A Love to Report [Fin]

By YGDara

3.6M 63.2K 2.3K

Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano... More

A Love to Report
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen [1]
Sixteen [2]
Sixteen [3]
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
HAPPY
Forty [1]
Forty [2]
Forty [3]
Epilogue

Twenty-one

65.5K 1.2K 37
By YGDara

Sa isang coffee shop sila natuloy ng Ate Alex niya para mag-usap. Matapos mailapag ng waitress ang mga kape nila ay tsaka siya huminga ng malalim.


"How's the seminar?" Pangangamusta nito sakanya.


Isa pang buga ng hangin ang pinakawala niya bago ito harapin muli. "I want out,Ate."

There, she said it. Tila iniangat ang isang malaking bagay sa dibdib niya nang sabihin niya kay Alex ang matagal na niyang gustong sabihin.

Natigilan naman si Alex sa sinabi ni Adie, nagulat siya pero hindi niya masyadong pinahalata.


"May I know why?" nakangiting tanong niya rito.

"I just can't do it anymore,Ate." mahinang sabi nito habang nakayuko.

Napangiti siya sa akto nito. Matagal na niyang nararamdaman na mangyayari ang ganitong tagpo sakanila. But she didn't expect that it would be too early. Matagal na niyang nahahalata na nagdadalawang isip na si Adie sa pagkuha ng isang interview kay Marco.


"Pero bakit,Adie? You know, you're turning me down without any reason. And I just can't accept that."

Nag-angat ito ng mukha at tinignan siya ng diretso.

"I'm inlove with him." Deklara nito.

Napanganga siya sa sinabi ng hipag. Ano daw? Nabingi ata siya sandali..

"I'm sorry, pero ano'ng sabi mo?" Tanong niya muli rito.


"Mahal ko siya,Ate." At napahagulgol na ito sa harap niya. Mabilis na tinabihan niya ito at niyakap.


"Oh, bakit ka umiiyak diyan?" Natatawang tanong niya rito.


"Galit ka ba,Ate?"

"Hindi. Ano ka ba! Bakit naman ako magagalit sa'yo?"


"Kasi, alam ko na.. na malaking bagay sa'yo yung interview. Alam ko na kapag nakuha natin iyon, ang kompanya mo ay babalik sa rank number one." paliwanag nito sakanya sa kabila ng paghikbi nito.

Napangiti nalang si Alex rito at masuyong hinaplos ang buhok nito. "Forget about the interview Adie, we could be at the top kahit walang Marco Dame Montello na involved. I can't let you do one thing that will hurt you. Mahal kita. Kami ng kuya at nila Mommy." tukoy niya sa mga biyenan niya. "And we will support you in every decision you'll make. I'll drop Marco's place in the next issue. Pero, sa'yo ko parin ipapaubaya ang mababakanteng page ha.. Ikaw na ang bahala sa topic. Basta, lagi kong sinsasabi sa'yo-"

Pinutol na agad ni Adie ang dapat niyang sasabihin.

"Write from your heart. I will never forget that, Ate."

-----

Kanina pa chinecheck ni Marco kung dumating na ba si Adie. Muli ay pinindot niya ang intercom.


"Cora.."

"Sir, wala pa po si Adie. Hayaan niyo po kapag dumating ay agad kong papapasukin sa opisina ninyo."


"Salamat."

Napasandal nalang siya sa swivel chair niya. Nakukulitan na nga ang secretary niyang si Cora sakanya dahil sa ilang beses niyang pagtatanong rito. Eh, ano'ng magagawa niya eh sa naiinip na siya.

Five pm na pero wala pa si Adie. Hindi kaya may nangyari na rito?

Agad niyang ipinalis ang sumaging negatibong ideya sa isipan niya.

Kinuha nalang niya ang notepad sa drawer niya at tinignan ang mga naisulat niya noong nakaraang linggo. Tuwing iniisip niya ang mga ginawa nila ni Adie nung nakaraang linggo ay napapangiti nalang siya ng kusa at bigla nalang may papasok sa isip niya at tsaka niya iyon isusulat.

Kalahati nalang ang kulang at maipapakita na niya ito kay Eunice. Isang kanta nalang kasi ang kulang para sa nalalapit na album nito.

Nagulat siya ng tumunog ang intercom niya.

"Sir, nandito na po si Adie." Deklara ni Cora.

"Sige. Papasukin mo na. Salamat."

Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at iniluwa noon si Adie na nakangiting iniabot sakanya ang isang box ng cake.


"Para saan naman ang cake?" sabi niya habang nilalapitan ito.


"Uhmm, sorry cake? Sorry pinaghintay kita." Hinging paumanhin nito.

"Ayos lang. Sandali,ilalagay ko lang ito sa ref."

Kinuha niya ang box ng cake mula rito at pinalagay kay Cora sa ref.

"Let's go?" aya na niya pagkapasok muli.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Okay. Saan ba tayo pupunta?" Sabi nito nang lumapit ito sakanya.


"You'll see."

----

"Ano ito?" tanong niya kay Marco nang pagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse.


"Welcome to my hiding place.." bulong nito sa likod niya. Tila nanayo ang balahibo niya sa batok ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa batok niya.


Naglakad si Adie at tinignan ang mga city lights at maliliit na pigura mula sa kinatatayuan niya. The place seems so magical.

Sa isang lumang playground sa may taas ng burol siya dinala ni Marco. Medyo matagal ang naging biyahe nila kaya nagdrive-thru lang sila para bumili ng pagkain at dito nalang daw sila kakain ng dinner. It's past seven kaya kitang-kita na ang mga ilaw sa mga nagtatayugang mga building ng siyudad.


"Nagustuhan mo ba?" Biglang tanong ni Marco sakanya habang inilalapag ang mga pagkain nila sa isang bench.


"Paano mo nakita ang lugar na ito?" manghang tanong niya habang sinusundan ito patungo sa bench.

"Kumain muna tayo tsaka ko sasagutin iyan." Nakangiting sabi nito sakanya.

----

"Ah, busog na busog na ako!" Sigaw ni Adie at tsaka tumayo para pababain ang nakain.

Nasobrahan ata siya ng kain. Paano ba naman, nagutom rin siya sa biyahe. At isa pa, panay lang ang kwentuhan nila ni Marco kaya hindi niya napansin na napaparami na pala sila ng nakain ni Marco.


"Mabuti naman at nabusog ka. Seriously Adie, you need to eat. Ang payat mo." Puna nito sakanya.


"Malakas lang talaga metabolism ko. Malakas kaya ako kumain." Depensa niya sa sarili.

"Okay okay.." Natatawang sabi nito sakanya.

Lumapit siya rito at tinabihan ito sa bench. "So, paano mo nadiskubre ang lugar na ito?"

"Two and a half years ago.. I was driving nonstop that day at dito ako napadpad."

"Huh? Ano'ng trip mo nun at nagsasayang ka ng gasolina?" tanong niya rito.


Nakita niyang ngumiti ito ng pilit at tingnan siya ng seryoso. "That was the day that my songs started to die.."

Napasinghap siya sa sinabi nito. Is he opening up his past to her?

"Marco.."

"I fell inlove years ago. That was the best feeling a person could feel. But it will also lead you to the worst feeling na mahihiling mo na sana hindi nalang nangyari. I was devastated that time. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, sobrang nasaktan ako at galit na galit ako sa taong nanakit sa akin. Hindi ko inaasahan na niloko lang ako. That was also the reason why I hated reporters. I hated them. I despise them. Wala silang pakealam kung makasakit sila basta makuha lang nila ang gusto nila sa'yo."




Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito.

"Marco.. May sasa--"

"Pero that was years ago,Adie. Unti-unti ko nang kinakalimutan ang mga walang kwentang bagay na nangyari noon. And it's all because of you. Pinakawalan mo ko sa isang lugar na akala ko hindi na ako makakalabas. But you came.." hinawakan nito ang pisngi niya at hinaplos. "You came, ikaw ang nagbigay ng ilaw sa'kin. Iniangat mo ako mula sa pagkabaon ko.." pinunasan nito ang mga luhang kanina pa tumutulo sa pisngi niya.

"M-Marco.. may sasab--"

Pero napapikit nalang siya ng tuluyan ng sinakop ng labi nito ang labi niya. Mas lalo siyang napaiyak.

Bakit ganito ang nararamdaman niya? Masaya siya. Sobrang saya niya dahil nasa bisig siya ngayon ni Marco at heto nga at hinahalikan siya. Pero, yung kasiyahang iyon ay nawawala dahil alam niyang sa sarili niya ay nagsisinungaling siya sa taong mahal niya.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay pinunasan ng dalawang daliri nito ang luhang patuloy parin ang pagdaloy. He cupped her face with both of his hands and lightly kissed her again.


"Tama na. Bakit ka ba umiiyak? Parang hinalikan ka lang eh." biro nito sakanya. Pinalo niya ito sa dibdib.

"I like you,Adie. I really do. And I'm really looking forward to what this feeling will lead to."

That moment, she thought she lost her breath.

"I.. I like you too." Amin niya rito.

Nangiti ito ng malaki at niyakap siya ng mahigpit.

"Marco, may sasabihin sana ako.."


Bahala na. Ang mahalaga, masabi niya rito ang matagal na niyang itinatago.

"Ano iyon?" nakangiting sabi nito sakanya.


"You have to know---"

Pero naputol ang sasabihin niya ng mabilis na bumuhos ang malakas na ulan.

"Shit! Halika na, baka magkasakit ka pa." Hila nito ang kamay niya. Pero hinila niya ito para pigilan si Marco.


"Pero Marco may sasabihin ako.."


"Next time nalang Adie. Ang mas importante ngayon ang makasilong na tayo. Baka magkasakit ka pa."

At tuluyan na siya nitong nahila papasok sa kotse.

------

VOTE AND COMMENT PO :)

Follow. @kendeyss (twitter/instagram/ask.fm)

Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.3M 43.3K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...