Dating My Ex

By makiwander

1.2M 41.7K 5.5K

"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance More

Prologue
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Ex.5
Ex.6
Ex.7
Ex.8
Ex.9
Ex.10
Ex. 12
Ex. 13
Ex 14
Ex 15
Ex 16
Ex 17
Ex 18
Ex 19
Ex 21
Ex 22
Ex 23
Ex 24
Huling Kabanata

Ex.11

41.7K 1.7K 247
By makiwander




Past vs. Present

"Eh baka naman may crush lang sayo.."

Tiningnan ko si Lexy habang pinapatuyo ang buhok niya ng towel sa harap ng salamin.

"Hindi eh. Iba siyang makatingin. Parang kilalang kilala ako, parang si Rye."

"Eh di ba hindi mo nga kilala si Rye, sabi niya! Tsk, wag ka na kasi mag-isip ng kung ano-ano. Magfocus ka na lang doon sa pageant mo. Mamaya matalo ka pa dun, sige ka." Banta sa akin ni Lexy, bigla naman akong nag-alala at kinuha agad ang usb microphone sa harapan ko at pumili ng kanta sa Smule app ng phone ko.

"Ayoko sana, na ikaw ay mawawala.. Sino ba naman ako para pigilin ka.."

Buong puso akong bumirit habang walang tigil sa paghagikgik sa pag-tawa si Lexy, usually may bayad ang performance ko pero dahil sinusuportahan naman ako ni Lexy, maari siyang makinig.

Sa mga sumunod na araw, panay ang pag-eensayo at pagdadiet ko. Hindi ko alam kung sinusuportahan ba ako ni Mikel o sinasabotahe dahil laging merong pagkain sa lamesa ko kahit wala siya sa opisina. Dahil marupok ako sa tukso, kinakain ko naman ang mga iyon saka isa pa, sayang, maraming nagugutom ngayon kaya hindi maganda yung nag-aaksaya.

"O, ayan, hiniram ko iyan sa pinsan kong fashion designer. Ang ganda di ba?" Pagmamalaki ni Kristel sa kulay dilaw na serpentine gown sa aking harapan. Backless iyon at merong makikintab na swarovski crystals sa laylayan na tuwing lalakad ang may suot ay kumikislap iyon.

"Saka yung makeup artist mo, ako na lang ha. Mag-beauty rest ka mamaya kasi baka hindi kumapit ang make-up bukas kapag stressed ang skin."

"Oo na, oo na. Kristel, tiyak kong mananalo ako bukas." Pagpapanatag ko sa kanya. Ako nga ang nangunguna sa Facebook likes dahil pati mga ka-baranggay nila Jax, Kristel, Yuri, Eric at Paolo na nahikayat nilang iboto ako.

"Siguruhin mo! Kapag hindi, sisingilin kita sa serbisyo ko sayo, baka hindi mo alam na kinailangan ko pang magpasoftdrinks doon sa nagpapa-liga sa Purok namin para buksan nila ang Facebook nila at i-like ang litrato mo."

"My gosh! Kaya pala dumami ang friend requests ko."

"Ayan ka na naman, nagpi-feeling!"

Nagtawanan kaming dalawa pagkatapos. Nagpapasalamat ako sa presensya ni Kristel at ng mga bago kong kaibigan. Sa totoo lang, ilang araw na ding nananakit ang ulo ko, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagbabawas ng pagkain o dahil sa pag-iisip kung sino ba si Victor Lo. Unti-unti ay naniniwala akong pamilyar ang mukha niya, o baka napapaniwala ko na lang ang sarili ko.

Wala akong halos tulog kagaya noong mga nakaraan. Gusto ko mang tanungin si Mikel pero kahit papaano ay dumidistansiya ako dahil ayoko nang maulit ang panunugod sa akin ni Scarlette. Ayoko na ding paasahin ang sarili ko sa kanya.

Dumating din ang araw ng pageant. Hindi regular ang pasok sa DVC dahil merong event ang opisina, lahat kami ay nire-require na pumasok nang alas-kuwatro ng hapon para umattend sa anniversary program ng opisina at sa gabi ay gaganapin na ang Miss DVC. Nag-park ang aking sasakyan sa halos mapuno na parking lot, mula sa labas ay maririnig na ang musika na nanggagaling sa loob ng gusali. Isa nga itong hindi pangkaraniwang araw sa DVC.

Kinuha ko ang box na naglalaman ng gagamitin ko sa talent portion mamaya sa likod ng sasakyan. Ang baton twirling sa saliw ng awiting Halik na ako din mismo ang espesyal na kakanta. Dapat nga ay may fire dancing kaya lang baka daw mag-activate ang smoke detector ng opisina at mabasa kaming lahat, masyado ng giveaway kung may shower scene pa ang talent portion ko.

"Hey..."

Napalingon ako sa aking tagiliran nang ibagsak ko ang pinto ng trunk. Ang laman ng isip ko ilang araw na, si Victor. Muli ay nasa harapan ko.

Merong camera na nakasukbit sa kanyang leeg, kaswal ang kanyang pananamit, itim na t-shirt at khaki shorts pero meron siyang ID na 'Guest' ng DVC. Mukhang siya din ang kinuhang mag-do-document ng pangyayari ngayong araw. Lumiit ang kanyang natural na singkit na mata at kinagat ang pang-ibabang labi niya habang pinagmamasdan ako.

"Hi." Tipid kong sagot na napayuko. Hindi ako kumportable sa kapag nasa paligid siya, pakiramdam ko nasa panganib ako lagi.

"Mas lalo kang gumanda." Aniya na sinipat ako mula ulo hanggang paa.

"Excuse me?"

"Come on, don't act like an innocent b*tch. We both know you're not." Natatawa niyang sabi. Kahit naiinsulto ay nanatili pa din ako sa kanyang harapan.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, at kung ano man yon, wala akong pakialam. Iba na ang Gabby noon, sa Gabby ngayon!"

"Really?" Mas lalong lumakas ang tawa niya habang naglalakad papalapit. "Baka pag hinalikan kita, manlambot na naman ang tuhod mo, sige ka, magagalit na naman ang boyfriend mo.." Bulong niya sa aking tainga na ikinakilabot ko. Buong lakas ko siyang itinulak papalayo gamit ang isang kamay ko. Habang lakad takbo akong pumapasok sa elevator, ang daming tumatakbo sa utak ko. Sino siya? Bakit niya ako ginugulo? Pinag-awayan namin siya ng boyfriend ko? Si Mikel ba? Siya ba ang dahilan ng pag-hihiwalay namin ni Mikel? 

Pero ang sabi ni Mikel, niloko niya ako.. Sabi niya wala akong ginawang masama.

"Gabby!" Sinalubong agad ako ni Kristel at hinila mula sa elevator. "Bakit namumutla ka?"

Umiling ako at humigpit ang yakap sa kahon na hawak ko, panay pa din ang panggulo ng mga katanungan sa isip ko.

"Okay ka lang?"

Umiling akong muli.

"Joke ba yan? Di ba excited ka nga sa araw na ito? Kukunin mo ang korona di ba?"

Hindi na pinansin ni Kristel ang pagiging tahimik ko. Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan at nagsimula siyang ayusan ako. Panay ang salita niya pero wala akong maintindihan. Hanggang sa matapos ako at maisuot ang unang dress na katulad ng sa ibang kandidata ay wala pa rin akong imik.

"Nakakatakot na yan ha? Magsalita ka naman diyan." Pang-hihikayat ni Kristel.

"O-okay lang ako, kinakabahan lang." Sagot ko.

Ang malakas na musika sa backstagebang nadatnan namin ni Kristel, naroon na ang ibang kandidata, naroon din si Victor at ang isa niyang kasama na parehas na may nakakalokong ngiti sa akin kahit na panay ang kuha nila ng litrato sa ibang kandidata.

Nang tawagin na kami ni Miss Hilda para luminya na sa pagpapakilala, umalis na si Kristel sa tabi ko. Tumabi sa akin si Victor at pinaglaruan ako ng tingin.

"I really am not sure how can you still be with your man after what happened. Hindi ka man lang ba niya pinarusahan?" Pabulong lang iyon pero sapat na ang lakas para marinig ko. "Maybe you said sorry on your knees." Makahulugan na naman na hinagod ni Victor ang aking katawan ng tingin. "Such a waste." Bulong niya pa nang hilahin na ako ni Miss Hilda para sumunod na sa labas ng stage.

Maliwanag ang buong stage nang makarating ako sa gitna pero isa lang ang nakikita ko, si Mikel. Mataman siyang nakatingin sa akin doon sa judges panel. Pormal at walang kangiti-ngiti. He's in his usual suit pero hindi nito nabawasan ang kagwapuhan na hindi nakakasawang tingnan. The muscles on his thick eyebrows moved, nagpangalumbaba siya nang makalapit na ako sa mikropono. His red lips pouted, hindi niya iyon sadya, matagal na niyang mannerism iyon kapag nagbibigay ng atensyon sa kanyang nasa harapan.

"Good evening, I am Gabrielle Bethany Semilla, representing Corporate Department!" Malakas ang naging hiyawan ng mga nanonood, natanawan ko ang grupo nila Jax na nakapaghanda pa ng banner para sa akin. Nag-iwan ako ng masayang ngiti bago muling bumalik sa backstage.

Nagulat ako nang hawakan ni Victor ang aking kamay para alalayan akong bumaba, agad kong binawi iyon kaya hindi ako tuluyang nakaalis sa entrada ng stage.

"Let me go!" Sigaw ko nang hindi sinasadya. Nakita kong napalingon ang ilang mga kandidata sa backstage pati na rin ang mga organizers. Binitiwan ako ni Victor.

"Ang bilis mo namang makalimot, Gabrielle." Tatawa-tawang tudyo ni Victor. "At yung syota mong iniputan mo sa ulo, uto-uto."

Tiningnan ko siya ng masama pero hindi siya nagpatinag, mabibigat ang paang tinungo ko ang dressing room para magpalipas ng sakit ng ulo dala ni Victor ngayong gabi. Iniputan sa ulo? Was he pertaining to Mikel?

Pumikit ako hanggang sa ang isa sa mga kandidata ay kinalabit ako para magpalit na ng damit.

Sa ikalawang parte ng program ay naghanda na ang lahat para sa talent portion, nasa dressing room pa ang ibang kandidata samantalang ang mga nakabihis na ay naroon na nakaupo sa likod ng stage. Pilit kong kinakabisado ang kanta sa isip ko para walang makalimutang lyrics, nakatulong din iyon para mawala sa isip ko si Victor. Hindi ko na siya nakita sa paligid kaya mas naging panatag ako.

"Hi Sir!" Napalingon ako nang magkaroon ng bahagyang ingay doon sa likod, the girls almost screamed silently. Nakitang kong naglalakad si Mikel sa backstage in his breathtaking snob physique, the girls sighed and I mentally sighed too, tumikhim ako at nag-iwas ako ng tingin at tinuon ang mata ko sa hawak na lyrics.

"How are you?" Isang anino ang tumabing sa hawak kong papel. His familiar scent comforted me. He's near. Walang masamang mangyayari.

"S-sir.."

"Did he bother you?" Nag-aala ang mga mata ni Mikel. Napakunot ang aking noo kahit na nakaramdam ako ng mas matinding pagkabalisa kaysa kanina.

"S-sino siya? Totoo ba ang sinabi niya?"

Nagtiim bagang si Mikel at matigas na umiling. Mas lalo akong nauhaw sa katotohanan. I need to know! I need know the truth!

"Do not believe him. He's just an infatuated hobbyist without talent."

"Pero sabi niya---"

"Gabby, I told you to drop it."

Natahimik ako sa utos ni Mikel. Unti-unti ay nag-dududa na ako sa nangyayari sa paligid ko. Are they hiding something? Why don't they just tell me? I need to know! I am entitled for the truth, for my truth. That is mine. Bakit hindi nila maibigay?

"Gabby, ikaw na ang susunod." Tinawag ako ni Miss Hilda at wala na akong magawa kundi iwanan si Mikel.

Halos hindi naman marinig ang boses ko sa lakas ng sigaw ng mga kaibigan ko nang mag-talent portion na. Tuwing tataas ang tono ay panay ang hiyaw nila at palakpak. Ang mga hurado ay panay ang ngiti at tawa kahit seryoso ako sa ginagawa. Nakabalik na din si Mikel sa kanyang upuan at isa sa nanonood sa akin.

'She's so cute..' Puna ng isa sa mga judge habang pinapanood ako.

Si Mikel ay nakatitig lang sa akin at tila malim ang iniisip. His jaw kept on moving, he do that when he's stressed. Kahit ang ugat niya sa kamay ay galit, I remember caressing whenever he's mad.

Sa sumunod na round ay tinawag ang limang finalist mula sa labing limang kandidata, maswerte ako na isa ako sa natawag. Suot ko ang gown na ipinahiram ni Kristel, simpleng low bun naman ang naging ayos ng buhok ko.

Sinabi ng host na tatanungin kami ng pare-parehas na tanong. Ako ang panghuling tinawag kaya sinuotan muna ako kasama ang iba pang kandidata ng headphones na merong maingay na music para hindi marinig ang sagot ng ibang kandidata. Pumikit ako pansumandali para ipahinga ang ulo ko. O feel that my head will break apart any moment from now.

"Miss Gabrielle!" Narinig ko ang anunsiyo ng pangalan ko nang tanggalin ang suot kong headphones. Lumapit ako sa host at ngumiti sa mga judges. Halata sa mukha nila Jax na kinakabahan sila para sa akin. Ako naman ay nag-senyas ng 'okay' para ipahiwatig na ayos lang ako. Hinarap ko ang lalaking host na matikas ang tindig, tumingin sa kanyang hawak na cue card at saka ako binigyan ng tanong.

"If you will be given a chance to have a wish right now and it will be granted, what will it be and why?"

Bahagya akong nag-isip, inaalis ko sa isip ko ang gusto kong isagot para sumagot ng mas maganda pero na-mental block na ako. "If I will have one wish to be granted tonight.. Gusto ko. Gustong kong makaalala na." Bulong ko pero dahil nakatapat sa mikropono, narinig iyon ng lahat. Everyone expelled their silent 'Ooh's' and shook their head like they pity me. Sa ganong reaksyon pa lang ay uminit na agad ang sulok ng mga mata ko. Pinili ko na lang magpatuloy dahil wala na din naman akong maisip.

"Bakit? K-kasi gusto kong mag-sorry.. Doon sa isang taong nasaktan ko ng husto. Dahil kahit sabihin niyang wala akong kasalanan sa kanya, ramdam ko na meron. Kahit hindi makaalala ito.." Tinuro ko ang ulo ko, saka ibinaba ang kamay ko sa dibdib ko, "Sobrang bigat na ng pakiramdam nito... I am sorry, Mikel." Di ko na napigilan ang sarili ko. Mas lalong napatahimik ang lahat at alam kong hindi nila agad naproseso ang aking sinabi.

Nagmamadali kong ibinagsak ang mikropono at tumakbo papalayo. Ang unang nakitang pinto ang aking nilabasan, hindi ko alam ang pupuntahan. Panay ang bukas ko sa pinto na madadaanan hanggang sa makalabas akong muli sa backdoor ng opisina at ang malawak na parking lot ang bumungad sa akin.

"Ang gandang iyakin naman niyan." Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong naroon si Rye. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo ng tuwid. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Ikaw! Wag ka ngang magsisinungaling sa akin. Kilala mo ako hindi ba? Kaya ka nandito kasi sinusundan mo ako." Akusa ko.

"Alam mo, nung una kitang makita, alam kong napakataas na ng bilib mo sa sarili mo, pero hindi naman ganyan kataas, sobra naman yan." Tumawa siya na parang nang-aasar. Nakasuot din siya ng suit ng gaya nang kay Mikel pero ang kanyang istura ay hindi kasing pormal nang kay Mikel, nakasandal siya sa itim na top-down niyang sasakyan at nakapamulsa. Mukha siyang kontrabida sa isang action movie.

"Pinaglalaruan mo din ako." Buong hinanakit na sambit ko. Nagbago ang mukha ni Rye at saka sumeryoso.

"May nangyari ba?" He sounded concern.

"Wala!" Pagalit kong pinunasan ang luha ko. Tama ba namang mag-emo ako sa Q & A? 

"Pagod na pagod na ako sa pagtatago niyo sa akin ng katotohanan. Naiinis na akong manghula! Ano bang itinatago niyo? Buhay ko naman ito ah?"

"Gabby.."

"Wag kang lalapit! Kung magsisinungaling ka lang kagaya ni Mikel, wag ka na lang lumapit."

"Gabby.. You want the truth?" Seryoso at matigas ang boses ni Rye. I nodded instantly.

"I am your boyfriend." Sabi niya.

Napanganga ako. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa paghahalungkat kay Rye sa aking nakaraan. Kahit hindi imposibleng mangyari, hindi ako handa. Hinilot ko ang sentido ko gamit ang magkabilang kamay, paulit-ulit hanggang sa humapdi ang aking balat.

"That's it.. That is the truth. I am your boyfriend." Ulit ni Rye.

"S-sandali.." Napalunok ako ng ilang beses, umikot ang sikmura ko at gusto kong maduwal sa narinig.

Humakbang si Rye papalapit sa akin pero umatras ako ng isa. "H-hindi yan tama."

Hindi iyon tama dahil wala akong naramdaman na kahit ano sa kanya. Walang ang pamilyar na pakiramdam ng nagmamahal. Niloloko niya ba ako? Paano ko malalaman ang totoo kung sinasabi niya lang ito?

"I stayed away because you want me to. You tell me that if you will see me, hindi ka magpapagamot kaya kahit ayaw ko, lumayo ako."

Tinakpan ko ang tainga ko.

Ito na ba talaga ang katotohanan? Ito ba ang hinihintay ko?

"K-kung totoo yan, bakit ngayon ka lang nagpakita, ha? Bakit hindi nung mga nakaraang araw? Bakit ngayon lang?"

"Because you made the doctors sign a non-disclosure. Hindi ko alam kung saan ka nagpagamot, hindi ko alam at hindi na kita nakita. Gabby. Bumalik ka na sa akin. Ako to.. Si Rye."

"No, no..." Umiling ako, "Hindi yan totoo. Niloloko mo rin lang ako. Bakit wala akong maramdaman?" Nanginginig ang kamay ko kasabay ng paglatay ng sakit sa mukha ni Rye. Hindi ko na napili ang aking sasabihin. Kung totoo ang sinasabi niya at hindi siya nagsisinungaling kagaya ni Victor, wala siyang pruweba, wala din akong maramdaman.

Si Mikel, siya ang nagsasabi ng totoo, sa kanya ako maniniwala.

"Gabby.." Mula sa loob ay tinungo ako ni Mikel, puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"Mikel!" Tumakbo ako sa direksyon ni Mikel at hindi ko na pinigilan ang sarili kong yakapin siya. 

"Hindi yon totoo, hindi ko siya kaano ano.." Bulong ko na binalutan ng takot. "Ayoko.. Hindi ko siya kilala." Paulit ulit na bulong ko.

"Gabby, that's the truth." Narinig kong muli si Rye, "Sumama ka sa akin." Pakiusap niya. Mariin ang pag-iling ko.

"Ayoko, Mikel.. Please.."

"Please leave her alone." Seryoso ang boses ni Mikel habang mahigpit ang naging yakap niya sa aking likod, yung yakap na hindi ako pakakawalan.

"She's mine." Matigas na wika ni Rye. Umiling akong muli.

"She's no one's property. Let her live if you really care for her."

"Care for her? Hinahamon mo ako sa 'care' na yan?"

"Please, Rye. Stop. Ayokong marinig! I just want to remember.. Everything. Hindi ako sasama sayo dahil sinabi mo. I only remember Mikel."

"At sa kanya ka sasama just because he's part of your past? I am your present, Gabby."

Hindi ako makasagot. Kahit anong sabihin ni Rye, hindi ko iyon magawang paniwalaan. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak ko kay Mikel pero mas niyakap pa niya ako.

"Give her time.. Isasaoli ko siya sayo kapag naalala na niya ang lahat." I heard Mikel's conviction. "I will help her remember all the memories that's lost. She will remember why she chose to forget me, from there, I know she will willingly come back to you because you are her present."

"Mikel.." Tutol ko.

"Time.. Please." Pakiusap ni Mikel kay Rye.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...