How to Break a Heart (To be p...

By kissmyredlips

2.5M 56.7K 8.3K

Allie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawa... More

How to Break a Heart
Introduction
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Epilogue

Twelve

50.6K 1K 180
By kissmyredlips

Allie

Palakad pa lang ako papunta ng next class when my phone suddenly beeped for a message. Kinuha ko ang phone mula sa bag ko pero hindi ko na nakuhang huminto. It was from Arron.

Punta ka mall near the campus

I frowned. Bakit naman ako pinapapunta ng isang ito sa mall? Siguro magpapasama na naman. Last time ay nagpasama siya sa akin bumili ng teddybear para kay Carmela at kaya lang ako sumama ay dahil sinubukan niya ako i-blackmail tungkol sa balak kong pakikipagbreak-up kay Dominic.

Bakit? May pasok ako.

It only took him two minutes bago makapagreply. Saktong nasa labas na ako ng room nang tumunog ulit ang phone ko. Hindi na muna ako pumasok dahil baka may professor na sa loob at hindi ako makalabas sa oras na urgent ang text sa akin ni baboy.

I need you. Go to Sweet tea-ngs.

After reading his text, I can’t help but groan. Ano na naman kaya ang kailangan sa akin ng isang ito? Napakamot ako sa ulo, deciding if I should go or not. Hindi pa ako nakakapagdecide ay biglang tumunog ang cellphone ko.

“Hello?”

“Damn it. Come here, kitten. I need your acting skills.” pabulong itong sinasabi ni Arron kaya nagtaka naman ako sa inaasal niya.

“Ano na naman ba ang problema mo? May klase na ako in ten minutes.” umirap ako dito kahit hindi niya ako nakikita. He was getting on my nerves kahit na technically, wala pa siyang ginagawa.

“A girl won’t leave me alone. She’s a psycho!” napalakas na ang boses ni Arron this time.

“So? Ano ngayon sa akin?”

“Kitten.” he groaned.

“Stop calling me kitten! Hindi ako pusa. And guess what, Arron?” I asked in my fairly sweet voice.

“What?”

“Karma yan! Buti nga sayo! Madala ka sana!” ibinaba ko na ang tawag pero nararamdaman ko pa rin ang pagkainis ko. Ibang klase talaga si Arron. Ang layo-layo na nga, nakukuha pa rin akong inisin.

Umiling-iling ako at napagdesisyonan na hindi na lang pansinin ang paghingi ng tulong ni Arron. Papasok na sana ako sa room pero biglang nag-alert ulit ang cellphone ko.

Please. :(

Alam ko naman na hindi sincere ang pakikiusap sa akin ni Arron. And I’m tempted to let him be at wag na lang pansinin but a part of me wants to help him. Paano kung totoong psycho nga ang babae at may gawin siya kay Arron? Paano kapag pinikot niya yung baboy na yun? Magiging konsensiya ko pa.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko at walang ibang nagawa kundi ang puntahan siya sa mall. Dahil wala akong sasakyan, nagcommute ako. Instead of riding an ordinary jeep, sa taxi na lang ako sumakay. Hindi naman kasi ako sanay sumakay sa ordinary jeep ng walang kasama. And besides, mas madaling magtaxi kaysa sumakay ng jeep. It’s not exactly the cheapest way to commute but it’s comfortable and much convenient.

Hindi na ako pumunta pa kahit saan at dumeretso sa lugar na tinutukoy ni Arron sa text. Sa malayo pa lang ay natanaw ko agad ang built ng katawan ni Arron. Pati ang buhok nito ay pamilyar na pamilyar na rin sa akin. Kahit nakatalikod ay malalaman mo na gwapo talaga siya. Kung hindi lang talaga palpak ang ugali.

Napailing-iling ako. Sunod kong tiningnan ang babaeng nasa harapan niya. She looked pretty. Makinis ang balat, maputi at mukhang alaga sa beauty products ang mukha nito. Her hair was cut short pero bumagay lang ito sa mukha niya. Damn, she’s attractive. Paano naging isang psycho ang kasing ganda at sexy na katulad ng babaeng iyon?

Umiling-iling ako at huminga muna ng malalim bago lumapit sa kanilang dalawa. I changed my face into something that looked–fuming for the sake of my role.

Nakita ko ang naluging mukha ni Arron nang makalapit ako sa lamesa nila. I mentally scoffed and rolled my eyes. As much as I want to put him in misery…

“You jerk!!” I shrieked. Their head both snapped to mine at mukhang pareho silang nagulat sa sudden appearance ko. I gnashed my teeth and stared at Arron na napangisi. Mabilis niya iyon itinago pero hindi pa rin nawala sa mga mata niya ang pagkatuwa.

“Shit.” he cursed.

“Excuse me? Sino ka?” binalingan ko ang mukha ko sa babae at siniguradong masama ang tingin na ibibigay ko sa kanya.

“Wag kang magsalita! Baka hindi ako makapagtimpi at mahampas ko itong bag ko sa mukha mo.” ibinalik ko ang atensyon ko kay Arron. My eyes started to water on its own.

“Kitten, I can explain–” sinimulan ko ang paghampas sa kanya ng bag sa balikat at sinalag niya naman ang bawat paghampas na ginagawa ko sa aknya.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Ang kapal mo talaga! Ang kapal-kapal mo!” naiiyak kong sabi ko dito pero hindi pa rin tumutulo ang mga orchestrated na luha ko. Kulang pa yata ng hugot.

“Excuse me, miss. Pwede bang pakitigil mo ang pananakit sa boyfriend ko?” mataray na sabi nito at napatigil ako sa paghampas kay Arron. My mouth almost dropped at the girl’s assumption of their relationship. Psycho nga. Pinilit ko ang sarili ko na wag siyang pansinin at ibalik ang paningin ko kay Arron.

"Boyfriend?” my voice turned squeaky. “You bastard! May anak ka na’t lahat, nakuha mo pang lumandi! You unfaithful son of a bitch! Bwisit ka talaga! Nakakainis ka!”

“Anak?” the girl gasped. Gotcha.

As if on cue, biglang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. “Pangalawa na ‘tong nasa tiyan ko, pero nakuha mo pa rin mambabae? We’ve been married for three years, Arron! Three years!! Bakit ganyan ka pa rin? Kulang pa ba ako sa’yo? Kulang pa ba ha?” I held my stomach and saw the girl’s surprised reaction at the corner of my eyes. I sobbed. And this time, si Arron naman ang nandilat ang mga mata. He looked surprised at how easily I cried.

“I–” napanganga lang si Arron at sunod akong tumingin sa babaeng kaharap niya.

“And you. Ganito ka ba pinalaki ng magulang mo? Maging family wrecker? Are you really that desperate kaya pati may asawa at anak, pinatulan mo na?” there were tears on my cheeks but I still managed to make it sound like I was spewing venom.

Her jaw dropped. “H–hindi ko alam na–”

“Na may sinisira kang pamilya? Na may umiiyak na bata dahil nambabae ang daddy niya? Sa tingin mo maniniwala ako sa’yo?” nag-aasik ang mga mata ko nang sinabi ko ito.

Nakanganga siya pero nang matauhan ay isinara niya ito. Tumingin siya kay Arron. Arron didn’t say anything at parang hindi na niya alam ang gagawin niya. Mukhang hindi niya rin alam ang sasabihin niya dahil kanina pa bumubukas sara ang bibig niya.

“Hindi ko talaga alam.”

“Hindi ako uto-uto!” sigaw ko dito at napatalon siya sa kinauupuan niya. I bet we’re making a scene but I just need this girl to walk out. At ayaw niya pa rin gawin ang gusto ko.

“I’m sorry–” tumayo siya and I was almost relieved but I still gripped on her arm.

“Sorry? Ganon lang kadali yon? At saan ka pupunta? Lumalandi-landi ka tapos hindi mo ngayon mapanindigan?” I tried pulling her back pero malakas na hinatak niya ang braso mula sa pagkakahawak ko at nagmamadaling umalis.

Pinanuod ko ang babae habang naglalakad palayo. Sinubukan kong pakalmahin ang dibdib at utak ko sa ginawa kong pag-arte. Nang tuluyang makalayo ang babae ay biglang may pumalakpak ng napakalakas at napalingon ako sa nakatayong si Arron.

Malawak ang ngiti sa mga labi niya at kitang-kita ko ang amusement na naglalaro sa mga mata niya.

“You are so nerve-wrecking! Gusto ko ipalamon sa’yo itong bag ko ng buong-buo.”

“And my lioness is back.” nakangising sabi nito and I scowled. “Ilang weeks na nga pala ang baby natin sa tiyan mo? I wasn’t informed!” I glared at him and hit him hard in the shoulder pero tinawanan lang ako nito.

“Saan mo pa napulot yung babaeng yon? Umiyak na ako at lahat pero hindi pa rin umalis!”

“Dunno.” he shrugged.

I groaned. “Hindi ba dapat ikaw ang tumutulong sa akin? Bakit parang ako pa ang tumutulong sa’yo?”

“Didn’t we have a deal na tutulungan kita kapag susundin mo lahat ng utos ko? Consider it as my part of my bargain.” he raised his arm and wrapped it around my shoulder. Nagulat ako sa ginawa niya kaya mabilis ko itong itinanggal.

“Wag nga!!” angal ko dito pero ibinalik niya lang ito, this time–mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa balikat ko hanggang sa tuluyan na akong walang magawa.

“I hate you.” I glared at him and Arron just chuckled.

“I know, kitten. I know.”

Hindi grande ang birthday party ng Mama ni Dominic kaya hindi na ako nagbother para mag-ayos masyado. I wore a ruffly rose dress. It looked soft with its semi-sheer fabric and the one-shoulder design made it look more feminine. I partnered the outfit with nothing but pearl earrings and silver high heels.

Kinulot ko na lang ang dulo ng buhok ko at naglagay ng light make-up because Dominic hates it kapag naglalagay ako ng makapal na kolorete sa mukha. He says that I don’t need it anymore.

“Happy Birthday Tita,” nakangiti kong bati sa Mama ni Dominic at lumiwanag naman ang mukha niya ng makita niya ako.

“Oh dear Allie, thank you for coming!” she exclaimed with her sweet voice. My smiled didn’t waver as she gave me a gentle hug at marahan akong hinalikan sa pisngi. Dominic didn’t remove the arm that he placed behind my back kahit na yakap-yakap ako ni Tita.

“Gift ko po.” Dominic handed me the paper bag that he took from me kanina and I passed it to her mother.

“You shouldn’t have, but it’s really sweet of you.”

Bahagya akong tumawa. “Wala po yun Tita, thank you for inviting me sa party.”

“Goodness. Yearly ka na uma-attend sa birthday ko pero ganyan palagi ang sinasabi mo. Masanay ka na dapat since you’re basically part of the family now. Kulang na lang sa’yo, singsing at kasal.” this time, si Dominic naman ang tumawa. Hindi ko naman napigilan ang pamumula ng mukha ko.

Siniko ko si Dominic para pigilan siya sa pagtawa but he just chuckled more.

I threw him a sharp glare and it stopped him from laughing pero hindi pa rin naalis ang malawak na ngiti sa mukha niya.

“Mom, stop making my girl uncomfortable.” he softly said while caressing the small area of my back.

Tita sighed. “You two are adorable. Just perfect.” may biglang tumawag sa pangalan ni Tita mula sa malayo kaya napatingin siya doon at ngumiti bago ibinalik ang atensyon sa amin. “Osha, maiwan ko na muna kayo. Make Allie eat a lot, okay?”

“Yes Ma,” Dominic grunted and Tita leaned to kiss us both on the cheek before leaving.

Katulad ng utos ni Tita, pinakain ako ni Dominic. Kahit na busog na ako ay pilit niya pa rin akong pinapakain. When I crossed my arms and frowned at him, kinuha niya ang kutsara mula sa pinggan at siya na mismo ang nagsubo sa akin.

The night was smooth sailing. May ilang kamag-anak si Dominic na lumapit sa table namin para kamustahin kaming dalawa. It didn’t last for long though. Nagpatunaw muna kaming dalawa ng pagkain bago ako inaya ni Dominic para sumayaw.

Dominic doesn’t exactly like dancing. The right term is he tolerates it dahil sa akin. Naalala ko nung unang beses na nagkaroon ng isang acquaintance ball nung second year college kami sat inaya niya ako as a date, buong magdamag ko siyang hinintay na ayain ako sumayaw pero hindi niya ginawa. In the end, ako ang nagtanong sa kanya kung gusto niyang sumayaw pero halata sa mukha niya na ayaw niya.

“I don’t really dance.” he said while shaking his head.

“Why not? Madali lang naman! We’ll just sway.”

He bit his bottom lip. “I don’t know… Ikaw na lang kaya?” at doon na ako tuluyan napasimangot.

“It’s okay. Wag na lang.” lumingon ako sa ibang direksyon para panoorin ang ibang mga sumasayaw sa dance floor. I felt like a wall flower, sitting while the others are dancing romantically.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero hindi ko siya nilingon o sinulyapan man lang kahit isang beses. Hindi ko pa mapapansin na nakatulala na pala ako kung hindi pa haharang si Dominic sa view. I stared at him and gave him a bored look.

He bows down and gave me a proper royal curtsy. “Can I have this dance?” pormal na tanong ni Dominic habang naka-extend ang kamay niya sa harapan ko.

Blangko ko siyang tiningnan. I was trying kung kaya kong tiisin pero it was a failure dahil biglang bumakas sa mukha ko ang saya. I widely grinned at him and giggled.

“Fine.” he smiled back and then held my hand.

And because he knows how much I love to dance, kahit labag sa loob niya ay isinasayaw niya na ako everytime na may bukas ang dance floor sa bawat party na pinupuntahan namin. Never siya nagreklamo sa akin pero it doesn’t mean inaabuso ko siya. After three songs or five ay umuupo na rin kami. Sa slow dance lang kami lagi dahil hanggang doon lang ang kayang i-sakripisyo sa akin ni Dominic. He just simply hates dancing.

Napangiti ako. “Gusto mo na bang umupo?”

“Nope.” sagot niya at tumango ako. I leaned closer and he gladly pulled me in. Tuluyan na kaming magkayakap sa posisyon naming dalawa. I buried my face in the crook of his neck before closing my eyes and listening to the song that was currently playing. The Lifehouse’s vocalist, Jason Wade’s voice was crooning over the speaker as he sang You and Me.

“This is nice.” bulong niya at bigla naman umikot ang tiyan ko. His voice was husky and it had a different effect to me. I just hummed in agreement dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. “I could dance with you forever.” naramdaman ko ang pagngiti niya nang itinapat niya ang labi sa tenga ko. I was inches smaller than him kaya medyo nakahukot na siya para lang matapatan ako.

“Me too.” I softly murmured before tightening my hold on him. “You feel so fragile.” he sounded frustrated. Hinigpitan niya ang yakap sa akin at halatang nanggigil na naman siya sa akin. Madalas siyang ganyan kaya hindi na bago sa akin but it doesn’t mean I’m immune to it.

I softly laughed. “I’m not going to break.”

“Right. Of course you won’t. You’re my brave little Allie.” brave. My smile dropped at that word. Mabuti na lang at hindi nakikita ni Dominic ang mukha ko.

Bigla-bigla pumasok sa utak ko ang nangyari nung nakaraang gabi. It had been days, but it felt like it only happened last night. Nararamdaman ko pa rin ang tahimik na pag-ugong ng sasakyan ni Arron. I can still feel the adrenaline coursing through my veins. Naririnig ko pa rin ang sigawan ng mga tao–I can hear the low purr of Arron’s Ferrari.

“Do you want to rest your feet?” I snapped out of my thoughts and scolded myself for thinking about that pig while I’m with my supposedly boyfriend.

“Yeah, sure.” tumango ako. Dominic slid his hand to mine and interlaced our fingers together. Hinatak niya ako papunta sa table na kinauupuan namin kanina.

“Drinks?” I nodded again and he left without any complaint. I used that time to clear my mind and get rid of the menace inside my head. Nasira na ata tuluyan ang utak ko. That guy is a virus. He managed to pollute my mind without even blinking.

Dominic handed me a glass of iced tea and I said my quiet thank you before drinking it. Kumuha rin siya ng para sa sarili niya para uminom. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na mauubos ko na ang laman ng baso sa isang inuman lang. Kung wala pang darating na tao ay hindi ako titigil.

“Dom!” tawag ng isang lalake. Inilapag ko ang baso ko at kunot noo na tiningnan ang lalaki na tumawag sa boyfriend ko. Hindi ko siya kilala. I don’t think I have ever seen him before either.

“Yvo pare!” tumayo si Dominic para gawin ang usual greeting ng mga lalaki. Hindi ko kaya ipaliwanag pero hinawakan nila ang kamay ng isa’t isa at matapos ay pinagsanggi ang kanilang balikat.

“Tagal na natin di nagkikita, namundok ka na ba?” tumatawang tanong ni Yvo na hindi ko pa rin kilala kung sino.

“Medyo busy lang.” sagot ni Dominic at napatingin naman sa akin si Yvo. Napansin ni Dominic na nakatingin sa akin ang lalaking kausap niya kaya inilagay niya ang braso sa balikat ko.

“Ah, this is my girlfriend, Allie De Guzman. Allie, this is my highschool friend, Yvo Ortiz.” ngumiti ako sa kaibigan niya at matapos ay inalok ang kamay ko.

“Nice to meet you.” nakatitig lang sa akin ang kaibigan ni Dominic na parang may iniisip na malalim. He accepted my hand pero parang lutang pa rin siya at nakatitig sa akin. Naiilang ako.

“Pare, five second rule.” rinig kong sabi ni Dominic at namula naman ako bigla. Napabitaw si Yvo mula sa kamay ko at napakamot sa batok niya habang tumatawa.

“Sorry, pamilyar kasi yung girlfriend mo.”

Tumingin sa akin si Dominic. “Kilala mo ba si Yvo, baby?”

“I don’t think so? I’ve never seen him before.”

“Hindi. Nakita na talaga kita. Wait.” tinakpan niya pa ang mga mata niya. Napatawa si Dominic ng bahagya dahil mukhang nagco-concentrate talaga si Yvo para maalala kung saan niya ako nakita. Ngumiti na lang ako.

“Ah!” he snapped his fingers. “Ikaw yung plus one ni Valencia sa race the other night!” my eyes widened and the smile on my face completely vanished.

“Sorry?” Dominic sounded amused.

“Si Arron. Sa university niyo rin yon nag-aaral. May drag racing last Tuesday. Kasama niya si Allie. Dala niya pa nga yung 458 spider niya ‘nun. Good game.” ngumisi sa akin si Yvo at mas lalo akong namutla. Hindi ba siya titigil sa pagsalita?

“Didn’t know you were close with Arron, baby.” malamig ang boses ni Dominic. My whole chest froze at his tone.

“H-hindi ko ba nabanggit? Classmates kami before nung grade school. Naging batch mate ko rin siya noong high school and we have few classes together this semester.” I stuttered at first pero mabilis ko iyon nabawi.

“Oops. Gotta go, girlfriend alert. Baka magalit sa akin. Nice seeing you again, Dom. You too, Allie.” hindi namin siya pinansin dahil magkatitigan kami ngayon ni Dominic.

Nag-umpisang magsalita si Dominic nang tuluyan ng makaalis ang kaibigan niyang si Yvo mula sa table namin. “Tuesday. Didn’t we talk on the phone that night?”

I bit my lip. “Yes.”

“And you made me believe na matutulog ka na.” napapikit ako. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo na inaya na talaga ako ni Arron–ang lahat pero hindi ko magawa. Pag sinabi ko sa kanya ang totoo, tatanungin niya ang ibang mga bagay na may koneksyon doon. I’m not ready and this is not something I’ll ever be ready for.

“No. Matutulog na dapat ako but my other blockmates came to our house at pinilit ako na manuod ng laban ni Arron. Gusto ko sanang sabihin sa’yo kaso naisip ko na baka tulog ka na.”

“That’s not what Yvo said. Plus one ka ni Arron. Yun ang rinig ko.” sagot ni Dominic sa akin.

“He meant in the race. My friends convinced me na sumakay sa kotse ni Arron. It was a dare. That’s it.”

“You never told me about it, Allie.”

“Because it didn’t matter. Ngayon ko nga lang ulit naalala yun!”

Dominic didn’t say a word. He didn’t even look at me. Biglang binalot ng kalungkutan ang dibdib ko. It felt heavy in my chest.

“I’m sorry, baby. I’m sorry if I didn’t tell you. Nakalimutan ko lang talaga. You’re right, dapat sinabi ko sa’yo. I just thought it didn’t matter.”

“Everything you do matters to me, Allie.” he snapped.

I sighed. “I know. That’s why I’m sorry.” umiwas ulit siya ng tingin. Napakagat ako sa labi ko at tumayo mula sa upuan ko. I don’t care if anyone’s looking. Umupo ako sa kandungan ni Dominic at ipinulupot ang braso sa leeg niya.

“I’m sorry. Forgive me, please?” I asked with a somber expression. Nung una ay blangko lang na nakatingin sa akin si Dominic pero maya-maya’y nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

He sighed. “Fine.” ngumiti ako at matapos ay isinuksok ang mukha ko sa leeg niya. Dominic wrapped his arms around my waist. He kissed my cheek twice before hugging me as tight as I did

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 62.8K 42
Mona likes Felix. Mona has liked Felix ever since she met him. She knew that he's way out of her league, but she still took a chance. Inunahan na niy...
3.2M 117K 33
More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czarina kung bakit kay Bari pa rin siya buma...
584K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
6.6M 136K 44
[SARMIENTO SERIES #4] Peanut butter and jelly. Suit and tie. Fish and chips. Unlike all those things that go together, Scarlett Espino and Daniel Ram...