The Unrequited Love (MayWard...

Από MariaAyagil

84K 4.9K 2.2K

[COMPLETED] Genius, gwapo, sikat at mayaman that's how other people describe Jared James Mendiola. At isa na... Περισσότερα

The Unrequited Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Not an Update
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
SK1: Francis and Nicole
SK2: Jibbson and Jessica
SK3: Tanner and Chantal
Wakas
FAQ

Kabanata 33

1.4K 108 144
Από MariaAyagil

"PA, aalis na po ako." Paalam ko kay papa habang dala dala yung paglalagyan ko ng palaka at isang sibot.

"Mag-ingat ka ha."

"Opo!" Humalik ako sa pisngi ni Papa bago ako tuluyang lumabas ng bahay.Pagkalabas ko ng gate nanlaki ang mata ko ng makita ko doon si Jibbson na nakapangbahay lang na suot gaya ko at may dala siyang bike.

"Anong ginagawa mo dito?" Taka kong sabi.

"Wala kasi akong gagawin sa bahay kaya naisipan kong samahan ka nalang manhuli ng palaka. Okay lang ba?" Nahihiya niyang usal. Bigla naman akong sumaya sa sinabi niya. Hindi nga? Sasamahan niya ako?

"Oo naman e! Salamat!" Masaya kong sabi. Ngumiti siya sakin tsaka sumakay sa bike niya. "Sakay kana sa likod," sabi niya at minuwestra sakin ang dulo ng bike niya na kung saan pwede akong umupo.

Umupo ako doon at inayos ko ang paa ko. Inistart niya na yung bike ng mapatili ako kaya napastop siya. Muntik na akong mahulog! Ohmygosh!

Natawa si Jibbson ng tingnan niya ako kaya binato ko siya ng masamang tingin. First time kong umangkas sa likod ng bike kaya ganoon. "Humawak ka kasi sa beywang ko para hindi ka mahulog," aniya.

Ginawa ko yung sinabi niya. "Ganito ba?" Tanong ko ng pinulupot ko sa beywang niya ang braso ko.

"Y-Yup," nauutal niyang usal na ikinataka ko. Nakarating kami sa baba ng tulay ni Jibbson makalipas ang labing limang minuto. Bumaba ako sa bike at mabilis na naghanap ng palaka sa paligid.

"Oy, Venice dahan dahan ka lang diyan," paalala sakin ni Jibbson.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbaba ng mabilis sa sapa dahil nakita ko ngang may palaka doon. Bumaba din si Jibbson.

Lumusong ako sa sapa na hanggang tuhod ko lang naman tsaka dumiretso doon sa palakang nakita ko. Mabilis na kinuha ko ang sibot bago sinibot iyong palaka kaso nakatakas siya. Puro putik na din ako kaagad. Tapos biglang dumami ang palaka na nakita kaya naman pinagsisibot ko ang mga iyon nang mukha ni Jibbson ang masibot ko pagkatingin ko saking likuran. Napamura siya at natawa naman ako. Tiningnan niya ako ng masama kaya napatigil ako sa pagtawa.

"Sorry," sambit ko at nagpeace sign sa kaniya. Inalis niya ang sibot sa ulo niya. "Ako na huhuli para sa'yo." Aniya at siya na nga mismo ang nanghuli. Puro putik na din siya ngayon.

Nakapangalumbaba akong nanuod sa kaniya at halos mapatalon ako ng makahuli siya ng limang palaka. Isa lang ang kailangan ko kaya pinili niya iyong pinakamalaki tsaka siya pa mismo ang naglagay sa dala dala kong lalagyan.

"Salamat talaga!" Masaya kong sabi ng maibigay niya sakin ang lalagyan ng palaka. Ngumiti siya sakin tsaka naglakad na kami paalis nang hindi sinasadyang madulas ako bigla. Napatigil si Jibbson sa paglalakad tsaka ako dinaluhan.

"Okay ka lang?" Aniya. Puno nang pag-aalala ang kaniyang mukha. Minuwestra niya ang kaniyang kamay para mahila ako patayo pero nadulas din siya kaya pareho na kaming napahiga sa damuhan. Siya sa ibabaw ko. Nagkatitigan kaming dalawa. Gulat.

Nakita kong napalunok si Jibbson habang nakatitig sakin. Para akong naumid at hindi ako makapagsalita. Anong nangyayari sakin? Bumaba ang tingin ni Jibbson sa labi ko tsaka ulit siya napalunok. Juicecolored!

"Jibbson," tawag ko para umalis na siya sa ibabaw ko. Bumalik ang tingin niya sa aking mata at hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko doon. Linapit niya ng linapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Kalimutan mo na si Jared. Akin ka nalang, Venice." Malamlam ang mga tinging sabi niya sakin na literal kong kinanganga.

HANGGANG ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Daig ko pa ang nastartruck ng sobra. Si Jibbson Ramirez? Ang kababata ko na matalik ko ding kaibigan may GUSTO SAKIN? I can't believe it!

"May, okay ka lang?" Takang tanong ni Nic habang kumakain siya ng burger.

"Ha?" Taka kong tanong at napalingon sa gawi niya. Linunok niya yung kaniyang pagkain bago nagsalita.

"Kanina ka pa namin tinatanong pero nakatulala ka lang diyan at para bang ang lalim ng iniisip mo. Tell me nga, binubully ka ba ng mga taga class A?" Mabilis akong umiling. Alam ko maraming ayaw sakin ng mga taga class A pero hindi naman ganoon katindi na nagagawa nila akong bullyhin.

"Eh, anong problema mo para mapatulala ka diyan? Hindi mo pa nagagalaw yung egg sandwich mo." Nginuso niya yung hawak hawak kong pagkain na ngayon ko nga lang napansin na hawak hawak ko pala.

"Ano kasi..," napatigil ako. Hindi naman siguro masama kong sasabihin ko sa kanila kung anong nangyari kahapon, diba? Mga kaibigan ko naman sila at alam kong matutulungan nila ako.

Napatingin silang dalawa sakin. "Si Jibbson kasi umamin siya sakin kahapon." Mahina kong sabi.Napatili si Nicole samantalang nagulat naman si Jessica pero ngumiti din siya pagkatapos niyang makabawi sa gulat.

"You mean, umamin na siyang gusto ka niya?" Masayang sabi ni Nicole.

Tumango ako. "Tapos? Anong sinagot mo?" Tanong ni Jess.

Umiling ako. "Wala eh." Napakamot sa noo kong sabi. "Hindi ko kasi alam kung anong isasagot sa sinabi niya." Dagdag ko pa.

"Alam ko na. Nagpapatulong ka samin ni Jess kung anong isasagot mo kay Jibbson kaya yinaya mo kami no?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa tumango na ako bilang pagsang-ayon kay Nicole.

Tinitigan niya akong mabuti na para bang gusto niyang mabasa ang isip ko. "So, anong pwede kong isagot sa kaniya?" Magkahalong lito at gulo kong tanong.

Napabuntong hininga si Jess. "Wait, cr lang ako. Hindi ko na mapigilan." Aniya bago lumakad na paalis. Naiwan kami ni Nic.

"May, anong tingin mo kay Jibbson?" Panimula ni Nicole.

"Kaibigan," mabilis kong sagot. Tumango-tango siya. "May gusto ka ba sa kaniya?" Nabigla ako sa tanong niyang iyon kaya napatigil ako. May gusto ba ako kay Jibbson? Sa tingin ko wala naman. Talagang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya.

Umiiling ako. "Wala, Nic." Mahina kong tugon.

Tumango tango ulit siya. "Anong sabi niya pagkatapos niyang umamin sayo?" Para siyang detective kung makaenterview.

"M-Maghihintay daw siya ng sagot ko."

"Kung gusto ka niyang ligawan papayagan mo ba siya?" Tanong ulit ni Nic habang hindi inaalis ang tingin saking mukha.

Napatigil ako. Papayagan ko ba siya? Ewan ko. Hindi ko alam.

"Hindi ko alam."

Napakunot noo siya at bumuntong hininga. "May, kung ako sayo pag-isipan mo munang mabuti ang sinabi ni Jibbson. Wag mo muna siyang kausapin hanggat hindi ka pa talaga sigurado sa isasagot sa kaniya. Wag kang padalos dalos. Alam kong makakapaghintay din si Jibbson. Pero ngayon, mag-isip ka muna ng mabuti." Seryoso niyang sabi.

"Ayoko siyang saktan, Nic." Mahina kong tugon. Totoo iyon. Ayokong ireject si Jibbson dahil alam ko ang feeling ng mareject, masakit. Kaibigan ko siya at hindi ko maatim na saktan siya.

"Siguro naman maiintidihan niya kung ano mang maging desisyon mo." Ani Nicole. Hidni na ako nagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nagtime na rin pero hindi pa din bumabalik si Jessica kaya naman kinuha na ni Nicole ang kaniyang bag para puntahan siya. Hindi na din ako nakasama kay Nic sa pagsunod kay Jess dahil dumiretso na ako ng laboratory room kung saan kanina pa pala ako inaantay nina Chantal at Jared.

"What took you so long?" Iritang sambit ni Chantal pagkasuot ko ng puting uniporme na pang scientist. Para daw feel na feel namin ang gagawin naming experiment.

"Sorry, natagalan ako sa pagkain." Sabi ko. Umarko ang kilay niya at tumaas. Naipagpasalamat ko na nagsalita na si Ma'am Valdez ng procedures ng experiment na gagawin namin kaya nakuha niya ang attention ng lahat at hindi ako napagsabihan ni Chantal.

"Now, bring out your materials," sabi ni Ma'am Valdez. Nakaayos na lahat ng materials sa bawat table namin. "Where's the frog?" Mataray na sabi ni Chantal sakin. Napakislot ako at tinungo ko ang aking bag para kunin doon ang lalagyanan ng palaka.

Pero nakakailang halungkat na ako ng bag ko hindi ko pa din makita ang pinaglagyan ko ng noon. Sure ako nandito lang iyon, eh. Hindi ako pwedeng magkamali. Inilagay ko iyon sa bag ko kanina.

"Asan na? Nakalimutan mo? My gosh Venice! You're so irresponsible!" Inis na sambit sakin ni Chantal. Gusto ko tuloy mapaiyak nang hindi ko talaga makita yung pinaglagyan ko ng palaka. Asan na ba kasi iyon?

"Problem?" Ani Jared na lumapit na din sa tabi ni Chantal.

"Ay naku, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko na sana siya sinasama sa grupo natin." Nakasimangot na sabi ni Chantal habang nakacross armed pa.

Gusto ko nalang maglaho sa paningin nilang dalawa. "Calm down," mahinang sabi ni Jared kay Chantal. "Nakalimutan mo ba talaga?" Tanong niya sakin.

"Nakalimutan ko nga ata. Sorry." Gusto kong maiyak sa halo halo kong nararamdaman. Disappointment sa sarili, inis at hiya.

"Ts! So irresponsible." Bulong ni Chantal. Yumuko nalang ako nang magsitinginan sakin ang mga kaklase kong nakarinig sa kaniya. Tumulo ang luha ko sa mata. Ang tanga mo kasi, Venice! Sa lahat ng pwedeng makalimutan iyon pang kailangan sa experiment.

"Excuse me, Ma'am!" Anang boses na kumatok sa pintuan.

"Yes?" Sabi ni Ma'am Valdez.

"May I excuse, Venice Martinez?" Napatingin ako sa pinto ng sabihin ng kung sino ang pangalan ko at nakita ko si Jibbson na prenteng nakatayo doon habang nakatitig na sakin.
"Why?" Napataas nag kilay ni Ma'am Valdez.

"Ibibigay ko lang po ito sa kaniya," aniya sa magalang na tono at pinakita ang pinaglagyan ko ng palaka ko na kung saan lumulundag lundag pa ang laman noon. "Naiwan niya po kasi."

Tumango si Ma'am Valdez kaya napalakad ako papunta kay Jibbson. Nakita ko siyang napangisi sakin. Gusto ko tuloy siyang yakapin sa galak dahil sinave niya ako ngayon.

"Anong nangyari sayo? Bat ka umiiyak?" Aniya at hinila ako ng kunti para makalabas kami ng laboratory. Hinawakan niya ang aking mukha at pinahid ng kaniyang thumb finger ang luha ko saking mga mata.

"Naluha ako sa saya. Salamat." Sabi ko. Ngumiti ako sa kaniya.

"Akala ko binubully ka na naman ni Chaka," sagot niya. Nalito naman ako.

"Sinong Chaka?" Takang tanong ko.

Ngumuso siya sa loob at nakita ko si Chantal na kausap ni Jared at para bang nag-aaway sila.

"Chantal ang pangalan nun," pagtatama ko sa sinabi niya. Nagkibit-balikat lang siya. "Wala akong pakialam," inabot niya sakin ang palaka. Gusto ko pa sanang itanong kung papano niya nakuha ito pero tinawag na ako ni Jared.

"Hanggang kelan n'yo balak mag-usap? We need the frog now," masungit niyang sabi. Nagpaalam tuloy ako kaagad kay Jibbson pero mabilis niya akong hinatak bago ko pa man siya talikuran at hinalikan niya ako sa noo. Nagtaka ako sa ginawa niya. Ngumisi siya sakin. "Bayad sa pagdala ko ng palaka mo," aniya at umalis na.

Napailing nalang ako bago tumalikod at nakita kong nakatayo pa pala doon si Jared. Mataman lang siyang nakatitig sakin.

"Ahm, pasok na ako." Sabi ko bago nauna nang pumasok sa kaniya sa loob ng laboratory daladala ang palaka. Ang sarap sigurong isampal ito sa pagmumukha ni Chantal no?

✨✨✨


MariaAyagil💕

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

1.5M 1.6K 2
Book 1 of My Wife Billionaire Wife Written by SinyoraKate Date started: 07/20/2014
135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
Crazy Over You √ Από Nayakhicoshi

Εφηβική Φαντασία

69.2K 2.1K 36
Lalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled...
36.1K 1.4K 81
Dati nang may gusto si Jes kay Draco Lyndon Armani. Isang model ng sikat na underwear. Isang araw, naglakas loob siyang mag-confess sa binata. Sa mes...