdesign. "O-okay ba?"

Napatulala na lang sina Ara at Jicker sa nakita. Well third time na nilang makikita si Jersey na suot ang gown pero parang may iba ngayon. Dahil ba 3 days na lang totohanan na?

"Okay lang po Mommy. You look great!" pasipsip ni Ara.

"Pumayat ka nga teh, lalo tuloy naaccentuate ang boobs mo," puna ni Jicker. "But it's okay. Maganda ka pa rin."

"Thank God!" todo paypay naman si Jersey. "In fairness ha, mas trip ko ang fit ngayon ng gown!"

"Kumain ka naman kasi! Masyado kang stressed! Wala ka na ngang ginagawa masyado eh."

"Oo na sige na.."

"Hoy.. hindi ka pa pala bumibili ng sapatos para dyan sa gown mo! Kelan mo pa trip, sa Monday na mismo?"

"Meron na kaya! Secret nga lang kung ano." Napangiti na lang si Jersey.

"Mommy bawal ba talaga 'to papalitan? The cloth's too itchy."

Napuno na si Jicker. "HINDI NA NGA SABI PWEDE ANG KULIT NITO."

"Kung itchy sa arms mo, bibili na lang kita ng gloves. Okay lang sayo?"

Inimagine naman ni Ara ang itsura nya with gloves. "Okay po Mommy! Ang ganda ko po siguro non!"

(=_____=) <-- si Jicker.

Habang nagpapalit na ulit si Jersey, kinausap sya ni Jick.

"Hoy, mamaya alis tayo ah."

"Bawal ako maggala. Mahirap na!"

"Eto naman KJ! Saglit lang naman yun!"

"Saan tayo pupunta? Don't tell me bridal shower yan?"

"No no.. natakot na ko sayo after what happened to THAT incident. Ano lang... basta!!! BASTA!!! Mamaya, 8:30. I'll pick you up!"

"8:30.. okay! Wala naman si Kevin mamaya, sa San Pedro ata sya with his brother. Goodness makikita ko na naman si Trina! Nakakahiya!" (>,<)

"Okay lang yon! Dapat ka lang mahiya na pinagkamalan mo si Trina na girlfriend ni Kevin. Duh naman! Magiging sister-in-law mo yung tao so it would be awk--"

"OO NA. FINE. FINE!!! Basta mamaya! 8:30 yan ah?"

***

FAST FORWARD: 830PM

"San mo ba ako dadalhin?"

Nasa kotse na silang dalawa. Kanina pa kinukulit ni Jersey si Jicker na sabihin kung saan ang destinasyon nila pero ayaw sagutin ng driver.

"Eeehhh secret nga!"

"May nagpapasalvage ba sakin?"

(O.O) "Minsan nagtataka ako kung saan mo nahuhugot yang imagination mo, Jersey. Salvage? Really?"

"Eh san nga?!?!?"

Tumigil sila saglit sa isang gas station. "Okay malapit na tayo," sabi ni Jicker. May nilabas syang malaking panyo at handcuffs.

"OKAY BAKIT MAY GANYAN!!!" nataranta na si Jersey. "JICKERSON PA YAN AY NAKO.. NAKO MALILINTIKAN KA SAKIN!!!! BRIDAL SHOWER TO NOH!?!?!"

"RELAX TEH HINDI TO BRIDAL SHOWER! NOW SHUT UP!!!" pinosasan na nya si Jersey. Wala nang magawa si Jersey kaya ayun, bumigay na rin ito.

"Jicker, I trust you with my life. Now please tell me where are we going!!!"

"To the beach!"

"UMAYOS KA!!!"

"Kung sasabihin ko sayo hindi ka na masusurprise!!! Wait lang ah?!??! Malapit na talaga tayo!!!"

Pinili na lang ni Jersey ang tumahimik, baka ihulog sya ni Jicker sa sasakyan. Moments later naramdaman nyang tumigil ang sasakyan at binuksan ni Jicker ang car door sa gilid nya.

"NASAN BA TAYO!??!!? BAKIT ANG TAHIMIK!?!??!"

Inalalayan ni Jicker si Jersey sa paglalakad. "Relax lang teh! Hindi kita malilimuta-- este hindi kita papabayaan madapa! Not unless sadyain ko. Haha!"

Familiar kay Jersey ang amoy ng lugar na 'to. Nakapunta na sya dito dati eh!!! Kaso ang tahimik ng lugar.. grabe!!! "IPAPASALVAGE MO TALAGA AKO!?!?! I TRUSTED YOU!!!"

Tawang-tawa si Jicker sa hysterics ni Jersey. "G@ga hindi kita ipapasalvage! Sosyal naman kung dito pa kita ipapapatay, diba?"

May inakyatan si Jersey na parang mini-stage tapos pinaupo sya ni Jicker sa isang upuan. "HELP ME!!! HELP ME!!!!"

"Jersey?" may taong nagsalita sa may tabi nya.

"KEVIN!!! THANK GOD YOU'RE HERE!!!!" naiiyak na talaga si Jersey sa takot. Hala, sino naman kaya may pasimuno nito?

"It's alright. Don't panic!" pag-aasure sa kanya ng fiancee. "Who brought you here?"

"Si Jicker!!! Ikaw? Ba't ka nandito?"

"Si Keith ang nagda--"

Dun lang nila realize...

"ANO NA NAMANG PAKULO 'TO, GUYS!?!?!??!" sabay nilang sigaw.

May naramdaman silang mga kamay na humawak sa kanila and before they know it, wala na silang blindfold...

"SURPRISE!!!!!"

(O.O) (>,<) (O.O) (>,<) (OO) <- silang dalawa.

Kaya pala parang familiar kay Jersey ang lugar.. nasa Mako's sila, yung bar ni Kat!!! Gulat na gulat sila sa mga nasa harapan nila.. parents nila, mga kuya ni Jersey, kuya ni Kevin.. orgmates nung college, friends.. sina JM at Sheena Louise (Hanggang ngayon magkaiba pa rin ang tawag nina Kevin at Jersey sa asawa ni JM), at kung sinu-sino pa. Lahat sila nakatingin sa kanilang dalawa, nakangiti.

"W-what's this?" naiiyak na sabi ni Jersey.

"Ahemm ahemm mic test!!!" si Keith yun, nasa stage. "Kevin and Jersey.. sorry kung tinakot namin kayo kanina. Don't worry hindi ito salvage or anything. You see.. pinagplanuhan namin ng SS ang gagawin for tonight. Alam nyo naman na importante kayo samin kaya para sa inyo ito. Ayaw kasi naming ikasal kayo na walang proper engagement party. Well we're too late for that so.. here. Let us pay a tribute for the two of you and your love for each other.. the Secret Society style."

Nagpalakpakan ang mga bisita at umupo na rin habang sina Jersey naman (na nasa may mini-stage sa gitna ng audience) ay hindi pa rin makamove on sa nangyari. Tribute? May ganto?

Dumilim sa Mako's, at ang tanging ilaw lang ay ang spotlight na naka-sentro sa stage. Biglang lumitaw si Jicker, na in fairness medyo manly ang dating.

"The great loves are the crazy ones," panimula nito. "I can still remember the day na sinabi ko yan kay Jersey 2 years ago nang nagdadrama kaming dalawa about our love lives. Kakabalikan lang nila ni Kevin nun, at ako.. basta. Never mind! Anyway.. totoo naman diba? The great loves are the crazy ones. At living example dyan sina Kevin and Jersey. Pero.. pano nga ba nagsimula ang nakakawindang na love story ng tinatawag nating KevJe duo?"

"Ang alam ng lahat at ni Jersey, nagsimula ito dun sa fateful day na nagkita sila sa harap ng Oblation sa may UP Los Baños nung sila'y first year college. Pero ayon kay Kevin, nagsimula yan nung nakita nya si Jersey na naglalaro ng Guitar Hero sa ATC nung 3rd year highschool. Kaso.. ayon naman sa research ng Secret Society.. nagsimula raw ang lahat noong August 2, 2009 sa UP Diliman. Anong meron nung araw na yun? Well.. yan ang UPCAT, na kung saan.. una silang nagkausap."

Umalis si Jicker sa stage at bumukas ang curtains. Sina Ken at Jill pala ang nasa likod nun. Nakabihis na ala Jersey at Kevin.

Ken: (hindi mapakali) Hala nasan ba yung Math Building dito? Kapal talaga ng mukha ko para pumunta dito mag-isa!!! (nakita si Jersey na may katext) Wow, ang hot naman tignan non!!!

Natawa ang audience sa sinabi ni Ken. Si Jersey naman, nagreact agad kay Kevin. "You actually said that!?!?"

Ngumiti na lang si Kevin. "Hmmm. I really don't remember. 9 years ago na rin kasi yon."

(nilapitan ni Ken si Jill)

Ken: Excuse me Miss.. Alam mo ba kung san yung Math Bldg?

Jill: Hmm.. Math Building? Ano kita mo yun? (may tinuro si Jill) Ayan, yun yung Benitez Hall. Walk straight ahead then pagdating mo sa may Benitez, turn right. The diretsuhin mo na lang.

Ken: Thank you!

(paikot-ikot naman si Ken sa stage, kunwari mahaba na ang nilakad nya hanggang napagod na ito. Biglang sumulpot si Amae na may dalang AFTER ONE HOUR. Nakarating na rin kunwari si Ken sa room, hingal na hingal.)

Ken: Badtrip.. ang lalayo naman ng building dito!! (sagot sagot sagot.. napatingin sa may northeast nya..) Sht, ba't andito agad sya? Baka may wheels. Mukhang maarte eh. Magsasagot na nga lang ako!

(nang matapos ang kunwaring exam, lumabas si Ken at nagtanong sa guard na si Jerro)

Ken: Kuya, san po yung shortcut pabalik sa Palma Hall?

Jerro: Sa Palma? Pag labas mo dito, may madadaanan kang parang Teletubby land.. diretsuhin mo lang yun, nasa Palma ka na.

Ken: HA?! Eh yung daan sa may Benitez Hall?

Jerro: Ang layo naman nun!

Ken: NAKAKAINIS!!!!

(close curtain)

Nagpalakpakan ang audience. Si Sath naman ngayon ang mag-iintro.

Sath: Fast forward to June 2010. Eto na siguro ang buwan kung saan sobrang nainis sina Kevin at Jersey sa isa't isa. Nagsimula yan sa pagpapakilala ni Kevin bilang Edward kay Jersey, na nabuko rin days later sa kanilang SOSC3 class. Sumunod pa dito ang pagiging super classmates at blockmates ng dalawa at idagdag pa dyan ang pagiging buddies. Ang susunod na scene natin ay nangyari after ng block representative elections, kung saan naelect sina Kevin at Jersey bilang Lakan at Lakambini ng block nila. AKA The Origin of the Devil Woman. *bows*

(bumukas ang curtain, at nandun sina Amae at Keith; naglalakad nang mabilis si Amae)

Keith: Jersey! Ano ba, tumigil ka naman saglit!!!

Amae: Whatever, creep!!!

Keith: Anong creep ka dyan? HOY! STOP, DEVIL WOMAN!!!

Amae: *tumigil sa paglalakad* What did you just call me?

Keith: *painosente* Devil Woman. Bakit?

Amae: WHAT THE HELL!?!?! DEVIL WOMAN KA DYAN!??! ANG PANGET!!!

Keith: Hah, talagang Devil Woman! Inaatake ka na naman ng DWS!!!

Amae: WTF's DWS!?

Keith: Devil Woman Syndrome. A very rare case na ikaw lang ang meron. Lagot ka, pag di ka pa nagkaron ng boyfriend bago ka magdebut, you'll be an old maid forever."

Amae: AH!! You're so mean! ANG BULLY MO!!!

Keith: *smirks* See you around, Devil Woman.

(curtain closes)

Nganga si Jersey. "OH MY GOD. THAT WAS THE EXACT THING!!! Ganyan na ganyan yun!"

"Oo nga. Pero mas epic pa rin yung itsura mo nun. Your nostrils flared."

"Shut up."

Next naman na sumalang ay si Paolo.

"Away-bati, aso't pusa. Roadrunner and Coyote. Yan ang drama ng relasyon nina Kevin at Jersey nung una. Isama pa natin dyan ang isang stalker ni Kevin, isang upperclassman na nagsasabi ng TUHMAAAA!, isang first love na umalis.. basta, marami pa silang problema ng panahong yon. Pero despite of all those things, naging close ang dalawa. May away pa rin, pero naayos naman. At dahil sa closeness na yun, nagkacrush si Jersey kay Kevin pero hindi nya ito pinahalata dahil nga sa may binabalikan si Kevin. Nang umalis si Maxene papuntang Germany, akala naming lahat ay magiging okay na. Kaso.. may nagbabalik. Si Paul. Si Paul na umeepal kay Jersey. December 2010 nung nag-away ang dalawa dahil pupuntahan ni Kevin si Maxene sa Germany para magcelebrate ng Christmas. Eventually by January 2011, nagkabati na rin ang dalawa, not to mention ang engrandeng Christmas gifts sa isa't isa.

Ang next scene natin ay nangyari nung Valentines 2011. Actually ewan ko ba kung bakit kasama 'to sa script. Sina Amae kasi ang mastermind sa pangyayaring ito kaya.. eto."

(curtain opens...)

Sina Jerro at Sath. Nasa magkabilang side sila ng stage, kunwaring naghahanap ng damit.

JerSath: NASAN NA BA YUNG WHITE TSHIRT KO!?!?!?

May nakitang white shirt sa upuan.

JerSath: BAHALA NA NGA!! ETO NA LANG!!! *sinuot ang shirt*

Dumaan si Amae na may dalang placard SA MAY FERTILITY TREE. Nagkumpulan ang Secret Society para sa picture. Nasa gitna ang JerSath.

Jicker (photographer): Okay compress! Compress pa! Ayan!! Teka 1... 2... Ay shet Valentines na Valentines! Ang cute!

Keith: Ha? Anong meron?

Jicker: Ayun o! *turo sa JerSath*

(tinginan naman ang barkada sa kanila)

JerSath: WHAT!?! *napatingin sa tshirt*

I may be hard to get, but I got her.

JerSath: *gulat na gulat* SAY WHAAAAAT?!?!?

(curtain closes)

"Sht, I think I still have that shirt!" sabi ni Jersey na tinawanan naman ni Kevin. "Ewan ko sayo!!!"

Si Jicker naman ang kasunod na magnanarrate.

"Days after that, niyaya ni Jersey si Kevin para manood ng gig nito sa isang cafe sa may campus. And.. the unexpected happened: naganap sa gabing yon ang first kiss ng dalawa. Make that ninakawan ng halik ni Jersey si Kevin. At ewan ko, may fetish ata sa elevator ang dalawang 'to, dun kasi tinuloy ang make-out session!"

"UMAYOS KA JICKER!!!" sigaw nina Kevin mula sa audience.

"Eh yun naman ang totoo diba? Sabi nina Sath yun! Anyway... naging okay naman ang dalawa after that stolen kiss. Kaso.. ang problema: narepress na ni Jersey ang feelings nya kay Kevin kung kelan tumigil na sa pagdedeny si Kevin ng feelings nya. So.. in short, maarte silang dalawa. Joke lang! Pagpasok ng second year college, ganun pa rin ang dalawa, nagpapakiramdaman. Hindi sila naging magkaklase sa Math, at dito nila nakilala si JM na pinagselosan ni Kevin before. Pero thanks to JM, narealize na rin ni Kevin na.. deads talaga sya kay Jersey.

So.. let's go back to this epic confession night. Kung saan nagpapractice si Jersey para sa Minsan Ako Si Madonna play nila."

(curtain opens)

Nandun si Kat, may hawak na script, nagmomonologue. Enter Paolo na may hawak na yellow paper..

Paolo: Ahemm.. The best way to lose is to sacrifice yourself. The best way to lose would be to actually  

lose and know you're losing. Blahblahblahblahblah The best way to lose is to lose yourself to someone you love. So yeah.. I accept defeat. I love you Jersey.

Kat: Hehehehe gutom lang yan! Tara kain na!!! Siomai Foodhaus!!!

Paolo: Hoy Jersey seryoso ako dun!!!

Kat: Heheheheheh *headbutt*

Paolo: AY PI!!! MASAKIT YON!!!!

Kat: TIGILAN MO NA KASI ANG PANTITRIP SAKIN!!!!

Paolo: Seryoso ako dun!!

Kat: Kahit na! Ang jo-- *hinalikan sya ni Paolo sa lips* BASTOS KA!!!!

"HEY!!! SA NOO KO LANG HINALIKAN SI JERSEY NUN!!!" depensa ni Kevin.

"WAG KA NA UMEXTRA KEVIN!!! SECRET SOCIETY STYLE TO!!!" sigaw ni Jicker mula sa baba ng stage.

(curtain closes)

Sunod naman si Jerro.

"Hindi naging madali ang quest ni Kevin para mapa-oo si Jersey. Sa sobrang ilang ni Jersey, umabot sa point na lumayo si Kevin dito, thus sumulpot ang Shawarma Girl spiel nila nung mismong play ng Minsan Ako Si Madonna, saktong birthday ni Kevin. Hanggang ngayon hindi namin alam kung pano nagkabati sina Kevin after ng play, basta ang sinabi lang nila samin na type nilang mameet ang Wakwak Gang. Tapos nagkaron pa sila ng pataasan ng score sa Math finals, na ang stipulation: pag si Kevin ang mas mataas, girlfriend na nya si Jersey, at kung hindi, magdedate sila. Panalo raw si Jersey nun kaya nagdate sila sa EK.

Ang next scene natin ay eto. Panoorin natin."

(curtain opens)

Sina Amae at Jicker. Kunwari nasa loob sila ng isang sasakyan.

Amae: Wait lang.. I have to tell you something..

Jicker: Ano yun?

Amae: *nilabas yung bluebook na covered w/ yellow paper* Here.

Jicker: Wow, ganda ng wrapper ah! *binuksan* Nang-aasar ka ba? Sayo to eh!

Amae: Look closely.

Jicker: Wait.. sakin? Ako yung nakaperfect sating dalawa?

Amae: Yep.. so that means.. four days mo nakong girlfriend, idiot.

Unti-unting nilapit ni Jicker ang mukha nya kay Amae.. nang malapit na...

Jicker: *tingin sa audience* JOKE LANG GUYS!!!!!

Sumunod sa mga niroleplay ng SS ang mga sumusunod:

- debut ni Jersey (JerSath) 

- pag-alis ni Kevin/airport scene (KeMae) 

- first meeting nina Jersey at Kevin sa wedding nina Sath (JicKat) 

- "pakipot moments" ng KevJe (photoshoots, weddings, studio moments) (silang lahat) 

- roommates for 3 weeks (JicSath) 

- fall out/the truth (PaoKat 

- NEW YEAR SCENE (KeMae) 

- break-up (JicMae)  

- Boracay/Gatecrash/Damon Scene (JerSath) 

- alis ni Kevin/pagbalik

**

Lumabas si Jicker after ng scene nila ni Amae. Naiwan nya sa kotse yung props para sa last scene nila for that night: yung Sugarfree proposal ni Kevin. Nang pabalik na sya sa loob, may nakabangga sya.

"Ay sorry di kita nak--"

(O.O)

"Wow. Hello."

Si Blanche.

Parehas silang natulala. Totoo ba 'to? Si Blanche.. nandito na sa Pinas? Hindi sya makapaniwala sa nasa harapan nya. Si Blanche. Si Blanche. Si Bl--

Bumukas na lang bigla ang pinto. "JICKER!!! ANO BA!!!!" sigaw ni Amae. Nagulat din sya na makita si Blanche. "Oh my god Blanche!!! You're back!" Niyakap na lang nya ito.

Di na nakapalag si Blanche. "Oh my god indeed."

"Shocks kakabalik mo lang ba? Tara go inside!!!" yaya ni Amae.

"Ha? Eh.. napadaan lang ako!" tumingin si Blanche kay Jicker para humingin ng tulong pero.. gulat pa rin si Jicker. Nahila na ni Amae si Blanche sa loob. Pero imbis na sa audience nya dalhin si Blanche, sa backstage nya ito dinala.

(OO) <- itsura ng SS nang makita si Blanche.

"Sakto!!! Alam ko na!!!!" sabi ni Kat. Hinigit nya si Blanche at inayusan.

"Wait what are you doing?" halos sabay na sabi nina Blanche at Jicker. Natigilan din ang dalawa.

Nakakatakot ang ngiti ni Kat. "You'll see."

**

Si Amae ang huling narrator para sa palabas na yun.

"Tama nga si Jicker, the great loves are the crazy ones. Nakita naman siguro natin mula sa aming munting drama ang mga pinagdaanan nina Kevin at Jersey. Nakakatawa nga yung ginawa namin, pero alam namin ang bawat sulok ng kwento dahil magkakasama kaming barkada sa mga nangyaring yon. Kung alam nyo lang kung gaano kami nalokang lahat dahil sa dalawang yan!" tumawa ang crowd.

"So.. it all comes down to this. Last year, sa 25th birthday ni Jersey, something happened. A month before that, naganap ang 'anytime proposal' ni Kevin. Ang hinihintay na lang ay ang Yes ni Jersey. Let's take you back to that moment, kung saan inagaw nina Kevin at Jersey ang spotlight sa reunion concert ng Sugarfree. And I must say, eto na ang pinakaspontaneous proposal, ever. Napanood nyo na siguro to sa YouTube.. but here you go!"

(curtain opens)

"OH MY GOD! BLANCHE!!!!" sigaw ni Jersey.

Yep. Ang gaganap na Kevin at Jersey para sa proposal scene ay sina Jicker at Blanche. Sina Jerro, Paolo and Keith naman ang aastang Sugarfree. Kumakanta pa ng Ikaw Pala si Keith ah!

Medyo naiilang sina Jicker at Blanche sa isa't isa. Well, alam naman ni Blanche yung proposal dahil meron ngang video sa YouTube pero.. hindi sya sure kung kaya nyang umacting na Jersey. Si Jicker naman kasi 'to eh! Kaya yan!!

Jicker: Jersey.. what's wrong?

Blanche: Ahh.. nothing. Tanda mo ba dati, kinanta mo sakin yan bago ka umalis for Germany.. diba?

Jicker: Y-yeah. Why?

Blanche: What I'm trying to say is.. I thought to myself you were the boy for me, and I kind of put-- I put everything into that, and you know, I don't doubt for a minute that you're the best guy I'll know, and I wish that, you know, you'd just marry me.

Siniko ni Jersey si Kevin. "OMG. KINIKILIG AKO!!!"

"Ha? Panong kinikilig ka dyan?"

"Now I know the feeling.. nung nasa Madonna tayo."

"They're not changing their lines."

"You'll see."

Jicker: W-wait.. are you saying..

Huminga muna si Blanche ng malalim. Alam nya kung anong next line na sasabihin. Bahala na!!!

Blanche: I'm.. I'm just going to say this once, okay? *huminga ulit* J-Kevin, I love you and I want to spend the rest of my life with you.

...

At..

niyakap ni Jicker si Blanche.

(O///////O) <- JERSEY

Jicker: Thank you! Thank you!

Lumakas na yung pagkanta ni Keith ng Ikaw Pala, sakto sa chorus. Lumuhod na si Jicker at itinali yung sintas sa ring finger ni Blanche. After that, niyakap nya ulit si Blanche.

Sumulpot ulit sina Amae, Kat at Sath.

"Pero hindi pa dyan nagtatapos ang kwento nina Kevin at Jersey. Sa Monday, may isang chapter na naman ang madadagdag sa kwento nila. Para samin pong barkada, isa ang kasal nila sa di makakalimutang moment. Importante kasi silang dalawa samin eh! Kaya Kevin and Jersey, goodluck and godbless sa inyo sa Monday. Isang chapter na naman ang madadagdag sa Always and Forever nyo. Kasama nyo pa rin kami dyan ah?!"

Umiiyak na si Jersey sa upuan nila ni Kevin. "Guys naman eh.. bakit ang hilig nyo akong paiyakin?"

"Okay lang yan Je! Pambawi namin sa'yo to dun sa nangyari last time!" explain ni Keith.

"Thank you guys!" natatawang sabi ni Kevin. "Salamat talaga.. kahit yung ibang scenes dyan inexaggerate nyo. Ang layo sa katotohanan!"

"Kaya nga Secret Society style eh!" - Amae.

After ng skit ng SS, nagsimula na ang party. Kamustahan, may AVP nina Jersey.. party kung party!! Nahuli ni Jersey na papaalis na agad si Blanche kaya kinorner nya ito sa may parking lot.

"HOY G@GA!!!" sigaw nya.

Tumigil naman si Blanche sa paglalakad at lumingon. "Hey b*tch!"

Tumakbo si Jersey papalapit kay Blanche at nagyakapan ang dalawa. "Hindi ka multo!!"

"Siraulo ka na talaga. Ikakasal ka lang e!" bumitaw na sila sa yakap.

"Kelan ka pa dumating?"

"7 hours ago? Nalaman ko lang na nandito kayo ngayon. Actually napadaan lang talaga ako."

"Alam ba 'to ni Kevin?"

"He.. uh.. told me to come back early. Dapat bukas pa ang alis ko dun kaso.. napilit ako eh."

Tuwang-tuwa si Jersey na nagkita sila ni Blanche. Namiss din naman nya ang b*tchiness nito kahit papano! "Basta pumunta ka sa Monday ah? Pero please wag ka lang magsusuot ng black dress. Uupakan talaga kita."

"Hindi naman ako ganun! Congratulations, Jersey. I am really really happy for the both of you!"

"Salamat, Blanche! Buti naman nakauwi ka na! So.. ano nang plano mo?"

Nagets naman ni Blanche ang tinutukoy ni Jersey kaya ngumiti na lang sya. "Ewan. Malay natin. But.. that skit was a start."

"Let's talk, okay? But you need to talk to him first."

"Him na ulit sya?" gulat nyang tanong.

"Pinaghahandaan nya pag-uwi mo teh. Wag mo na tong sayangin."

Bumalik na si Jersey sa loob ng Mako's habang si Blanche naman palakad na para pumara ng taxi. Saktong may tumigil nang taxi nang..

"Blanche!"

Sht. Napalingon naman sya. Si Jicker, palapit na sa kanya. Automatic syang ngumiti. "Yes?"

Walang masabi si Jicker. Bigla kasi syang nahiya. "Uhh.. where are you staying?"

"Dusit. Wala pa akong mahanap na pad eh."

"Need help? I could con--"

"Okay na. I already have a contact. Thanks, anyway."

Bumukas naman yung pinto ng taxi. "Mam," extra ng driver. "Sasakay pa po ba kayo?"

"I have to go." Sumakay na si Blanche sa taxi.

Kinatok naman ni Jicker yung car window, na syang binaba ni Blanche. "Hey. Kelan tayo pwede mag-usap?"

"Let's wait and see, Jicker. If you're ready, then I'm ready. Just approach me."

"Blanche I--" tinakpan ni Blanche ang bibig ni Jicker.

"Don't say it right now. If you're ready.. we'll see." Hinila nya si Jicker at hinalikan sa cheeks.

That left Jicker shocked and perplexed.

**

PASENSYA NA LATE KO 'TONG NAPOST!!! HAHAHAHAH! :D

Di ko na rin naelaborate yung ibang KevJe moments. Naisip ko kasi na mas okay kung yung ibang nangyari sa Book 1 ang i-highlight, baka kasi nakalimutan nyo na.

SA MONDAY NA YUNG KASAL!!! OMG!!! HAHAHAH! :D

Continue Reading

You'll Also Like

105K 2.1K 28
Lumaki si Ulysses Yap sa pangangalaga ng kanyang yumaong lola, kaya't hindi niya masyadong nakakasalamuha ang kanyang kapatid na siya ring kinuha ng...
1K 57 10
Louiscito Pedrico Borromeo III... Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. But ironic as he is, hopeless romantic iyan...
2.2M 15.6K 11
Naniniwala si Kyleen Ylkivia Tuazon, o Kai, na magulo na ang buhay niya gawa ng mga pangyayaring nakapagpawala ng kanyang mga alaala at ng buhay ng i...
1.3M 67.2K 56
Cupid Gone Wrong Book 2 Light only