The Bestman's Girlfriend

By xianrandal

5.1M 54.1K 1.7K

What if.... Somebody will be claiming in front of your family that she is your girlfriend? You never met her... More

The Bestman's Girlfriend (Book 1 & 2)
Explanation
1 The Dare
2 Sign-up
3 Job Interview
4 First Day
5 Games
6 Yemma Dominez
7 Ruel
8 Tita Lourdes
9 Ruel's Charm
10 Girls
11 Irog & Boyfriend
12 Ruel and Candice
13 Mga Hirit
14 Pasabay
15 Bistado
16 The Dance
17 Ligaw
18 Ligaw Pa Rin
19 Compostela Valley
20 Dyanne
21 Wrong Timing
22 Ruel's Plan
23 Outing
24 Official
25
26 Spongebob
27 Conference
28 Hotel
29 Lock the Room
30 Thalia
31 Second or Third Chance
32 Dinner
33 Tom
34 The Decision
BOOK 1 - End
BOOK II-1
Book II-2 The Meeting
Book II-3
Book II-4
Book II - 5
Book II-6
BOOK II-7
Book II-8
Book II-9
Book II-10
Book II-11
BOOK II-12
When A Beki Falls In-Love
RUEL'S CHARM
MarXie
Facebook Accounts

Book II - END

83.9K 1.2K 163
By xianrandal

13

Yan! Tinapos ko na….Hope you will like the ending, ito ang pinaka korning suggestion ni Ruel!

******

Lahat masaya para sa kanila ni Aron Miguel, mga kaibigan, kamag-anak, kasambahay, kasama sa trabaho, lahat lahat na. Ang Papa nga niya na talagang dinibdib na natalo siya ng lalaking mahal ay naging masaya na rin, siyempre naman no!

Di na rin siya bumalik ng Canada, obvious naman kung bakit. Basta ang alam niya at feel niya na happy ending na talaga. Pero bakit di na nagparamdamdam si Boyfriend ng tungkol sa kasal…ulit? Ayaw na ba nito? Nagbago na ba ang isip niya? E alangan namang siya na babae pa ang magbigay ng hint na like niya nang lumagay sa magulong buhay? Hehehe.

PEro actually, naiinis siya, minsan talaga, o madalas kaya, itong si Aron Miguel, tatanga tanga pagdating sa love. Kung gaano siya kagaling sa pagpapatakbo ng negosyo, ganun naman ito ka slow pag dating sa kanya. Tulad ngayon…

Since tumutulong na siya sa Kuya Carlos niya sa pagpapatakbo ng negosyo, madalas nasa Davao siya, ganun din ang nobyo, so siyempre, sabay silang nagdidinner, as usual, siya ang nasusunod, sa Jollibee! Walang eepal. She was looking at that cute baby boy na pinapakain ng Mama nito.

“What are you looking at, Irog?”

“Ang cute ng baby, Boyfriend.”

“Mas cute ako jan nung baby pa ako.”

“Di naman ah, I saw your family pictures, di ka kaya cute. Kung magkakaanak kaya tayo, ka sing cute niya kaya?”

O di ba? Paramdam na kaya yun, na gusto na niyang magkapamilya. Pero wala pa rin, di na gets ng nobyo.

“Siguro. Cute naman tayong dalawa, so baka cute rin.” Inosente pang sagot nito.

“Ah! Parang ang ganda ng may baby na ano?”

“Yup! Masaya pag may baby, siyempre may magpapatawa sayo at may kakatuwaan ka na.” Ang manhid lang. Di ba pwdeng ang itatanong niya ay, gusto mo gumawa tayo ng baby? Syete! Mali, may naalala siya eh. Di na nga naulit, kainis! Hehehe. Gustong maulit?

Haiz! Waley! Slow! At dahil jan, nainis si Candice.

“uwi na nga tayo.”

“Ha? Di mo pa nga nauubos ang kinakain mo, uuwi na tayo.”

“Oo! Nawalan na ako ng gana.”

“bakit? May sakit ka ba Irog?”

Oo, sumasakit ang heart ko sa kakaisip kung kailan mo ako yayayaing magpakasal ulit. Kahit siguro pinakapangit pa na proposal ang ibibigay niya, tatanggapin niya. Kahit simpleng tanong lang na, pakasal na tayo Irog, mag yeyes na siya, pero wala eh. Kaya nakakainis!

Kung kailan ok na sa Papa niya, kung kailan smooth sailing na ang relationship nila, saka parang walang balak magpropose. Iwanan kaya niya ulit?

Napansin na yata nito na nakasimangot siya. “Anong problema ng Irog ko, may sakit ka ba?”

“Wala. Uwi na lang tayo, napagod lang siguro sa office.”

“Are you sure?”

“yes.”

At yun, hinatid nga lang siya, bakit ganun? Nawala na ba ang interes nito sa kanya? Dahil ba sa …haiz! Ayaw niyang isipin yun, ang mahalaga, nararamdaman pa rin niya ang pagmamahal ng nobyo, baka sadyang di pa ito handa na magpakasal sila.

Kinabukasan ay walang good morning si Aron Miguel, walang text, walang call which is unusual dahil pagdilat pa lang ng mata niya ay text message na nito ang makikita niya, pero ngayon, kataka taka rin na  wala. So siya ang tumawag, agad naman nitong sinagot.

“Good morning!”

“Good morning Irog! I was about to text you. Pupunta ka na bang work?”

Ganun naman pala, magtetext na naman pala kaso naunahan niya ng tawag. Bakit ba paranoid siya nitong mga nakaraang araw?

“Ingat sa pagpasok Irog ha, susunduin kita mamaya. Love you.”

“ I love you too.”

Dapat talaga konting hintay pa siya, baka naman kumukuha lang ng tiyempo ang nobyo. She decided to prepare for work, marami pa siyang aasikasuhin sa opisina.

She was heading Matina nung mapansin niyang may bago na namang  billboard. Minsan sadyang kailangan talagang magsayang ng malalaking halaga para lang sa promotion ng isang product. Pero kakaiba ang isang ito ah, talagang kahit di mo hilig na tumingin ng billboard ay mapapatingin ka. Paano ba naman, isang pagkalakilaking picture ng San Pedro Church ng Davao ang nandun, at ang ganda ganda ng pagkakakuha.

Napangiti siya habang nasa traffic, masyadong memorable at special ang simbahang ito. It will and will always be the most special place for her.

What a coincidence, pareho pa ng caption na nasa ibaba.

Ang lugar kung saan nakaukit sa aking tadhana,

Na makilala ang babaeng ngayon ay sinisinta.

Ang pagmamahal ko sa kanya ay walang katapusan,

Ito’y hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Weird advertisement, parang nag eexpress ng pagmamahal, baka naman tourist promotion ng Davao City. Naalala na naman niya ang kanyang Aron Miguel. Kaya kaya nito na gumawa ng mga tulang ganito?

Biglang nag go sign na. Another billboard, mas malaki sa nauna. At medyo traffic na sa bandang unahan,di naman ganun ka rush hour. Nakakainis, dadaan pa sana siya sa Jollibee dahil gusto niyang dun mag breakfast, at kapag ganitong traffic ay madali siyang mairita at mawalan ng gana.

Napatingin siya sa billboard, ang cute, isang pagkalaki-laking mapa ng Davao, mula sa San Pedro Church, makikita mo ang lahat ng branches ng Jollibee. Continuation yata ng naunang billboard, bagong advertisement ng paborito niyang food chain?

Pero may nakasulat na naman na tula sa gilid.

Gusto ko lamang na sayo ay patunayan,

Na pag-ibig ko sayo’s magpakailanman,

Saksi ang lahat ng paborito mong kainan

Na ako ngayo’y kinakabahan.

Natawa siya dun, weird, anong connect ng food chain sa feeling ng sumulat?

Sana sa  biglang liko nitong daan

Ang sagot mo ay aking makamtan

O aking mahal,

Wag mo na akong pahirapan.

Nakaka excite naman na lumiko few meters away, ano kaya ang susunod na makikita niya? Kaya traffic na sa bandang yun. That explains!

Parang slow motion yung pagliko ng kotse niya. Ang isang pagkalaki-laking billboard na may nakasulat in bold print na

“WILL YOU MARRY ME, CANDICE MANLOTOC, AKING IROG?”

“Oh my GOD!”

Di siya nakakilos. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, hindi niya rin alam paano niya nahinto sa tabi ng daan ang kotse niya.. Di niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Biglang may kumatok na bata sa salamin ng kotse niya. Itinuro yung bandang kanan niya since sa kaliwa ang napakalaking billboard.

Another message.

 

Aking Irog aking hinihintay

Ang sagot na iyong ibibigay.

Handa akong sayo ay iaalay

Ang pag-ibig kong panghabang buhay.

Kinatok siya ulit ng bata, at inayang bumaba. Parang wala sa sarili na sumunod siya, nangangatog pa nga ang tuhod niya. Isa-isang lumapit ang mga bata sa kanya at binigyan siya ng tag- iisang rosas. Guiding her to a mini stage na alam mong ginawa lang para sa araw na yun.

At the center of that improvised stage was Aron Miguel na alam mong hindi makangiti sa kaba. He was holding something on his hand. Ang daming tao sa paligid niya, pero di na marecognize ni Candice sinu-sino ba ang mga yun, kung kakilala ba nilang dalawa, ang tanging nakikita niya ay ang lalaking minamahal. Ang guwapo lang nito.

The kids guided her towards him, hawak-hawak niya ang mga rosas na ibinigay ng mga ito. Naiiyak na talaga siya, pinipigilan niya lang.

“Candice.” Tawag ni Aron Miguel sa kanya nung nakalapit siya. Isang pagkalalim lalim na bunting hininga muna ang pinakawalan nito bago nagpatuloy sa pagsasalita.

“I know I was not able to propose properly that time. It was an epic fail, sabi nga. But still I am trying at this moment.” Nanginginig ang mga kamay nito, garalgal ang boses, di niya alam kung dahil sa kaba o halo-halo na ang emosyon na nararamdaman nito sa ngayon.

“God, I’m nervous.” Bulong nito.

“Will you marry me, Candice Manlotoc, aking Irog?” Ang lapit nito sa kanya.

Biglang nagsigawan ang mga tao.

“yes na yan! Yes na yes na yan, Candice!”

Naiyak na siya ng tuluyan.

“Yes Aron Miguel. Yes.”

“YEheyyyyy! Nagpalakpakan ang mga tao. “

Biglang natumba si Aron Miguel…..

Hinimatay!

Jowk!

Niyakap siya ng nobyo. Umiiyak na rin ito.

Nagsigawan pa rin ang mga tao, dun na nila naramdaman na may mga kumukuha ng larawan, may nagvivideo. May nag checheer! Ang saya.

Nung lumingon si Candice sa paligid nakita niya ang Papa at Kuya Carlos niya, sina Kathryn at Loise at ang asawa nitong si OWa. Sina Marcus at Alexie, sina Ruel at Gab, lahat andun? Pati mga magulang ng binata. ANo ito, full force?

“Kisssss! Kiss! Kiss!” Sigawan ang lahat!

At ang walang hiyang Aron Miguel, kinakabahan raw pero bigla siyang siniil ng halik! Aba, nasaan ang hiya at kaba nito, sa harap ng maraming tao ha.

Pero siyete, otcho, nuwebe! Napapikit lang siya! Ang sarap kaya!

Biglang tumugtog ang banda! Ano to, may fiesta! Ang sweet naman ng Boyfriend niya.

“Lahat ng mga taong narito, imbitado sa kasal naming ng Irog ko.” Bigla niyang sigaw.

“yehey!”

“Ano ka ba, ang dami-dami nila oh!” Bulong nito sa nobyo na yakap-yakap siya.

“Di ko naman iaannounce saan at kailan ang kasalan.” Ganti nito.

Sira talaga!

Nagsilapitan na ang lahat sa kanila, masayang-masaya ang mga ito. Aron Miguel succeeded! Thanks to…..Ruel…

“So idea lahat ni Ruel ang mga yun?” Tanong ni Candice sa nobyo after that overwhelming scene.

“Yes! And thanks to him.”

“Di ba nabutas ang bulsa mo, Aron Miguel?”

“Hmmmmm. Nahahanap ang pera, mas iiyak ako pag nawala ka.”

Ay ang sweet!

Masayang – masaya si Candice. Ano pa nga ba ang hahanapin niya sa nobyo? Wala na! So, tuloy ang kasal! Ang pag-uusapan na lang ay kailan? Siyempre, alam na kung saang church…obvious naman di ba?

**************

Kinakabahan si Aron Miguel, malapit nang mag alas diyes ng umaga, di pa rin dumarating ang bride niya.

Yes, bride niya.

This time, di na siya ang bestman, hindi na ito ang Bestman’s Girlfriend, or di na si Candice ang bridesmaids…

Sila na talaga ang bride at groom!

Pero naman! Nasaan na ba ito? Ang tagal, kinakabahan na siya.

“relax Aron Miguel, papunta na yun, baka natraffic lang.” Si Ruel, ang kanyang bestman. Kanina pa nito tinatawanan ang kaibigan na akala mo pusang di makaanak sa kaba.

Tamang-tama na pumasok ang bridal car! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Tuloy na talaga. Sumenyas na ang kanilang wedding coordinator. Mag ready na raw!

****

She was crying! Umiiyak rin ang lahat ng tao sa paligid. The crying bride, kasi naman bigla niyang narinig na sumisinghot ang Papa niya, tumutulo na pala ang mga luha nito. Si Kuya Carlos niya na nasa kabilang side ay alam niyang maiiyak na rin, tuloy, tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

 

Ikaw ang bigay ng Maykapal
Tugon sa aking dasal
Upang sa lahat ng panahon
Bawat pagkakataon
Ang ibigin ko'y ikaw

Naririnig pa niya ang kinakanta ng paborito niyang singer na taga Davao.

 

Ikaw ang tanglaw sa 'king mundo
Kabiyak nitong puso ko
Wala ni kahati mang saglit
Na sa iyo'y may papalit
Ngayo't kailanma'y ikaw

Nakikita na niya si Aron Miguel na pinupunasan rin ang luha nito. Katabi nito ang Mama at Papa niya na naiiyak na rin.

 

Ang lahat ng aking galaw
Ang sanhi ay ikaw
Kung may bukas mang tinatanaw
Dahil may isang ikaw

Kulang ang magpakailan pa man
Upang bawat sandali ay...
Upang muli't muli ay...
Ang mahalin ay ikaw

Ingatan mo ang prinsesa namin, Aron Miguel.”

“I promise, I will, Papa. Salamat po sa pagtitiwala, mamahalin ko po ang inyong anak.

 

 

The ceremony started.

The new chapter of their lives begin….

Thanks to this place….the lovely San Pedro Church of Davao!

“There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment.”
Sarah Dessen, The Truth About Forever

*********************************************

A/N : MARAMING SALAMAT  sa mga nagbasa ng story na ito, kahit pa nga sabi ko eh reposted dahil sa kinakailangan ko siyang isahin, akala ko nga deadma ang story na ito, akalain mong pagsamahin mo pa ang basa nung dalawang books ay mas marami pa rin ito, ang still counting, sa mga nagbabasa na laging nag-iiwan ng cooment na UPDATE PLEASE, ngayon kailangan niyong mag-iwan ng isang mahabang comment para sa story na ito, as in MANDATORY, 100 words! Wahahahahaha! Then abangan naman ang story ni RUEL POGI.....Ruel's Charm: Link: http://www.wattpad.com/story/7314306-ruel%27s-charm-note-wag-munang-basahin-nag-eedit-ako

I hope you can read and support his story too, pero kung gusto ninyo talagang mabasa ang kalokohan niya nung high school eh ito ang basahin ninyo :  http://www.wattpad.com/story/7274950-marxie-complete

 

Aayusin ko pa nga yan, mag rerevisit ako pag natapos ko yung ibang pending…..eto yung pinaka nag eenjoy ako gawin : http://www.wattpad.com/story/7314330-reyna-ng-arte-v-s-hari-ng-deadma-on-going

Again, maraming THANKS!

-Xian –

Thank you so much to all those who supported this story! Mamimiss ko na naman sila! Ganun talaga…..God Bless!

Continue Reading

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
797K 7.9K 55
A party girl and a certified alcoholic may be the first few things to describe her. She's an ordinary working college girl who's brave and strong eno...
1.4M 15.4K 54
Minsan kailangan nating palayain ang nag iisang bagay na nagpapasaya sa atin para mawala ang nag iisang dahilan kung bakit tayo nasasaktan.
5.7K 229 23
Mula sa magulong pamilya nabuo ang pangarap ni Jewel. Gusto niyang magkaroon ng buo, malaya at masayang pamilya pero nang dumating ang sunod sunod na...