The Boy Next Door (Completed)

By ScribblerMia

84.3M 1M 202K

Now a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © Scrib... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13 Part 1
Character Profile (Karl Jonathan)
Character Profile (Oleya Astrid)
Chapter 13 Part 2
Chapter 14 (Part 1)
Chapter 14 (Part 2)
Chapter 15
Chapter 16 (Part 1)
Chapter 16 (Part 2)
Chapter 17 (Part 1)
Chapter 17 (Part 2)
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 19 (Part 3)
Chapter 20
Chapter 21 (Part 1)
Chapter 21 (Part 2)
Chapter 22
Chapter 23 (Part 1)
Chapter 23 (Part 2)
Chapter 24
Chapter 25 (Part 1)
Chapter 25 (Part 2)
Chapter 26 (Part 1)
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 27 (Part 1)
Chapter 27 (Part 2)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Part 1)
Chapter 30 (Part 2)
Chapter 30 (Part 3)
Chapter 31 (Part 1)
Chapter 31 (Part 2)
Chapter 32 (Part 1)
Chapter 32 (Part 2)
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Epilogue
ScribblerMia's Awesome Message to Awesome People
TBND Special Chapter 1: Si Kulit at si Pakipot
TBND Special Chapter 2: A Promise of Forever
TBND Soundtrack
TBND Special Chapter 3: The Dispute: Who's the Third Party?
TBND Special Chapter 4: A Series of Unfortunate and OA Events
TBND Special Chapter 5: A Happy Never-Ending Story

Chapter 12

974K 11.4K 2.8K
By ScribblerMia

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

"Baklush,” sigaw ni Philip mula sa Humanities Building.

I grinned. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyapos siya ng mahigpit.

"Ewwww. Bakla, don't hug me. We look like magjowabells here and that is so yucky,” nakangiwing sabi ni Philip.

Sobrang namiss ko ang baklang ito. Almost two months din kaming hindi nagkita. Lalong pumogi ang loko. Sayang. Kung hindi lang ito bakla, pinatos ko na ito, e. 

"Saan ang beauty mo last week? Bakit wit ka pumasok?" I asked him, raising my brow.

"Nagbeauty rest ang lolabelles." He smiled at me. 

Gwapo naman talaga ang best friend ko. Matangkad, maputi, at matangos ang ilong. Idagdag pa na Math Genius. Bet na bet ko talaga siya maging jowabelles. Kaso nga, parehas fafabelles ang type naming, e.

"Halata nga. Ang gwapo mo, e. Pakiss," sabay ngumuso ako palapit sa kanya.

"Yuck!” Nandidiring tinulak nito ang nguso ko. “Baliwag! Kung ayaw mo ma-boogie wonderland, bakla, tumigil ka! Rita Avila ka!"

"Arte mo! Bakla ka! Saan ang class mo?" Humawak ako sa kamay niya.

“Sa Hum. Witchikells ko talaga betchiwariwariwaps ang lokbu na building niyo,” maarteng sabi nito habang pumilantik ang isang kamay.

"Tse! Palibhasa bago ang building niyo. Sabay tayo lunch mamaya?" Pinapungay ko pa ang mga mata ko. 

"Keri. What time ang vacant mo?"

"Mamayang--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi may biglang humigit sa kamay ko.

"She can't. We have to go to the library. We have tons of work to do, right, Astrid?" Seryoso ang mukha na sabi ni yabang.

Ano’ng ginagawa nito dito? Bakit lagi na lang itong sumusulpot sa eksena? 

"Ay, ganoon ba?" Biglang nagpacute ang bakla kong best friend. He smiled widely. 

"Yes. She will go with me. If you'll excuse us," he said seriously.

Bago pa makasagot si Philip ay dali-dali na akong hinila ni yabang. Mukha tuloy kaming HHWR dito. Holding hands while running ang peg?

Ang init naman ng kamay nito. At ang lambot. In fairness, halatang kutis mayaman.

Pero sandal nga, bakit ba ako hinihila nito? At bakit may paghawak pa sa kamay? Saka sandal lang ulit, bakit parang nagagalit siya? Ano na naman ba’ng ginawa ko?

"Hey!" Hinihila ko ang kamay ko sa kanya. Ang higpit naman kumapit nito. "Ano ba? Bakit mo ba ako hinihila?"

"We still have class," seryosong sagot nito.

"I know! Pero hindi mo na ako kailangang hilahin. I know which way to go." Classmate ko rin nga pala siya sa HUM2.

Bigla siyang bumitaw sa kamay ko at humarap.

He gave me a cold stare. "Alam mo naman pala, bakit ka pa nakikipaglandian kanina? Oras pa ng klase." Nakapameywang na sabi niya.

"What?! What are you talking about? Sino’ng nakikipaglandian ha?" Naguguluhang tanong ko. 

"You don't have to act cute and all that. Be careful with your actions. NapakaPDA naman ng ginawa niyo. Nagyapos sa harap ng maraming tao?” He paused. “Hindi pala. Niyapos mo siya in front of the crowd."

Wait. Ano? Hindi ko ito maintindihan. Sino raw?

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ako ba ang tinutukoy mo?" Paninigurado ko. 

"Ay hindi! Iyang painting sa likod mo ang tinutukoy ko at kinakausap!"

Sabay tumalikod na ito at naglakad papunta sa classroom.

Tiningnan ko naman ang likod ko. Painting nga.

Painting ang kinakausap niya?

Was he....mentally challenged?

 --

Wala kaming imikan habang nagkaklase. Medyo nawiwirduhan din kasi ako dito sa katabi ko. Kinakausap ang painting? I mean, who in the right mind would do that?

He's weird. Bigtime.

Natapos ang klase pero talagang hindi na kami nag-usap pa. Nag-enjoy din kasi ako sa discussion. Ang galing ng prof ko mag-piano. He discussed Mozart and Beethoven. He could play those classic pieces even though he’s old. 

Kinuha ko na ang bag ko at inayos ang mga gamit sa desk ko. Dali-dali akong lumabas ng room para hanapin ang mga kaibigan ko. Nagtext kasi sila na nasa labas daw sila ng building at hinihintay ako.

Paglabas ko, nakita ko naman agad sina Philip, Kaye, at Cess na nagtatawanan.

"Mga bakla! Ano? Let's lafang ourselves na," I shouted.

"Gora!" Malanding sang-ayon ni Philip.

"Girlets and gay, may news ako," kinikilig na sabi ni Kaye habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"Ano? Sabay-sabay na tanong naming.

"May new members daw ang Cryptic Warriors. And take note, every year kasi nagpapalit sila ng President, at manggagaling iyon sa new members nila. Ayon sa aking reliable source, lima silang gwapo. Mga fafabols!" Kinikillig pang sabi ni Kaye.

Basta lalaki talaga, walang chismis na makakatakas dito.

Ang Cryptic Warriors ang pinakasikat at pinakahinahangaang frat dito sa school. Halos lahat ng miyembro nila ay mga gwapo, mayayaman, at matatalino. Ang sabi, mahirap daw makapasok sa frat na ito. Matinding initiation daw kasi ang pagdadaanan.  Hindi ako sigurado. Iyon lang ang nasagap kong chismis. Hindi kasi ako masyadong interesado sa mga frat frat na iyan.

Pero kahit hindi ako interesado sa mga frat issues at news, may isang tao doon na sobrang interesado ako. Type ko kasi ang President nila, si Zach. Pero kasi, sabi nga ni Kaye, may bago na raw na Presidente ang grupong iyon.

Sino naman kaya? Sana kasing gwapo rin ni Zach.

"Pero ang sabi kasi, galing sila sa ibang school," Kaye said a matter-of-factly.

"Ha? Paano nangyari iyon? Pwede bang sumali ang ibang students galing sa ibang school?" Nagugulugang tanong ni Cess.

"I don't know. Iyon ang nasagap kong chismis. Basta ang alam ko, may new members sila." Kaye shrugged.

"So, when natin mamimeet ang mga byolang shotokobelles na iyon?" Singit ni Philip.

"Beats me. Wala pang nakakaalam kasi hindi pa sila nakikitang magkakasama, e," Kaye said, smiling.

"Ganoon? Pa-mysterious effect pa ang mga chakabelles na iyon," sabat ko.

"Sister, kaya nga Cryptic Warriors sila, 'di ba? Cryptic. It means mysterious. Boba." Cess rolled her eyes.

Nagtawanan silang tatlo.

Inirapan ko lang silang tatlo. "I know what cryptic means, dude. What I am saying is, bakit paVIP sila? Aarte nila. Pa-mysterious effect pa. If I know, mga duwag ang mga iyon. Duwag lang ang sumasali sa frat. Okay?" Nakaismid kong sabi.

Bakit? Totoo naman 'di ba? Duwag at mga bakla lang ang sumasali sa frat. Mga mayayabang na mga war freak na walang magawa sa buhay kundi manggulo at mambugbog. 

"Hoy, ‘te. Tone down your voice. Baka may makarinig sa'yo, sugudin ka nila bigla. Besides, maraming gagang fans ang CW. Masyadong maimpluwensya ang frat na iyon," saway ni Philip.

"Tse! Wafakels pickles! Iyang mga nababaliw sa frat na iyan ay mga gaga. Duh? Duh with the capital D. Bukod siyempre kay Papa Zach, ang mga mga members ng frat na iyon ay mga assholes,” sabay tumawa pa ako ng pagak.

Napailing na lang ang tatlo kong kaibigan.

Ewan ko ba. Naiinis ako sa grupong iyon. Simula kasi nang makita kong may binugbog sila sa gitna ng school, nainis na ako. Feeling ko mga show-off silang lahat. They’re all pathetic losers. Basta na lang mambubugbog? Para saan? Dahil trip lang nila? Trip their face. 

Basta, I hate them. I hate those bastards.

"Ano’ng oorderin niyo?" Tanong ni Philip habang nagbibilang ng barya. Naghanap kami ng mauupuan at swerteng nakakita agad kami.

"Spags and hamburger. Pepsi in can," Cess said.

"Fries and burger. Pepsi in can din," Kaye said.

"What Cess said," sabi ko naman.

"Gaya-gaya ng order," nakaismid na sabi ni Cess.

I stuck out my tongue at her. 

Habang umoorder si Philip at Cess. Tumingin ako sa paligid. Si Kaye kasi ay abala sa pagtetext. 

Ang daming tao. Bakit kaya? Buti pala napaaga kami ng dating. Kung hindi, wala kaming mauupuan.  Karamihan ng nandito ay puros babae. May mga hawak na cameras at nagpipicturan.

Pati sa cafeteria talaga? Ginawang photoshoot?

Tumingin naman ako sa mahabang pila sa counter.

Buti naman at malapit na sina Cess. Gutom na kasi talaga ako. 

"Nandito na sila," untag ni Kaye.

"Yummy." Tuwang-tuwang sabi ko sabay palakpak.

Naupo sina Cess at Philip bitbit ang mga order naming.

"Cess, paabot ng tissue," sabi ni Philip habang isa-isa kaming binibigyan ng sukli. 

"Pati ketchup," Kaye added.

Inabot naman ni Cess ang ketchup at tissue sa kanila.

Nagkwekwentuhan lang kami habang nagtatawanan. Ganito kami lagi, kwentuhan tungkol sa mga klase namin, mga bloopers ng mga classmates at mga teachers during discussion, at kung anu-ano pa. 

"They're here!"

"No way!"

"Oh my God!"

"Ang camera ko! Saan na? Dali"

“Sandali, ang cellphone ko. 

Napatigil kami sa pagkain dahil sa mga sigaw sa paligid.

Tumingin naman kami sa mga nagkakagulong babae. Ang iba, nag-retouch dali-dali, ang iba busy sa pagkalikot sa mga digicams nila, ang iba inilalabas ang phone, ang iba tumayo, ang iba naman hindi magkamayaw sa pagsigaw. Pero may iba ring walang pakialam at nagpatuloy na lang sa pagkain at pagbabasa ng libro.

Tumingin ako sa may pinto.

Pumasok ang mga members ng Cryptic Warriors. Nasa bente siguro sila. Pero dahil may bago silag miyembro, naging 25 na sila. Marami-raming miyembro rin iyon.

Nakita ko sina Cess, Kaye, at Philip na napapasigaw. Their eyes were twinkling, a mixture of fascination and admiration.

Nangunguna ang aking Papa Zach na naglalakad.

Ang cool talaga niya. Napakagat tuloy ako ng malaki sa burger ko.

“Ateng, ang gwapo,” Kaye said dreamily.

I nodded absentmindedly while munching my burger.

Pero may nahagip ang paningin ko. Napatingin ako sa lalaking sumunod kay Fafa Zach.

Was I seeing things?

Was this hallucination or a joke perhaps?

Bakit may payaso sa likod ni Fafa Zach? Nagpapatawa ba siya?

Bakit kasama niya ang mga members ng duwag na CW?

I blinked not just twice but thrice. 

"The guy behind Zach, he looks familiar," Kaye said absentmindedly.

"I agree." Philip nodded.

Tumango-tango silang tatlo at tumingin sa akin.

Naibuga ko bigla ang burger ko.

Siya ang new member?

Si yabang?!

Continue Reading

You'll Also Like

16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
3.6M 20.9K 66
Do you believe in "Love at first sight?" :) There's this boy named Ervin, who was about to do suicide. But then this Charlotte girl came to his rescu...
1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...