Stuck in the Moment (Stuck Se...

Από NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... Περισσότερα

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 8

340K 3.8K 483
Από NerdyIrel

Chapter 8


Daniel's POV


Paguwi ko, dumiretso ako sa living room. Nakaupo lang ako sa couch, yung mga paa ko nakapatong sa center table. Palipat-lipat lang ako ng channel, wala kasi akong mahanap na magandang mapanood.

Sana si Kath na lang yung TV namin para hindi ako ma-bored. Ewan ko bakit pero napangiti ako.


"Huy, bakit ka nakangiti?" Biglang lumitaw na lang si Dad. Umupo siya sa couch.

Minsan na nga lang magpakita, nahuli pa kong ngumiti mag-isa.


"May naalala lang"

"Ano naman yun?" Tanong niya. Makulit talaga itong Dad ko, hindi titigil ng kakatanong until i gave up and magkwento sa kanya.


"Wala" Sabi ko.

"Babae?" Tanong niya sabay smile.


Babae. Malamang. Hindi naman lalake si Kath di ba? Hindi nga ba? HAHAHAHA!


"Opo" Sabi ko na lang. Okay? WAG KA NA MAGTANONG PLEASE!

"Kayo na?"

"Agad agad?? Haha. Hindi po"

"Nililigawan mo pa lang...okay"

"Dad, no. Hindi ko siya gusto okay? Sadya lang nakakatawa siya"

"Nakakatawa?"


Binaba ko yung paa ko para umupo ng maayos.

"May something kasi about sa kanya na super nakakatawa. I mean, asar na asar kasi siya sakin"


"You mean, hindi siya yung tipo ng babae na humahabol sayo? Aba, nagiisa yata yan"

"Nagiisa talaga Dad"

"Ano ba kasi ginawa mo para maasar siya?"

"Wala"


Ayokong ikwento sa kanya LAHAT ng dahilan para maasar si Kath sakin.

"Weh?" Tanong niya.


"Dad, wag na nga nating pagusapan yun. Akyat na po ako sa kwarto ko, tutulog muna ko. Pagising na lang pag-dinner na" Sabi ko tapos tumayo na ko.


Buti pala hindi niya tinanong yung pangalan ni Kath. Aasarin ako nito panigurado.


--------------------------------


Wednesday today. So that means PE uniform.

Jogging pants plus white t-shirt. Ayaw ko suotin yung PE T-shirt ehh. Hahaha.


Pinagpahinga ko muna yung driver ko. Time to be back to the HOT daniel na may racer car. I put my black sunglasses on tapos pumunta ako sa garage. Did i mention na hindi lang isang car ang meron ako?? I actually have six.


I picked the top down black car tapos nag-drive na ko. Pagpasok pa lang ng gate ng school, hiyawan na halos lahat ng girls. Nung nag-wave ako, halos mahimatay na yung isa.

Grabe talaga itong mga babaeng ito.


After i parked my car, i tossed the keys to one of my bodyguards. Yep, i have bodyguards. But i made them stay out of the school. Hanggang labas lang sila, ayoko nga na may sumusunod-sunod sakin. Besides, no one wants to kill me besides Kath. Ano ba yan Kath na naman? (o.O) Hahahahaha.


Pumunta ako sa office para makuha yung number ng locker combination ni Kath.

May hawak-hawak kasi akong bagay para kay kath. Haha.

Wait lang, i need help.


I looked around the hallway and saw five girls na nakangiti sakin. Naglakad ako papalapit sa kanila, I suddenly noticed na kilig na kilig sila.


Bigla akong umakbay dun sa isang babae. Nanlaki yung mata nilang lahat pero kung maka-giggle wagas.


"What's your name?" Tanong ko sa kanya.

"J-Jane" Sabi niya na nauutal-utal pa. Kinakabahan ka? Haha.


"Jane" Nagstart akong maglakad palayo dun sa apat na babae. Si Jane kasama ko dahil nakaakbay ako sa kanya.


"I need help" Sabi ko nung hindi na narinig nung iba.

"Anything for you Daniel" Ang landi pa ng pagkasabi nito. Nakakairita.

"San yung locker ni Kathryn?" Alam naman siguro niya noh?

"Yun lang ba? Dito" Naglakad na siya tapos nag-stop.

"Yan na yun" Sabi niya.

"Ok. Thanks" Nagsmile ako sa kanya tapos ngumiti siya. Bigla siyang tumakbo pabalik dun sa mga kasama niya kanina. Kilig na kilig siguro yun.


Tama nga yung locker combination na nakuha ko sa office. Pag-open ko, kumuha ako ng isang libro to see kung sa kanya talaga yun. Sa kanya nga. May pangalan niya ehh.

Nagsmile na lang ako bigla.


Kathryn Chandria Bernardo, you picked the wrong enemy.


Kathryn's POV


"Goodmorning Sis!" Greet sakin ni Julia nung nagkita kami sa gate.

"Morning!" Nagsmile ako sa kanya.


Nagyaya na siyang kunin yung mga books namin for earlier subjects. English, Physics and Trigo books. Pero hindi pa naman sila kailangan. Third day pa lang, wala pang ide-discuss nyan. Kung meron man, hindi libro ang ginagamit nila. Usually, take down notes kami ehh.


Pag-open ko ng locker ko, nagtaka ako.

Sinara ko ulit tapos tinignan yung number. 143. Akin nga ito.

In-open ko ulit pero ganun pa rin ang laman.

I mean, WALANG LAMAN YUNG LOCKER KO!

Besides...sa isang box.


"Sis" Kinalabit ko si Julia kaya lumapit siya sakin.

"Bakit?" Tanong niya.


"Look" Tinuro ko yung locker ko and pati siya, nanlaki mata.

"Walang laman, bakit?"


"Ewan ko! Di ko alam sis. Sure ako may gamit ako dito kahapon"

"Baka naman pinagtitripan ka lang"

"Sino naman?"


"Yung mga girls na may galit sayo" Sabi niya.

Girls na may galit? Baka naman yung taong may galit sakin?


"Daniel" Sabay pa namin nasabi yung name nung bakulaw na yun.

Kinuha ko yung box and nakita ko na may maliit na letter sa taas.


"Read it!" Sabi ni Julia.


Umiiyak ka na ba? Wag muna. Wear this or you'll never get your things back.

-the one and only, Daniel.


Agad-agad kong binuksan yung box.

Isang white t-shirt. At hindi basta-basta. It's not a plain t-shirt. May nakasulat!!!


I'M VERY SORRY DANIEL


Yun yung nasa harapan. At yung nasa likod


Di ko na uulitin, PROMISE!


T_T

"OMG Kath! Ano na naman ginawa mo??" Sabi ni Julia.


"Hindi pa kasi siya nakakaganti diba? Eto. Yan ang parusa ko" Naiiyak ako grabe.

"Kausapin natin si DJ, baka naman pwedeng wag mo na suotin yan"


"No Julia. Ano ako? Magmamakaawa sa kanya? I will wear this! Eto lang naman eh" Hinila ko na siya papuntang CR. Okay, so nagmamatapang ako.


Kung hindi lang dahil sa mga gamit ko, hindi ko gagawin ito.

Paglabas namin ng CR, pinagtinginan na agad ako. Buti may backpack ako. Hindi nila mababasa yung nasa likod ng t-shirt. Tapos nagbulungan na rin sila.


"Wow!"

"OMG! Nakakahiya siya!"

"Buti nga sa kanya"

"Tama yan! Magsisi siya!"

"Ang kapal kasi ng mukha"

"Epic!"


Tumingin lang ako sa floor habang naglalakad. Nakakahiya nga.

MAPAPATAY KO TALAGA SI DANIEL!


"Okay lang yan sis" Todo comfort naman si Julia.


"Hey Julia...hi Ka....th?" Sabi ni Zharm. "Ano yang suot mo?" 

"Malamang t-shirt"

"I'm sorry daniel?" Binasa pa niya.

"Pinapasuot ni DJ sakin" Sabi ko.

"Grabe naman siya. Gusto mo kausapin ko?" Tanong niya.

"No thanks" Nag fake smile na lang ako.


Ayoko kasing makuha yung gamit ko dahil sa friends ko. Gusto ko, ako yung kukuha kay Daniel para pagkakuha na pagkakuha ko, masusuntok ko mukha niya!


Natapos yung English namin na pinagatatawanan ako ng mga classmates ko, even our teacher laughed at me.


Ang sama talaga ni DJ! Para siyang hindi tao!! Eh kung siya kaya pagsuotin ko nito? Di ba siya mapapahiya?


On the way to physics, ang dami pa rin nakatingin sakin at tumatawa pa yung iba. Baliw kayo? May joke ba sa t-shirt ko?

Pag-upo ko sa seat ko, TUMAWA ng malakas si DJ.


"Haha...Kath...haha...di...ko...haha...alam...na....susuotin... mo..hahaha...talaga...hahaha" Halos di na siya makahinga sa kakatawa.


"Diba sinuot ko na? Balik mo na gamit ko" Sabi ko sa kanya. Nagsmile siya bigla.

"Ano ka sinuswerte? Trending yang ginawa mo, so...patagalin natin"

"Until when???" Tanong ko.


"Until lunch. Mabait na ko okay? Wag ka na sumimangot" Tapos hinawakan niya yung pisngi ko. Tinanggal ko agad yung kamay niya.


Nanahimik na lang ako. Ayoko na siyang kausapin. Baka masapak ko pa.

Nakatiis naman ako ng 2 hours sa pangaasar sakin ni Daniel.


Siguro mas mabilis pa ko sa kabayo na nawala sa classroom nung nag-bell. Ewan ko ba, feeling ko hell yung physics namin. At ang demonyo, si Daniel.



Daniel's POV


"HAHAHA" Hindi ko talaga kayang pigilan yung tawa ko. Super nakakatawa talaga yung itsura ni Kath. Halatang asar na asar siya sakin!


"Pre, ano na naman tinatawa-tawa mo?" Biglang sumulpot na naman si Diego.

"Si Kath" Nagsmile ako sa kanya.

"Bakit? Anong meron kay Kath?"

"Pag nakita mo siya sa lunch, matatawa ka rin" Tapos tumawa ulit ako.

"Ano na naman ginawa mo dun??"

"Basta basta" Sabi ko.

"Ikaw pare, three days pa lang tayo dito okay? Baka naman kinakawawa mo na yun?"

"Di naman, onti lang"

"Baliw, mauna na ko okay?BYE!" Tapos tumakbo na siya paalis.


Haha. Super saya ko today!! Grabe.

Sa totoo lang, nung nakita ko siyang suot-suot yung damit na binigay ko, binalik ko na agad yung mga gamit niya sa locker. Aanhin ko naman yung mga yun?


After ng class ko, lunch na!!! HAHA

Pagdating ko dun, nakairap sakin si Zharm. Nandun na rin si Albie, bea at Diego.


"Bakit ganyan mukha mo Z??" Tanong ko.

"BAKIT? Anong ginawa mo sa friend ko???!!!"


"Ano masama dun?" Sabi ko nung umupo na ko.

"Oo nga Zharm, ano masama dun?" Inulit pa ni Bea.


Biglang dating ni Kath kasama si Julia. Nanlaki mata ni Albie and Diego. Si bea, tumawa.

Nakayuko lang si kath nung umupo sa tabi ko.


"Buhay ka pa pala" Asar ko. Akala ko mangaasar din siya, pero di siya umimik.


"Uy Daniel, itigil mo nga yan" Sabi ni Albie.

"Oo nga dre" Dagdag ni Diego.


"Nasan na yung mga gamit ko?" Biglang tumingin sakin si Kath.

"Sa locker mo"

"Nandun na?"

"Oo" Tapos ngumiti ako. "Kanina pang first subject mo" Sabi ko.

Bigla siyang tumayo.


"Alam mo, ang sama-sama mo! AKALA mo nakakatuwa yung ginagawa mo! Wala kang respeto!"


Sumigaw siya tapos naglakad na siya paalis. Pikon talaga yun! Parusa nga diba? May parusa bang madali? Pero wait lang, tama ba yung nakita ko? May luha na lumabas sa mata niya bago siya tumalikod?


Tumayo ako para habulin siya pero si Julia, pinigilan ako.


"Lumayo ka muna Daniel, baka mapatay ka nun" Sabi niya.


Hindi ko pinakinggan si Julia, tumakbo ako papunta kay Kath.

Paglabas ko ng canteen, hindi ko agad nakita si Kath. Ang bilis naman nung tumakbo.


San ko ba pwede puntahan yun?? Tama! Sa locker niya. Dun lang naman yun pupunta ehh.

Tumakbo ako papunta dun pero napatigil ako agad.


Bakit may kasama si Kath na lalake? Yun...yun ba yung nerd na kasama ni Kath kahapon? Bakit siya naka-akbay kay Kathryn?


Pumunta ako sa kanila at hinila ko si Kath palayo dito sa nerd na toh.


"Ano ba??" Angal ni Kath.

"Kath......" Okay, so hindi ko alam sasabihin ko sa kanya.


Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Tapos nag-frown siya. Binitawan ko agad yung kamay niya, baka akalain niya na gusto kong hawakan yun. Yuck!


"Ano bang problema mo huh? Pagalit-galit effect ka pa. Gumaganti lang naman ako" Sabi ko.


Tumalikod lang siya tapos umalis na sila nung nerd na yun.

"NICE TALKING HA!!" Sigaw ko. Hindi naman na nila ako maririnig ehh, nakalayo na sila.


Bwisit! Pikon yun! Pikon! Siya pa nagagalit, eh siya na nga may kasalanan sakin. Bahala ka nga diyan. Magalit ka habang buhay, wala akong pakielam.


Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

35.7K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
148K 11.3K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...