Hala Ka!? (Book 1)

By livingood

3.8M 33.7K 2.6K

A KathNiel Fanfic. More

Hala Ka!? [A KathNiel Fanfic]
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18: While sa Philippines..
Chapter 19: 5th Month
Chapter 20: Girl Bonding
Chapter 21: Before the date..
Chapter 22: Disaster Date??
Chapter 23: Confused
Chapter 24: New Friends
Chapter 25: Kilig?
Chapter 26: Gino's Plan
Chapter 27: Terrified
Chapter 28: Tampuhan??
Chapter 29: At home
Chapter 30: Surprise!!
Chapter 31: Something's fishy..
Chapter 32: Moments
Chapter 33: 8th month
Chapter 34: Panic
Chapter 35: Success
Chapter 36: Mikki Giselle M. Dela Rosa
Chapter 37: After..
Chapter 38: Grandpa!
Chapter 39: Oh My! Mikay!
Chapter 40: Brother-in-law
Chapter 41: Acceptance.. or not?
Chapter 42: All my life..
Chapter 43: My turn
Chapter 44: Childhood
Chapter 45: Never
Chapter 46: Break
Chapter 47: 1st day- Boracay
Chapter 48: 2nd day- Boracay
Chapter 49: 3rd day- Boracay
Chapter 50: Miss
Chapter 51: Past
Chapter 52: Family Bonding
Chapter 53: Tagaytay
Chapter 54: Ika'y akin lamang
Chapter 55: Last surprise
Chapter 56: Friendship
Chapter 57: She's back..
Chapter 58: The night before..
Chapter 59: I Do
Chapter 60: FINALE
BOOK 2~ access

Chapter 16

62K 567 32
By livingood

Chapter 16: Work

--*--

Mikay's POV

Maaga akong nagising kaya napagpasyahan kong ako naman ang magluluto. Syempre, ayoko namang lagi niya kong pinagsisilbihan or what. Hindi naman ako pinggan na mababasag.

Pinili kong lutuin ang bacon at itlog. Favorite breakfast ko yon e. Hehe. Naglalagay na ako ng pinggan sa lamesa ng makita ko si Gino na shirtless na nag-aayos ng basa pang buhok.

"Good morning!" Nakangiti kong bati. Pinigilan kong tumingin sa abs niya. Grr..

"Morning.." Bati niya rin with husky voice pa. "You don't have to that. I want you to rest."

I rolled my eyes. "Gino, buntis ako. Hindi baldado."

"I'm just worried."

"You don't have to be. Kaya kong alagaan ang sarili ko."

"Fine. Mag-ingat ka lang palagi."

Tumango ako para matapos ang usapan. Dumiretso naman siya sa kusina. Naupo na lang ako at hinintay siyang makabalik. Malayo pa siya ay alam ko na kung anong meron sa hawak niyang tasa:

Kape.

Hindi ko alam pero parang bumaliktad ata ang sikmura ko. Madali akong dumiretso sa banyo at sumuka sa toilet.

"Hey.." Narinig ko ang nagmamadaling yabag ng paa ni Gino. Agad naman siyang nakalapit at hinagod ang likod ko. "Are you okay?"

Pinunasan ko ang bibig ko bago tumango. Inalalayan niya ako sa pagtayo. Tinakpan ko ang ilong ko dahil baka sumuka na naman ako sa amoy ng kape. Ugh.

"I disposed the coffee already." Sabi niya. Binaba ko naman ang kamay ko at napansing wala na nga ang amoy ng kape. "First morning sickness, huh?"

"Maraming beses na to no."

"I mean, with me."

"Bat nakangiti ka?"

Nagulat naman siya at biglang nagpoker face. "W-wala."

Pinaghila naman niya ako ng upuan at nagsimula na kaming kumain.

--*--

Gino's POV

Hindi ko alam pero natuwa ako na nagkamorning sickness si Mikay. Hindi masaya dahil nagsusuka siya pero natutuwa lang ako na para kaming mag-asawa. Na-experience ko yung inaalalayan siya dahil sensitive siya sa isang certain na pagkain.

"Good morning, Ma'am. Good morning, Sir." Bati ng secretary ko samin na medyo bias kasi mas inuuna niyang batiin si Mikay kesa sakin.

Dumerecho naman kami sa opisina ko. "So Ashley, like what I said to you yesterday, my wife will handle all the new applicants."

"Yes, sir."

"And, sasamahan mo siya dun hanggang matapos." Dagdag ko at umupo na sa swivel chair.

"Um, sir, medyo marami po kasing dapat ireview na files sa table ko.." Paliwanag ni Ashley.

"That's fine. I'll do the reviewing. Just help my wife."

Tumango naman si Ashley. "Got it." At lumabas na rin para kuhanin ang mga files na kailangan i-review.

--*--

Mikay's POV

"Haaay. Buti naman at hindi na ako mabuburyo dito sa opisina mo." Sabi ko bago maupo sa couch.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "I'll check on you from time to time."

I rolled my eyes. "Alam mo, napaka-OA mo. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko."

"Alam ko." Masungit niyang sabi. "Masama ba kung mag-alala ako sayo?"

Nag-iwas naman ako nang tingin. "Sa baby ka kamo nag-aalala.." Bulong ko.

"What?"

Umiling ako at ngumiti ng peke. "Wala.. Hehe."

May kumatok naman kaya napatingin kami pareho sa pinto. Pumasok naman si Ashley at inilagay ang madaming folder sa tapat ni Gino.

"Sigurado po ba kayo sir na ayaw niyong magpatulong?" Tanong nito matapos ilapag ang mga folder.

Tumango ako. "Oo nga naman, Gino. I mean, pwede namang ihatid na lang ako ni Ashley at wag nang samahan." Kumpara kasi sa gagawin ko, mukhang mas kailangan niya nang tulong.

"I want Ashley to assist you." Pagsusungit na naman nito. Dumiretso ang tingin niya sakin. "Can't you just follow my orders?"

Inirapan ko naman siya. "Fine, fine. Sungit mo."

"Tss."

"Tara na nga Ashley." Hinila ko pa si Ashley at binulungan. "Pakasungit ng lalaking yan no?"

Hindi naman sumagot si Ashley. Takot siguro na mapatalsik ni Gino.

Pagkalabas namin ay saka lang siya nagsalita. "Tara po Ma'am" sabi niya at nauna ng maglakad.

--*--

Gino's POV

Simple lang ang trabahong binigay ko kay Mikay. Siya lang naman ang mag-iinterview sa mga aplikante.

Ashley:

Sir, medyo marami pong bagong aplikante ngayon. Sunod-sunod po.

Informant ko naman si Ashley kaya siya nandoon. Dahil hindi naman ako pwedeng magpunta doon sa dami ng ginagawa ko, si Ashley ang ginawa kong mata para ma-check si Mikay time after time.

Me:

After 5 more applicants, announce a 20-minute break.

Ashley:

Copy that, sir.

Alam ko. Medyo OA talaga ako. Nag-aalala lang kasi talaga 'ko.

--*--

Mikay's POV

Pumasok naman si Ashley. "Ah ma'am, may 20-minute break po kayo. Baka gusto niyo hong kumain muna?"

Kumislap naman ang mata ko. Kanina pa talaga ako gutom na gutom. Nahihiya lang ako magsabi na gutom na gutom na ko.

"Hay salamat! Gutom na gutom na talaga ko e!" Reklamo ko. Natawa naman ng konti si Ashley.

"Sige po. Ako na po ang bibili para sainyo."

"Talaga?"

"Opo, Ma'am."

"Pwede uh, spaghetti, chicken, burger, tsaka.. tubig. Thank you!"

"Copy Ma'am."

Ngumiti siya at lumabas na.

Sumandal muna ako para makapagrelax ng tumunog yung phone ko.

Gino:

What are you doing?

Agad naman akong nagreply.

Me:

Nagpapahinga po.

Gino:

Break?

Me:

Yessir. Binilhan ako ng food ni Ashley.

Gino:

Are you feeling okay?

Me:

Super.

Gino:

Am I being nosy?

Me:

Super.

Natawa ako sa tinanong niya at sa nireply ko.

Me:

Joke. OA lang. Hehe

Dumating na naman si Ashley dala ang mga pagkain na pinabili ko. "Kain tayo." Aya ko. Tumayo lang kasi siya sa may pinto. Na-awkwardan naman ako.

"Ok lang po Ma'am." Sabi nito at ngumiti.

"Sige na." Pamimilit ko. "Please??"

Nag-aalinlangan itong lumapit at umupo sa tapat ko. Inabot ko naman sakanya yung burger na tinanggap niya naman.

At syempre, dahil madaldal ako, eventually, nahawa na rin siya at nagkwentuhan kami for 20 minutes.

---*--

Gino's POV

Agad kong kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito. Nakita ko naman na nagtext si Ashley kaya dali-dali ko 'yong binuksan.

Ashley:

Back to work, sir.

Me:

Estimate the applicants.

Ashley:

15, more or less, sir.

Me:

Cut it to 15. Tell the others to go back tomorrow.

Ashley:

Copy.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 79 11
Because of a raffle draw a girl named Andrea Asterielle Pedrosa a.k.a. Andy, life's change. Then he meet Bright Kier Brilton, the super handsome, hot...
11.5K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
2K 143 13
Science can explain the things that we believe even the thing called Love. Mace Jade Martin is a BSED Science first year student who believes that ev...
9.2K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...