Chapter 12
Jillian's POV
"Thank you, Jillian! Ang bait mo talaga!" one of my classmates exclaimed. Hyped lang masyado?
"As if namang may choice ako, 'di ba? Bakit ba kayo ganiyan?" iritableng sagot ko.
"Hihi. Start na tayo ng practice niyan sa mga susunod na araw," anunsyo niya.
"Okay, noted," wika ko. Umalis na siya pagkatapos kaya nakakain na ako ng mapayapa.
Siniko ako ni Mitch at humagikgik ito. "My charms are working. I so love myself!" wika niya.
Inirapan ko siya dahil sa sinabi niyang iyon. "Shut up, okay? You got what you want. Please lang, I want solitude," hayag ko.
"Wow, as if naman na sobrang abala ako sayo." She giggled. "I'm just happy na pumayag ka na. Grabe, akala ko kailangan pa naming lumuhod para lang mapa-oo ka."
I rolled my eyes. "Inuulit ko, wala akong choice. I was on the fence, caught off guard. Do you think I can retaliate?"
"No. Kaya nga ang saya, 'di ba?" tumatawang wika niya.
Babatukan ko sana siya pero natigil ang tangkang pananakit ko sa kaniya nang dumating sina Guian. Panira talaga sila ng araw kahit kailan.
"Yow, Jill," aniya.
Pinagmasdan ko si G. "Hey," bati ko.
"Late lunch?"
I nodded. "Kayo ba? Naglunch na kayo?"
"Ah, yes. Pauwi na dapat kami, eh. Kaso nagutom ako."
"G, hobby mo ba ang magutom?" pagbibiro ko.
"Medyo," tumatawang sagot niya. Nabaling ang tingin ko sa kasama nilang kanina pa hindi umiimik. Ano bang problema ng isang 'to?
Ngumuso ako sa kaniya, kaya tumawa si G. "Pardz," tawag niya kay Cyrus.
"What?" he asked, annoyed na naman ang mukha niya. Cute naman siya ngumiti—eew, okay. I mean bagay naman sa kaniya ang pagngiti bakit hindi niya dalasan, hindi ba? Yes, I get embarrassed when he does it, pero wala naman akong sinasabing hindi na puwede. Psh. Magulo ako. Ewan.
"Order na tayong pagkain," ani ni G.
"Ibili mo na lang ako, tinatamad ako."
"Ge, wait lang." Umalis na silang dalawa ni Japh at naiwan kaming tatlo dito. Tahimik lang ako the whole time. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko, eh.
"Cyrus," lakas loob na utal ko.
"Ano?" iritableng sagot niya.
"Napaka-high blood mo naman. Kumalma ka, okay? Para kang papatay palagi," sambit ko.
He let out a sigh. "Why?" kalmadong tanong niya.
Thank God, he should know how to handle his temper.
"Salamat pala doon sa pagperform niyo sa Bistro. Naalala ko lang kasi na hindi pa ako nakakapagpasalamat formally. You guys saved me. I owe you something."
"Tss," tanging sambit niya. Blangko pa rin ang kaniyang ekpresyon. Fine. Fine. If he doesn't want to talk then I'll have to take that.
--
Magkahiwalay kami ni Mitch noong mag-uwian na, may practice pa kasi sila, eh. Habang pauwi na ako, nakasalubong ko si Cyrus.
"Cyrus," tawag ko sa kaniya.
Humarap naman siya sa akin. Wow, has the table turned? It's a miracle that he's not pissed. Wow.
"Yes, Miss?" tanong niya.
"Akala ko kanina pa kayo umuwi?"
"Bakit ka ba nangingialam ng schedule?" kaswal na tanong niya.
"Hindi naman ako nangingialam, ah! Nagtatanong lang ako. Hindi ba pwedeng curious lang?"
"You know what, you're too loud," aniya. He even yawned in front of me, like I'm making him all bored. Tss. Is this guy familiar with manners?
I grinned evilly. "And you know what? You have this annoying habit called breathing." I told him with much boldness.
Ngumisi siya. "I'd like to annoy you through living awesomely then. Piss be with and may never leave you," he said while grinning.
"Nakakairita ka ah!" Hinampas ko ang kaniyang balikat.
"Bakit ka ba nananakit?!"
"Nakakaasar ka kasi, eh. Para kang bading, bakit mo ba ako inaaway?!" I ranted.
"Ikaw naman para kang lalaki, ang lakas mong manghampas," reklamo niya habang hinihimas ang kaniyang balikat. Para iyon lang, kung mag-inarte naman siya daig pa niya ang babae.
"Ikaw kasi, eh. Please be good to me, okay? Makakasama kita ng matagal. Utang na loob, Cyrus. Don't make my life miserable."
"I can't promise that."
"Just avoid hitting a nerve, will you?"
"If I miss, then, good for you. If I don't, then, need I to apologize in advance?" He asked casually.
I buried my face on my palm. He's way too annoying. Really. Really! Nakakairita na siya talaga. Good heavens, what kind of tough luck is this?
"Anyway," he supplied. "Gusto mo bang manuod ng concert?" tanong niya sa akin.
"Huh?"
"Bingi," iritableng sagot niya.
"Hindi ko kasi narinig, eh. Paulit naman."
"Sabi ko kung gusto mo bang manuod ng concert sa TS? May tickets kasi ako, eh."
"May sakit ka ba?!" Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon. "Bakit mo ako yinayaya? May plano ka bang patayin ako along the way? Tell me . . . is this a trap? Human trafficking ba iyan?!" dire-diretso kong tanong.
He laughed. "Crazy," aniya.
He's even laughing. Bipolar talaga. Minsan masungit, minsan nakatawa. Nakakaasar kasama ang isang 'to, baka masiraan ako ng ulo. And imagine, I'll be with him until we finish the prod. Hi, torture, see you real soon. Tss.
"Seryoso kasi ako."
"I know. And I am, too. Hindi ba sinabi ni Ma'am Iza kailangan daw magbuild tayo ng relationship sa isa't isa. Not that I wanted to, I'm just forced," he stated a matter-of-factly.
I grimaced. "Oo na. Napakadefensive mo naman. Kung makapagsalita ka diyan parang sukang-suka ka na makasama ako ah!" hayag ko.
"Medyo." He laughed again.
"Bipolar," I murmured.
"What?" masungit na asik niya.
"Wala, wala." I shook my head. "Aalis na nga ako." I walked past by him but he pulled my hand.
"Bastos ka ba o ano?" inis na hayag niya. "Tinatanong kita tapos tatalikuran mo lang ako?"
"Bakit ka ba nagagalit diyan?" reklamo ko.
"Kasi ikaw, eh!" inis na sambit niya. "Sasama ka ba o hindi?"
"Wow. Iba na pala ngayon, ako naman ang yinayaya mo."
He became quiet. "Fine. I'll just tear these," agad niyang wika at kinuha ang tickets.
"Hoy, teka lang," pagpigil ko sa kaniya.
"What?" annoyed na sagot niya.
"Oo na nga." Kinuha ko ito sa kaniya. "Sige, see you ha." Nakangising wika ko. Pikon talaga ang isang iyon.
Iniwanan ko na siya pagkatapos.
See you soon, Cyrus. Teka lang, bakit yata masaya ako na inimbitahan ako ni Cyrus? Psh. Subukan niya lang talaga na ma-wrong move at gigilitan ko siya sa leeg. But anyway . . . Okay na rin siguro ito, be professional, Jillian. Sundin mo na lang si Ma'am Iza. By doing this, maybe we're gonna pull things off, right?
--
"Ang tagal mo naman," wika niya nang makarating ako.
"Sorry lang. Pinaghanda ko pa kasi ng dinner iyong kapatid ko bago ako umalis ng bahay," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Magkasama na kami ngayon at papunta na kami sa concert sa TS. He's wearing denim pants and Mayday Parade shirt plus his favorite shoes Nike Fly Knit Air Max. Wow ha, handang handa yata siya para dito. Nahiya tuloy ako bigla.
He looks so simple yet so fab. Okay, don't drool, Jillian. Must. Keep. Your. Cool.
Dahil mayroong event, wala kaming masakyan kaya naman naglakad na lamang kami. Habang papunta kami sa dadausan ng event, I was just quiet. Mayroon kasing nachismis si Mitch kanina, eh. Hindi tuloy ako mapalagay.
"Have you swallowed your tongue?" tanong niya.
"Why do you care?" I rolled my eyes.
"It's just that you're creepy when you're quiet," sagot niya.
"And I loathe to hear you speaking," I hurled back.
He laughed again. "You hate me that much, do you?"
"Oo naman, tinatanong pa ba 'yan?" nakangising sagot ko.
"Too brave, until when?"
Sa inis ko sa kaniya, bumusangot na lamang ako. I can't come up with a witty reply. He got me there. Tss. I became quiet again.
"Hey," muli niyang tawag.
Ang kulit naman ng isang 'to. Kinaiinisan ko nga kapag nagsasalita siya, right? Hindi niya ba gets?
"Ano?"
"Baka gusto mong i-kuwento 'yan, nakakahiya naman kasi sa akin nagmumukha akong poste eh," sarkastikong hayag niya.
"Chismoso ka din 'no?"
"No, we call it curiosity."
"Tss. Dami mong arte." Huminga ako ng malalim. "Alam mo ba," panimula ko.
"Hindi pa," sagot niya.
I glared at him. "Kaya ko nga sasabihin kasi hindi mo pa alam, 'di ba? Nakakairita ka. Let me do the talking, please!" I yelled.
He laughed again. "What's with the hate?"
Obviously Cyrus, you are the reason behind all the hate.
I ignored his unfaceted sarcasm. "Kasi iyong playwright ng After School Drama Club . . ." panimula ko.
"What happened?" he asked.
"Ah wala lang . . . break na sila ng girlfriend niya. Nakakalungkot."
"What? Pati ba naman iyon pinagkukuwentuhan ninyo?"
"Magulat ka kapag buhay mo ang pinagkaabalahan namin," inis na sambit ko.
"Why not? Mine's interesting." He shrugged nonchalantly.
"Kapal mo talaga." Huminga ako ng malalim. "Nakakalungkot lang kasi, sayang sila," wika ko. Why am I affected? Si Mitch kasi umiiyak kanina habang kinukuwento sa akin iyon over the phone. Lame feelings! Argh! "Lack of time daw at priorities ang naging dahilan ng hiwalayan nila. Syempre kailangang magfocus noong guy sa grupo niya pati na rin sa pag-aaral niya. 'Yung girl naman masyadong sensitive at selosa sa oras. They chose to set each other free. But if I may just ask . . . ang pagmamahal ba dapat sinusuko?"
Nagulat din ako dahil sa kaniya ko ito natanong. Am I really this stupid? What if he'll laugh himself out because of it? That would be embarrassing.
"Some things are not worth fighting for," seryosong sagot niya.
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. I never thought those words will come out from his filthy mouth.
And since this one's slowly getting more and more interesting, I'll dare to ask him. I'll take it from a guy's perspective. To be honest kasi ako din hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm still trapped on my past. Just like the playwright I'm talking about, he lost the person he thought would never leave him. And he has no choice but to get it over and done with. I know that feeling. 'Yung pakiramdam na wala kang ibang option kung hindi ang maging malakas. Na para bang sinasampal ka ng mundo sa sakit pero kailangan mong iharap ang mukha mo at tanggapin ang lahat ng 'yun. Kahit mahirap, kahit nakakapunit ng puso, kahit nakakamatay sa sakit. Wala kang choice. Kailangan mong magpakatatag.
What? Why am I suddenly being emotional? Naa. Naalala ko na naman kasi ang kaibigan ko. It's been years but I'm still waiting.
"Cyrus, seryosong tanong pwede?" paalam ko sa kaniya.
"Fire away," aniya.
"Will you wait for someone?"
Kumunot ang kaniyang noo. Alam kong malabo ang tanong ko. I can't directly ask it, though. That would cost a disgrace for me. Baka masyado akong ma-obvious and again, I can't lose my guts.
"That depends. I'll ask myself, is she worth the wait?"
"Will you look for her?"
"Depende ulit." Tumingin siya sa malayo. "Minsan kasi may mga taong kusa ng lumalayo, siguro kasi masaya na sila kung nasaan sila . . . pero pwede ding ayaw ka na lang nilang makita," pagpapaliwanag niya.
I was hurt . . . I don't believe it. I know for sure he still wants to see me. I'm not sure though if he's still holding on because I am. And that's pathetic.
"May sense ka pala kausap."
He laughed. "Of course, I'm awesome." He winked at me.
Kapal. But unfortunately, you really are. And that's a wretched fact I have to swallow. Oh no.