KUBLI 04

1.2K 9 15
                                    

Bumukas ang pinto, ikinuwadro non si Mariz. Umiiyak habang sapo ng kanang kamay ang bibig at sapo naman ng kaliwang kamay ang buhok. Nagmamadali itong tumakbo at nabunggo siya.

"Sorry miss, di ko sinasadya."

Nagkatinginan sila ni Mariz sa isa't-isa. Bigla na lamang ang guhit ng malalim na linya sa kanyang noo. Siyang sumunod na lumabas sa kwartong iyon si Mang Domeng. Nang makita ito ni Mariz tuluyan na itong tumakbo palayo. Tumingin naman sa kanya ang matandang lalaki. Halos mahintatakutan siya ng makita niya ang itsura nito. Nanlilisik ang mga mata nito. Galit na galit.Nasapo niya ang dibdib, Sabay kumaripas siya ng takbo patungo sa kanyang unit. Mabilis niyang hinanap sa loob ng shoulder bag ang susi. Napamura siya ng hindi niya iyon makapa sa loob ng bag. Nasan ka ng susi ka?! sigaw niya sa isip. Nanginginig na siya sa takot! Nasapo niya ang bibig dahil muntik na siyang mapatili ng makitang nilalapitan siya ni Mang Domeng. Ang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Tanging yabag na lamang nito ang naririnig niya nung mga sandaling iyon. Wala na siyang marinig na iba pa.

ayan na!!

ayan na si Mang Domeng!!

"Ahhh!!"

sumigaw na siya. Habang sapo ang ulo na halos mabaliw na sa takot.
..............................................................................

"Iha, Iha, uminahon ka!" wika ng lalaki. Hawak siya nito sa balikat at pilit na pinakakalma.

"Please! Huwag nyo po akong idamay! Parang awa nyo na!" naiiyak na siya.

"Shhh, stop crying iha, hindi kita sasaktan."

Unti-unti siyang tumigil sa pag iyak. Sabay tumingin sa kaharap.

"Ako si Mang Domeng. Anak ko si Mariz."

Hindi siya kagad nakaimik. Napatingin siya ng mariin sa mga mata ng lalaki pagkatapos ng ilang sandali ay bigla siyang napaatras.

Hindi siya makapagsalita. Nagtataka naman ang lalaki sa ginawa niya, akmang hahawakan siya nito nang bigla siyang tumakbo papasok ng kanyang kwarto. Mabilis niyang pinagsarhan ng pintuan si Mang Domeng.

"Iha, buksan mo itong pinto! please! huwag kang matakot sa kin!" patuloy siya nitong kinakatok subalit hindi niya ito pinagbubuksan ng pintuan.

KUBLI (Suspense-Thriller Novel)Where stories live. Discover now