Obsession #2: The Mafia Lord'...

By AG_Potter

392K 7.9K 465

Genre: Action/Adult-Fiction "Escaping eh?" Napatalon sa gulat si Melarie nang bigla na lan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4: Lies...
Chapter 5: Escape...
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11-A
Chapter 11-B
Chapter 12: The Bipolar King
Chapter 13: The Masquerade Ball
Chapter 14: Almost
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 25

3.8K 81 2
By AG_Potter

Chapter 25:

"Sure ka?" may pag aalalang tanong ni Gigi.

Napabuntong hininga ako sabay tango nang marahan. "Oo, sure ako Gi," malungkot kong pag kompirma.

Sasama ako kay Gigi papuntang Maynila. Panahon na para hanapin ko ang nakababata kong kapatid at, ayusin ang magulo kong buhay na simula pa nung bata ay wala nang katahimikan. Nais ko rin kumpirmahin kung totoo ang balita na sinasabi ni Gigi. Hindi ako maniniwala hanggat hindi ko pa nakikita ang bangkay ni Trevore.

"Halika na. Nakahanda na ang bangkang sasakayan natin papuntang kabilang Isla." tumayo na ako at sumunod sakanya.

Nagpaalam at nagpasalamat na ako kay Nanay Celya at Carlito. Si Tatay Carlos ang maghahatid sa amin papuntang kabilang Isla.

"Maraming salamat po at Paalam!" sigaw ko nang magsimula nang magsagwan si Tatay Carlos.

Nag wagay way ng kamay si Carlito sa akin at sa kanyang mama.

"Pakabait ka Baby! Babalik ulit si Mama!" mangiyak ngiyak na sigaw ni Gigi.

"Pa." bumaling ang tingin ni Gigi kay Tatay Carlos. "Sabihan mo po si Mama, wag hahayaang matutok sa T.V. at Cellphone si Gian ah?"

"Naku anak. Ako pa. Kami na bahala kay Apo. Wag ka nang mag alala masyado at baka mawala ka sa konsentrasyon mo sa trabaho." napatango tango si Gigi.

"Salamat po Pa."

Napangiti ako habang tinitingnan ang mag ama. Masaya ako para kay Gigi. Ramdam kong masaya na siya sa buhay niya ngayon.

"Tay," napatingin naman sa akin si Tatay Carlos. "Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin nang ilang araw."

"Naku, walang anuman iyon iha. Tsaka natutuwa nga ako't ang matalik na kaibigan pa ng aking anak ang aking nailigtas." nakangiting pahayag ni Tatay Carlos.

Hinawakan ni Gigi ang aking kamay at ngumiti.

---

"Ang ganda..."

Hindi ko napilgilang hindi mamangha sa nakikitang tanawin dito sa kabilang Isla. Tama nga ang sinabi ni Nanay Celya, maunlad nga itong Isla na halos tapatan na ang Maynila.

Nagtataasang establishimento. Maayos na daan at madaming mga tindahan at department stores.

Hinatak ako ni Gigi papunta sa isang bilihan ng mga damit.

"Gi---"

"Bibili muna tayo ng isusuot mo. Bruha ka, tingnan mo nga ayos mo. Pambahay. Tsk!"

Wala na rin akong nagawa dahil sa totoo lang, naiilang rin ako sa suot ko.

Nakabili kami ng blouse at fitted jeans. Binilhan niya rin ako ng sapatos na mura lang since di namam niya afford ang heels. Pasalamat nga ako at libre niya lahat. Pati sa pamasahe papuntang Maynila.

"Oh, ganda mo talaga Rie. Kaya nainlababo sayo yung kambal eh."

Napayuko na lang ako.

"Ay. Sorry. Hehehe tara na. Baka maiwan tayo."

Ngumiti na lang ako at muling nagpahatak kay Gigi.

Nasa Barko na kami ni Gigi. At habang hinihintay naming umandar na ang Barko, nagpalinga linga ako sa baba. Andaming tao.

Isinarado na ng ilang crew ang ilang labasan at nagradyo na rin ang kapitan na aalis na ang barko. Nagsimula nang umugong ang horn. Maya maya'y umandar na ito paalis.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malawak na Isla.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa kumpol ng mga lalaking tila nag uusap. Ang weird.

Lahat kasi sila ay naka suit na itim at naka black na sunglasses. At nang mahawi ang kanilang kumpol. Bumungad sa aking paningin ang galit na galit na mukha ni Treven.

Namilog ang aking mata sabay talikod.

Possible kayang nakita niya ako?

Nangangamba akong kapag nakita niya akong nakasakay na sa barko ay baka pwersahan niya itong ipatigil. Alam ko ang kakayahan niya. Kaya niyang gawin ang kung ano mang nais niya. Ganun siya kaimpluwensya.

"Melarie? Bakit?" tanong ni Gigi.

Marahil ay napansin niya ang pagkatuliro ko. Di ko mapigilang di siya hatakin palayo sa kinasasadalan naming railings.

"S-si Treven..nakita ko siya."

Nangunot ang kanynang noo. Di ko pa pala na ik-kwento sakanya ang tungkol sa mga nangyari sa buhay ko. Ang mga trahedyang kinasangkutan ko at ng kambal.

"W-wala naman. Nahihiya lang ako." tanging sabi ko na lang.

Nang mapagtanto kong malayo na kami sa daungan, dun ko muling hinatak si Gigi papunta sa kinalulugaran namin kanina.

"Kwento ka naman ng naging buhay mo after highschool." biglang untag ni Gigi sa akin.

Napabuntong hininga ako sabay tango. Marahil ngayon na ang tamang panahon para mag kwento sa aking kaibigan. Tutal naman, si Gigi ang higit sa lahat---ang lubos kong pinagkakatiwalaan noon pa mang bata hanggang sa magdalaga na kami.

Biglang pumasok sa aking balintataw ang maamong mukha ni Ron.

Kung hindi lang sana siya nagsinungaling sa kin. Wala sana akong galit sakanya.

At ang ahensyang kinabibilangan ko. Tsk. Isa lang palang manggagamit. They used me to lure their prey---na walang iba kundi ang Salvatore Family. Apat na taon akong hinanda ng Agency para sa pagkakataong kanilang hinihintay at labis na pinaghandaan.

"Nagkahiwalay kayo ni Trevore? Nung 4th year?"

Tumango ako. "Oo, actually, bago tayo mag-graduate, wala na kami ni Trevore."

"Bakit?"

"Hindi mo siya lubos na maiintindihan. Ako nga rin nung una eh. Halos mabaliw ako kakaisip kung papaanong ganun." napabuntonghininga ako sabay salitng muli. "Parang dinaan ako sa hypnotismo at siyensa. Nakalimutan ko lahat, lahat-lahat. Buong akala ko noon ay naaksidente ako. Yun din ang sabi ng kapatid ko. Nagsimula ako sa wala. Nangalap ng impormasyon tungkol sa sarili ko pero wala akong nakalap."

"Bakit di mo ko nilapitan? Alam mo naman bahay ni Mommy ah?"

"Gigi, pano kita mapupuntahan? Kung maging ang maliliit na detalyeng alam ko sa mga bagay bagay ay biglang naglaho sa aking isipan. Parang lobo."

Ginagap ni Gigi ang aking mga kamay at tiningnan ako sa mga mata. "Mas mahirap pa pala ang iyong dinanas kesa sa akin."

"Sino may gawa sayo nun?" seryosong tanong ni Gigi.

"S-si Tr---"

Bigla akong napatigil nang makita ko si Treven na sakay ng speed boat.

He is standing mightily while looking at me with infuriated eyes.

Nakita niya ako!

Dali dali kong hinatak si Gigi pagitna sa nagsisiksikang pasahero.

Bagama't nalilito ay nagawa pa ring sumunod sa akin ni Gigi.

"Ba't dito?" nagtatakang tanong ni Gigi nang dalhin ko siya sa kabilang side ng barko.

Tumingin ako sa asul na karagatan at sa araw na papalubog na. Kung tatalon ako, hindi ako sigurado kung mabubuhay pa ako. Malayo layo na rin ang daungan pabalik. At isa pa, mahuhuli't mahuhuli rin lang ako ni Treven dahil may famit silang speed boat.

"Gi...si Treven... Andito. I need to hide. Ikaw din." naluluha kong imporma. Nangunot ang kanyang noo.

"Ano naman?"

"Sapilitan niya akong kukunin. Gi, he's obsessed with me. He's stealing me from his brother. He's owning me like i'm really his property."

Natatarantang napatango si Gigi at hinatak ako pababa sa lower deck ng barko. Pumasok kami sa isang bakanteng Comfort room at inilapag niya sa nakasarang inidoro ang dala niyang bag.

"Mag d-disguise tayo. Yan naman ang uso kapag may pinagtataguan kang tao na ayaw mong makita ka diba?" may ibinigay sa aking bestidamg pangmatanda si Gigi at wig na abuhin.

"Isuot mo na rin itong shades ko para di ka mahalata." tinulungan ako ni Gigi na mag ayos, at pagkatapos ko ay siya naman ang nag suot ng panlalaking damit. Nagtaka pa ako kung bakit may mga damit siyamg ganito, sabi niya lang ay ireregalo niya sana dapat to sa matandang mag asawa na kapitbahay niya sa maynila.

"Okay ba?" humarap sa akin si Gigi at pinakita ang kanyang ayos.

I highly doubt na makikilala pa siya ni Treven.

She's so handsome!

"Ako ba?" inayos ko ang suot kong sunglasses.

"Yeah! Mukha kang american citizen!"

Tinapik ko ang kanyang braso.

"Seryoso! Which is better. Malayong makilala ka pa ni Treven."

Ngumiti na lang ako at inakay na siyang lumabas.

"Just calculate your moves. Mahirap na, baga paghinalaan pa tayo."

Pagkalabas namin ni Gigi sa Comfort Room ay siya namang pagdaan ng mga tauhan ni Treven. Muntik pa nga akong matumba dahil sa pagkakabangga ng isa sa mga naka men in black.

"Okay ka lang?" tanong ni Gigi na sinagot ko lang ng mahinang tango.

Sa totoo lang ay medyo nanakit ang braso ko. Hindi naman kasi biro ang tikas ng taong nakabangga sa akin.

Bahagya pa akong napatungo nang makita ko ang papalait na pigura ni Treven. He doesn't look okay at all. Para siyang lalapa ng tao sa tinging ipinupukol niya sa bawat taong kanyang nakakatitigan.

And unintentionally, he met mine. Buti na lang naka sunglasses ako.

Mabilis rin niyang inalis ang pagkakatitig sa akin at nilagpasan kami ni Gigi.

Pumunta kami sa upper deck at nanatili sa gilid hanggang sa abutin kami ng dilim.

Kaunti na lang ang tao sa labas. Ang iba ay nagsipunta na sa maliit na restaurant sa loob ng barko. Napakalaki ng barkong ito na halos higitan na ang titanic. Marami din ang activities na ino-offer ang barko. Pero hindi namin nais ni Gigi na libutin ang barko lalo pa't nasa paligid lamang si Treven at ang kanyamg mga goons.

Napagdesisyunan namin ni Gigi na kumain muna saglit kaya bumaba kami at pumunta sa restaurant.

Agad kaming pinagbuksan ng waiter ng glass door at inakay sa bakanteng mesa at upuan.

"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Gigi. Napatingin ako sa menu at halos malula ako sa presyo ng bawat meal.

Kahit yung simpleng pasta di nila pinatawad.

"Kape na lang."

Napa arko ang kilay ni Gigi at tumingin sa waiter.

Sinabi niya ang order namin na di ko naman narinig dahil sa hina ng boses ni Gigi.

Napatingin ako sa pinto nang may mga lalaking nakaitim na pumasok.

Nanlaki ang mata ko dahil kilala ko sila.

Kasunod nila si Treven na may di maipintang mukha. Katabi nito si Lorus.

Umupo ang dalawa sa katabi naming mesa. Ang mga tauhan ni Treven ay nagsihanap ng mga pwestong maaaring upuan.

Nakita ko pa ang mabilis na pagtingin ni Lorus sa amin ni Gigi.

Agad akong umiba ng tingin.

"Kain ka na." mahinang sabi ni Gigi.

Kaunti lamang ang nakain ko dahil na rin sa kaisipang, nasa tabi ko lamang ang taong pinagtataguan ko.

Pansin ko rin ang tahimik na si Gigi. Naubos niya ang kanyang pagkain na hindi niya namamalayan. Napalatak na lang siya nang wala na siyang maisubo.

Kaagad na nagbayad ng bill si Gigi para makaalis na kami sa lugar.

Muntik pa akong ma atake sa puso nang biglang tumayo si Treven mismo sa harapan ko. Yumuko pa siya na animo'y may pinupulot.

"Nahulog mo Lola."

Inilahad niya sa akin ang panyo na hindi ko alam kung saan galing. Kinapa ko ang bulsa ng aking suot na bestida. Marahil ay dito ito nagmula.

"Maraming salamat iho." medyo pinatanda ko ang aking boses at labis akong natuwa dahil nagawa ko rin naman.

Tumango si Treven at muling umupo.

Inakay ako ni Gigi palabas nang restaurant.

"Hindi ka okay." pahayag ni Gigi. Dinala niya ako sa upper deck at pinasandig sa railings. "Grabe, ang gwapo na ni Treven. At kamukhang kamukha na niya ang kapatid niya. Di ko na tuloy sila ma distinguish."

Napabuntonghininga na lamang ako.

"Buti na lang mas maamo siyang tingnan kesa kay Trevore kaya nakikilala pa natin kung sino ang sino sa kanila."

Napatingin ako sa malawak na karagatan at pilit na inignora ang mga papuring binibigkas ni Gigi sa kambal.

I want peace. But i can't find it. Habang may connection pa ako sa kambal, kailanma'y di ako matatahimik.

"Good stunt. But not too good."

Nanigas ako pagkadinig sa baritonong boses ni Treven.

H-he found me?!

"So easy... Sa uulitin... Gumamit rin kayo ng prosthetic."

Naramdaman ko ang pag hawak ni Gigi sa aking nanlalamig na kamay. Nanatili pa rin akong nakatalikod sa lalaki. Ayaw ko siyang makatitigan o makita man lang.

"Gigi?" may pagtatakang tanong ng kasama ni Treven kay Gigi.

Nakita ko sa aking peripheral vision ang mabilis na pag iling ni Gigi.

"Yes you are! You're Dionysus' ex right?"

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagdiin ni Gigi sa pagkakahawak sa aking kamay.

"Nagkakamali ka, iho." medyo pinalaki ni Gigi ang kanyang boses.

"That stunt won't work on me." natatawang pahayag nito.

"Stop it now Lorus. We're not here to piss a lady. We're here to have my woman back."

My woman... His an ass!

"Hindi niyo siya makukuha." ngayon ay bumalik na sa pambabae ang boses ni Gigi at inalis na rin niya ang suot na wig at sunglasses. Nadinig ko pa ang pagsinghap ng isang lalaki.

"Gilliana..."

"Fuck off Lorus! At ikaw!" bigla akong humarap nang maramdaman ko ang pagbitaw ni Gigi sa akin. Agad kong hinawakan ang kanyang braso nang sugurin niya ang nakangising si Treven. "You don't have the right to own Melarie! Tandaan mo! Kasal siya sa kapatid mo! Hinding hindi siya mapapasayo!" galit na sigaw ni Gigi. Buti na lang at walang masyadong tao dito sa lugar na aming kinaroroonan.

Nakita ko ang biglang pagblanko ng mukha ni Treven. And slowly, his eyes became darker than the usual. He gave Gigi a warning look that made my friend step back a little.

"T-treven... Please...stop this craziness." pagmamakaawa ko. I finally removed my wig and sunglasses and placed myself infront of Gigi. "Tama na."

"This isn't craziness. Akin ka. I just love you so much kaya umaabot ako sa ganto. I just want you for myself. I just want you to return the feelings that i have for you..." his eyes glisten. His face softened.

Napasinghap ako.

Is he crying?

Umalis ang ilan sa kanyang tauhan na sinenyasan ni Lorus na umalis.

"Masakit na Melarie. Naging mabait na kaibigan ako sa iyo noon, hoping you'll see me as a man with kindness and loyalty na pwede mong mahalin anytime. I let my brother like you, knowing na hindi mo siya magugustuhan because he is too far from the man you dreamed to have, ako. Ako ang ideal man mo. Pinilit ko ang sarili ko na wag siyang bugbugin sa tuwing hinahawakan niya ang kamay mo...dahil...dahil alam kong magagalit ka sa akin. You'll stay away from me and leave me. Ginawa ko ang lahat para mapansin mo ako bilang lalaking handang sumalo sayo... But you kept on ignoring my sincere feelings, palagi mo akong pinapahirapan...sinasaktan. You... You're the one who made me to be like this. You brought us here to this situation. And i am not turning back now... Now that i have you cornered."

The anger he is feeling resurfaced. Biglang bumangis ang kanyang aura. His moisting orbs turned to me like a ball of fire... Fueled with so much dissapointments and hatred.

Pero may isa akong emosyon na naaaninag sa asul niyang mga mata.

Hope.

Hope for what?

Bigla siyang umabante at pilit akong hinahabol. "Akin ka lang." he said, dangerously.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Gigi sa aking likuran.

"Sorry, nadamay ka pa." mahina kong bulong kay Gigi.

"Come now love...and your friend will remain... Unharmed."

Natatakot ako.

Natatakot ako hindi para sa akin, kundi para sa kaibigan ko. Treven is a man of his words. Walang dudang maaaring saktan niya talaga si Gigi.

I don't have the power and will to protect my friend. Wala.

He got me cornered. Ano pang magagawa ko para labanan siya? He has dozen of men frolicking around. In one bad move, baka mapatay ang kaibigan ko.

"S-sige... Sasama ako." hinawakan ni Gigi ang braso ko. Showing her protest. "Let my friend go...and let me see my sister once na nasa maynila na tayo."

He grinned at me then nod his head.

There's no turning back now. I've made a decision.

"Come to me my Love... And feel the warmth of my hug."

I have no other choice but to do what pleases him.

I guess... No matter how hard i try to escape from this devious monster, i'll just end up back to his arms again.

To this Mafia Lord.

The twin brother of the person whom i truly love.

✴✴✴

A/N: "The end is near." 😊

Salamat sa mga nagsusuporta sa storyang ito. 😊 I'm doing my best to finish this story.

Continue Reading

You'll Also Like

726K 14.3K 41
A dominating Lord that would only bow down to his angel.
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
130K 2.3K 54
My breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Paran...
36.4K 1.2K 23
(3) CAROLINA VALERINA x JAVIER OLIVER