KUBLI (Suspense-Thriller Nove...

By JuliusBergado

13.5K 90 20

KUBLI WRITTEN BY JULIUS P. BERGADO Sino ang taong nagkukubli sa likod ng isang patalim? WAG BABASAHIN NG NAG... More

KUBLI 01
KUBLI 02
KUBLI 03
KUBLI 04
KUBLI 05
KUBLI 06
KUBLI 08
KUBLI 09
KUBLI 10
KUBLI 11

KUBLI 07

1K 6 0
By JuliusBergado

Hindi pa man nakakalayo si Aling Ruth sa kwarto ni Jojo nang biglang may humawak sa balikat nito. Nagulat ito sabay humarap.
"Salvador anong ginagawa mo rito sa pasilyo? Bakit ka lumabas ng basement?"
Sumandal si Salvador sa pader at humithit ng sigarilyo.
"Gusto kong makita ang anak ko. Nami miss ko ang anak ko."
"Salvador, hindi pa ito ang tamang panahon para magpakilala sa anak mo. Bumalik ka na sa basement at baka may makakita sayo dito.
"Ano ngapalang ginagawa mo dyan sa kwarto na yan? Sinong kinausap mo?"
"Kinausap ko yung binatilyong inampon ko. may itinanong lamang ako sa kanya. Patay na ang anak ni Domeng natagpuan namin siya kaninang umaga sa 2nd floor nakahandusay sa sahig at puno ng saksak ng kutsilyo sa katawan."
"Sinong gumawa non?"

lingid kina Aling Ruth at Salvador ay may tao palang nakikinig sa pinag uusapan nila. Nagkukubli iyon sa kabilang pader ng pasilyo. Napansin ni Aling Ruth ang anino ng taong yon at natigilan ito sa pagsasalita.

"Sino yan?" ani ni Aling ruth.
gumalaw ang anino pero walang sumagot.
"Sino yan sabi!"
wala pa ring sumagot. Nagpasiya si Aling Ruth na puntahan ang taong nagkukubli.

isa...
dalawa...
tatlo!

"Sino ka? What are you doing here?" bungad ni Clarisse nang makita ang isang dalagang pumasok sa loob ng kwarto niya. Nakalimutan niyang I lock ang pinto kaya mabilis na nabuksan ng dalaga ang kwarto niya.
"Pasensya ka miss hindi ko sinasadyang pumasok dito sa unit mo. Natakot kasi ako kay Aling Ruth."
"Bakit? Ano bang nangyayari?"
"Kanina kasi naglalakad ako dyan sa labas nang marinig kong may kausap siya. Isang lalaki. Salvador ang pangalan sa aking pagkakarinig."
"Tapos?"

Bigla silang nagulat nang may isang pusang itim ang lumundag mula sa labas ng bintana galing iyon sa malaking puno ng mangga na nasa tabi ng bintana. Tumalon iyon sa ibabaw ng lamesa at nasagi non ang isang baso na may lamang tubig. Nahulog iyon sa sahig at nabasag.
Nagulat si Clarisse. Bigla siyang nakakita ng isang senaryo mula sa aparador. isang nakagigimbal na senaryo! May pinapatay! Sinaksaksak ng isang babae ang sarili nitong ina!
Tumatalsik ang mga dugo sa sahig!
Umiiyak ang batang babae habang hawak ang kutsilyo.
"Ahh! Bata please! Maawa ka sa kanya! Itigil mo yan!"
"miss anong nangyayari sayo?"
bumaling si Clarisse sa dalaga at tinulak ito palabas ng kwarto.
"Lumabas ka dito! Labas!"

sa labas.
natataranta namang naglalakad sa gitna ng pasilyo ang dalaga. Bigla nitong nakabanggaan ang isang binata na may dalang isang maleta. sa lakas ng impact ay napaupo ang dalaga sa sahig.
"Oh! I'm sorry! di ko sinasadya." tanong ng gwapo at matipunong binata. inalalayan nitong makatayo ang dalaga.
"Nasaktan ka ba?"
"Hindi naman."
"Pasensya ka na ah."
"Okay lang."
"Ako ngapala si Lenard. Isa akong Psychiatrist. And you?"
"I'm Aleli."
"Nice meeting you, Aleli." sabay lahad ng isang kamay upang makipag shake hands. Tinanggap iyon ng dalaga at ngumiti.
"Hindi ka pamilyar sakin."
"yeah. bago lang kasi ako dito. hinahanap ko itong room ko. nahihilo na nga ko ang lawak pala nitong paupahan na to. ang daming pasikot sikot." wika ni Lenard sabay ipinakita kay Aleli ang hawak nitong susi na may number ng unit.
"Ay! parang napansin ko na yang room na yan. I think kasulok sulukan yang room mo doon sa 4th floor."
"talaga?"
"oo. tara..samahan kita."

makalipas ang ilang sandali narating na nila ang kwartong hinahanap.
"yan ang unit mo." wika ni Aleli. Marahang ngumiti si Lenard.
"Thanks."
"you're welcome."
akmang ipapasok na ni Lenard ang susi sa door knob nang biglang may napansin itong anino na dumaan sa fire exit.
"Bakit Lenard?"
"Para kasing may napansin akong dumaan na anino doon sa fire exit."
"ah, guni guni mo lang yon. huwag mo na lang pansinin. " nangingiting wika ni aleli but deep inside ay natakot ito hindi lang nito ipinahalata sa binata.
"Sige lenard aalis na ko baa kasi kanina pa ko hinahanap ng kasama ko."
nagmamadali ng umalis si Aleli.
"Aleli sandali--"
huminto si Aleli. Nilingon ang binata. "Bakit?"
"Alam mo kakaiba ang pakiramdam ko dito sa paupahan na to. Parang may misteryong bumabalot dito."
"ano ka ba talaga? psychic or psychiatrist?"
marahang ngumiti si Lenard at naging seryoso din ito.
"May kakayahan ako na makaramdam ng mga bagay na hindi maipaliwanag. tulad dito..may nararamdaman ako.."
bumakas sa mukha ni Aleli ang takot at tumingin tingin sa paligid.
Bigla siyang kinilabutan nang makaramdam ng malamig na hangin na dumampi sa katawan niya. Naalala niya ang duguang katawan ni Mariz habang nakahandusay ito sa sahig at nakadilat pa ang mga mata.
"Aleli mag iingat ka." wika ni Lenard.
"Huwag mo nga akong takutin."
"hindi kita tinatakot. binabalaan lamang kita."
nasapo ni aleli ang dibdib. ang lakas ng kabog ng dibdib niya. kinabahan siya. dahil doon ay nagpaalam na sya kay lenard. naiwan namang nakatayo si lenard sa labas ng pintuan at pinagmamasdan si aleli papalayo pagkatapos ay tumingin sa paligid at nakiramdam.

Pagsapit ni aleli sa pasilyo ng 2nd floor sandali itong natigilan at tumingin sa pambisig na relo upang alamin ang oras. Ang bilis ng oras hindi niya namalayan. Mag aalas tres na ng hapon. Nagpatuloy siya sa paglalakad. wala siyang nakakasalubong na ibang tenant. ang tahimik.
Malapit na niyang marating ang kabilan pasilyo nang biglang may sumitsit sa kanya. Huminto siya. Lumingon. Walang tao. Naglakad siya muli lalong kumakabog ng malakas ang dibdib niya doon pa naman sa floor na iyon pinatay si Mariz. Muli niyang naalala ang duguang karawan ni Mariz. nakadilat iyon at tila nakatingin sa kanya.
Pssst!
di niya pinansin ang sitsit
tuloy siya sa paglalakad.
Psst! Huminto siya pero hindi na siya lumingon. Nakiramdam siya. Pumikit. Nararamdaman niyang may tao sa likuran niya. Unti unting tumagaktak ang pawis niya dahil sa lakas ng kaba niya. Nangingilid na sa mga mata niya ang luha dahil sa takot.
muli na naman niyang naalala ang duguang katawan ni Mariz. nakatingin iyon sa kanya.
Hindi niya alam na may taong nakatayo na sa kanyang likuran. Nakasuot ito ng itim at maluwag na damit. sayad sa sahig ang laylayan at may hawak na patalim. unti unting ito lumalapit kay Aleli.
siyang paglingon ni Aleli.
Napasigaw siya sa gulat nang bumungad sa kanya ang isang nilalang na naka maskara. Umangat sa ere ang hawak nitong kutsilyo pasaksak sa mukha niya wala siyang nagawa kundi ang sumigaw!
tumawa ang nilalang na nakamaskara. at mabilis na inalis ang suot na maskara.
"Okay ka lang?" natatawang tanong ni Jenny sa kaibigan.
hindi kagad makpagsalita si Aleli. takot na takot pa din ito at namumutla.
"Bwisit ka! muntik na akong atakihin sa puso sa sobrang takot! namamaos na nga ako pinasigaw mo pa ko! bwisit ka talaga!"
"Haha! ano ka ba hinahanda ko lang naman yung sarili ko para sa darating na halloween party sa trabaho ko no." natatawang sagot ni Jenny. sabay iwinasiwas sa ere ang kutsilyo.
hindi na muling kumibo si Aleli. nasapo na lamang nito ang suot na short at napayuko.
"girl, naihi ka sa short mo. haha! omg! effective na pala akong killer sa mga horror movie. haha!"
"eh sira ka pala sino ba naman ang hindi maiihi sa ginawa mo? mabuti na nga lang hindi ako hinimatay sa takot."
"Haha! kadurdur ka naman girl. Saan ka ba nanggaling? kanina pa kita hinahanap. Kaloka ka! halikana nga! magpalit ka ng short mo haha!"

"Saan ba nangyari ang krimen?" boses iyon ng isang lalaki na nagmumula sa kabilang pasilyo.
Natigilan sina Jenny at Aleli.
"May mga dumarating!" ani ni Aleli.
"Eh ano naman?" sagot ni Jenny.
"Gaga! Tingnan mo nga yang suot mo!"
"Asus! wala yan pakialam nila."
"Tara magtago tayo dali!"
"saan naman aber?"
Nagpalinga linga muna sa gawi ng hagdanan si Aleli. At mabilis na hinila si Jenny.
Wala ng nagawa si Jenny. Pilit silang nagkubli sa malalaking bariles ng hagdanan at nakinig sa usapan ng mga taong naglalakad sa kabilang pasilyo.

"Ahhhh!"

Natigilan ang pulis pati ang lalaking kausap nito na walang iba kundi si Mang Domeng. Dali daling tumakbp ang dalawang lalaki patungo sa pinagmumulan ng malakas na sigaw.

"Bakit kayo sumisigaw?" tanong ni Mang Domeng. Bakas sa mukha nito ang kursiyodad.
"May nakita po kaming anino na tumakbo doon sa first floor papunta sa may cr malapit sa apartel ni Aling Ruth." sagot ni Jenny habang namumutla sa takot.
"Baka ang killer na yon!" sabat naman ni Aleli.
"Dyan lang kayo. aalamin ko lang." wika ng pulis. inilabas nito ang baril at matapang na pinuntahan ang lugar na tinuro ng dalawang dalaga.
"Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod."
"Sige sarhento. Mag iingat ka." paalala ni Mang Domeng.
Mag isang tinungo ng pulis ang lugar na sinasabi nina Jenny at Aleli. Sa dulo iyon ng koridor na malapit sa apartel ni Aling Ruth.
Tahimik ang buong paligid.
Bagamat kinakabahan ang pulis ay lakas loob pa rin itong pumunta ng comfort room.

Nasa labas na ito ng pintuan ng cr. Nadatnan nitong bukas ang cr, tumuloy ito sa loob at inihanda ang baril kung saka sakaling may biglang sumunggab sa kanya. Panay ang patay sindi ng ilaw. Walang tao. Nakaharap sa salamin ang pulis at nakikiramdam. Hindi nito namalayan na unti unting sumasara ang pintuan ng banyo hanggang sa nag locked iyon. Napalingon ang pulis. Lumapit sa pinto. Hinawakan ang door knob para buksan ang pintuan subalit naka locked iyon. Maya maya ay may bigla na lamang na pumalo sa ulo nito. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ay napaluhod ang pulis at nasapo ang ulo.
Biglang lumapit ang nilalang na may hawak na kutsilyo at sunod sunod na inundayan ng saksak ang pulis. Humandusay sa sahig ang katawan nito. Wala ng buhay at naliligo na sa sarili nitong dugo.
Mabilis namang tumakas ang salarin.

"Diyos ko! May pinatay na naman ang killer!" wika ni Jenny nang makita nila ang bangkay ng pulis sa loob ng cr.
"Anong ginagawa nyo dyan?" sabat ng isang boses mula sa kanilang likuran. Napalingon sina Jenny at nakita nila si Aling Ruth.
"Bakit kayo naririto?" usisa muli ng matandang babae.
"Aling Ruth, may pinaslang na naman po!" nauutal na tugon ni Aleli. Napakunot ng noo si Aling Ruth hanggang sa napansin nito ang mga dugong dumadaloy mula sa loob nh banyo.
"Diyos ko!"
"Isa siyang pulis. Kinuha ko siya para mag imbestiga sa pagkamatay ni Mariz." Sabat ni Mang Domeng. Napabaling ng tingin kay Mang Domeng si Aling Ruth. Siyang pagdating naman ni Clarisse. Humahagikgik pa ito ng tawa habang may kausap sa cellphone. Natigilan ito.
"Ano hong---" hindi na naituloy ni Clarisse ang sasabihin nang maagaw ang atensyon niya sa mga dugong nagkalat sa sahig. Nahintatakutan siya. Maya maya ay nagulat si Clarisse nang makakita ito ng isang anino mula sa fire exit katabi ang lihim na pintuan patungong basement.
"Aling Ruth, may tao po roon!" sabi ng dalaga sabay itinuro ang sinasabing lugar. Sabay sabay na lumingon sina Aling Ruth pero wala na ang anino.
Matagal na hindi umimik si Aling Ruth, alam kasi nito kung sino ang nagmamay ari ng anino na iyon.
"Halikana Aleli bumalik ba tayo sa unit natin." yaya ni Jenny. Takot na takot namang tumango si Aleli. Ilang sandali pa ay umakyat na sila ni Jenny sa itaas.
Kasalukuyan namang pababa sa ground floor si Lenard. Nakita nito sina Mang Domeng, Aling Ruth at Clarisse na naroon sa gitna ng hallway. Na curious ito, at lumapit ito sa mga iyon.
"Kumusta po kayo." bati nito sabay binalingan si Clarisse.
"Sige po Aling Ruth, aakyat na po ako." paalam niya.
Hindi na ito pinigilan ni Aling Ruth.
"Anong ginagawa mo dito iho?" tanong ni Mang Domeng habang pinagmamasdan nito ang binata mula ulo hanggang paa.
"Nililibot ko lang po itong apartment"
"Aba'y iho malaki ito. Mapapagod ka lang, mabuti pa ay bumalik ka na sa unit mo. Sige na." wika ni Aling Ruth.
"Pero---" ani ni Lenard nang mapansin din nito ang mga dugo sa sahig.
"Bakit ho may mga dugo dito?"
Hindi kaagad nakaimik sina Aling Ruth at Mang Domeng.
"Bakit ba ang dami mong tanong iho? Usapang matanda ito, kung maaari ay umakyat kana sa itaas. O kaya ay iwan mo na lang kami dito. Tsaka huwag mong isipin yang dugo wala yan."
Hindi kagad umimik si Lenard. Maya maya ay nagpaalam na ito sa dalawa at iniwanan ang mga iyon, subalit lingid kina Aling Ruth at Mang Domeng ay nagkubli ang binata sa kabilang pasilyo at maigi nitong pinakinggan ang usapan ng dalawang matanda.
"Anong gagawin natin sa bangkay?" tanong ni Mang Domeng.
Napakunot noo si Lenard. Na curious sa narinig. Lalo tuloy siyang nakinig ng mabuti sa pinag uusapan ng mga ito.
"Sandali lang at kukuha lang ako ng sako sa kwarto ko. Itatapon na lang natin ang bangkay sa may ilog, malapit lang naman iyon dito. Walking distance lang."
Umarko ang isang kilay ni Mang Domeng.
"Ano? Nahihibang ka na ba? eh kung may makakita sa atin? edi nalintikan na!"
"ikaw ang may kasalanan nito! Kaya huwag kang magrereklamo dyan! Kung hindi ka nagdala ng pulis dito wala ka sanang problema."
Hindi nakaimik si Mang Domeng.
Sandali namang nag isip si Aling Ruth.
"alam ko na."
"anong gagawin natin?"
"itatago natin ang bangkay sa basement."
Ngumiti si Mang Domeng pagkatapos ay binuhat na nito ang bangkay at isinilid nila ni Aling Ruth sa sako.
"Sa susunod pag isipan mo muna lahat ng gagawin mo."
Lumakad na ang nga ito at tinungo ang daan patungo sa basement. Palihim namang sumunod sa dalawang matanda si Lenard. Inantay muna ng binata na tuluyang makababa ng basement ang dalawang matanda saka siya sumunod at ingat na ingat na makagawa ng anumang ingay.

Continue Reading

You'll Also Like

40.5K 3K 24
Daisy is plagued by nightmares she can't understand. Little does Daisy know, she's not the only one getting them.
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
9.4M 396K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...