YOU DA ONE (JHOBEA FANFIC)

By ukennat

65.9K 1.2K 220

I was left with nothing but happiness and gratitude with the realization that without the pain of love that's... More

Prologue
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
RANT!!!!
L
M
N
P
Q
R
hi :-)))

O

2K 42 13
By ukennat

Bea's POV

Kasalukuyan namin inaayos ang mga dapat na ayusin para sa party na hinanda namin para kay Jho ngayon.

Simple lang naman tong party na hinanda namin. Pero syempre special to.

Coachella yung theme tapos nag set-up na lang kami ng mahahabang table na above the knee lang yung height. Then yung upuan namin is mga pillows.

Tapos dun banda sa harap may mini stage katabi nun ay mini tent na boho style naman, kung san yung pwesto ni Jho.

Nakakatuwa pagmasdan kasi puro sunflower din nakapalibot samin kahit san ka tumingin. Kung hindi color yellow, sunflower yung mga makikita.

Hindi na ibat ibang flowers nilagay namin dahil obvious naman na sunflower ang favorite ni Jho. At mas lalong nakakatuwa kasi for sure matutuwa si Jho lalo na pag nakita nya din yung sunflower crown nya.

I cant wait. Feeling ko ako pa yung mas excited kesa kay Jho. Feeling ko ako yung may birthday.

Ganito talaga nga yung feeling, yung tipong mas excited ka pa para sa bestfriend mo haha.

By the way first time ko kasi tong ganto, makasama sa pag-organize ng party na malapit sakin kaya naman hindi ko maiwasan maexcite for Jho.

Nawala ako sa pagmumuni ng may tumabi sakin kaya naman napatingin ako sakanya.

"Sa tingin mo magugustuhan nya to?" Bumalik ang tingin ko sa lugar na inayusan namin at isa isa tinignan sila Mich, Gi, Marge na abalang abala sa pagaasikaso ng flower arrangement.

Sila Therese and Rex naman sa mga letterings and designs.

Sila Deanna, Ria, Ponggay naman tumutulong din sa pag set-up ng mga tables and pillows.

"Oo naman. Bakit hindi?" Tumingin uli ako sakanya at ngumiti si Kat at umalis. Weird.

Si Jho naman kasi yung klase ng tao na hindi maarte. Kahit na maliit na bagay lang okay na sa kanya.

Alam ko din kung bakit hindi nya magawa magcelebrate kaya its time. Its been a long time.... panahon naman na siguro para sya naman yung sumaya. She trully deserved it.

Speaking of Jho, kasama sya ng punong abala na si ate Ells. Natatawa ako dahil naiimagine ko yung trashtalkan nung dalawa.

As far as I know ay nasa cemetery si Jho. Sinamahan sya ni ate Ella dun icelebrate yung birthday nya. Little did she know na mas may icecelebrate pa yung birthday nya.

And I dont think na nakakahalata sya dito sa surprise birthday party namin for her.

Maliban na lang kung ipapasuot na sa kanya agad ni ate Ella yung damit nya na Bohemian dress.

Ang alam ko kasi before 7pm dapat andito na sila at balak na ni ate Ells na ipasuot na sakanya yung dress right before sila makauwi para pagdating nila start na agad yung party.

Ang hindi ko lang alam ay kung mapasuot kaya ni ate Ella yun kay Jho without knowing para sa surprise namin yun. 😂 Baka magtaka sya na bakit may ganon. Haha oh well... sana umayon lahat samin.

Nagvibrate yung phone ko kaya naman kinuha ko sa pocket ko, at pagkatingin ko Its J... calling.

"Hey J! Wazzap?" Narinig ko ang pag-buntong hininga nya kaya naman nagsalita uli ako.

"Problem?" And once again nagpakawala nanaman sya ng heavy sigh.

"Eh kasi naman eh. Hindi ko alam kung ano susuotin ko." Napangiti naman ako dahil dun. J is being so conscious.

Ngayong gabi ko kasi sya ipapakila kay Jho. Para naman magkakilala sila. And my kailangan akong sabihin kay Jho mamaya kaya hindi ko din tuloy maiwasan kabahan. Relax Bei.

"Just be you J. Kahit ano naman bagay sayo... and maganda sayo." Humawak ako sa batok ko ng marinig ko ang hagikhik ni J sa kabilang line.

"Ill hang up na nga. Nambobola ka nanaman. Bye!" Napangiti ako. "Ok see you later then. Take ca..."

But before ko matapos yung sasabihin ko binabaan na agad ako. Kaya naman napailing na lang ako.

Sana walang magbago samin ni J sa naging usapan namin. Dahil hindi ko din alam bakit naging ganun na lang bigla. Im totally fucked up.

Kinuha ko na lang sa bulsa ko yung box na naglalaman ng necklace na regalo ko for Jho. Tinitigan ko yun ng mga sandali at binalik din kagad sa pocket ko.

Minutes na lang ang hinahantay namin at anytime ay dadating na sila Jho.

Jho's POV

Kanina pa kami dapat nakauwi neto ni ate Ella pero ewan ko ba bakit hanggang ngayon paikot ikot padin kami dito sa mall.

"Shabba anuna?! Gabi na hindi padin tayo umuuwi. Alam mo naman na may kailangan pa kong sabihin kay Beatriz diba?" Ngumiti naman sya na may halong pangaasar.

"Oo alam ko. Pero makakapaghintay naman yun. Tsaka kung makapag madali ka sakin kala mo talaga ready ka na." Ayan nanaman tuloy yung kaba sa dibdib ko.

Hindi ko din alam bakit ngayon ko pa naisipan na aminin na sakanya yung nararamdaman ko.

AND YES! YOU READ IT RIGHT! Ngayon ko na aaminin yung feelings ko para kay Beatriz.

Hindi ko alam kung dala ng emotions or nabrainwash din ako ni ate Ells na sumugal.

Flashback

Gulong gulo na ko. Hindi ko na kaya pang itago kay Beatriz. Baka any moment din masabi ko na sakanya yung feelings ko.

Pero natatakot ako. Pucha naman oh!

Wala sa sarili na kong tumayo at lumabas ng kwarto ko para pumunta sa kwarto ni ate Ells.

Hindi na ko kumatok at kaagad ko na lang binuksan yung pinto dahilan para magulat si ate Ells.

"Bastos na bata! Walang katok katok talaga?" Agad ako humiga sa kama ni ate Ella at huminga ng malalim.

"So..."

"Hindi ko na kaya itago shabba!! Sobra sobra ko na narerealize na etong sugatang puso ko can feel something for a someone special." Napaupo ako dahil sa frustation ko.

"Nako po. Patay kang bata ka." Kita ko naman ang pagsapo sa noo ni ate Ella.

"So paano na?" Tanong nya sakin pero nagkibit balikat lang ako.

"Hindi ko alam. Kaya nga ako pumunta dito eh! Dahil alam kong kahit wala kang lovelife eh maasahan ka naman sa gantong mga problema."

Naramdaman ko na lang ang pagbato nya sakin ng unan. Bwisit ang sarap nya talaga asarin.

"Langya ka! So ano gusto mo gawin natin nyan ngayon?" Napahiga nanaman ako dahil sa inis.

Bakit ba kasi may Bea de Leon pa eh! Echos lang. Thank you Lord!

"Ganto... aminin mo na sakanya." Pagkarinig  ko ng mga yun ay bahagyang napahinto yung heartbeat ko.

Aminin.... bakit parang ang daling sabihin pero ang hirap gawin. Bwisit na feelings to oh!

"Oh diba. Hindi ka pa ready kaya lika dali may gagawin ako sayo. Para naman presentable ka tignan pag nag-confess ka kay Beibei."

Hindi nya na ko hinintay na magsalita pa. Hinila nya na ko diretso sa fitting room.

---

"Anong kahibangan to Jorella?!!!!" Sigaw ko kay ate Ells na sya namang tawa nya.

"Oh diba ganda na ng ate mo Jho!" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Seryoso??

Dahan dahan naman uli ako tumingin sa salamin sa harapan kung san kita ko yung sarili ko na nakasuot ng boho style na yellow dress!

Yung totoo?! Magcoconfess ako kay Beatriz hindi sa simbahan! Bwisit!

"Baliw ako kay Bea oo! Pero hindi naman ako sobrang baliw na magaayos pa ko ng ganto Jorella! Anuba!"

Baling ko kay ate Ella na busy naman ngayon sa pagkalkal ng mga make-up nya sa bag.

"Pwede ba Jho wag mo ko artihan kung ayaw mong unahan kita sa pagsabi kay Bea djan."

Okay talo ako. Napanguso na lang ako at wala sa sariling sumunod na lang sa mga sinasabi ni shabba.

Pagkakita ko naman sa result ng mga pinaggagawa sakin ni shabba ay di na rin ako nagreact. Not bad.

"Oh dba. Pweds na ba maging fairy god mother ang lola mo?"

Sandali pa kong umikot at tinignan ang itsura ko sa salamin at ngumiti kay ate Ells.

"Pak na pak!" Sagot ko naman kaya nag-apir pa kami.

"Ewan ko na lang kung hindi ka pa sagutin ni Bea hahaha."

Binatukan ko naman sya pag sabi nya nun.

"Gaga hindi naman ako ang manliligaw samin noh!"

Natapos na syang magligpit ng mga pinaggamitan namin kaya lumabas na kami ng fitting room.

"Ghaaad quarter to 7 na! Lika na Jho bilis na." Paghihila naman sakin ni ate Ells papalabas ng mall.

"Hoy aba teka lang naman diba? Nakaheels ako teh baka nakakalimot ka." Agad naman sya napahinto at tinignan ang paa ko at nagpeace sign naman sya pagtapos.

Natawa na lang ako sa muka nya dahil nagmuka syang minion.

Nakarating din kami sa parking at si ate Ells na yung nagpresinta na magdrive. Perks of being a birthday gurl??

Habang nasa byahe kami tinignan ko yung cellphone ko na wala man lang ka message message bwisit!

Wala man lang nagbalak na bumati sakin no? Loner feels. Amp

Tapos isa pa to si Beatriz... pagkatapos nung kagabi hindi na sya nagparamdam. Busy talaga sya kainis. Iyak.

At last nakauwi din kami. Pero hindi ko alam kung para san pa tong inayos ni ate Ells para sakin kung wala naman paramdam si Bea?

Bumaba ako ng hawak hawak at nakatingin sa phone ko.

Itext ko kaya si Beatriz?

Puntahan ko kaya sya?

Tawagan ko na kaya?

"Lika dito Jho. May papakita ako sayo." Nawala naman ako sa pagiisip ko ng hawakan ako ni ate Ells at hilahin papunta sa backyard.

"Saglit lang sunod na lang ako shabba. Tatawagan ko lang si Beatriz." Tumango naman sya at tumakbo papunta sa garden.

After ko idial yung number ni Beatriz ay sumunod na din ako kay ate Ells.

Sana naman hindi na busy si Beatriz. Pick up!

Nakarating na ko ng garden ng puro ring lang ng ring yung naririnig ko sa kabilang line kaya naman nagtry ako nai-dial uli.

Napatingin ako sa garden at napataas ang kilay ko ng wala naman ako nadatnan dito. Plus ang dilim pa kaya wala ako makita.

"Shabba?" Hanap ko kay ate Ells habang yung phone ko ay nasa tenga ko pa at hinihintay ang pagsagot ni Beatriz.

Tatalikod na sana ko ng biglang bumukas ang ilaw at pumutok na kung ano kaya napatalon ako sa gulat.

Napatingin ako kung san nanggaling yung ingay na yon pero mejo nasisilaw pa ko kaya naman hindi ko pa maaninag ang mga tao na naging dahilan ng pagkagulat ko.

Nakaadjust na din yung mata ko sa liwanag kaya naman ganun na lang ang tuwa ko ng makita ko yung mga taong dahilan nun.

"HAPPY BIRTHDAY JHO!!" Sigaw pa nilang uli ng makita ko na sila ng maayos.

Sila Rex na nakayakap kay Tey. Deanna, Ria, Ponggay, Jules, Bettina, Kat na may mga hawak na yellow na lobo.

Sila Gy, Marge na may mga hawak na picture frame ko. Oha parang ginawa lang akong patay ah. Haha

Si Ged, Mich, Ana, Nicki, Kim na may mga party hats na suot.

Si ate Ells na may hawak na party poppers! At ang katabi nya na si Bea na may hawak na sunflower at sa kabila ay yung phone nya na ring padin ng ring.

Kaya naman napatingin ako sa phone na hawak ko at continous pa pala ang pagtawag ko sakanya.

Binaba ko na yun at tinignan ko silang uli. Grabe totoo ba talaga to? Lord, okay lang na ganto kakonti kaibigan ko pero salamat at totoo sila sakin.

Hindi ko maiwasan na maging teary-eyed kaya naman isa isa na nila akong nilapitan at niyakap.

"Whooo happy birthday Picasso!!" Sabay sabay nila akong niyakap at please! Hindi padin ako makapagsalita! Anuna

"Hoy magsalita ka naman teh ano?" Sabi ni Mich kaya naman natawa ako.

Grabe kasi sobrang nakaka-taba ng puso to eh. Humiwalay sila sa pagkakayakap sakin at tinignan ko yung kabuuan ng lugar.

Ang simple lang netong backyard namin pero hindi ko aakalain na ganto nila kayang pagandahin yung lugar na to.

Sunflowers everywhere!!! I super duper love it!! Kaya hindi ko nanaman maiwasan ang maiyak.

Pero bago pa man tumulo yun ay hinila na ko ni ate Ells.

"Hep hep hep. Hindi pa yan yun! Pigilan mo muna yan. Uumpisahan pa lang natin!" May nilabas sila na pabilog na sunflower at pinatong yun sa ulo ko. Omg flower crown!!

Nakarating kami sa mini stage na may mini tent at dun ako pinaupo ni ate Ells.

"Okay yan andito na ang birthday celebrant natin. So pwede na natin umpisahan diba? Happy birthday again Jho!" Paumpisa namang bati ni ate Ells na may hawak ng mic.

Isa isa silang umakyat sa stage at nagbigay ng mga sweet and long message kaya hindi ko na maiwasan na hindi mapigilan yung luhang kanina pa gusto tumulo dahil sa tuwa.

"Happy birthday batchy! Masaya kami dahil nakakilala kami ng strong person na kagaya mo. And thank you for being the one call away friend. Wag ka magbabago! We love you so much!"

Lumapit sakin si Marge at niyakap ako pagtapos ng mga sinabi nya sa harap ng stage. Napapunas naman ako sa mata ko dahil hindi ko kinaya mga message nila na talaga namang nagpalambot sa puso ko.

"So lets move on to our last, wag na natin patagalin pa. Ang 'on the spot behstfriend' ni Jhowjhow.... Beadel!" Nilakihan ko naman ng mata si ate Ells dahil sa sinabi nya na kinatawa nya na lang.

Nagpalakpakan naman sila kasabay nun ang pagtayo ni Beatriz sa kinaroroonan nya.

dug dug dug dug dug

My heart....

"Hi Jhow." Yun pa lang ang sinasabi ni Bea ng magtilian na agad ang mga gaga.

"Yiiiiieehiiiii." Hindi ko tuloy maiwasan mamula dahil sa pangaasar nila. May alam ba sila?

Napakamot naman sa batok nya si Bea na ang ibig sabihin ay nahihiya na sya kaya naman tinitigan ko sila ng masama kaya nagsiayos sila ng mga upo nila.

"Happy birthday beh. Uhm. You know how much Im very thankful to the high heavens that Ive come to know you. Kahit na hindi maganda yung unang pageencounter natin." Natawa naman ako ng maalala ko yun. Yung nga panahon na halos lahat sinusungitan ko pa. Haha.

"You are a sweet and caring soul. You have such a kind heart. Tinanggap mo ako at pinagkatiwalaan mo ko na maging bestfriend mo and Im so lucky to have you in my life."

Eto nanaman yung luha na bumabagya sa mga mata ko.

"Always remember that Ill always be here for you Jhow. Through thick and thin. I love you beh, always will." Binaba nya ang mic na hawak nya at lumapit sakin.

Niyakap nya ko at hinalikan sa tuktok ng ulo ko. Shet! May pa-always will na si gobernador! Huhu y bea?

"Thank you Beatriz. So much." Humiwalay sya at tumayo.

Tapos na silang bumati lahat kaya naman tinuloy pa nila dahil may pakulo pa pala silang iba.

Sumayaw sila Ponggay at sila Jules. Tawa ako ng tawa dahil Baby Shark ba naman yung sayawin nila. Kaloka hahaha.

Nagulat na lang ako ng sumunod na umakyat sa stage ay si Beatriz na may dalang gitara.

Ngumiti sya pagkatingin nya sakin kaya hindi ko alam kung ano yung irereact ko dahil gulat pa ko sa pag-akyat nya. Grabehan na to.

Umupo sya at inayos yung mic stand sa harap nya. Pagtapos ay hinawi nya yung buhok nya na sya naman na nagpakilabot sakin. Napakapapi kagigil!

"Hi again. Let me tell you some story. This is a story of someone I know.... She's so young yet so damaged. She's been thru a lot of things at a very young age. But this story is centered about how she met a guy who changed her life."

Walang nagsasalita. Lahat nakatuon yung attention kay Bea. Dahil lahat interesado sa mga sinasabi nya.

"I know someone who was deeply inlove with an asshole." Nagtawanan naman sila ate Ella at napa-facepalm na lang ako sa mga pinagsasabi ni Bea.

Kailangan ba talagang sabihin yun? (yes pinagtatanggol... mahal pa) Shut up inner Jho!

"She never left his side, even when he already left her. And thats how much she loved him. She loved him to the extent that she gave everything she has.... except lang sa V card y know!"

Again nagtawanan nanaman ang mga gaga! My ghad Beatriz! You dont do that to me!

"She was so dumb and numb." Sige Beatriz ipamuka mo sakanila kung gaano ako katanga! Huhu hate you!

"Dumb to believe that the guy actually fell for her. And numb to feel that the asshole was only using her. She was so inlove... thats why."

"And to that girl that the guy left hanging... I got your back." Tumingin sya sakin at kumindat. Shems!! Im gonna die!

Dahan dahan ay nagstrum na ng gitara si Bea.. and yup! Das my Bae!!!

Now playing: Beautiful scars

She just wants to be beautiful
She goes unnoticed, she knows no limits

She craves attention, she praises an image

She prays to be sculpted by the sculptor

Ilang lyrics pa lang yung nabibigkas nya pero hindi ko maiwasan na matulala sa boses nya.

Oh, she don't see the light that's shining

Deeper than the eyes can find it
Maybe we have made her blind
So she tries to cover up her pain
And cut her woes away

'Cause covergirls don't cry
After their face is made

Wala pa ata sa gitna yung kanta pero lusaw na lusaw na ko sa kanta ni Beatriz.

Bakit mo ba ko ginaganito?

But there's a hope that's waiting for you in the dark

You should know you're beautiful just the way you are

And you don't have to change a thing
The world could change its heart

No scars to your beautiful
You're stars and You're beautiful

Binago nya pa yung iba sa lyrics na syang ikinangiti ko.

Ganun na lang ang gulat ko ng pagpikit ko ay may tumulo sa mga mata ko. Sucha baby amp.

Tapos na ata ang kanta kaya binaba nya na yung gitara na hawak hawak nya.

Kaya naman nagtayuan sila ate Ells at pumalakpak na ikinangiti ni Bea at yumuko.

Akala ko yun na yung ginawa nya. Akala ko bababa na sya ng stage. Pero tumayo lang sya at hinawakan uli yung mic.

"I wish you the best of all this world could give. I will always be thankful for the trust you have given to me. I owe you a lot Jhow. Okay Ill stop na. Its not my birthday but Im being dramatic here. Haha so again... Happiest birthday to the best people in the world!"

Hindi ko napigilan at tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Bea. Pinapaiyak talaga ko neto bwisit!

Hindi ko namalayan na ang tagal na pala namin sa ganung pwesto ng sumigaw sila.

"Cheesy! Huy respeto naman sa mga single!" At nagtawanan sila habang kami ni Bea ay humiwalay na rin sa isat isa.

Panira sila bwisit na mga to.

Since nasa stage na rin ako ay kinuha ko na yung mic. Its time naman na sila pasalamatan ko for all of this.

"Una sa lahat... Happy birthday sakin! Maraming maraming salamat mga skwamis! Hindi ako nagkamali ng pagpili ng kaibigan.... wala rin naman akong choice since ako ang gusto nyong kaibigan."

Nagtawanan naman sila at may sumigaw pa na ang kapal ko.

"Wala na kong masabi sainyo kasi the best kayo. Pero syempre pinaka thankful ako kay Madam Ells! Shabba!!!!! Alam mo na lahat yun. Ikaw na naging momshie ko simula nung... alam mo na yun!"

Nakita ko naman ang pagpunas ni ate Ells sa mata nya.

"Ayun so thank you so much guys! I super duper appreciate this kind of treatment! Iloveyou all!"

Pagtapos ko magsalita ay bigla na lang may malakas na sound na tumugtog kaya naghiyawan sila at nagsimula tumayo.

Nagsimula na silang magsayawan at inuman habang ako alalay lang sa paginom dahil ayoko isipin ni Bea na dulot lang ng kalasingan yung pagconfess ko sakanya mamaya.

Speaking of.... ayan nanaman kinakabahan nanaman ako. Mas napaparami lang inom ko pag naiisip ko na magcoconfess ako kay Bea eh.

Asan nga ba si Bea?? Nawala ako sa paghahanap ng hilahin ako nila Gizelle para sumayaw.

Kaya naman nakisayaw na lang din ako at mamaya ko na lang hahanapin si Beatriz.

Para rin naman makabwelo ako at magkaroon ng kahit konting kapal ng muka sa pag-amin sakanya. Konting lakas ng loob lang talaga.

Nang mapagod na kami sa kaharutan namin ay umupo na rin kami at nagshot na lang.

Katabi ko si ate Ells ng kalabitin nya ko kaya naman napatingin ako sakanya.

"Ready na ba u gurl?" Tipsy na ang ate mo Jorella.

"Shh wag ka nga maingay djan. Mas madaldal ka talaga pag lasing!" Tumawa lang sya at nagyaya mag-cheers.

Napalingon ako sa likod ko ng may humawak dito. Si Beatriz... o m g.

Parang hindi pa ko ready. Teka parang nakalimutan ko kung ano nga pala sasabihin ko. Anuba self.

"Tara Jhow may sasabihin ako sayo." Nagsmile sya at hinawakan ang kamay ko kaya naman nagpadala na lang ako kung san kami pupunta.

Maya maya ay nagstop din kami sa sala. Umupo sya habang ako nakatitig lang sakanya.

Ngumiti nanaman sya kaya eto nanaman ang puso ko. Hindi mapigilang mahulog ng paulit ulit.

Ni-tap nya yung space sa tabi nya kaya naman umupo na din ako.

Walang nagsasalita. Walang kumikibo. Tanging yung beat lang ng puso ko yung naririnig ko at ang malalalim na paghinga ni Bea.

Sabihin ko na ba? Eto na kaya yung perfect time para sa pagconfess ko?

Bea...

"Jhow." Wait. Di pa ko nagsasalita. Mas nakakaba pala pag sya yung unang nagsalita.

Nagclear ako ng throat kunwari bilang pagsagot at tumingin sakanya.

"We met... 6 months ago?? I dont know.. I was lonely and broken as fuck when you came my way.. and so do you. We became friends. Best of friends."

Hindi ako mapakali sa kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano gusto ipahiwatig ni Bea.

Anuba to? Hindi pa ko nagcoconfess, busted na kaagad?

"I promised not to fall for you..."

dug dug dug dug dug dug

Alam nyo ba yung feeling na pinagpapawisan ng malagkit kahit hindi naman mainit?? Ako yun!

Napapikit ako sa mga sinasabi ni Bea... kailangan ko na ba sumingit. Unahan ko ba ba? Naguguluhan ako lalo na hindi ko alam kung ano gusto nyang iparating.

Kasi ako... hulog na hulog na Beatriz! Napayuko ako sa frustation. Please Lord... wag naman ngayong birthday ko... please.






"But I did anyway. I.... fell... in...... love."



*******

Sorry sa errorssssssssssss at sa matagallllllllllll na update. Piz! -👽

Continue Reading

You'll Also Like

429K 17.5K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
329K 19K 72
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
Fake love By :)

Fanfiction

112K 2.6K 41
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
460K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...