Steal thy heart (PUBLISHED BY...

By AnnSyvil

1.1M 24.1K 1.9K

**TEASER ONLY*TEASER ONLY*TEASER ONLY** Iniwan si Natalie ng Boyfriend nya at sumama sa ibang babae, not just... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 -SPG-
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 -SPG-
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 FINALE

Chapter 11

35.9K 789 88
By AnnSyvil

Natalie

Aligaga ako habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang repleksyon ko. Nakalugay ang kadalasang nakapusod o nakatali kong buhok. Naglagay rin ako ng kaunting make up upang magkakulay ang mukha ko at nagsuot ako ng dress na courtesy, again, ng mahal kong bestfriend.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. Kalma ka lang, Natalie.

Marahan akong naupo sa gilid ng kama ko upang wag magusot ang damit ko. Nakakahiya naman kay Axel kung mukha akong gusgusin. Dress to impress ako ngayon, ika nga!

I checked my watch and realized it was almost time to go. I took another look at the mirror and sighed. Wala na talaga, hanggang ganito lang ang kaya ko. At least presentable na 'ko.

Dali dali akong lumabas ng condo ko.

Nang makarating ako sa meeting place namin ni Axel ay namangha ako.

Isang four star restaurant pala ang lugar na sinabi sakin ni Axel. Bakit naman niya 'ko naisipang dalhin dito? Ganun na ba ka-bigtime ang ex ko? Never pa niya 'kong dinala sa mga ganitong klaseng lugar mas high end pa 'to kumpara dun sa restaurant na pinagdalhan nya sakin nung nagbreak kame.

You wouldn't want to go there, If I were you, Natalie. Babala ko sa sarili ko. Papano naman kase, hindi ko maiwasang ma-teary eyed sa twing maaalala ko yung araw na yun!

Hindi ko alam kung papasok na ba 'ko sa loob o hindi. What if hindi ako siputin ni Axel?

Pero kaysa naman tubuan ako ng ugat at matuyuan ako ng dugo sa katatayo dito, nagpasya na 'kong tumuloy sa loob.

"May reservation po kayo, ma'am?" tanong sa'kin nu'ng receptionist.

Patay. Hindi ko alam kung nagpareserve ba dito si Axel or what. I started to panic and was about to turn my back when somebody laid his hands on my shoulder and said, "Yes, under the name of Axel Cuevas."

"For a minute, sir." ngumiti ang receptionist sa'min.

Nilingon ko si Axel at matapis na ngiti ang sumalubong sakin. "Hi, Natalie, you look ravishing tonight."

Napalunok ako. Syet! Ang gwapo niya in his black button up shirt. Maayos na maayos rin ang makintab na buhok niya. Bakit parang mas pumogi siya ng ten times ngayon kesa noong kame pa? "Ahh.. H-hi, Axel.. You-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang lumapit samin ang waitress at giniya kame patungo sa nireserve na table ni Axel.

Napakagat labi ako lalo na nang ipaghila ako ng upuan ni Axel. Gusto ko tuloy mapakanta, haba-ng-hair-nagrejoice-ka-ba-girl?

Naupo sa harapan ko si Axel, ngiting ngiti parin siya hanggang ngayon. Napalinga ako sa paligid. "A-Axel.. Grabe naman.. Parang.. Masyadong mahal dito. Okay na sana ko kahit sa Mcdo o Jolibee lang."

Axel laughed. "Don't be ridiculous, Nana!" he took a deep breath and stared intently into my eyes. "Hindi ko ito nagawa para sa'yo nu'ng tayo pa, hayaan mo 'kong bumawi ngayon dahil kaya ko na."

Marami pa 'kong gustong itanong pero pinigilan ko muna ang sarili ko. Ayoko namang isipin niya na napaka nosy ko. Mabuti na 'yung sa kan'ya manggaling 'yung salita at hindi sa'kin.

"Kamusta ka na nga pala?" he asked while nagseserve yung waiter. "Yung painting na ginagawa mo noon? 'Yung lalaki sa Manila bay? Tapos na ba?"

Ang tagal tagal na nu'ng painting na 'yun. Natapos ko 'yun bago pa man kame maghiwalay. Sa pagkakatanda ko, nasabi ko na 'yun sa kan'ya. Nakalimutan niya siguro. O baka ako 'yung nakalimot na sabihin sa kan'ya? Ewan. "Yeah, natapos ko na.." sabi ko habang nilalaro ang dulo ng table napkin sa kandungan ko.

"Did someone already buy it?" he smiled eagerly at me.

Napayuko ako. Hindi ko 'yun binebenta. Alam kong nasabi ko na 'yun sa kanya. Alam niyang hindi ko yun ibebenta dahil siya ang inspirasyon ng painting na 'yon! It was our first date, for God's sake! Bakit ba hindi nya alam ang detalyeng 'yun? Sinabi ko na 'yun sa kanya! Gusto kong magmaktol pero pinigilan ko ang sarili ko. "H-hindi ko yun binebenta, Xel." mariing sagot ko. Pinagmasdan ko siya habang hinihimay niya ang karne sa pinggan niya.

"Why?"he asked curiously. "Interested pa naman ako at gusto ko yung bilhin."

Napatitig ako sa kanya. "Really?"

"Yes." he said. "It reminds me of our first date."

Sinubukan kong tumingin sa malayo upang pigilan ang nagbabantang luha sa mata ko. He doesn't remember what I told him but it reminds him of that. Malaking bagay na 'yun sakin. My heart's starting to rejoice. Pero bago pa man ako makasagot kay Axel ay tumunog ang CP ko.

*Caleb calling*

***

Caleb

What the hell is going on?

Why is Natalie rejecting my calls? No one have enough guts to fucking reject my calls!

Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at sinikap kong ibaling sa iba ang atensyon ko. I tried to engage in a conversation with the boys but my situation with Natalie just keeps on nagging at me. Damn that girl! She shouldn't be getting under my skin!

Sinabi niyang makikipagkita siya sa ex niya at nagaalala ako. Oh yes, you damn heard it right! The great and elusive Caleb Damien Yung, nagaalala sa isang babae.

But who wouldn't? Kahit naman papaano, Natzkie's my friend. She maybe a bit on the crazy side, but fuck me dead—I really don't wanna admit this—I care for her.

Like a friend normally does.

Who the hell are you kidding Caleb?

Nagaalala talaga ako sa babaeng 'yon, she's so naive! Ang dali dali niyang mauto! Isipin mo naman, anong klaseng lalaki ang makikipagkita sa ex niya habang in a relationship siya sa ibang babae? What the hell? He's an ass! He doesn't deserve even an ounce of Natalie's attention, let alone, her love! Wala siyang kwentang lalaki! Pinaglalaruan niya ang damdamin ni Natalie—But then again, who am I to even judge him? Hindi rin naman ganoon kaganda ang reputasyon ko when it comes to women.

Naputol ang pagiisip ko nang bigla akong sikuhin ni RD. Kinunutan niya 'ko ng noo as if asking me what's going on. Luminga ako sa paligid ko, masayang nagkukwentuhan ang mga ugok kong kaibigan.

Umiling ako sa kanya. What am I doing? Napagdesisyunan kong lumabas ngayon, coz I wanted an out. I wanted to chase Natalie's thoughts away. Lately, parati ko na lang siyang naiisip and it's so friggin' irritating! Napailing ako. Maybe I should just get drunk and get the hell over this. There's no use thinking about someone who doesn't even have the decency to answer my fucking phone calls. Magsama sila ni Axel. 'Yung payatot na 'yun!

I looked down on my phone when it started vibrating.

"Why are you calling?! I'm on the operation to steal my boyfriend back, 'wag mo muna akong kulitin!"

Nang mabasa ko ang mensahe niyang iyon ay napanganga ako. How dare she?! Siya pa ang may ganang magalit ngayon? Wow ha? Ikinuyom ko ang kamay ko. She's such a nutcrack!

Napatingin akong muli sa mga kasama ko. Busy sila na pagusapan yung ex girlfriend ni Zeve, na sobrang kinababaliwan parin niya hanggang ngayon at 'yung recent boyfriend nito.

Naalala ko tuloy si Natalie.

Gusto ko sanang sabihin kay Zeve that he's better off without her and just move on pero hindi ko magawa. Just like I couldn't tell Natzkie those words. Some people are just too sappy for words. Some are going to walk through hell and back just for love.

Ah, love!

I wonder what it feels like? Ano bang meron at humaling na humaling ang mga tao sa pag-ibig na 'yan? Bakit willing silang pagdaan lahat ng pagsubok na 'yun para lang sa pag-ibig? That's just so ridiculous. Insane! Napailing ako.

Dinampot ko ang kape ko saka ako humigop mula roon. Noon naman biglang nagsalita si Drae, "And let's call that operation break them up!" muntik kong maibuga ang kapeng nasa bibig ko sa mukha nya. What the hell? Kasasabi lang ni Natalie nu'n ah? Damn it! Natalie again?!

"Okay ka lang, pre?" RD asked.

I just nodded at him and continued sipping on my coffee while stealing anxious glances on my phone. Hindi ko naman kailangan magalala dahil nagtext naman si Natalie. That couldn't mean she's having sex with Axel right now, right? No. She can't do that. Natawa ko sa loob loob ko. Naalala ko kase yung chuk-chak chenes. Damn, that is so funny!

Napansin kong tinatapunan ako ng kakaibang tingin ni Ram habang naguusap usap sila. I composed myself and pretended I was listening to their conversation. I even butted in and volunteered my crazy ass cousin as the bait—they are planning some sort of scene, para paghiwalayin ang Ex ni Zeve at ang recent boyfriend nito.

Maya maya, they were into some game. Ewan ko, naghahanap yata sila ng chicks at kung sinong maka-score ng date sa chick na 'yun, wins ten thousand grand. Childish. And can I just mention that it was Ram's idea? Yeah, the resident manwhore.

"Look at that girl, bro," pumalatak si Ram. They were all eyeing a girl wearing skin tight pants and some pair of shoes that looks illegal to me. "I can almost feel my d!ck inside her."

"Baboy mo, Ram!" reklamo ni Ika, best friend ni Liam.

"What?" Ram protested. "It's true! See how she sticks her butt like that? And the way she's twirling her hair?" he chuckled. "She's trying to catch my attention. I saw her staring at me before she even stepped outside that restau."

Napailing na lang kami ni RD at Zeve sa kagaguhan ni Ram. Sana isang araw makahanap ng katapat 'tong tarantadong 'to. Oh di kaya makakuha ng herpes, para mas masaya.

***

"What are you talking about? Zambales? Do you even know where that place is?!" I tossed my hair as I went out of the comfort room. Tumawag bigla sa'kin ang magaling na si Natalie para lang sabihin na kailangan naming pumunta ng Zambales next week. So what am I now? Her fuckin chauffeur?

"Of course I know where it is! Duh? Magaling ako sa Sibika at Kultura!" I honestly don't know what I should feel right now. Naiinis ako na natatawa. Gusto kong sakalin si Natalie. Seryoso.

Pagkatapos niyang ireject ang mga tawag ko, ngayon pipilitin niya 'kong pumunta ng Zambales dahil lang magbabakasyon daw du'n si Heather at Axel at gusto niyang makasiguradong hindi magpopropose ang ex niya sa ex ko. Great. Just great! Ginagawa niya 'kong uto-uto!

"Sige na kase, Caleb!" pagmamakaawa niya sa kabilang linya. "Gagawin ko lahat para lang samahan mo 'ko dun! Sige na! Sige na!"

I looked pointedly at my phone. "And you expect me to fall for that? Hindi, Natalie. No can do."

"Grabe naman! Akala ko ba tutulungan mo kong mabawi si Axel?" malungkot na sabi niya.

"Yeah, but not to this extent." tinigasan ko ang boses ko. I'm not gonna give in to her whims. No. Bahala siyang magcommute papunta sa liblib na lugar na 'yon. Basta, I'm not taking her there! "Hindi mo 'ko alila, Natalie ha? Itanim mo yan sa utak mo." nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa lobby ng hotel kung saan kame nagdidinner magbabarkada.

Kami kami na lang ni Drae, RD, at Zeve ang naiwan. Si Ram, ayun sumama na sa babae nya. Habang si Liam naman ay nagpaalam na ihahatid si Ika. Babalik daw siya pero malamang hindi na. Gagaya rin kay Ram yung siraulong 'yun, maghahanap ng kakamot sa kati niya. Please remind me why am I friends with those sluts.

"Matitiis mo ba 'ko, ha, Caleb? Hahayaan mo 'kong magbyahe mag-isa?"

"'Wag ka nang magpaawa. I told you, I'm not going. I'm a busy person, Natzkie. Kailangan ako sa opisina." I lied. Of course hindi ako kailangan sa opisina. The hotel's earning good even without my supervision. So is the car dealership. I can go wherever hell I want and there's still going to be money in my bank account. Nagpapahard to get lang talaga 'ko.

What? No. Hindi! Wala akong balak na samahan siya! Anong hard to get ang sinasabi mo, Caleb Damien Yung?!

"Sows! Kailangan ka sa opisina? 'Wag ako, Caleb! Ang yaman yaman mo na, hindi mo na kailangan magtrabaho!" So, she can see through my lies now? Damn it! What is it with this girl? Bakit ba nauuto nya 'ko ng ganito. This is so fucking annoying!

"Tigilan mo na 'ko, Natalie. I'm not going near Zambales. That's light years away from here."

"Utot mo! 'Wag kang exagge! That's just seven hours from here!"

"See? Seven hours? You're gonna make me drive for seven hours? Bah, sinuswerte ka!" napalakas na ng kaunti ang boses ko at napapansin kong napatingin na sa'kin ang mga hotel attendant.

"May driver ka naman eh." tuloy na pagmamaktol niya sa kabilang linya.

I rolled my eyes heavenwards. Napaka kulit ng babaeng 'to! Kung sana kanina sinasagot niya ang mga tawag ko at hindi ako nirereject, baka pinagisipan ko pa kung sasamahan ko talaga siya.

Okay, again, that is not true. What the hell am I thinking? Fuck. I swear! This woman will be the death of me!

"Geh na! Wag ka na magpakipot d'yan!"

"Hindi ako nagpapakipot!"

"Nakakainis naman 'to oh.. Maawa ka na.. Wala akong pamasahe papunta du'n! You're my only chance! So, please? Please, Caleb!"

I sighed. "No, Natalie. Sorry."

"Caleb—"

Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na sumagot at pinindot ko na and end call button ng cellphone ko. Why? I think she has this certain power.. That the longer you guys talk, mas madali ka niyang makukumbinsi or should I say mauuto na gawin ang gusto niya. That woman had super powers. Minsan na niya iyong ginamit sa'kin nu'ng napapayag niya akong tulungan siyang bawiin si Axel, hindi na 'ko papaya na maulit pa iyon.

Although ngayon naman nakokonsensya ako na pinagbabaan ko siya ng telepono. I really am a goner.

Pailing iling na naglakad na 'ko pabalik muli ng restau nang masalubong ko si RD. He's looking at me at grinning like he knew something's up.

"Why are you looking at me like that?" I snapped at him.

"Si Natalie ba 'yun?" panunudyo niya.

"No." sabi ko lang at nilagpasan na siya.

He laughed and caught up with me. "She's really something, huh?"

"I don't know what you're talking about." hindi ko na lang pinatulan ang pangungulit niya. I don't wanna talk about that woman. Gusto ko na nga siyang mawala sa sistema ko eh. Sadly, para siyang malaking tae na hindi ko maiflush sa toilet ko.

"Si Natalie 'yun, diba?"

"Hindi nga! Ba't ba ang kulit mo?" binilisan ko ang paglalakad, hoping na hindi na siya sumunod.

"It's her." he said with finality. "You're wearing that same exasperated look you have everytime the two of you talk." sinabi niya iyon na nilakipan pa ng nakakabwisit na tawa. What the hell's funny?!

"Nakakaasar siya, pare! She's one manipulative.. b-bitch."

Natawa lalo si RD nang maupo kame sa mesa namin kanina. Wala na 'yung dalawa. Baka nakahanap nanaman ng babae. "Why did you stutter with the 'bitch'? Di mo maatim na tawagin siya ng ganoon?"

Napailing ako. Coz Natalie's not a bitch. She may be irritating and insufferable but she's nice. Whoever calls her a bitch is one huge asshole. Like me. Nagtagis ako ng bagang.

"Ano bang problema, pare? Last time you guys are together, handa ka ng lapain yung babae." he chuckled. "Man, I've never seen you look at a woman ravenously, like you wanted to eat her up. Tell me, is she messing with your head already?"

Oh, mother of all fuckery. I wanted to say yes! She ain't just messing with my head, she's screwing it! But I knew better than to give my friends a cue. Alam kong hindi nila 'ko patatahimikin once na malaman nilang may kinalolokohan akong babae. Not like, kinalolokohan ko nga si Natalie.

Hindi nga ba? I let out an exasperated breath. Hindi ko na alam kung anong nangyayare sa'kin. Naalala ko yung sinabi ni RD na huling beses niya kaming nakita. Yun yung time na nastranded kame dahil sa lakas ng ulan.

He was damn right. I wanted to ravage her that time. I wanted to kiss her senseless. I wanted to pull her towards me, hug the life out of her, touch her in places she have never been touched before and the list of the dirty things that went through my mind that time goes on.

Ang gago ko.

I shouldn't feel that way. Napaka inosenteng babae ni Natalie! I feel awful that I'm thinking wicked things about her. Nakakakonsensya!

"Huy, ano na?"

Napa-tsk ako. Bwisit na buhay 'to oh! Bakit ba kase hindi na lang kame ang magkasama ngayon? Why did I chose to be with my moronic friends? Wala naman pala silang maidudulot na maganda sa pakiramdam ko. Mas lalo ko lang namimiss ang lukaret na babaeng 'yon!

"By the way, wag kang mawawala sa welcome party ni Zeve ha?"

Bakit ba kailangan pa ng lintek na welcome party na 'yan? May isang buwan na rin yata si Zeve dito sa bansa? "Bahala na. Baka di ako makapunta?"

"Ha? Bakit? Pucha naman, pare, tagal nang nakaplano nito, ngayon ka pa mang iindian?"

"May pupuntahan ako." I gathered my keys and phone from the table and stood up.

"Saan naman?"

"Sa Zambales."

Continue Reading

You'll Also Like

286K 5.6K 16
Masakit? Masakit. Lalo na kapag na friendzoned. Tulad ko, frienzoned ako pero akala ko lang pala. Cover by @-euluxuria
1.3M 41.4K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangara...
287K 6K 43
Book 2 of Please Love me. "That is what love means.. sacrifice.." Enzo and Patricia were planning for their supposedly wedding until Sydney Villafuer...
327K 6.9K 26
I hated that he'd blame himself, eventhough I'd been the one who had cause the accident. If only there was some way to undo what I'd been done.. A wa...