Isusumbong kita sa Girlfriend...

By dunnaxi

39.4K 1.2K 470

Samantha Fyrix Del Valle thought that having a cold heart and cold personality can isolate herself from the t... More

SYNOPSIS
CHAPTER 1 ✔️
CHAPTER 3 ✔️
CHAPTER 4 ✔️
CHAPTER 5 ✔️
CHAPTER 6 ✔️
CHAPTER 7 ✔️
CHAPTER 8 ✔️
CHAPTER 9 ✔️
CHAPTER 10 ✔️
CHAPTER 11 ✔️
CHAPTER 12 ✔️
CHAPTER 13 ✔️
CHAPTER 14 ✔️
CHAPTER 15 ✔️
CHAPTER 16 ✔️
CHAPTER 17 ✔️
CHAPTER 18 ✔️
CHAPTER 19 ✔️
CHAPTER 20 ✔️
CHAPTER 21 ✔️
CHAPTER 22 ✔️
CHAPTER 23 ✔️
CHAPTER 24 ✔️
CHAPTER 25 ✔️
CHAPTER 26 ✔️
CHAPTER 27 ✔️
CHAPTER 28 ✔️
CHAPTER 29 ✔️
CHAPTER 30 ✔️
CHAPTER 31 ✔️
CHAPTER 32 ✔️
CHAPTER 33 ✔️
CHAPTER 34 ✔️
CHAPTER 35 ✔️
CHAPTER 36 ✔️
CHAPTER 37 ✔️
CHAPTER 38 ✔️
CHAPTER 39 ✔️
CHAPTER 40: ABDUCTED ✔️
CHAPTER 41: FLASHBACK 1 ✔️
CHAPTER 42: FLASHBACK 2 ✔️

CHAPTER 2 ✔️

1.4K 51 10
By dunnaxi

FIRE POV

Bakit ba kailangan ko pang pakisamahan ang lintek na panget na ito?

Wala akong pakialam sa kanya. Wala akong pakialam sa mga pinagsasasabi niya. Wala akong pakialam na nag-e-exist siya sa tabi ko ngayon para turuan ako ng Calculus. Wala akong pakialam! Gusto ko ng umuwi!

But I can’t do that because of this stupid nerd who threatened me that he will report to that teacher everything that we do. Gusto ko siyang sapakin dahil sa pananakot niya pero hindi ko magawa dahil isang sumbong lang ng professor na ‘yon sa tatay ko, tapos ang Porsche ko.

Tapos na ang klase namin pero heto pa rin kaming dalawa at tinuturuan niya ako. Actually hindi naman ako nakikinig sa kanya. Panay lang ang palobo at nguya ko ng bubblegum na nasa bibig ko.

Malapit ng dumilim dahil matapos ang huling klase namin ay agad niya akong hinarang noong nagbabalak na akong umuwi. At ayon, pinagbantaan ako ng lintek.

May lakad ako. Balak kong tumambay sa isang bar para magpalamig ng ulo dahil sa kabadtipan ko dito sa panget na ito pero heto’t nagsasayang ako ng oras sa walang kwenta niyang pinagsasasabi.

"Will you please shut up your smelly mouth? Ang baho!" Inis na bulyaw ko dahil hindi na tumitikom ang bibig niya dahil sa sunod sunod na pagsasalita. Ewan ko nga kung humihinga pa ba ito dahil sa dire-diretso niyang pagtuturo.

Napatigil naman siya at agad napatingin sa akin.

“O, bakit?” Maangas na tanong ko habang nakataas ang kilay. “Ang baho ng hininga mo. Naaamoy ko kahit ang layo ko sayo.”

Bahagya siyang tumalikod kaya naman napakunot ang noo ko. Nag-iba ako ng posisyon at tiningnan kung anong katangahan ang ginagawa niya.

Tinakpan niya ang bibig niya at halos mapatampal ako sa noo ko nang makitang bumuga siya ng hangin doon.

Kadiri ‘tong buset na ‘to.

Hinintay kong humarap siya sa akin at handa na akong laitin siya pero muli na naman siyang bumuga ng hangin at hinabol pa iyon.

“Amoy strawberry!” Sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa hiya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa katangahan niya.

"Kadiri kang Nerd ka! Lumayo ka nga sa akin! Nakakasira ka ng araw!"

Nakanguso siyang humarap sa akin at humalukipkip pa.

"Hindi pwede, Fire ‘no! Tutor time natin ngayon so hindi ako pwedeng lumayo sa'yo." Nakangusong aniya.

"Ano bang ingay yan?! Kanina pa kayo, ah!"

“Pakialam mo?” Pabulong na sambit ko at muling sumandal sa sandalan ng kinauupuan ko.

Pipikit na sana ako para matulog pero naagaw ang atensyon ko ng lintek na nerd na ito na biglang tumayo at sunod-sunod na yumuko sa librarian na sumita sa amin.

"Waaaahhh! Sorry na, Miss Librarian! Hindi na po mauulit! Sorry po. Sorry po."

Napatampal na talaga ako sa noo ko dahil sa kahihiyan.

Hindi ko kakayaning makasama ang lalaking ito ng matagal. Mababaliw ako. Walang matitirang kahihiyan sa katawan ko.

"Sige, pagbibigyan ko kayo." Masungit na sambit ng librarian na ikinairap ko.

"Talaga po? Waaaahhh! Salamat p—"

"Pero lumayas kayo sa library na ito ngayon din. Bumalik na lang kayo sa ibang araw." Ani nito sabay talikod.

Ngumisi ako at agad na sinukbit ang bag ko.

"P-Pero..."

Hindi na natuloy niya natuloy ang nais na sabihin dahil mabilis akong dumaan sa harapan niya at agad na lumabas ng pinto.

"Waaahhh! Fire, sandali!" Napapikit ako dahil sa matinis na sigaw niyang iyon.

Napakaraming mata ang nakatutok sa amin dahil sa kanya. At hindi ko gusto iyon. Hindi ko gusto ang atensyon!

Malalaki ang hakbang ko habang nakayuko dahil sa pagmamadaling makawala sa mata ng panget na iyon at sa mata ng mga tsismosang nakikiusyoso sa amin.

"WAAAAAHHH! Fire naman eh. Kailangan mong matapos ang assignment mo!”

“My assignment is none of your fvcking business! Leave me alone!”

“Pero gusto kong tulungan ka! Hindi lang ikaw ang mapapagalitan ni prof. Pati ako damay na dahil ako ang tutor mo."

Tumigil ako sa paglalakad at kunot ang noong bumaling sa kanya. Humakbang ako ng isa dahilan para mapahakbang siya paatras pero hindi ako tumigil hanggang sa mapalapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kwelyo ng uniform niya.

“F-Fire…”

"Bakit? Sinabi ko ba turuan mo ako?” Matigas na sambit ko.

“Hindi. Pero—”

“Hindi naman pala, eh!” Singhal ko at pabatong binitiwan ang kwelyo niya. “Wala kayong pakialam sa akin! Wala kayong pakialam sa gusto ko! Wala kayong pakialam sa desisyon ko! Wala kayong pakialam hangga’t wala kayong ambag sa buhay ko! Naiintindihan mo ako, ha?” Sigaw ko.

Hindi siya sumagot at yumuko.

"You keep on fvcking interfere in my life! That professor has  nothing to do on what I want to do with my life! And you!” Sigaw ko at idinuro ang dibdib niya. “Why do you keep on pestering me? Ayaw kong mag-aral. Ayaw kong kasama ka! Ayaw kong nakikita ka! You don’t want to be scold by that professor? Then tell her you’re doing your job, hindi ako magsusumbong! Matutuwa pa ako kung titigilan niyo na ako!"

Nanatili siyang nakayuko at hindi man lang tumitingin sa akin. Umingos ako sa kanya at tumalikod na upang umalis pero napatigil ako dahil sa sinabi niya.

“Why do you have to be that heartless, Fire?”

Napakahina ng pagkakasambit niya pero rinig na rinig ko.

Rinig na rinig ko ang pag-garalgal ng boses niya dahilan para mabilis akong mapalingon sa kanya.

“Anong sinabi mo?”

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin. Walang luha ang mga mata niya pero namumula ito, na tila nagpipigil.

“Don’t you want to prove yourself to your father?”

Inis akong muling lumapit sa kanya at muli siyang kinwelyuhan.

“Sino ka para sabihin sa akin iyan, ‘ha?!”

Tumingin siya sa mga mata ko.

“Sinabi ni prof, pinagmamalaki ka ng tatay mo. Kasi nakaabot ka sa puntong ito kahit labag sa loob mo. Alam niyang ayaw mong mag-aral pero pinipilit mo ang sarili mo para sa kanila. Para sa kanya dahil ito ang hiling niya. He just want you to have a better future kaya pinakiusapan niya si prof na hanapan ka ng tutor na tutulong sayo. Pero anong ginagawa mo?” Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa pagkakahawak sa kwelyo niya. “You keep on pushing the people who wants to help you.”

“Wala kayong pakialam—”

“Yes, wala dapat kaming pakialam dahil buhay mo ‘yan.” Malumanay pa ring sambit niya. “Pag-isipan mo. Dahil kung tatay ko ang tatay mo? Magpapasalamat pa ako dahil ako pa rin ang iniisip niya kahit napakapangit ng ugali ko.”

Tumalikod siya at muling naglakad palayo sa akin.

Leaving me dumbfounded.


-🔥-🔥-🔥-🔥-🔥-

"Hard." I said to the bartender and he know what to do.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Loud music, colorful lights and wild people that was almost making out around me plus the smell of alcohol from the surroundings.

Napakatapang ng amoy ng usok na nagmumula sa mga sigarilyo at nagiging dahilan iyon para sumikip ang dibdib ko kaya naman matapos makuha ang inumin na in-order ko ay agad akong nagtungo sa lugar na kakaunti ang tao.

Sumimsim ako mula sa shot glass na hawak ko at bigla akong natigilan ng sumagi muli sa isip ko ang sinabi ni Nerd.

“Magpapasalamat pa ako dahil ako pa rin ang iniisip niya kahit napakapangit ng ugali ko.”

Napailing ako at sarkastikong ngumiti bago muling uminom ng alak mula sa baso.

“You don’t know me, Nerd.”

Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid at dahil nagsisimula pa lamang ang gabi ay matitino pa ang mga tao. Well, hindi lahat. Dahil sabi ko nga kanina, ang iba ay halos kumandong na sa mga partner nila.

Nasa kalahati na ako ng bote ng iniinom ko ng may tumabi sa akin.

“Nag-iisa ka yata, miss?”

Hindi ko siya pinansin. Sanay na ako sa mga taong ganito sa tuwing pumupunta ako sa ganitong lugar.

“Miss?”

“What the fvck do you want?” Malamig na tanong ko dito.

“Woah! Woah! Hold up!” Agad na sambit niya habang nakataas pa ang mga kamay. “Hindi ako katulad ng iba, okay?”

“Kung ganoon, lumayas ka sa harap ko dahil hindi kita kailangan.”

“Nasa gilid mo ako, miss.”

Sinamaan ko siya ng tingin at muli ay inosente siyang ngumiti bago umupo sa stool sa tabi ko.

“Okay. Hindi na kita aabalahin. But let me sit here. Payapa dito.”

“Eh ‘di pumunta ka sa burol at doon ka tumambay. Gusto mo pala ng payapa, sa ganitong lugar ka pumunta.” Iritadong sambit ko.

“Hmm… Let’s just say, may binabantayan ako kaya ako napunta dito.”

Tumingin ako sa kanya. Gwapo ito at halatang mayaman.

“Girlfriend mo?” Tanong ko.

Bahagyang gumagaan ang loob ko dahil hindi nga siya mukhang masamang tao. Saka hindi rin siya lasing. Nakakapag-isip pa ito ng matino.

“Well, maganda siya pero mapapatay ako ng kaibigan ko kapag pinatos ko ‘yon. So no. Not my girlfriend.” Iling niya.

Napatango naman ako muling nagsalin ng alak sa shot glass na hawak ko.

“Woah! Mauubos mo na ‘yan, miss, ah? Nahihilo ka na ba?”

Umiling ako bago ininom ang alak. Napangiwi ako dahil sa pait.

“Mataas ang alcohol tolerance ko. ‘Di ako basta-basta tinatablan.”

“Ow… Kaya pala malakas ang loob mong magpunta sa ganitong lugar mag-isa. Saka sa hitsura mo, hindi ka katulad ng iba.”

“Bakit? May problema ba sa porma ko?” Maangas na tanong ko.

“Wala. Ang cool mo nga, eh. Mukha kang gangster.”

Napangisi ako saka manghang tiningnan siya.

“Alam mo, magkakasundo tayo. Anong pangalan mo?”

Ngumisi din siya sa akin.

“Alas.”

Napatango ako.

“Weird name. I’m Fire.”

“Nice to meet you, Miss Fire.”

“Cut the miss.” Agad kong sambit at nginisian siyang muli. “My personality is far from that.”

Tumawa siya saka napailing.

“Well, I agree.”

Hindi na ako sumagot at bumaling na lamang sa dance floor para panuorin ang mga taong nagsasayaw doon.

Only to see this motherfvcking creature that made my blood boil.

“You okay, Fire?”

Hindi ko pinansin ang katabi kong nagtanong sa akin at pabagsak na inilapag ang baso ko. Mabilis akong tumayo at nilapitan ang lalaking nakakapagpainit ng dugo ko ngayon.

Nang makalapit ako sa kanya, huminga muna ako ng malalim at malakas na binatukan siya.

Halos magkanda-tumba na siya sa dance floor dahil sa lakas ng pagkakabatok ko.

"Lance!" Sigaw ng babaeng kasayaw niya kanina lamang saka ako tiningnan ng masama pero tinitigan ko lang rin siya ng masama hanggang sa siya na ang unang bumitaw sa titig at dinaluhan ang tuluyan ng natumbang si Lance.

"What the hell was tha—” Napatingin siya sa akin at agad nanlaki ang mga mata niya. “A-Ate?!”

Kahit madilim ang paligid ay nakita ko pa rin kung paano namutla si Lance.

"Follow me, dumbâss.” Malamig na sambit ko at tinalikuran siya.

Alam ko namang hindi ‘yan tatakbo at susunod agad iyan sa akin dahil galit ako. At alam kong alam niyang may mali rin siya.

Halos kasunuran ko lang rin siyang umupo sa bangko. Naroon pa rin si Alas at nananatiling nakaupo.

At siya namang makapal ang mukha, biglang hinablot ang bote ng alak ko at nagsalin sa baso ko.

Muli ko na naman siyang binatukan dahil sa ginawa niya.

"Aray ko naman, ate!"

"Gago ka ba? Sinong may sabi sa iyong iinom kang tarantado ka?! Huwag mo akong sagarin, Lance Blaze!”

Ngumuso lang naman ang gago at muling inilapag ang baso.

"Bakit ka nandito?" Seryosong tanong ko sa kanya saka ako uminom sa shot glass ko.

"Nagkayayaan kami ng friends ko.” Kalmadong aniya at naupo pa sa isang bakanteng upuan sa tabi ko.

“Menor de edad din?”

Hindi siya nakasagot kaya naman nanggagalaiti kong inihagis ang shot glass na hawak ko.

Maraming napatingin sa gawi namin pero ni isa sa kanila ay hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Galit akong tumingin kay Lance at alam kong nakikita niya ang galit ko.

"Kinse anyos ka pa lang, Lance Blaze! Nag-iisip ka bang tànginà ka?!” Madiing sambit ko. Hindi ko magawang lakasan ang boses ko dahil kapag narinig nilang may nakapasok na menor de edad dito ay pare-pareho kaming malalagot.

“So what? Ngayon lang naman, eh!”

Napapikit ako at napahilot sa sentido ko.

“Paano ka nakapasok dito?”

“Fake ID.”

Muli akong napapikit at malakas na pinitik ang tainga niya.

“Aray! Ano ba?!”

“Uuwi na tayo!” Sigaw ko at hinawakan siya sa braso saka ko siya kinaladkad palabas. Ni hindi ko na nagawang magpaalam kay Alas na tahimik na nanunuod sa amin.

Sakit talaga sa ulo ang kapatid kong ito.

Nang makarating kami sa parking lot ay pabato ko siyang binitiwan at agad siyang napasandal sa hood ng Porsche ko.

“Tànginà naman, Lance Blaze!” I shouted. “Alam mo ba kung anong gulo ang kakaharapin mo kung nahuli ka doon? Nag-iisip ka ba, ‘ha?!”

“What?! Unang beses pa lang naman ito! Ano bang kinagagalit mo, d’yan?!”

Hinawakan ko ang kwelyo niya at nanlilisik ang mga matang tinitigan siya.

“Nagagalit ako dahil malaking gulo ang kakaharapin mo kung nahuli ka! At sinong madi-disappoint mo? Si daddy!”

“Wow! Bakit? Pareho lang naman tayong disappointment kay daddy, ah!”

Napatigil ako at napatitig sa mukha niyang bahagyang ngumisi.

“Cat got your tongue?” Mayabang na aniya at inalis ang kamay kong nakahawak sa kwenlyo niya. “You disappoint daddy, too, ate. You disappoint him first!” Madiing aniya at tinalikuran ako upang bumalik sa loob.

And right at that moment, I feel hurt.

Damn.

☜✨☞

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
10.1K 111 5
MONTREAL SERIES #1 What if a Notorious Assassin Suddenly became a Normal Student and encountered a Very popular young 4 men who called "4 kings" in...
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
199K 4.6K 30
She's witty. She's clever. She's cool. She's weird. She's odd. She's creepy. She's unknown. She has a weird hair. She's tough. But...