If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 36: Inexpressible Love (n)

132K 2.4K 596
By shirlengtearjerky

If I Fall Chapter 36: Inexpressible Love (n)

Isa itong Chapter 36 sa favorite chapters ko ng If I Fall. Bakit? Malalaman nyo mamaya! XD Basahin nyo muna kasi para maintindihan nyo. Bwahahaha! =))

Dedicated to lovelesspanda dahil sya ang gumawa ng BAYRUS! Sa tingin nyo, ano dapat ang pangalan ng pairing nina Barbs & Cyrus? BAYRUS o BARAKO? Isama nyo sa comments nyo ang sagot nyo!

Comment and Vote kung nagustuhan nyo ang chapter! Thank you :*

PS: LOOKING FOR MALE OPERATORS!!! Para kay Wes at Lean!!! Wala akong mahanap e! Di ko tuloy marelease yung accounts ng If I Fall characters. Kung sinong interested, gora na! Message me here or sa facebook :)

**

Those Three Words Chapter XX

 

This. Can't. Be.

 

Yan na lang ang nasabi ni Red nang makita nya sa harapan nya si Tres. She can't believe it! Tama ang hinala nya!

 

Yung babaeng humalik sa kanya before.. si Tres nga yun. Si Tres..

 

Nagpanggap na babae para makasama sya.

 

Kitang-kita sa mga mata ni Tres ang pagkagulat, dahil nabuko na ang disguise nya. Planado nya ang lahat! Tapos sa isang maling sabi ng pangalan.. dun lang masisira lahat?

 

Baliw na nga sya para magpanggap na babae at pumasok sa all-girls school nina Red. Pinakiusapan pa nga nya ang kakambal nyang si Charm para salitan silang pumasok dito. Bakit ba nya ginawa lahat ng yon?

 

Natatakot syang aminin, pero alam nya na mahal na nya si Red. Kahit weirdo pa ito. Kahit allergic pa sa kanya ang babae. Natutunan nya itong mahalin.

 

Bakit sya natatakot aminin ang nararamdaman? Simple. He almost killed her. Ang selfish nya para halikan si Red 7 months ago. Inuna muna nya ang sarili bago si Red. Bakit nya hinalikan? Just for the heck of it. To see if he really likes her. Kaso.. muntik na itong mamatay.

 

Kung kelan maayos na ang buhay ni Red tsaka sya makikisawsaw ulit? Ano na naman?

 

"Tres.."

 

Narinig nya ang mga yabag nito na papalapit sa kanya. Lalong kinabahan si Tres. Please lang, Red, usal nya sa sarili. Please lang wag kang lalapit sakin.

Ngunit tumigil si Red sa paglalakad, sakto lang sa likuran ni Tres.

 

"Tres..

I hate you."

 

***

WEDNESDAY

BARBS' POV

HUHUHUHUHUHUHUHU T@NGINA PWEDE MAGMURA MUNA!?!?!?! HUHUHUHUHUHUHUH HUHUHUHUHUHU ayoko na mabuhay!!!

Sorry kung ang OA ko na naman. Nakakadala kasi! After a month ngayon lang ulit nag-update si Mr/s Darcy tapos.. tapos.. T@NGINA BAKIT GANYAN!?!?!?!? Alam kong ginto ang updates nya pero bakit ganyan!?!?! Parang nung last two chapters bago 'tong latest kung anu-ano pa ang naiisip ni Red!!! BAKIT!!! BAKEEEEEEEEEEEEEET!?!?! Pano na ang REED loveteam ko?!?!?! Pakshet!!!

Nako, kanina pa ako umiiyak dito sa bahay. Kasalanan kasi ni Lean eh! May reading assignment kami ngayon, Para Kay B. Alam nyo bang 18 times ko na nababasa 'tong librong to pero palagi pa rin akong naiiyak? Leche naman yan Ricky Lee & Mr/s Darcy! Bakit nyo ako pinaiyak ngayong gabi?!? Papasok ako tuloy na mugto ang mata! Ugh!!!

***

THE NEXT DAY

SCHOOL

Punyeta, ayoko talaga ng September. Maulan! Nakakatamad pumasok tapos kung papasok ka pa mababasa pa sapatos ko. Mas lalo naman ang palda ko!!! Ang hirap maglakad sa daan ugh! Since maulan, pwede akong magpalate. HAAHAHAHA!

(O.O) (O.O) (O.O) <- itsura nina Janine, Chester and Rocky pagpasok ko sa classroom. Wala kaming assembly kasi basa ang school gym. 

"Ba't ganyan kayo makatingin?" at excuse ko ang panahon na to para magtaray. Umupo na ako dun sa upuan ko at nag-ayos ng gamit.

Lumapit sakin si Janine. "Seriously, tomby? You're wearing that?"

"Ano na namang sapak mo?"

"Uhhhh Barbs..." Chester trailed off. Siniringan ko eh!!!

"Bakit ka naka-sunglasses?" someone said beside me. Si Tuko pala.

MALAMANG MUGTO ANG MATA KO!!! 5 HOURS STRAIGHT AKONG UMIYAK KAGABI!! 2 HOURS SA PARA KAY B TAPOS 3 HOURS SA UPDATE NG TTW!!!! UGH PEOPLE WHY SO JUDGEMENTAL? Syempre Barbs hindi naman nila alam yang dahilan mo diba (-___-)

Ayun, isa-isa nang lumapit sa pwesto ko sina Chester at nakiusisa.

"Anong meron sa mata mo Barbs?" - Chester

"May sore eyes ka ba?" - Rocky

"Hoy tomby ang OA ng fashion sense mo." - Janine

"EH BAKIT BA KAYO NAKIKIALAM!?!?!? Pake nyo ba?!?!?!?" NAKAKATAAS NG PRESYON TONG MGA TAONG TO!!! Tapos yung katabi ko naman pasimple pang tumatawa! Pakshet!

Dumating na si Wes.. at as expected weird na naman ang tingin sakin. "Anong drama yan Barbs?"

"Ayaw mag-explain! Baka mamaya may sore eyes yan!!!" - Chester

"WALA KASI AKONG SORE EYES!!!!!!!!!!!!"

"EH ANONG MERON AT NAKA-SUNGLASSES KA!!! MAULAN O!!!"

"KINAGAT AKO NG IPIS SA MATA!!!!"

Sht. Bakit yon pa ang nasabi ko?!?!

(.__.) (.._) "Ewww." - yan lang ang sinabi nilang apat. Yung katabi ko hindi na nagreact.

"Patingin nga!" tatanggalin na sana ni Wes yung sunglasses kaso tinabig ko kamay nya.

"Wag na. Kadiri."

"Sana nagsuot ka na lang ng fake eyeglasses. Agaw atensyon yang sunglasses mo teh!"

"Pwede bang wag ako ang topic nyo? Umagang-umaga nambibwisit kayo eh! Pasalamat kayo walang duty sa inyo ngayon!"

Basta salita lang sila nang salita don pero di ko na sila pinansin. Something caught my attention...

Si Vivien.

Sa aming apat, si Vivien ang pinakarespetado (well they respect me pero pilit yon. Takot na lang nila!) kasi sya ang pinakamature mag-isip samin. Old soul ba. Seryoso sya sa lahat ng bagay, mapa-acads man o extra curricular. Minsan nga nagtataka ang mga ate ko kung bakit ang isang GC (grade conscious) student na kagaya nya ay napabarkada sa mga balahurang tulad naming. Di ba super weird? For instance ako, game ako na magbreak ng rules. Sya? Hindi naman sa playing safe pero parang takot syang umalis sa comfort zone nya.

Sabi nila boring daw si Vivien, sayang daw ang ganda nito. Pero.. wag ka. Simula nung nasira ang eyeglasses nya at nagcontacts sya.. may something akong napansin eh. Parang.. ang saya-saya nya lagi. Hindi lang masyado nahahalata nina Rocky kasi pre-occupied sila sa ibang bagay o sadyang observant lang ako. Mas masaya sya lately. Nakikisali na rin sa pambabara chorva. Nakakapanibago nga e, but in a positive way.

Ang dami kong sinabi! You may ask kung anong nakakuha ng atensyon ko. Wait lang, tawagin ko si Vivien.

"Viv!"

Automatic namang tumingin sa direksyon ko si Vivien. Baligtad talaga kami nito. Kung ako palaging nakalugay ang buhok, sya naman palaging nakatali.

"Why?" napansin nya na nakasunglasses ako. "What in the world, Barbs? Bakit ka nakaganyan?"

Lumapit naman sa kanya si Janine, just what I expected. "Eto kasing si B- Oh. My. God." Bakas sa mukha nya talaga ang pagkagulat. Yan ang nakakatawa kay Janine, kitang-kita sa mukha nya yung expression na sinasabi nya.

"O bakit?" usisa ni Chester.

Titig na titig naman si Janine kay Vivien. At dahil don nailang si Viv. "9.. why are you staring at me?"

"OMG!! IS THIS FOR REAL!?!?! You're wearing lip balm!!!"

Ayun ang napansin ko kay Vivien. Naka-lip balm. Ayaw kasi nyan na nilalagyan sya ng make-up. Tanda nyo pa nung akwe naming nung June? Di ba sapilitan pa syang inayusan nina Rocky? Nakakagulat lang na makitang naka-lip balm na sya. Wow lang.

Agad namang lumapit si Rocky kina Janine. "Goodness! Naka-lip balm ka nga!"

Nailang naman si Vivien kaya tinakpan nya ang bibig at pasimpleng binura ang lip balm. "H-hindi kaya! Sebo yan! I ate kaldereta for breakfast!"

"Kelan ka pa nagbreakfast teh?" - Rocky

"Tsaka red ba ang color ng sebo?" - Janine

"Hoy kayong dalawa!" epal ko na. Baka mamaya mainis na si Viv. "Pake nyo ba kung naka-lip balm yang si Vivien? Baka namang may chapped lips ang tao, malamig kasi. Isip naman guys."

Tinignan ng Clueless Duo si Viv. "Tama ba si Barbs?"

Tumingin sya sakin, as if she's asking for my approval. Nginitian ko na lang sya. "Y-yeah. Kayo talaga kung anu-ano pinag-iisip nyo!"

Mukhang naconvince naman ang dalawa kaya tumigil na sila. Nagtext naman sakin si Vivien ng "thank you." Reply ko? "Libre mo ko ng lunch." Tumawa na lang sya.

Matagal dumating si Ms. Maniano kaya medyo nagrest muna ako. Shet ang hirap nito! Buong araw akong naka-sunglasses? Bakit ba kasi hindi na lang yung eyeglasses ni Cielo ang kinuha ko. Isa pa rin akong tanga (-___-) *sapok sa ulo*

"Pumunta ka ng clinic," biglang sabi ni Tuko. Napaangat tuloy ang ulo ko. Wow, nag-eedit pa rin sya ng papers!

"For what?"

"Humingi ka ng eyedrops kay Ms. Nurse. Para mawala yang pamumula."

"Wow, you care."

"Hindi. Weird lang kasi pag tinitignan ka nila feel ko nakatingin din sila sakin. Kasi nga magkatabi tayo."

"Lul." Balik na ulit ako sa pagrest. Problema ng gunggong na 'to?

"Nga pala..."

"WHAT!?!?!"

Tumingin na rin sya sakin, with his ever bland face. What's with this guy? Kelan ba 'to magpapakita ng emosyon? Joke lang ako lang. "Buti bumenta sa kanila yung kagat ng ipis. Pero hindi mo ako maloloko."

"O ano naman ngayon?"

"Iniyakan mo yung update na yun? Seryoso ka Barbs?"

Uminit bigla ang ulo ko. Isa lang ang napansin ko dito sa nerdysawy na 'to (nerdysavvy yon guise. Ewan ko ba kung bakit yon ang username nya sa Watty!), halatang ayaw nya kay Mr/s Darcy. Minsan pag nakakapag-usap kami sa chat, pasimple nyang sinisiraan ang Those Three Words. Hello, hilo ba sya? Wattpad Legend na kaya yun! Gunggong talaga 'to ever.

"Masamang iyakan? Tsaka pano mo nalaman?"

"Yung comment mo, lumabas sa feed mo sa Facebook."

(O.O) "FRIEND BA KITA DON!?!?!" Napatingin tuloy sakin si Wes.

"Naka-subscribe ako sa'yo. Bigatin ka na e, full na pala account mo."

"UGH. Ewan ko sa'yo. Mind your own business."

"I find it amusing. Iyakin ka pala."

Wala na. Napuno na ako. Imbis na sumagot pa ako..

Inapakan ko na lang ang paa nya.

Pakyu, Tuko. Thanks for ruining my morning.

**

BREAK TIME

ROCKY'S POV

May napansin ako. Kanina pa ako iniiwasan ni Wes! Aba hello, ako dapat ang umiwas sa kanya, diba? Ako 'tong naharass nung Pepperonia na yun!! Kagabi ko pa iniisip kung bakit ako ang dahilan ng break-up nila. Well sinong matinong lalaki ba ang magtatagal sa babaeng yon? Walang ginawa kundi manggamit! At isa si Wes sa mga tangang nagpagamit naman! UGH!!!

Bago ako matulog, may conclusion na ako kung bakit ako ang sinisisi nya.

Dahil naging boyfriend ko yung close friend nyang si Podi.

HAH. Sorry na lang sya! As if papansinin sya ng Podi ko. Bwahahaha! Beat that, Pepperonia!

Kaso.. may something sakin na gusting malaman kung tama ba ang conclusion ko. Nacurious ako eh! Tulad nga ng banter nina Sir Lean and Vivien last week "Curiosity killed the cat. Satisfaction brought it back." Gusto kong si Wes ang mismong magsabi sakin kung ano ang totoo!

So.. may suhol ako. Bumili ako ng strawberry shake sa canteen at pumunta sa SC office kung saan busy sya. Wala syang takas ngayon! XD

*katok*

"Wait lang busy ako!!!" Sungit naman nito pag busy!

"Hello!"

Ayun, tumingin din agad.

"What?" salubong ang kilay!!!

Pumunta ako sa may table nya at nilapag yung shake. "Break muna!"

"Thanks." Akala ko pa naman iinumin nya pero hindi!!! Instead, bumalik sya sa pagtatype ng something something sa laptop nya! Grrr.

"Ano yan?" sinilip ko pa yung laptop.

"Rachel please busy ako. Mamaya ka na manggulo."

I pouted. Kakainis naman 'to! "Tsss. Sungit! Mas panget yang panget mong mukha pag masungit ka!"

Ayaw nyang sinasabihan syang panget. Tss vain! Tumigil sya sa pagtatype at pinansin na rin ako! \(^.^)/ "Ano bang kailangan mo?"

Aha! Makaganti nga sa mga banat nya! "Ikaw."

(-_______-)'' "Alis."

"Eto naman joke lang!" umupo ako sa table ng secretary nya. "Ano.. may itatanong lang ako."

"Kung tungkol to dun sa sinabi ni Pepper.. I have nothing to say."

"Bakit ba ang init ng ulo mo sakin, Wesley Rodriguez!? Hindi nakakatuwa."

"Try mo maging busy, tignan natin kung matutuwa ka pag kinukulit ka."

"Palagi mo nga akong kinukulit pag busy ako pero unlike you nakikisama naman ako!"

"Wow, pakikisama pala yung pasigaw?"

"Bahala ka na sa buhay mo!!!!" BWISET! Ewan ko sa kanya!!! Ugh. Galit na galit akong naglakad palabas.

"Hoy! Yung shake mo!"

"PARA SAYO KASI YAN!!! LECHE KA SANA MAY RACUMIN YAN!!!!"

At..

"Galit ka na sakin, Rachel Anne?" mahinahon nyang sabi. Amused pa ata ang loko!

Humarap ulit ako sa kanya. "Hindi ako galit."

Bumalik ulit sya sa pagtatype habang INIINOM YUNG SHAKE!!!

"Bakit mo iniinom yan?!?!"

"Ha?" nakatingin sya sa laptop. "Sabi mo akin na 'to diba?"

"Sana matapunan yang laptop mo! Bwiset!"

Bago pa ako makalabas..

"Kung gusto mo malaman.. tanong mo kay Chester," seryoso nyang sabi.

"Bakit kay Chester pa? Pwede namang sa'yo diba?"

It took him a while to answer. "Mas.. alam nya kasi kung bakit."

"EWAN KO SAYO!!!" binagsakan ko pa sya ng pinto. Badtrip!

**

LIBRARY

CHESTER'S POV

"Janine wag kang matulog."

Nasa library kaming dalawa, tinutulungan ko syang gumawa ng methodology para sa IP nila. Una okay pa eh, nakakagawa pa kami. Kaso...

"Chestie mamaya naaa.." @.@ na ang itsura nya.

Tinabi ko muna yung papers tsaka ko sya pinalo ng libro sa ulo.

"OUCH!!!" gising agad! "Ang sakit nun ah!"

"Gumising ka dyan." Inabot ko na sa kanya yung papers.

Padabog nyang sinimulan yung methodology habang ako, nagsosoundtrip. Aaahhh! May Battle of the Bands nga pala sa end of November! Nakakae--

"CHESTER!!!" sinigawan nya ako!

"WHAT!?!?

"Your phone's ringing." Tinignan ko naman phone ko.

Si Rocky? Bakit naman?

Hindi naman sya tatawag basta-basta kung walang dahilan diba?

Tumigil si Janine sa ginagawa nya. "Sagutin mo na yan. Baka Dad mo yan."

"S-sige. Wait lang." Lumabas nako ng lib.

"CHESTER!!!!" galit na galit na salubong sakin ni Rocky.

"B-bakit?"

"Bakit nagbreak sina Pepper at Wes?"

(O.O) (O.O) "M-malay ko! Ba't ako tinatanong mo? Si We--"

"SABI NI WES IKAW DAW ANG MAS NAKAKAALAM! GOODNESS ANO BA TALAGANG MERON!?!?!?"

Pucha ka Wes. Ako pa dinadamay mo sa sabit mo! Badtrip. "Ako mas nakakaalam? Siraulo talaga yang si Wes! Badtrip.

"K-kasi.." hala, bakit naiiyak si Rocky? Shet. "Nakakainis! Ba't ba ako nadamay dun? Ang tahimik ko na nga! Don't tell me.. may gusto si Pepper kay Podi dati!?! HA!?!? CHESTER?!??!"

"T-teka lang Rocky wag mo akong sigawan!"

"S-sorry.."

"A-ano kasi.." Shet ano nga ba? "Nagselos si Wes.. dati kay Podi.. kasi nga crush ni Pepper yun since elementary.. diba?"

"Y-yun lang? Nagselos na si Wes dun!??!"

"Alam mo naman yun.. masyadong protective kay Pepper. Kaya nga sila nagtagal diba?" Chester ano bang pinagsasabi mo!

Huminga ng malalim si Rocky. "Well.. sorry na lang yung b*tch na yun! Podi's mine! BADTRIP SYA!!"

"N-nasan ka ba?"

"Sa may CAT HQ. Wala namang tao dito eh!"

"Nako umalis ka na dyan! Makita ka pa ni Barbs patay ka dun."

"Oo na sige na! Pero Chester, maraming salamat ah? Grabe naman si Wes! Sa'yo pa talaga ako pinapunta eh nagselos lang pala sya! Baduy!"

"S-sige. Basta umalis ka na dyan! Badtrip si Barbs. Teka una nako, si Janine kasi. Baka mali na yung ginawa nya sa methodology eh."

Sumakit ang ulo ko dun. Makausap nga 'tong si Wes mamaya! Pagbalik ko sa loob ng library.. nakatulog na si Janine.

"Psst," I nudged her. "Gumising ka na dyan."

"Mamaya na.."

"Malapit na tayong mag-English. Tara na." Inayos ko na lang gamit nya.

Ayun pa rin sya, natutulog. Nakakainis lang. "Chester.. maya na please?"

"Bahala ka d--" Nagulat ako sa nakita ko. T-teka.. bakit may nakatype na methodology dito? "JANINE!!!"

Napabalikwas tuloy sya. "DON'T SHOUT!!!"

"What's this?" pinakita ko sa kanya yung hawak ko papel.

(O.O) (^.^) "Methodology ko!"

"Akala ko ba wala ka pang nagagawa?"

"Eeehhh.. wala lang! Gusto ko lang mantrip!"

(-___-) "Ganun mo ba talaga ako gustong makasama? Ikaw ah."

"Sira! Ikaw kaya 'tong nagsabi na tutulungan mo ako sa methodology! Kahapon mo pa nga ako pinipilit eh, nung Monday ko pa natapos yan! Baka ikaw! Sobrang gusto mo akong makasama noh?" ngumiti pa sya.

"Ewan! Tara na nga! Ang kulit nito."

Kinukulit pa rin nya ako hanggang sa classroom. Medyo nainis na ko.

"Janine tigil na."

Hindi na naman sya natakot. "Opo titigil na. Wag ka lang magalit."

**

HONORS CLASS

NORMAL POV

Excited ang lahat para sa topic nila ngayong hapon. Story critiquing lang naman sila. Last week ay pina-assignment sa kanila ni Lean na basahin ang Para Kay B ni Ricky Lee. Pinili nya ito kasi sure syang makakarelate ang mga estudyante nya.

Usapang pag-ibig ang Honors ngayon, kaya naki-sit in si Janine.

"Sabi ni Ricky Lee sa librong 'to," panimula ni Lean. "May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang nagiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.

 

Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980's pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay na noon pang 1930's.

May pusong pinaglalaruan.

Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagkasama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalake. Pero hindi nya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi nya mahanap ay ang kanyang sarili.

Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang maghiwalay.

Merong nagmamahal lamang kapag nananakit.

Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.

Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila.

Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap nya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging masaya."

Tahimik ang lahat ng estudyante, masyado atang nakacaptivate sa pagbabasa ni Lean with feelings.

"Drama mo Lean," sabi ni Barbs. Yan ang pampaspoil ng mood.

(-_-) "Salamat Barbs ah, ganda na ng moment ko dun eh!" natawa pa si Lean. "So.. that sums up the book. Siguro naman nabasa nyo na yan, and I'm sure may ilan sa inyo na naiyak.." napatingin kay Barbs. "Wait Barbs.. di ba nakasunglasses ka kanina? Asan na?"

Medyo nailang naman si Barbs nang tignan sya ng mga kaklase. "Uhhh.. nagpunta ako kay Ms. Nurse. Pinatignan ko." Napangiti naman si Cyrus.

"So.. anyway, balik tayo sa ating topic, okay? Ngayon, kaya ko pinabasa sa inyo yan.. kasi gagawan nyo yan ng paper."

Nganga ang Honors Class.

"Hindi naman sya formal paper!" pagtutuloy ni Lean. "Kung ano lang ang thoughts nyo about the story. Kahit ano, sa structure man, writing style o.. kung anong saloobin nyo about the characters. Tandaan, merong 6 na characters dyan, yung limang babae tsaka si Lucas, yung author. Kahit ano. Gusto kong malaman kung gaano nakaapekto sa inyo ang story na yan. Pwede ring baguhin nyo ang ending, or character POV. Malaya kayo kung ano ang gusto nyong ilagay kasi ang pagsusulat ay isang porma ng kalayaan."

"LALIM!!!" - extra na naman ni Barbs.

"Kelan po ang deadline, Sir?"

Ngumiti si Lean. "Bukas."

"WHAT!?!?!?" sigaw ng mga estudyante.

"Grabe makareact!" umupo si Lean sa desk. "Kahit handwritten okay na. Kahit hindi mahaba okay na. Basta mabasa ko ang reactions nyo."

"Pwede bang ngayon na lang magreact?" sabi ni Rocky.

*ting!* (light bulb moment) si Lean. "ALAM KO NA!!! May tanong nga pala ako sa inyo, since nabasa nyo rin lang ang libro."

"Lean please wag Math ah!!!" epal na naman ni Barbs.

"OKAY!!! Eto na ang tanong ko...

Sa tingin mo, kasama ka sa quota?"

Napaisip tuloy ang mga estudyante nya. After 3 minutes, isa-isa syang nagtawag.

"Hindi ako kasama sa quota dahil para sa akin ang pag-ibig ay walang kinikilalang quota". - Rocky

"Hindi. Pana-panahon lang." - Wes

"I will soon know kung kasama ako sa quota. Di pa nasusulat ang love story ko eh!" - Janine

"Basta masaya ako!" - Chester

"Unnecessary question. Limitless ang pag-ibig." - Cyrus

"Pwede naman akong maging masaya sa ibang paraan. Bakit kailangan ko pa ng lecheng quota?" - Barbs

"I don't believe in that quota. Ayon nga sa libro, relative ang pagiging masaya. Just ignore the 'excuse ng malulungkot' part." - Vivien

Impressed si Lean sa mga sagot ng klase. "Naaaks! Binasa nyo nga yung libro! PANALO KAYO!!!"

Nagtaas ng kamay si Cyrus. "Sir, kayo po? Kasama ba kayo sa quota?"

Natigilan si Lean saglit, tapos ngumiti. "Kung hindi man ako kasama sa quota ngayon, alam kong darating din ang panahon na makakasama ako.. at siya."

 

Kinilig naman ang girls (Yep, kasama si Barbs pero nagpipigil lang) sa sinabi ni Lean. Kung anu-ano tuloy ang pumasok sa utak nina Rocky at Janine. Baka naman.. may girlfriend si Sir? O di kaya may nililigawan?

"SHET LEAN SAN NANGGALING YON ANG KORNI MO!!!!" sigaw ni Barbs. Yan ang kanyang paraan para itago ang kilig.

"Ewan ko rin! HAHAHAH!" inayos nya ang gamit nya. "Basta, bukas yung reactions/blurbs nyo. Ipasa nyo na lang sa class bukas. You may go."

Todo isip naman sila para sa paper ni Lean. Dagdag problema na naman!

**

THE NEXT DAY

BARBS' POV

Shet. Maaga akong papasok ngayon. Di ako makagawa ng paper sa bahay, nadidistract pa rin kasi ako. 2 weeks na rin akong walang update! Busy kasi ako guys (-___-)

Nilakakad ko lang naman papuntang school. Eh wala eh, malapit lang. Binabasa ko ulit yung Para Kay B, yung part ni Lucas. Yun kasi ang gagawan ko ng reaction. Tsaka eto yung pinakamasakit na story sa lahat eh. Palagi ko 'tong iniiyakan! (BARBS WAG KA LANG UMIYAK SA DAAN!!!)

Pauwi nga pala kahapon, nakasabay ko si Tatin palabas ng school. Ayun, ignored pa rin ako. Aba! Sana pala pinabayaan ko na mahimatay yung lecheng yon! Akala ny--

"Wow. Pocketbook?"

Naramdaman kong wala na sa kamay ko yung libro. Agad kong sinuntok yung taong kumuha na nasa likuran ko lang. Tumama sa tiyan nya ang kamao ko.

"ARAAAY!!!" sigaw nun.

What the fck? Bello? REALLY?!?!?

Namilipit sya sa sakit dun. "B-bakit mo ba ako sinuntok?!"

"Eh ikaw tong g@go! Bakit ka nangunguha ng libro ng may libro? ABER?!?!"

Tumayo na rin sya pero obvious na masakit pa rin yung pagkakasuntok ko sa kanya. "Why are you reading that?" turo dun sa libro.

"Honors."

"Kasama ka dun?"

"Kakasabi ko lang diba?"

"Sinong teacher nyo?"

"Lean. Teka ba't ang dami mong tanong?"

"Ewan. Trip ko lang. Lean? Yung sa Ravens?"

"Oo. Wala ka ba talagang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid mo?"

"Ewan."

PUTSPA NAKAKAINIS!! Iniwan ko na sya don. Bahala sya humanap ng kausap nya!!!

**

BEFORE HONORS

VIVIEN'S POV

Medyo nahirapan ako sa paper na pinapagawa ni Sir. Isa kasi sa favorite book ko ang Para Kay B, at ang dami kong gustong gawan ng reaction kaso gusto nya maikli lang. UGH.

Kaya maikli lang 'tong ginawa ko. Sana maappreciate ni Sir! :) Aaahhh Vivien tama na nga! Masyado kang nag-iimagine!!! Erase erase erase!!!

Fine, tama yang iniisip nyo. I have this slight crush on Sir. EH SINO BA NAMANG HINDI?! Ay si Barbs.

Bakit ko sya crush? Wala lang. Kasi ang bait nya!!! Tapos ang witty pa. Funny! Pinakahuling factor na siguro yung itsura kasi after talaga ako sa personality. Basta ang bait-bait nya!

Barkada kasi yung trato nya sa mga estudyante pero hindi nya pinapabayaan yung pagtuturo. Para syang si Ramon Bautista! Yun! TAMA!! Ang dami nyong pwedeng pag-usapan.. tapos hindi sya yung snobby type! Pag magkausap kayo, feel mong nasayo lang ang attention nya.

(0//////0) KINIKILIG TULOY AKO!!!

Super excited ako sa sinulat ko. Sana maappreciate nya! Pero bago muna yun sana hindi ako malate! Kinausap pa kasi ako ni Ms. Medina about sa IP namin. Tapos nagtanong pa about sa contest na sasalihan ko. Sana di talaga ako malate! (-___-)

Buti na lang 5 minutes before the time ako nakarating sa--

"HAHAHAHHA SHET ANG PANGET KAYA NG ITSURA NYA DON!!!"

"Hoy yabang ka! Ayos kaya! Tapos napanood mo nung Unforgiven 2007? Yung TLC match nina Cena?"

"TAE AYOKO NUN!!! SARAP TUMAGA NG TAO NUN!!! Natalo si Edge pucha!!!"

"Fan na fan ka talaga ni Edge?!?!"

"SHET LEAN BULAG KA BA!?!? NAMAN!!! Suicide Blondes forever!!! Edge and Christian!!!"

"NAABUTAN MO PA YUN!?!?! Tangna Grade 1 ka pa lang ata nun ah!"

"KASALANAN NG TATAY KO!!! WOOOHOOOOO!!!"

Sina Barbs at Sir pala yung nag-uusap. Ang lakas ng boses!

Hindi ako mapasok sa room. Ewan. Parang may something sakin na nahihiya na ewan. Ayoko na tuloy pu--

"VIV!!! OKAY KA LANG BA?!?!?"

Si Barbs nasa may pintuan na. Sumilip din si Sir.

"Ikaw na lang kaya hinihintay ng klase!" sabi nya.

"A-ahh.. wait lang. Check ko lang 'tong paper ko." Wow Vivien, what a witty excuse -__-"

"Wag na!" lumapit sakin si Barbs at hinila ako. "Pasok na sa loob!"

Buong Honors Class tahimik ako. Vivien, anong topak mo na naman? Ugh. Wala lang yon. Wala lang yon. Wala lang yon. Wa--

Goodness, I hate this.

I'll tell you a secret, okay? Minsan kaya ako tahimik kasi ayokong mapansin ng ibang tao. I have this fear na pag napansin ako tapos.. nabigyan ng atensyon na medyo matagal.. malulungkot ako pag biglaan yong nawala. Abandonment effect ba.

Si Sir? Mabait, matalino, gwapo, athletic. Candidate para sa Crush ng Campus.

Pero Vivien, wake up.

He's not him.

**

NORMAL POV

Nasa Starbucks Town si Lean. Dun sya nagdecide na magbasa ng papers ng Honors class nya. Excited na excited syang malaman kung ano ang reaction ng klase sa libro. Tulad nga ng sinabi nya dati, favorite book nya ang Para Kay B. Tanda pa nga nya nung nilaunch ang libro nung 2008, umabsent pa sya sa isang major para pumunta dun. Idol nya kasi si Ricky Lee.

Iba't ibang reaksyon ang nabasa nya. Si Barbs himalang nakisimpatya kay Lucas. Si Rocky nakarelate kay Erica. At si Janine, kahit hindi nya estudyante, nagsulat din ng paper, saying na nakakarelate sya kay Bessie. Nakakatuwa lang.

Hinuli talaga nya ang kay Vivien. Sa ilang buwan nyang estudyante ito, napansin nya ang pagdevelop ng writing style nito. Tama lang na sya ang pinili nya para dun sa contest!

Nang basahin nya ang kay Vivien.. gulat na gulat sya sa nakita.

Nakakarelate ako kay Lucas, yung writer. Mahirap magmahal ng walang kapalit. Unrequited love, sabi ng iba. Nagiging t@nga ka, umaasa na sana balang araw masuklian ang pag-ibig na binibigay mo. Ganun si Lucas kay Bessie. Ginawa nya ang lahat: nagpaalila sya rito, gumawa ng mga monologue, naging sidekick at isang laruan. Lahat ginawa nya para marealize ni Bessie na karapat-dapat na sya ang mahalin nito.

Pero tulad nga ng sabi ni AJ kay Bessie, ang mga writer ay masokista. Agree ako dun. Hindi makakasulat ang isang writer ng isang magandang kwento kung wala itong malalim na pinaghuhugutan. Lahat may basis dapat. Para raw ang emosyon, tapos manunuot sa puso at utak ng mambabasa ang bawat letra ng kwento nya.

Kaso, hindi ganyan ang nangyari kay Bessie. She ignored Lucas' feelings. Wala syang pakialam kay Lucas. In the end, si Lucas na masokista, tinanggap na lang nya ang fate.

Napahanga si Lean sa sinabi ni Vivien! Lalagyan na nya sana ng comment ang papel nang may nakita syang pahabol sa dulo.

Inexpressible love (n) : to know that one does not write for one other, to know that these things that I am going to write will never cause me to be loved by the one I love, to know that writing compensates for nothing.

**

Sana may nakaintindi kung bakit isa 'to sa favorite chapters ko. Haha! Favorite book ko kasi ang Para Kay B! Kaya kung wala kayong mabasa this summer, bumili kayo nun! 250 php ata sa National :) Worth reading lalo na kung hopeless romantic kayo XD

QUESTION: SA TINGIN NYO, KASAMA BA KAYO SA QUOTA? :)

Ay, yung Inexpressible Love, hindi ko gawa-gawa yan. Galing yan sa isa ko pang favorite book, A Lover's Discourse ni Roland Barthes. Ang cute lang ng pagsusulat non! Basta, abangan nyo dahil marami pang kasunod na ganyan :)

Continue Reading

You'll Also Like

105K 2.1K 28
Lumaki si Ulysses Yap sa pangangalaga ng kanyang yumaong lola, kaya't hindi niya masyadong nakakasalamuha ang kanyang kapatid na siya ring kinuha ng...
1K 57 10
Louiscito Pedrico Borromeo III... Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. But ironic as he is, hopeless romantic iyan...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
32M 775K 136
Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]