40 Days (On-going)

By zannie03

716 32 9

Alam niyo 'yung sinasabi nilang 40 DAYS after mamatay ang isang tao? Well, haka haka na mananatili ang isa... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 18

18 1 0
By zannie03

LIGTAS ?

=======.

SABADO ngayon kaya sinundo uli ako ng tatlong pulis upang ipagpatuloy ang pag iimbestiga.

Nakatayo ako habang pinagpapawisan sa lamig dahil sa kaba. Nandito kasi ang mag inang Reyes sa harap ko at parang kakainin nila ako ng buhay kung gagalaw ako.

Hays. Ang titigas ng ulo.

"Ma'am sabi po ni Mr detective ay mapapawalang sala po si Ms Mayo sa kaso na ito. " sabi ng tatlong pulis.

Mapapawalang sala?

"WHAT!!!? " galit na sigaw ni Ms Reyes sa tatlong itlog. "Is he insane?!? How come she's not the suspect? !" pagmamaktol nito habang tinuturo ako.

"Di pa po siya nagbigay ng dahilan pero sinabi niya po na may possibility na mapapawalang sala si Ms Mayo. " kalmadong tugon naman ng isang pulis.

Mas umusok ang ilong at tainga ni Mrs Reyes. "I want to meet him right now!  Who is he?!"

Umiling ang isang pulis. "Wala po siya dito ma'am. Maraming cases  iyon na inaasikaso."

"He's crazy!" sabi nito. "Di kami kumuha ng detective. How come may ganito? "

"Ma'am binayadan po siya ng ama daw ni Ms. Mayo" tugon ng pulis.

Si papa??  Alam niya na ba?

Pagkarinig ng mag inang Reyes ay agad itong tumingin sa gawi ko. Nanliliksik ito na parang kaya ako nitong lamunin anumang oras.

Bigla niya akong sinugod at sinabunutan ng buhok. "Ikaw na babae ka!  Siguro binayadan mo iyon para baliktarin ang storya no? " sigaw nito habang patuloy na sinasabunotan. "Ayaw mo kasi na malaman nila na ikaw ang pumatay kay Zandro! "

Nakita ko namang nakatingin si Womina sa akin. Ngumingisi ito. Na para bang sinasabi na talong talo na talaga ako.

Mabilis namang hinigit papalayo si Mrs Reyes. "Ma'am Reyes,  hindi po ganoon si Mr Detective. Sadyang magaling lang talaga iyon sa pag iimbestiga. "

Inirapan ni Ms Reyes ang mga Pulis. "Di ako papayag na ang babaeng iyan! " tinuro niya ako. "ay hindi mabubulok sa kulungan! "

"Ma'am mas mabuti ma po kung umalis na kayo dito. " sabi ng isang pulis na kanina pa nakatingin sa amin.

"Di porket napawalang sala ka ay ligtas kana. Pwes nagkakamali ka. Kasi kahit anong gawin mong umakyat sa taas ay kulungan pa din ang bagsak mo. Tandaan mo yan" Tinulak niya ang pulis. "Let's go Womina! "  sabi nito.

Nakahinga ako ng maluwag noong may humilot sa likuran ko. Isang babaeng pulis.

"Hayaan mo na iyon. Alam ko namang inosente ka e. " sabi nito sa akin habang nakangiti. "Di ka sasaktan nun. Ligtas kana" she said.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. At napaisip bigla.

Ligtas nga ba ako?

At sino nga ba ang SALARIN??









Continue Reading

You'll Also Like

489K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
6.8M 123K 27
What is love? Written ©️ 2014
505K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
231K 5.9K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...