My Gangster Husband

By modernongmariaclara

14.6M 275K 56.2K

PART TWO ON GOING More

Prologue.
Chapter 1. [Where it all started]
Chapter 2. [Shocking Announcement]
Chapter 3. [Accept it or not?]
Chapter 4. [My first kiss]
Chapter 5. [Wedding Day]
Chapter 6. [Embarrassed]
Chapter 7. [Proposal]
Chapter 8. [Smiles]
Chapter 9. [2 Gangsters?!]
Chapter 10. [Trending]
Chapter 11. [Gang fight]
Chapter 12. [Hurting]
Chapter 13. [Drunk]
Chapter 15. [Lost]
Chapter 16. [Worries]
Chapter 17. [Strangers, again]
Chapter 18. [My turn]
Chapter 19. [Strike]
Chapter 20.1 [Friendly date]
Chapter 20.2 [Friendly date]
Chapter 20.3 [Dance]
Chapter 20.4 [Dance]
Chapter 21. [Marked]
Chapter 22. [Promise]
Chapter 23. [Secure]
Chapter 24. [Getting closer]
Chapter 25. [Broken]
Chapter 26. [Confidential]
Chapter 27. [Mindset]
Chapter 28. [Explanation]
Chapter 29. [Depressed]
Chapter 30. [Confession]
Chapter 31. [Butterflies]
Chapter 32. [Awkward]
Chapter 33. [Reasons]
Chapter 34. [Inevitable]
Chapter 35. [The Truth]
Chapter 36. [The Aftermath]
Chapter 37. [Assurance]
Chapter 38. [Comeback]
I'm back! Please read this ~refresher~ first. :)
PART 2: SOON!
MY GANGSTER HUSBAND PART 2
MGH 2: Chapter 1. [I'm back]

Chapter 14. [Unattached]

312K 5.9K 915
By modernongmariaclara

Dedicated to Ate E. Hahaha. Hi Ate Crunchh na kaparehas kong adik sa Minmin couple! Mwahahaha. :") Alam mo na. Kaya kita love eh. HAHAHA! =)))))))

Enjoy the update~!

--------------

HANNAH'S POV

Hindi ako nakatulog ng gabing yun. Mugto na ang mata ko kakaisip sa nangyari kay Dylan. Hindi ako makapaniwala na iiyak siya ng ganun. I mean, sino ba yung Mandy na yun?

Ex-girlfriend niya?

Ayoko naman siyang usisain. Sabihin niya pa ang chismosa ko. Pero kasi, hindi ko talaga mapigilang mapag-isip.

Sumama pa pakiramdam ko. Hays, ano ba 'tong nararamdaman ko.

Nang mag-6am na. Para akong zombie kung kumilos. Naligo na ako kahit wala akong tulog. Hindi talaga ako tinamaan ng antok eh. Nagpalit na ako ng uniform at nag-ayos na.

Bumaba na ako at nagluto ng pagkain namin ni Dylan. Maya-maya, bumaba na siya.

"Hi Dylan. Kumain ka na." sabi ko ng malamya.

Umupo siya sa tabi ko at hinilamos yung kamay niya sa mukha niya.

"Anong oras na?"

"6:30AM na."

"Ah."

Walang umimik samin. Well, wala rin ako sa mood. Ewan ko ba.

Tumayo si Dylan ng hindi pa tapos yung pinagkainan niya.

"Dylan? Di mo na 'to uubusin?"

Hindi niya lang ako pinansin at tuloy-tuloy lang siyang pumanhik sa taas.

Naghugas ako ng pinagkainan namin pagkatapos bumaba na rin siya maya-maya. Hindi na naman siya naka-uniform.

"Uhm, Dylan? Sabay ako sayo ngayon. Pwede ba?"

Sa totoo lang kasi. Wala talaga akong gana maglakad ngayon. Medyo masama kasi pakiramdam ko. Pero hindi ko naman masabi sa kanya kasi nahihiya ako.

Tinignan niya lang ako na para bang sinasabi niyang, 'nababaliw ka na ba?'

"Hannah. Don't get too attached to me. Mas mabuting lumayo ka na sakin." sabi niya sabay alis ng bahay.

Naiwan akong tulala. Hindi ko siya maintindihan.

Hays. Ano ba yan. Sumama lalo pakiramdam ko. Ganito ba kapag walang tulog? (_ _)

Anong sabi ni Dylan? Lumayo ako? Bakit? Ang gulo...

Nahihilo pa ako. Ano ba yan.

Naglakad na lang ako papuntang school. Hindi pa ako malapit sa school, nahihilo na ako. Dapat ata di na ako pumasok. Kaso sayang mga lectures. Nakakainis.

Hayy. *hikab*

"NANA!"

O_O

Napatingin ako sa likod ko.

"MAC!" lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Pagkatapos ginulo yung buhok ko.

"Kamusta na? Teka, bakit namumutla ka?" hinawakan niya magkabilang pisngi ko. "Nakatulog ka ba?"

"Hindi eh."

*poink*

"Aray naman Mac." hinimas ko yung noo kong nakatanggap ng pitik sa kanya.

"Papasok ka ba?"

"Ha? Oo. Bakit?"

"Wag ka ng pumasok! Matulog ka nga! Umuwi ka na!"

"Ha? Eh ako lang mag-isa sa bahay!"

"Eh di samahan kita. Tss. Wala ba si tito Ramon?"

Ay, oo nga pala. Hindi niya pa pala alam na kasal na ko. (_ _)

Magdahilan ka na lang Hannah!

"Ano Mac, walang tao dun! Hehehe! At ang alam kasi ni dad, papasok ako. So, bawal na akong bumalik dun."

Bigla siyang sumenyas na sandali lang. May iniisip ata.

Bigla siyang ngumiti sabay hila sa kamay ko.

"O-oy teka! O-oy saan ba tayo pupunta?!"

"Punta tayo sa special place ko."

"Special place?"

"Oo. Tumahimik ka na lang Nana."

-_________-

Di na lang ako nagsalita. Inaantok talaga ako eh.

---------------

 TREE HOUSE

"Eto ang special place mo?"

"Oo." binitawan niya yung kamay ko at nagsimula ng umakyat ng hagdanan papunta sa tree house. Nung nasa taas na siya, tinignan niya ako mula sa itaas. "Hindi ka pa ba tataas? Takot ka pa rin ba sa heights?"

"Ha? Hindi ah! Kelan ako natakot sa heights aber?!"

"Sus. Kung di ka takot uhuging kababata ko, lika na dito!"

 

Ang yabang pa rin talaga ni Mac. Pero namiss ko rin siya ah! *U*

"Eto na!" pumanhik na ako sa taas. Muntik pa nga akong madaplisan sa may sanga nung puno kung saan nakakabit yung hagdanan, buti na lang nakailag ako.

Pagpasok ko sa tree house. Bigla akong natuwa. Parang bumalik ako sa pagkabata namin ni Mac.

"Mac! Parang kagaya ng tree house 'to sa province! Naalala mo ba?" tumingin ako sa kanya na kasalukuyang nakahiga sa may gilid. Nakalagay ang magkabilang kamay sa ilalim ng ulo niya. Nakangiti lang sakin.

"Alam mo Nana, kaya ko nga ginawa 'tong tree house na 'to para satin."

 

 

"Para satin?"

Tumayo siya at lumapit sakin. Sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.

"Nana naman, diba kapag pinapalo ka ng mom and dad mo dahil sa katigasan ng ulo mo, pumupunta ka sa tree house natin? Dun ka nagkukulong. Ganun rin ako. Eh nung umalis kami at naiwan kita na hindi man lang nagpapaalam. Naisipan ko na gumawa nito. Kahit papaano naalala kita."

 

 

"Talaga?"

"Oo naman. At ngayon na nandito ka na, special place na natin 'to." sabay ngiti niya.

"Kasi naman eh, bakit ka ba biglang nawala na lang? Miss ko na kayo ni Ann."

Bigla siyang ngumiti ng malungkot. "Wala si Ann."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

 

 

"Wala. Wag mo ng intindihin yun. Sabihin na lang natin na, nagpapagaling pa siya sa trauma na sinapit niya dati."

"Ano bang nangyari?"

Ginulo niya lang ang buhok ko. "Wag mo ng isipin yun Nana. Kailangan mong matulog. Yung eyebags mo mukhang puputok na eh."

"Ang sama mo!" tumawa lang siya.

Hinila niya ako dun sa may sahig ng tree house. May nakalatag na comforter dun at dalawang unan.

"Matulog ka na Nana. Dito lang ako."

Hindi na ako tumanggi. Inaantok na rin kasi talaga ako.

Humiga na ako nun pero napatingin ako kay Mac. Nakaupo lang siya sa tabi ko.

"Thanks Mac."

Ngumiti siya. "Wala yun, Nana uhuging bata."

Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako pumikit.

Pero, bakit ganun? Bigla akong sumaya ng nakasama ko ulit ang bestfriend ko na si Mac. Para bang, things will get better lalo na at andyan siya sa tabi ko?

Ano kayang nangyari sa kanya at naging gangster siya?

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz...

---------------------------

MAC'S POV

Ang ganda pa rin talaga ni Nana.

Hinawi ko yung ibang hibla ng buhok sa mukha niya. Natatakpan kasi yung natural na ganda niya. Yung natural na gandang nagustuhan ko nung una ko pa lang siyang nakita.

Hannah Lee. I'm sorry hindi ako nagpakita sayo.

Hindi ko lang kasi kayang mag-function simula ng nangyari kay Ann, sa kapatid ko. Para bang dala-dala ko rin yung sakit at trauma na naranasan niya dati. Kaya nagpunta kaming ibang bansa para ipagamot si Ann. Ngayon, nasa America pa rin siya at nagpapagaling. Buti nga at nakakapagsalita na siya. Pero walang maalala ang kapatid ko.

Kung naalala lang niya kung sino ang mga hayop na bumastos sa pagkatao niya, malamang patay na yun.

Dahil sakin.

Kaya pinangako ko sa sarili ko na kapag bumalik na ako sa Manila, huhuntingin ko talaga ang mga taong yun. Uubusin ko sila. Mga gago sila. Lalo na yung lalaking nagpabaya sa kapatid ko.

Kaya ako naging ganito.

Ako ang lider ng Black Scorpions, at sisiguraduhin kong magbabayad ang mga nagkasala sa kapatid ko. Ipaparamdam ko sa kanila ang sakit na naramdaman ng pamilya ko.

-----------------

MAC ON THE RIGHT SIDE.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
655K 14.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
1.1M 19.5K 28
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...