K-High (Korosu High) Under Re...

By JuneauXVII

7.6M 260K 36.3K

A school where killing is the only way for students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Da... More

DISCLAIMER
I: Korosu High
II: Sergeant at Arms
III: Campus
IV: Hell's Scythe
V: Run
VI: Elites of K-High
VII: Love is a Sin
VIII: Secret Meeting
IX: Secrets and Safe Zones
X: Coincidences
XI: Territory Manager
XII: Angels in Hell
XIII: Rulebreakers
XIV: Purgatory
XV: President's Cat
XVI: Good Samaritan
XVII: Monsters
XVIII: A Pack of Chocolate
XIX: Shared Secret
XX: Fire Exit
XXI: The Secretary's Trump Card
XXII: The President
XXIII: The President's Other Side
XXIV: VIP Treatment
XXV: Canary's Fury
XXVI: Graduation
XXVII: Chess Pieces
XXVIII: Knight of Death
XXIX: The King's Role
XXX: Truth or Lie?
XXXI: Checkmate
XXXII: A Threat
XXXIII: Love's a Battlefield
XXXIV: Those Who Conquered Death
K-High's System Explained
XXXV: Kill Break
XXXVI: Kill Break Finale
XXXVII: Last Dance
XXXVIII: Bloody Red
XXXIX: King's Reward
XL: The Girl Who Won't Cry Wolf
XLI: Hide And Die
XLII: The Fallen
XLIII: The Real Face of Betrayal
XLIV: Sweet Hany
XLV: Bloodlust's New Queen
XLVI: Death Threats Are My Love Letters
XLVII: How to Survive
XLVIII: The New Student Council Secretary
XLIX: Selfishness And Change
L: Another Has Fallen
LI: Bloodlust Baby
LII: Broken
LIII: Sugar With Spice
LIV: Mark
LV: The Witnesses
LVI: The Detective
LVII: The Culprit
LVIII: Beautiful Chaos
LIX: MIA
LX: Under New Rule
LXI: True Friendship
LXII: Lover's Spat
LXIII: Gamble
LXV: Unlimited Possibilities
LXVI: The Heir
LXVII: Grief
LXVIII: Solution
LXIX: Till I Tasted You
LXX: The Calm Before The Storm
LXXI: A Great Sacrifice
LXXII: Emilio Aguinaldo
LXXIII: Black And White
LXXIV: Karma Is A Bitch
LXXV: Darkness
LXXVI: The Demon And The Angel
Epilogue
Side Story
K-High's Book II

LXIV: Strike Corps

76.8K 2.6K 820
By JuneauXVII


Auriel



“HINDI kaya ang president ang Bryceton heir?”



“Hindi malabong mangyari 'yon.”



Diretso lang ang tingin ni Luciel habang naglalakad kami sa pasilyo kung saan umaalingawngaw ang mga bulungan. Ang anunsiyo kasi ng principal kagabi ay nagdulot ng kuryosidad sa lahat.


“Siya nga.”


“Obviously, he is.”



Sinamaan ko ng tingin ang mga nadaanan kaya mabilis silang nagpulasan. Hindi ko gusto na sila-sila lang din ang nag de-desisyon sa kung alin ang totoo sa hindi.



Ibinalik ko ang mga mata kay Luciel na wala pa ring imik. Wala siyang sinasabi sa 'king kahit ano tungkol sa issue na kumakalat. Hindi ko rin magawang magtanong. Ang alam ko lang, kapag nagpatuloy ang tsismis na wala namang katibayan, pwedeng siya ang pag-initan ng mga Mercenaries.




“So President, are you or are you not the Bryceton heir?” nakakalokong bungad sa 'min ni Stephan na nakangisi pa.




Sinimangutan ko siya samantalang hindi naman sumagot ang taong tinatanong niya na naupo na sa puwesto nito.



“What? Gusto ko lang naman malaman kung totoo ang kumakalat na balita.”




“Nakakamatay ang sobrang pagiging mausisa, Stephan,” saway ni Canary na nakatayo na at nag-aabot ng papel kay Luciel.




“Kahit nga wala kang ginagawa o sinasabi pwede kang mamatay,” nakapangalumbabang tugon nito. “Wait, an idea just came into me. Why don't we officially include Auriel in the student council? Araw-araw naman na siyang nandito,” dagdag pa niya na ikinakunot ng noo namin ni Canary.



Ang mga ideya niya talaga ay walang babala kung sumulpot sa isip niya.



“And what position will she have?” interesadong tanong ni Xander.



“Muse.” Tumawa si Stephan.



“'Stephan, pasampal nga. Isa lang,” singit ni Canary na nakaamba na ang palad.



“Sakay sakay rin minsan, Can-Can. Masyado kang seryoso.”



Pinandilatan siya ni Canary. “Anong Can-Can?!”



“My nickname for you.” Kinindatan niya pa 'to.



Natigil ang gagawin sanang pagbato ni Canary sa hawak na ballpen papunta kay Stephan dahil sa biglang pagsasalita ni Luciel.


“I do think that my Hany fits the position, but I don't want other people to secretly fantasize about her.”



Tatlo kaming napaawang ang mga bibig habang si Xander ay pasimpleng napangiti. Ngayon  lang kasi nagsalita ng gano'n si Luciel sa harap ng ibang tao. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi makaramdam ng hiya lalo pa't seryoso ang ekspresyon sa mukha niya.


“Whoa! Possessive much, pres?” huling hirit ni Stephan bago nagsimula ang masinsinang usapan.



Ang papel na iniabot ni Canary kay Luciel kanina ay ipinasa niya kay Xander na siyang nagsimula ng pulong.


“The unit we discussed yesterday will be named Strike Corps. As suggested by the student council secretary.”



Pagdating sa ma-awtoridad na pagsasalita, pumapangalawa si Xander kay Luciel. Nababagay sa posisyon nito.



“The task of the said unit is to protect the students of K-High and to seize the Mercenaries.” Binigyang-diin nito ang mga sumunod na sinabi. “Let me repeat—to seize only. Hulihin at hindi patayin.”




“Alright, alright, I get it,” komento naman ni Stephan na nahalatang sa kanya ipinagdidiinan ni Xander ang mga sinabi.



“Isusuko natin ang Mercenaries sa Underground Government, hindi tayo ang hahatol sa kanila.” Nagpatuloy si Xander sa pagpapaliwanag. “Stephan, and I, will take command of the Strike Corps.”



“So, we'll gather volunteers from the student body? Those who are willing to sacrifice themselves and serve for the greater good?” Kahit seryoso si Stephan sa sinabi parang nakakaloko pa rin siyang pakinggan.



“Precisely,” tugon ni Xander.


“All hail community service,” komento uli ni Stephan.



Naiiling na tumayo si Canary. “Magsisimula na 'kong mangalap ng mga estudyanteng handang tumulong at prumotekta sa K-High.” Dala ang isang binder at ilang pirasong papel, humakbang siya palabas.




“I'll help you out, Can-Can,” habol ni Stephan na nakalabas na rin ng pinto.



“Sasama rin ako,” sigaw ko sa dalawa na hindi ko sigurado kung narinig nga ba nila.



“Auriel, remember that you can't join.”



Mga salitang pinaghandaan ko dahil inaasahan ko nang sasabihin ni Luciel. Aasa na lang ako sa huli kong baraha.


Inilapag ko ang bitbit kong bag sa mesa at pa isa-isang inilabas ang iniisip kong makakatulong sa 'kin ngayon. Sinusundan naman ng mga mata ni Luciel ang bawat galaw ng kamay ko papasuot at papalabas ng bag. Nagmamasid lang din si Xander na naiwang kasama namin sa loob ng silid.



“Are you bribing me again?” nangingiting tanong ni Luciel sa 'kin.



Paulit-ulit na tango ang isinagot ko. Sampung pakete ng Hany ang nakalatag ngayon sa mesa. Siguradong hindi niya matatanggihan ang mga 'yon.




“Your effort is just too cute to resist, but I told you before, you are much precious than these.”



Imbes na simangutan siya, ngiti ang itinugon ko. “Alam ko po. Sinubukan ko lang baka sakaling makalusot.” Tinungo ko na ang pinto at binuksan 'yon. “Sa 'yo na ang mga 'yan nang walang kapalit. Tutulong na lang talaga ako kay Canary,” nakangiti kong sabi bago lumabas.



Sinimulan kong takbuhin ang pasilyo para maabutan ang dalawang naunang umalis. Napabagal ang lakad ko nang makitang nagkukulitan sila. Panay ang tawa ni Stephan habang si Canary ay parang inis pero hindi naman talaga galit. Nakakatuwa ang makita silang magkasundo. Mabuti na lang, tanggap na ni Stephan ang nangyari kay Yasmin.



Ilang segundo lang at kasabay ko na silang naglalakad. Inikot namin ang lahat ng wing na may bulletin board para idikit do'n ang papel kung saan nakasulat ang anunsiyo ng student council tungkol sa recruitment ng strike corps.



“Why don't we have a bet?” basag ni Stephan sa katahimikan.




Ilang minuto na kaming nakaupo sa gitna ng gym at naghihintay na magsimula ang lunch break. Saka lang din kasi makikita ng mga estudyante ang ipinaskil namin.


“How many do you think will sign up?” tuloy nito.



“Twenty or more,” matipid na tugon ni Canary na nakapagpangiti sa kausap.


“Less than ten. You're on!”


Lumipas ang tatlumpu pang minuto bago tumayo si Canary. “Kukuha muna ako ng sandwich. Ikukuha ko na rin kayo,”  paalam niya bago maglakad. Malapit na kasi ang break at balak niya yatang unahan ang mga estudyante bago pa humaba ang pila sa cafeteria.



Naiwan kaming tahimik ni Stephan nang ilan pang minuto bago ako nagkalakas loob na magsalita. “Buti okay ka na.” Sa hindi malamang dahilan kinakabahan ako. “Kagaya mo, nawalan din ako ng mga importanteng tao—si Kiel at ang mga magulang ko.”



Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Stephan bago niya ko nilingon. “Pa'no ka pa nakakangiti at nagpapatuloy?”



“Ngumingiti ka rin naman at nagpapatuloy, 'di ba?”



Saglit siyang natahimik.



“Wala namang magagawang mabuti kung panghahawakan ang galit.”


Ang galit na bunga ng paghihiganti ay parang isang sumpa. Kapag may ginawa kang mali sa iba, may babalik para gantihan ka. It's a loop of granting misfortune from one person to another that never ends.



“'Wag nating hayaang maging paulit-ulit lang ang nangyayari.”



“Then, that'll be boring, right?”




Pareho kaming napatingin sa bigla na lang sumabat sa usapan.



Continue Reading

You'll Also Like

994K 32.1K 66
In a place ruled and maintained by people with magic I grow up asking, why I am not one of them? Even my existence is a big question Of where I came...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
58.4M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...
159K 11.5K 8
THIS IS AN ALTERNATE UNIVERSE (AU) FICTION OF PROJECT LOKI. After moving in to her aunt's apartment, Lorelei Rios finds her roommate Loki Mendez trou...